Sunday, February 28, 2016

Hubarin Mo Na Yan!

HUBARIN MO NA YAN! Sigurado iba na naman naglalaro sa iyong isipan. Bashin mo na lang hangang sa huli ng blog entry na ito, baka sakali makita mo din ang hubad na katotohanan simula sa araw ito. At sana sa huli ay matuto tayong hubarin ang dapat nating hubarin sa harap Niya at sa kanilang harapan.

Importante at napakalaki ang simbolo na dinadala ng PAGSUOT AT PAGHUBAD ng SANDALYAS. Sa Lumang Tipan, ilan sa mga main na sinisimbolo nito ay ang acceptance (pagsuot) at renunciation at transfer (paghubad) ng ownership ng lupa man, bagay, o asawa (Deuteronomy 25:9; Rth 4:7-8). Kapag ang kapatid na lalaki ay namatay, kailangan akuin ng kasunod niyang kapatid na lalaki ang asawa. At kapag ayaw niya, kailangan ng balong babae na tangalan ng sandalyas ang kanyang bayaw na ayaw tumangap sa kanya. Eto nga din ung konteksto ng sinabi ni Juan na hindi siya karapatdapat na magtangal ng straps ng sandalyas ni Jesus sapagkat, si Juan, bilang bahagi ng sangkatauhan, ng Simbahan na asawa ni Jesus ay walang karapatan na baliwalain ang kanyang kaugnayan kay Jesus bilang kanyang asawa.

Sa ibang dako naman, may kaugalian na noon na ang sandals ay hinuhubad bago pumasok sa bahay at isinusuot naman sa mga paglalakbay at sa mga digmaan (Joshua 9:5; Joshua 9:13; Isaiah 5:27; Ephesians 6:15). Kapag naman ay pinagbitbit ka ng sandals ng iba o ikaw ay pinagtangal ng sintas nito, itoy pagpapakita lamang na ikaw ay alipin o nasa mababang kaurian o mas nakatataas saiyo ang nagpabitbit sa iyo nito o nagpatangal nito sa iyo. Ang sandalyas din ay hinuhubad bilang pagalang sa isang banal na lugar (Exodus 3:5; Joshua 5:15) gaya ng reading ngayong Ika-Tatlong Linggo ng Kwaresma.

Ifocus natin ngayon ang paghuhubad ng sandalyas ni Moises nung tinawag siya ni "Ako". Ang sandalyas noon unang panahon ay parang ang mga paborito mo ngayon na sapatos, na ginagamit upang di ka masaktan sa paa, ginagamit bilang proteksyon, ginagamit upang maging mainam ang iyong paglalakad. Paminsan pa nga itoy nagiging simbolo ng iyong buhay na marangya. Karamihan kasi sa atin gusto ay may "marka" ang sapatos natin. Para na rin itong STATUS SYMBOL. Wow, naka "Puma" ka ah o naka "Rockport". Sosyal sabi ng iba. Wala mang mga brands noon pero symbolo pa din ang sandalyas ng "status quo" ng isang tao. Bagamat simbolo ito ng status quo, syempre dahil ginagamit at iniaapak sa lupa umaraw man o umulan, marurumihan, mapuputikan. Kapag di mo ito hubarin sa loob ng bahay, tiyak ang bahay mo ay marurumihan. Dala dala mo din sa sandalyas mo yung mga lugar na iyong napuntahan, yung mga memories at ang lahat ng iyong ginawa suot ang sandalyas na iyan, ang lahat ng iyong nakita, lahat ng pangyayari maganda man o masama, daladala mo yung "ikaw". BUONG BIGAT NG IYONG PAGKATAO AY NASA SANDALYAS MO. 

