Sunday, April 17, 2016

Baaaaaaah

Isa sa mga partikular na characteristics ng tupa ay ang paglalakad lang ng pasulong at hindi sila marunong lumakad ng paurong or sideways. Kaya nga ang Greek word for “sheep” is “πρόβατον” na ibig sabihin ay “forward-walking”. Another katangian ng tupa ay yung pagiging faithful sa kung anu man na nakagisnan niyang tunog o pamamaraan ng pagtawag sa kanya ng kanyang amo, ng nagpapastol. Usually sa isang herd, may isa o ilan sa kanila na may kalembang sa kanyang leeg para ung tunog na iyon ang susundan ng mga iba pang tupa. Nung nasa Spain ako, I had the chance to stay sa aming youth center na nasa paanan lang ng bundok at may mga sheep herds sa paligid at gayun din sa tuktok ng bundok na lagi kong inaakyat. And since ako'y isang dakilang pasaway, ninais ko one time, twice, thrice na guluhin ang mga dumadaan na tupa or ang mga nananahimik na mga tupa sa damuhan. Kung sa bikol pa "inabutan ning pagkadurdimunyu". Just for an experiment lang naman to see whether its true na di makikinig sa akin ang mga cute na tupa. Well, its true. They all just ran away from me. Yung iba naman ay deadma lang. Pinagtawanan lang ako ng pastor.

Ang mga kambing naman on the other hand, ay halos parehas sa sheep sa laki at aspeto. Pero ang pinagkaiba ng kambing ay usually iba't-iba ang kulay nito at may sungay na tamang tama sa ugali ng mga kambing. Dahil ang kambing ay hindi lahat ng oras nakikinig at sumusunod sa kanyang pastor. Burara, malikot, parang sumasayaw ng cha-cha paminsan, at susuwagin ka kapag nilapitan mo ito. At madalas sumasama kahit kanino. Kaladkarin. Kaya nga ang mga Kastila, ang tawag nila sa mga matitigas ang ulo o sa mga taong pasaway o sa mga nangangaliwa, etc ay cabrón, And the word itself is a vulgar word, just in case you do not know.

We are presented this Sunday with the text from Jn 10:27-30 na mas maiintindihan natin ang buong contexto nito babasahin natin ang buong Chapter 10 ng John. Eto kasing 27-30 ay mga katagang sinabi ni Jesus sa tanong sa kanya: “How long are you going to keep us in suspense? If you are the Messiah, tell us plainly” (Jn 10:24). Ang text natin ngayon ay isang sagot na naging insulto para sa nakarinig kung kaya't sa verse 31 ay sabi "The Jews again picked up rocks to stone him." The whole chapter speaks about the Good Shepherd and it starts by saying that "whoever does not enter a sheepfold through the gate but climbs over elsewhere is a thief and a robber. But whoever enters through the gate is the shepherd of the sheep. The gatekeeper opens it for him, and the sheep hear his voice, as he calls his own sheep by name and leads them out. When he has driven out all his own, he walks ahead of them, and the sheep follow him, because they recognize his voice. But they will not follow a stranger; they will run away from him, because they do not recognize the voice of strangers.” The sheep will only listen to his voice.

LISTENING TO THE VOICE. There are a lot of strange voices around us. Voices sometimes would just lead us astray, to lose our way. Listening is a very important act all throughout the Bible. Because actually the opposite of it is SIN or DEATH. Remember ADAM and EVE? They have listened to the VOICE OF THE SERPENT who asked the woman, “Did God really say, ‘You shall NOT EAT FROM ANY of the trees in the garden’?” (Gen 3:1). The serpent DISTORTED the Word of God. Tingnan ninyo maagi ang kaibahan ng sinabi ng Dios sa pagkaformulate ng ahas: “You are FREE TO EAT FROM ANY of the trees of the garden EXCEPT THE TREE OF KNOWLEDGE OF GOOD AND EVIL. From that tree you shall not eat; when you eat from it you shall die” (Gen 2:16-17). Resulta: si Ate at si Kuya na kick-out sa garden. Kapag hindi kasi tayo nagiisip in front of a situation, (fast to hear but not slow to decide) we tend to forget to analyze first the situation or the problem at basta nalang din tayo sumasabak. Tapos kapag may nag advice na mali naman, yun na. Kaya tayo napapahamak kasi iba ibang boses ang ating pinapakingan. In the end magsisisihan.

Remember what happened to the people who did not listen to the message of God that Noah had announced? Remember what happened to Pharaoh’s people when he did not listen to the plea of the Hebrews? Remember what happened to the Jews in the dessert when they did not listen to Moses? Remember what happened to the wife of Lot when she did not follow the instructions during their flight while Sodom and Gomorrah is being destroyed? etc. etc.


A sheep is like a child told to stay away and not to talk to strangers
We have to listen only to the Voice of God and not to other voices. Because the voice of God LEADS TO PASTURE, TO SATISFACTION, TO DIRECTION AND TO SECURITY. Remember the story of Shadrach, Meshach, and Abednego in the Book of Daniel? They were unharmed when they were thrown into the furnace because they did not listen to the voice of Nebuchadnezzar and remained in the Word of God. Remember the dead Lazarus when he heard the voice of Jesus? He was raised back to life. Jesus’ voice leads to eternal life. Remember the voice that Peter, James and John heard when a cloud hovered Jesus and there was Elijah and Moses beside Jesus?


To hear the voice of Jesus is not just to pick up the sound waves that strike our eardrums. He is asking for more than just passive listening. HEARING HIS VOICE ENTAILS ACTION, an ATTENTIVE LISTENING that is equivalent to FOLLOWING.  The Word of God is not just to be heard, it has to be lived, it has to be preached. Paul, who heard the voice of Jesus in the road to Damascus tried to live it and preached it. He even led other people to the true voice. Many Jews and worshipers who were converts to Judaism followed Paul and Barnabas, who spoke to them and urged them to remain faithful to the grace of God.  As baptized Christians, we are also to follow the voice that we have heard, the Word of God that we hear. It is not enough to just hear the Word of God in the mass. We are invited to proclaim and be true witnesses even if we would be persecuted and even in times of trouble and distress.  The second reading tells us of the multitude who stood before the throne and before the Lamb, wearing white robes and holding palm branches in their hands, the survivors during the time of great distress, those who had been faithful to the ONE AND ONLY VOICE even during times of persecution.

The readings invites us to pay attention to the shepherd, who is present to and guides his flock. WE ARE TO LISTEN TO HIM.  If we hear and listen to His voice, we remain as part of his sheepfold, therefore: WE WILL RECEIVE ETERNAL LIFE, WE WILL NOT PERISH, AND WE WILL BE PROTECTED.

Well, unfortunately we prefer most of the time not to listen and to do things on our own. Madudunong tayo e. Masyadong may alam. Maraming napapahamak dahil sa hindi pakikinig. Ewan ko ba, natural yata kasi sa atin na hindi sumunod. Mas gusto natin maging kambing kesa sa tupa. Kung sabagay, di naman talaga maganda yung nagpapauto, yung sunudsunuran, yung wala kang sariling mundo, yung hindi tayo malaya sa desisyon. It makes us somebody when we are acting like goats. Or maybe because we do not understand what has to be followed. Maybe because our minds are set to moral issues, to what is good and what is bad. Ang pagsunod kay Kristo ay hindi po nakabatay sa anung alam natin na tama o maling gawain. Nakabatay ito sa pagsunod sa kanyang utos: Mahalin mo ang Dios at mahalin mo rin ang iyong kapwa gaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili. Punto. Tandaan natin na ang pagmamahal at pagkaawa, paminsan ay nangyayari din even if its morally wrong to do it or nasa hindi tamang panahon at hindi nasa tamang pagkakataon.

My dear friends, JESUS DOESN'T FORCE ANYONE TO FOLLOW HIM. HE CALLS. THE DECISION TO FOLLOW HIM DEPENDS ON EACH ONE OF US. Nasa iyo at nasa akin ang desisyon kung gusto ba nating maging KAMBING o TUPA. 