Isang paraan ng pag intindi ng pagpahubad ni "Ako" kay Moises sa kanyang sandalyas ay "pagalang sa lugar na banal." Kung gagamitin naman natin ang kultura at tradisyon nila upang mas maintindihan natin ang ipinagawa sa kanya, ang pag pahubad ng kanyang sandalyas ay pagpapakita na mas "mataas ang Dios kaysa sa kanya". Ito rin ay pagpapakita na ang lugar na ito ay hindi niya pagmamay-ari. Wala siyang karapatan na maghari o maging sinuman. At kung gusto pa nating palalimin ang kahulugan, ang sinasabi lang ng Dios kay Moises, "dhoi kailangan mong iiwan ang alikabok na nakuha mo sa daan.The Lord asks us to take off the unholy things na nagmamantsa sa atin, iwanan ang mga burdens ng ating paglalakbay dito sa mundo: the guilt, the shame, the dirt of unholy na mga lugar at mga bagay na ginagawa natin sa araw araw. Removing our sandals and stepping into the holy place of God leaves us bare before Him. Ang symbolo ng pagtangal ng sandalyas sa harap ng Dios ay  PAGIGING HUBAD NATIN SA HARAP NYA. At pagsinabing hubad ka, ang nasa harap niya ay yung IKAW, "ikaw si ikaw" ang ipinipresent mo sa harap ni "Ako si Ako". Oo sabi sa Ecclesiastes 12:13-14 na alam na ng Dios ang lahat tungkol sa HUBAD NA KATOTOOHANAN NG BUHAY NATIN pero nararapat lamang na maging aware tayo sa at maalala natin sino nga ba tayo, anu ba meron tayo sa harap ni Ako. Gusto niya na malaman natin anu ba yung mga pinagagagawa natin na hindi banal. Gusto niya na IWAN NATIN SA LABAS NG ATING BAHAY ung mga hindi dapat makarumi sa ating pamamahay. Iniimbitahan tayo na maging aware sa mga bagay bagay na ito bago natin tugunan ang kanyang tawag sa atin, gawin ang misyon na gusto niyang ipagawa sa atin. MAGSILBI KA DAHIL DAPAT KANG MAGSILBI AT HINDI DAHIL AY MAY IBA KANG DAHILAN. He wants to see us unadorned, stripped of pretense and pride, barefoot and penitent. GUSTO NIYA NA KUNG MAGSISILBI TAYO SA KANYA AY WALA TAYONG IBANG PALAMUTI o KAYA'Y HINDI NATIN GAWING PALAMUTI ANG PAGSISILBI SA DIOS UPANG MASABI NA IKAW AY MAKA-DIOS AT IKAW LAMANG ANG MALILIGTAS.We can not brag anything before God and neither brag ourselves to be his servants. Kailangan ikaw at ako hubad sa harap ni Ako. Dahil si "AKO" yun na siya. Ipinakilala niya kung sino siya. Siya si Ako. Kung kawangis tayo ni "Ako", ang tunay na ikaw at ako ay yung hubad na "ikaw" at "ako." 

NUNG NALAMAN NI ADAN AT NI EBA NA HUBAD SILA, sige nga kung nagbabasa kayo ng Biblia, anung ipinangtakip nila sa kanilang hubad na katawan nung kumain sila ng bunga ng "Puno ng Karunungan ng Mabuti at Masama"? Dahon ng...?



DAHON NG IGOS, FIG TREE ANG IPINAMBALOT SA HUBAD NA KATAWAN NI ADAN AT EBA NUNG HINAHANAP SILA NI "AKO". Aha!Sigurado mapapaisip ka ngayon anong kinalaman ng Igos, ng hubad na katawan ni Adan at Eba, ng dalawang puno sa hardin ng Eden. Ang DAHON NG KAHOY NG IGOS ANG NAGING SAGIP O LUNAS NILA SA KAHIHIYAN NG HUBAD NA KATAWAN sa unang aklat ng Lumang Tipan. Ang KAHOY NA PINAGPAKUAN KAY JESUS NA HUBO'T HUBAD AY ANG LUNAS AT SUMAGIP SA SA IYO AT SA AKIN SA ATING MGA KASALANAN naman ang ating nakita sa unang bahagi ng Bagong Tipan. At sa huling aklat ng Biblia, isa na lang ang kahoy na iyong makikita sa bagong hardin: Ang KAHOY NG BUHAY. Sa magkabilaang bahagi daw ng ilog ay tumutubo ang PUNO NG BUHAY NA NAMUMUNGA NG TIMES A YEAR, ONCE EACH MONTH; AT ANG MGA DAHON NITO AY NAGSISILBING PANGSAGIP, LUNAS SA LAHAT NG BANSA. " Sa ibang post ko na lang to ipapaliwanag dahil lalong hahaba.