P.S. Malapit na ang eleksyon sa Pinas, at bumoboto na ang mga naninirahan sa ibang bansa. Kung pipili kayo ng inyong kandidato, PILIIN NINYO YUNG KANDIDATO NA PAGNALUKLOK NA AY PAPAKINGAN ANG DULOG NINYO SA KANYA AT PAPAKINGAN NINYO DIN ANG KANYANG SALITA. 




Sunday, April 10, 2016

Pangalan

May mga pangalang sikat at hinahangaan. Mayroon din namang mga pangalang babangitin mo pa lang sira na kaagad araw mo. May mga pangalang kinagigiliwan at may mga pangalan na mabantot kasing bantot ng naapakan na tae habang naglalakad sa madilim na eskinita. Karamihan ng mga lumang pangalan may ibig sabihin gaya ng Gabriel = "God is my strong man", Roi = "my shepherd", Moses = "drew out", Sonia = "wisdom". Later on nauso ang mga pangalan na galing sa pangalan ng mga Santo dahil sa araw ng kanyang kapanganakan ay yun ang nakalagay sa lumang kalendaryo (Pedro, Ambrosio, Nicanor, Jose, Maria, Elena, Gertrudes, Catherine etc. etc.) May mga pangalan naman na galing sa sikat na artista nung siya'y ipinanganak (Robin, Leonardo, Alden, Marian, Angel, Vilma, etc). Meron din galing sa pangalan ng pulitiko o idol nilang mayor ng bayan. O kaya feminine form ng isang sikat na tao like Alexandra. Meron namang pangalan na galing pala sa first love ng nanay niya. At para di makalimutan kahit hindi nagkatulyan e yun ang ipinangalan sa panganay. Inilihim lang sa tatay. May mga pangalan naman na trip trip lang, wala maisip e. May mga pangalan na galing sa trademark ng motor "Kawasaki, Mitsubishi", sa pasador, o kaya naman kung anong nakita sa health center na nakasulat sa dingding Syringe. Pati pangalan ng buwan: April, May, July. May mga iniimbentong pangalan gaya ng Earlyseven o kaya magdadagdag ng Gwapo sa kanyang pangalan para maiba. Ang iba naman binabawasan kasi di daw bagay yung Boy sa kanyang buong pangalan. May mga magulang naman na sobrang kilig sa kanilang tambalan kaya ang pangalan ng anak ay kumbinasyon ng pangalan nila gaya na lang ng: William + Graciela = Wilgrace, Marie + Cristopher = Maricris, James + Nadine = Jadine. Wag na lang sana yung Conchita at Domingo kay mabubully lang ang bata sa skwela


Ikaw, ANUNG PANGALAN MO? Mabantot ba o mahalimuyak? Gusto mo ba ang pangalan mo? Kung may pagkakataong mapalitan anung gusto mo? Anung kwento sa likod ng pangalan mo? Anung meron sa pangalan mo? May nakakaalala man lang ba sa pangalan mo? ANO ANG HALAGA NG PANGALAN MO?

Names are given to individuals for many reasons and sometimes for no reason at all. It identifies a person. It identifies an individual. We are known for our names. All the rest of the attributes of a person goes with the name, whether he or she had been good or bad. Paminsan pa nga kapag may kamag anak kang nagging sikat ang pangalan, positive man o negative, damay ka o nagpapadamay ka. Yung iba pa nga ginagamit pangalan ng sikat na tatay para sa kanyang kapakananan, maging anu pa man yan.

There are names that would always be remembered specially if you fall in love with that person or you have felt so much love from that person. O nabago buhay mo dahil sa kanyang pangalan. And there are also names na dapat na ring kalimutan at ibaon one million feet under the ground. May mga tao na halos alam ang lahat ng detalye sa buhay ng kanyang minamahal. Pati nga nunal sa kwan ay alam kung ilan. KAPAG SINABI ANG PANGALAN ni crush o ni “Babes”, lahat ng memories o mga bagay bagay tungkol sa kanya nagpopop out sa utak. Alam ang pabango, ang baho ng kanyang pawis, ang sabon at shampoo na gamit, ang physical appearance, ang boses, ang ugali, ang ibig sabihin ng tingin ng mata, mga gestures, mannerisms, yung exactong length ng pisngi pagngumiti. Kilala kung sino friends niya, kamag anak, at rinesearch anu favorite color, food o anu mang bagay na nagpapasaya sa kanya, etc. At take note, kapag may nanlait sa taong mahal niya automatic na sasabihin: “oy hindi sya ganyan ha” “sa pagkakakilala ko ganito siya, ganyan…” ipagtatangol at ipaglalaban. Lahat na lang ata ng positive na pwedeng sabihin nasabi na.

And there are few names that moved mountains, that changed the world, that made a difference in our lives. IF SOMEONE OF THIS KIND TOUCHES OUR HEART DEEPLY, TAKES US OUT OF DARKNESS AND OR ENLIGHTENS OUR LIFE, THAT NAME WILL SURELY BE NAILED IN OUR HEART. And to that name kaya mong makipagpatayan. We are willing to die in his/her name. Kasi mahal mo. Mahalaga sayo ang kanyang pangalan. And we are even willing to do everything in order to show our love for him/her. Die hard fan.

In our first reading today we can see that there is one name that motivated the Apostles to teach and preach without fear. The Apostles, found a very deep love for that name, for that person. They had been teaching in His name despite what had happened and despite the danger. They were Jesus' first die hard fans. I believe that it was not just because of his being the Son of God, perhaps because of his charm and his name that moved them. They have felt his oneness, his way of treating them when He was still alive. They have all the memories of walking with him every day, going to different places, hearing his teachings, seeing his compassion for others, witnessing his care for the poor and the unloved. They have been affirmed of their hidden qualities and of their true being. He ate and drank with them. He had time for them. He gave a name to their subconscious and entered into the very soul of each and every one of them. He had changed their lives. Kaya naman when he was gone. Siya pa rin ang buka ng bibig nila. They still utter His name. They have never forgotten His name. HIS NAME REMAINED FOREVER IN THEIR HEARTS. They continued to praise him for He had rescued them. “I will praise you, Lord, for you have rescued me” ika nga ng Salmo. May mga tao kasi na kahit wala na, siya at siya pa rin ang pinaguusapan at ang mga magagandang experiences they have had with that person.

They were willing to die for his name. The first reading counts to us that "the Sanhedrin ordered the apostles to stop speaking in the name of Jesus, and dismissed them. So they left the presence of the Sanhedrin, rejoicing that they had been found worthy to suffer dishonor FOR THE SAKE OF THE NAME." It doesn't matter if they were to be tortured or to die because of Jesus' name. They were willing to and they did, THEY DIED IN HIS NAME. They were willing to die in Jesus' name.

IN JESUS’ NAME. The most powerful name I have ever known. A name that can drive demons and can make all creatures fall on their knees: “then I heard every creature in heaven and on earth and under the earth and in the sea, everything in the universe, cry out: “To the one who sits on the throne and to the Lamb be blessing and honor, glory and might, forever and ever.A NAME THAT MEANS OR IS EQUIVALENT TO MERCY AND LOVE. A name that can never be forgotten at all. A name whose story had been told over and over again, published in x number of times. PANGALAN NA PANG FOREVER. Pangalan na minamahal. Pangalan na sikat sa mga makasalanan at banal. Pangalan that can conquer empires and kingdoms. Pangalan na hindi mahihigitan ng kahit na sinuman. Well on the other side, pangalan na ikinamumunghi ng hindi marunong magmahal, kulang sa pagmamahal o iba ang pag unawa sa love.