Mag focus tayo sa kahoy ng Igos. Isang kakaibang characteristic ng puno ng igos ay ang nauuna ang bunga nito bago tumubo ang kanyang mga dahon. Kaya nga kapag nakakita ka ng igos na maraming dahon, dapat may makukuha kang bunga. At mga kapatid, ang igos ay dalawang beses namumunga every year at dalawang klase din ng bunga ang ibinibigay nito, una ay ang tinatawag na Breba na lumalabas sa mga buwan ng June o July. Di gaanong masarap ang Breba pero mas malaki kesa sa ikalawang klase ng bunga ng Igos na tinatawag din na "Igos" kasi yun na yung main na bunga niya talaga, mas matamis at ang mas importante sa dalawang klase ng bunga ng igos. Kung pamilyar ka sa characteristics ng igos, magtataka ka talaga kung bakit walang ni isang bunga yung igos parabola na nabangit samantalang maraming dahon ang puno nya. 

Ang basic na sinasabi ng mga experto tungkol dito ay ganito: ANG MAY-ARI AY ANG DIOS, the one who rightly expects to see fruit on His tree and who justly decides to destroy it when He finds none. ANG HARDINERO na nag-aalaga ng mga puno, nagdidilig ng mga ito, naglalagay ng fertilizers para mamunga ng marami ay si JESUS. Ang Igos ay ang simbolo ng "BAYAN NG ISRAEL"...at pupwede ding "TAYO." Tatlong taon na naghahanap ang may-ari ng bunga mula sa punong ito, pero wala siyang nakuha. Ang TATLONG TAON ay significant sapagkat sa loob ng tatlong taon, si Juan Bautista at si Jesus ay nagturo ng PAGSISISI sa buong bayan. TATLONG TAON. PAGSISISI. PERO WALA. Na ofend sila ng idea na kailangan nilang magsisi at magbago, at hindi nila tinangap ang mesiyas at ang kanyang demand ng pagsisisi. Sapagkat bilang "bayang pinili" na sa kanila ang pagkukupkop, at ang kaluwalhatian, at ang mga tipan, at ang pagbibigay ng kautusan, at ang paglilingkod sa dios, at ang mga kapangakuan (Romans 9:4-5) ng Dios ni Jacob, na Dios ni Isaac, na Dios ni Abraham, na Dios na tumawag kay Moises at nagpakilalang "si Ako". Parang puno na maraming dahon kaya mataba, malaki at mukhang healthy na kahoy. Alam naman natin na ang mga dahon ay ang food processing factories for trees.The more leaves na meron ang isang puno ay buhay na buhay ito. Lahat ay nasa kanila na. Subalit, walang bunga. Sapagkat napakadami ng dinadala. Ang daming dahon na nakatkip sa kanya. Diba sa agriculture tinuturo sa atin na magprune ng kahoy para mamunga? Bawasan ang dahon? Ang ending parang HUBAD ang kahoy. At PAGHUBAD NA ANG KAHOY AY MAS MADAMING BUNGA

Anong ipinapahiwatig nito sa atin ngayong panahon ng Kuwaresma mga kapatid? Una sa lahat, ipinapaalala sa atin ang HUBAD NA KATOTOHANAN: ANG HUBAD NA TAO NA NAKAPAKO SA KAHOY NA KRUS. Hinubad sa kanya hindi lang ANG KANYANG SANDALYAS kundi pati ang kanyang damit AT ISINABIT SA KAHOY. Kung noong unang panahon ang dahilan ng pagbagsak ng tao ay dahil sa isang bunga ng kahoy, ngayon nama'y ang kahoy na ito sa bayan ng "Igos" ay siyang magiging dahilan ng buhay. Kahoy na ang bunga ay hindi karunungan ng mabuti at masama, kahoy na walang dahon, pinatay, pinutol, kahoy na nagbibigay buhay. Ipinapaalala din sa atin ang ginawa ni Jesus sa pag-isang tabi muna ng buhay dios upang maging katulad natin. HINUBAD ANG KANYANG PRESTIGE (Philippians 2) upang mabigyan tayo ng buhay. Upang maipadama sa atin ang pagmamahal ng Dios. Upang bigyan tayo ng second chance.