IT IS THE LORD sabi ni Juan. "SYA YUN!" Pagpapatunay na kilalang kilala ni Juan si Jesus. Sa sinabi pag kasabi pa lang na “Cast the net over the right side of the boat and you will find something” alam na agad ni Juan na it was their Lord yung nagutos. E hindi ba’t may nangyari na kasi na ganyan din sa kwento ni Pedro. Remember my article "Siya Nawa!" Tandang tanda ni Juan yung pangyayaring yun. Hindi niya nakalimutan mga kwento ng kanilang buhay. A person who loves would always REMEMBER good memories of friendship and love. Kaya nga yung di mo na mahal ayaw mo na maremember diba. Ang pagkaalala ni Juan sa pangyayari ay tanda ng kanyang pagmamahal kay Jesus at kung papano tumagos lahat ng pangyayaring ito sa kanyang puso. KILALA NIYA ANG MAHAL NIYA: “IT IS THE LORD!”

Si Pedro naman ay parang katulad lang ng iba sa atin paminsan pagsinabing “uy si kwan yun oh” napapalingon kaagad, hinahanap, natataranta, nakakapagpaayos ng sarili, napapa smile, napapatigil sa pag iyak o sa anu mang ginagawa, napapatino, napapagawa ng kahit anu… etc. “When Simon Peter heard that it was the Lord, he tucked in his garment, for he was lightly clad, and jumped into the sea.” Lulusong sa dagat magdadamit? Hindi ba’t kapag lulusong ka sa dagat ay huhubarin mo damit mo imbes na isuot ito? Nataranta lang ang peg ng matanda na inlove din kay Jesus? Sabi ng mga commentaries ginawa daw ito ni Pedro para magmukhang disente sa harap ni Jesus etc. Though may iba pang naglalaro sa isip ko: “pinangalanan, nagdamit, lumublob sa tubig”? Sounds familiar ng isang Sakramento ng inisasyon.

Ikaw, MAHAL MO DIN BA ANG PANGALAN NA YAN? Kilala mo ba sino Siya? Mahal ba talaga natin si Jesus? May halaga ba ang pangalan Niya sa buhay mo? Anung halaga nito?

Sabi ni Mang Dodoy, ang sintomas daw ng pagmamahal "ay yung hindi mawala sa isip mo ung tao, napapanaginipan mo, tapos ung mga maliliit na bagay naaalala mo, napapangiti ka kapag naalala mo ang kanyang magandang mukha, at higit sa lahat kahit saan ka tumigin, sa kanan, sa kaliwa, sa taas, o sa baba ay nakikita mo o naaaninag mo ang kanyang magandang mukha." So kung MAHAL MO SI JESUS, napapanaginipan mo din ba Siya? Hindi ba Siya nawawala sa iyong isipan? Nakikita mo ba Siya sa iyong kapwa? Kahit saan ka ba tumingin ay naroon Siya?

Mahal mo? Talaga? “Feed my lambs,” “Tend my sheep,” “Feed my sheep”. Medyo mahabang paliwanag kailangan sa sinabi niya na yan. For now, let us just say that to love does not remain in being attracted on the other, IT ENTAILS RESPONSIBILITY. TO LOVE IS TO BE RESPONSIBLE. LOVE IS NOT ONLY SOMETHING THAT YOU FEEL AND SAY. IT MUST BE SEEN IN ACTION. TO SAY I LOVE YOU JESUS IS NOTHING WITHOUT FEEDING AND TENDING OUR FELLOW IN THE FOLD. TO LOVE THAT NAME OF JESUS IS TO ASSUME THE RESPONSIBILITY OF LIVING OUT THAT NAME OF HIS.


Let us be thankful today to all the persons whose names had marked our lives. Let us pray for them. If they are still alive, it would be nice if we would let them know why we love them. Hopefully we love them not because we want them to be as what we want them to be, but rather because he/she made a mark in your life. Let us be thankful in Jesus' name. Let us do things in Jesus name. And let us fall inlove in Jesus name.

LASTLY, LET US TRY NA GAWIN NATIN NA ANG PANGALAN NIYA AT PANGALAN NATIN AY MAGING IISA. UPANG YANG PANGALAN MO AT PANGALAN KO AY MAALALA AT MAKILALA BILANG NICKNAME NG NABUHAY NA JESUCRISTO SA PANAHON NA NABUHAY TAYO DITO SA MUNDO.


Sunday, April 3, 2016

Weh di nga?

Nung nasa elementary tayo napagaralan natin sa Science kung papano nabubuo ang mga mamamahaling perlas. Ang sabi e nabubuo daw ito sa panahon na may makapasok na foreign object gaya ng dumi o anu pa man na particles na nakakairita sa loob ng isang talaba. Ang ginagawa ng talaba ay paulit ulit niya tong binabalot ng nakar hangang sa mabuo na nga ang tinatawag nating perlas. In short, dahil sa dumi nakabuo ng napakahalagang mutya na tinatangi.

Bawat nilalang ay may kanya kanyang pinagdaraanan sa buhay. Maraming pusong consciously at unconsciously na nasusugatan, nasasaktan, nabibiyak, nawawasak, sumasabog, natitinik sa bawat pagkakataong nakakaranas tayo ng problema sa buhay, mga unwanted rejection imbes na pagmamahal. Subalit ganito man ang takbo ng karamihang ng buhay ng tao sa ibabaw ng mundo, may chance pa din na itong demonyong hinayupak kung baga na unwanted guest, problema o tinik sa puso natin, ay maaring makapagbigay nga panibagong perlas ng sambayanan. Tingnan na lang natin bilang example ang tatlong tao na nabangit sa mga babasahin ngayong Ikalawang Lingo ng Pagkabuhay: si Pedro, si Juan, at si Tomas.

Si Pedro, ang taong tumutwa, nagkaila kay Jesus nung panahong ang kanyang kaibigan ay inaresto, ay ayun ngayon nasa templo, wala nang takot na nangangaral, nagpapahayag ng kanyang pagiging "kay Cristo", gumagawa ng mga bagay na nakakamangha at hindi ikinahihiya na siya'y minsan naging walang kwentang kaibigan. Humahakot ng madaming tao na kagaya niya na makasalanan patungo sa pagsunod kay Cristo. Si Juan naman, na isa sa dalawang disipulo na gustong maupo sa trono kapag naghari na daw si Jesus ay nauwi sa pagsusulat ng kanyang experience nga pagmamahal mula sa kanyang Guro ng Pag-ibig. Ipinakilala niya ang dakilang pagmamahal ng Dios ng Pagmamahal. At si Tomas naman, na bagamat naging bahagi ng mga lakwatsa ni Hesus, nakinig, nakakita sa lahat ng mga milagro na ginawa ng kanyang Guro, hindi agad naniwala na si Cristo ay buhay hangat sa hindi nakita ng dalawa nyang mga mata at nadama ng kanyang mga kamay na totoo nga. "Weh di nga?" ika siguro ni Tomas sa kanyang mga kasama. "Butbot ninyo" kung sa bisaya pa. Dahil sa kanyang kahinaan sa paniniwala, nabangit nya tuloy ang "My Lord and my God" at nakilala tuloy siya as one of those who best expressed faith in Jesus Christ despite sa kanyang doubt.

Tatlo lang yan sa madami pang example ng mga taong ordinaryo tao na naging Perlas bagamat nagkasala, sipsip, skeptic etc etc. Anong sekreto nila? Well, ginaya lang nila ang talaba. Pero ang pinagkaiba ay ang presensya at pagkadarama ng Banal na Awa ng Dios na nakaantig ng bawat puso nila, ang bumalot sa kanilang "foreign object". Ang Banal na Awa ng Dios ang nakar na bumalot sa kanilang kahinaan upang maging isang walang katumbas na halaga na perlas ng simbahan. Inamin nila, inangkin ang pagkakasala, hindi ikinahiya ang kanilang kahinaan at ang realidad nila sa buhay, hindi itinago kung sino man sila. Tinangap na sila'y nagkasala kung kaya't nanatili ang Spiritu ng Panginoon sa bawat isa sa kanila at nagabago ng landas.