Ikalawa ay IPINAPAALALA DIN PO SA ATIN NA KAILANGAN DIN NATING HUBARIN ANG SANDALYAS NG ATING BUHAY AT HUBARIN ANG MGA DAHON NA IKINUBLI NATIN SA ATING TOTONG AKO AT IKAW. Marami tayong dinadala, maraming mga natutunan, maraming alam, kaya paminsan sinasabi natin "ay alam ko na yan" "ay luma na yan" "ay wala ding mangyayari jan" "ay di na uso yan". Maraming tayong karangyaan, maraming kung anu-ano na source ng ating buhay. Marami din tayong mga kaek-ekan sa simbahan, maraming mga grupong sinasalihan, maraming mga pakulo, yung iba nagyayabang na maraming kaibigang pari, maraming social activities na sinasalihan, maraming charitable works na nakikita ng karamihan, maraming kung anu anung palamuti ...PERO KAPAG TAYO PO BA AY HINUBARAN NITONG MGA DAHON NA IPINANGTAKIP NATIN SA ATING MGA SARILI AY MAY BUNGA BA SA ATIN NA MATUTUKLASAN? Pinagsisihan o pinagsisisihan nga ba talaga natin ang dapat pagsisihan? Ito po bang lahat ng ginagawa natin sa simbahan ay walang ibang dahilan? Hindi po ba ito pagtakas lamang sa tunay na realidad ng ating buhay o dahil lang sa meron tayong kailangan kay Lord na favor? Hindi po ba ito mga pakitang tao lamang? Malalaman naman natin yan sa bunga na nakalaan.

Pinapaalalahanan din po tayo NA HUBARIN ANG ATING YABANG. "All ate the same spiritual food, and all drank the same spiritual drink, yet God was not pleased with most of them, for they were struck down in the desert... These things happened as examples for us, so that we might not desire evil things, as they did. Do not grumble as some of them did..."Huwag tayong maging mayabang that we are assured dahil lang sa mga connections that we have sa simbahan, dahil lang sa mga ginagawa natin na makes us seemingly a floursing tree. Huwag nating ipangalandakan na tayo lang ang maliligtas dahil HANGAT HINDI PO TAYO MAGHUBAD SA KANYANG HARAPAN, HANGAT HINDI TAYO MAGSISI AT WALANG BUNGA NA MAKITA SA ATIN magiging tulad din tayo ng ating mga pinagyabangan. “Do you think that because these Galileans suffered in this way they were greater sinners than all other Galileans?" "the eighteen people who were killed when the tower at Siloam fell on them— do you think they were more guilty than everyone else who lived in Jerusalem?" "BY NO MEANS! BUT I TELL YOU, IF YOU DO NOT REPENT, YOU WILL ALL PERISH AS THEY DID!” sabi sa atin ni Jesus.

At pang huli, hindi lang po tayo inaanyayahan na huwag lang gumawa ng masama. Inaanyayahan din po tayo na gumawa ng tama at mamunga ng masagana. At kagaya ng tagapag-alaga sa parabola, na humingi ng second chance, BINIBIGYAN TAYO NG KUWARESMA NG SECOND CHANCE NA HUMARAP MULI KAY "AKO" BILANG IKAW AT AKO AT MAMUNGA NG NARARAPAT. KUNG KAYA'T MAGSISI TAYO. ... AT ANG SANDALS AT MGA DAHONG ITINAKIP NATIN SA HUBAD NA KATOTOHANAN... HUBARIN MO NA YAN!