Mga kapatid, marami sa atin ang mahilig umiwas sa mga tunay na issue sa ating buhay. Maraming takot na magkamali. Nasobrahan kasi tayo sa rubrics at sa moral issues. Maraming ayaw harapin ang kahirapan, ang pagdurusa na nararanasan, ang katotohanan. Marami ang ayaw angkinin, aminin na silay nasasaktan. Maring ayaw aminin ang kahinaan. Maraming tao ang mahilig magproject na malakas sila, makisig, masaya, magaling, may alam sa lahat ng bagay. Marami din ang ayaw tignan ang tunay na realidad ng buhay. In other words, gusto ng karamihan sa atin ay isang buhay na perfect. As in perfect. Walang kulang, walang labis. Perfect. Walang dungis, walang sakit na mararamdaman, walang rejection, walang sugat na mangyayari sa puso, walang mang iiwan, etc etc. Kaso, anu nga ulit ang naging pagkakamali ni Adan at ni Eba sa paraiso? Kasi dahil...? gusto nilang maging? Gusto nilang maging PERFECT like God na alam ang tama at mali. Tinukso daw ng ahas. Weh di nga? Kung lalaliman pa natin ang pag-aaral ukol sa kwento nila, yung ahas ay actually yung subconcious desire ng tao to become like gods...gods who knows everything, gods who can control everything, and make everything perfect.

Unfortunately ang kasalungat ng pagiging santo at ng kabanalan ay ang pagiging perfecto. May kilala ka bang may perfect life? May kilala ka na bang santo at banal na tao na walang pinagdaanan sa buhay, perfectong tao daw, hindi nasaktan? Weh di nga? Ako kasi wala pa. Ung iba pa nga, ang alam ko dating mga makasalanan. Pero dahil sa dakilang pag-ibig ng Dios naiba ang kanilang buhay. Ang pinakadakilang mga santo na kilala ko ay puro mga imperpektong tao o mga taong nakaranas ng hirap sa buhay. Ang kinaibahan lang nila sa karamihan ay natuto silang tangapin ang kanilang mga kahinaan, natutong tangapin ang sakit na naranasan sa puso, natutong pangalanan ang kanilang kahihiyan at mga pinagdaanan, natutong gamitin ang kanilang kakulangan upang maging buo na muli. Namuhay na parang teleserye na maraming ups and down pero in the end...happy ending. Natuto silang iconvert sa perlas ang foreign irritating object na pumasok sa kanilang normal na buhay. At sa kanilang pagtangap sa kahinaan naroon ang Dios. Sa kanilang kakulangan nakapamalagi ang Dios. Sa kanilang pagtangap sa kakulangan nakagawa ng nakamamanghang milagro ang Dios sa kanilang mga pangalan. Kung perpekto na kasi tayo, wala nang dahilan upang gamutin pa tayo. Wala na ding dahilan para punuin tayo ng Banal na Awa ng Dios. Kung perpekto tayo, hindi na natin kailangan ang Dios. "Hindi nangangailangan ng manggagamot ang mga walang sakit, kundi ang mga maysakit: hindi ako naparito upang tumawag ng mga matuwid, kundi ng mga makasalanan," sabi ni Hesus. Tandaan lang natin, kung hindi napasukan ng irritating object ang talaba, meaning perfect, walang nakar na babalot rito at lalong wala kang perlas na pwede mong suotin sa iyong katawan. You would not want to be a perfect but an empty oyster, would you?

The Divine Mercy works in our imperfection. The Divine Mercy completes, compliments what is lacking in us to eventually become perfect and precious pearls. This should make us understand why there are unworthy church leaders and pastors and yet they were called by God. This should make us understand why the Church is not bothered to be imperfect. Hindi kasi si Lord nagbabase sa kung anung klasing tao tayo, o anung nagawa natin o ginagawa natin o sa di natin ginagawa kahit na dapat. Hindi sa moral issues nagbabase ang Dios sa kanyang pagpili at pagawa ng perlas. Binabase nya sa pagmamahal na kanyang ibinibigay sa kahit na sinuman. Binabase nya sa kanyang pangarap para sa bawat isa sa atin na maging perlas panghabang buhay bagamat marami tayong kakulangan.