Monday, February 22, 2016

La Cattedra

Oggi è la festa della Cattedra di San Pietro. Si tratta di una tradizione molto antica, attestata a Roma fin dal secolo IV, con la quale si rende grazie a Dio per la missione affidata all'apostolo Pietro e ai suoi successori incaricato da Cristo di pascere tutto il suo gregge: un segno privilegiato dell'amore di Dio, Pastore buono ed eterno. Si rende grazie per il aiuto divino particolare per eseguire questa missione che gli manifestò il Signore in Cesarea di Filippo: “Io ti dico: tu sei Pietro e su questa pietra edificherò la mia Chiesa.” Si rende grazie per l'autorità con potestà suprema ricevuta per servire la causa dell’unità fondata sulla verità.

E perché a Pietro? Perché Pietro ha avuto una trasfigurazione: da Simone a Pietro, da un atteggiamento di superbia all'umiltà, da essere servito a qualcuno che serve, dal peccato per vivere nella grazia.

Qual è l'implicazione e la sfida di questa festa per noi oggi, in questo tempo di Quaresima? La sfida è la stessa sfida a cui la Trasfigurazione di Gesù ci invita a rispondere: a trasformarci da peccatori a fedeli credenti. Questa festa ci invita ad ascoltare come Pietro, a cambiare come Pietro, a muoversi come Pietro, credere come Pietro, e proclamare come Pietro che Gesù è il Cristo, il Figlio del Dio vivente.

Facciamo il proposito di pregare per il Successore di Pietro, di prestare attentensione dono alle sue parole e di ringraziare Dio per questo grande regalo.


Sunday, February 21, 2016

MMK

Bigla kong naalala sa sinabi ni Lord kay Abraham na "Masdan mo ang mga bituin! Ganyan karami ang magiging anak mo at apo" ang katagang: "lahat ng bituin sa langit ay aking susungkitin, makuha ko lang ang matamis na oo ni Luningning", mga katagang gasgas na at korny na ginagamit sa panliligaw sa sinisinta noong mga unang dekada (na mukhang hangang ngayon ginagamit pa). Parang lang kasing panliligaw ang ginawa ni Bosing bago nauwi sa kasunduan nila ni Abraham.

MAKINIG, MAGBABAGO at KUMILOS. Ito ang tatlong katagang pwede nating gamitin sa ating pagninilay para sa pagdiriwang ng Ikalawang Lingo ng Kuwaresma.

Sa unang pagbasa nabasa natin ang salaysay ng pakikipagtipan ng Diyos kay Abraham. "Masdan mo ang mga bituin! Ganyan karami ang magiging anak mo at apo" wika nya. At ang sabi naman ni Abraham: Panginoon, aking Diyos, paano ko malalaman na itoy magiging akin." (Kung yung nililigawan pa siguro ang sumagot, siguro sasabihin niya: "Talaga?" o "talaga lang ha" sabay pacute ng mga mata.") Humihingi ng assurance si Abraham upang mapatunayan na talagang mapapasakanya ang pangako. At ang sagot ng Dios ay maisusmarize natin sa MMK: MAKINIG, MAGBABAGO, KUMILOS. 

Upang makamit ni Abraham ang pangako ng Dios, kailangang lamang nya MAKINIG sa mga salita na sinasabi ng Diyos at wala ng iba. Kapag sinabing makinig, maari natin itong iugnay sa pagsunod sa iniuutos sa kanya. Upang makamit nya ang pangako, nararapat lamang na hindi siya magbabago ng kanyang pananampalataya, paniniwala at pagmamahal niya sa Dios. Kagaya lang din ng Dios na hindi nagbabago at hindi magbabago sa kanyang patuloy napagmamahal niya sa tao. At kung hindi magbabago ang kanyang katapatan sa Dios na mapagmahal, MABABAGO ang kanyang pagkaordinaryo patungo sa pagiging ama ng lahat ng tao sa mundo. Aside sa pakikinig at di pagbabago ng loob, ay kailangan niya ding KUMILOS, sundin ang ipinapagawa sa kanya ng Dios. Hindi pwedeng maghihintay na lang siya at mananatili. Kailangan kumilos sunod sa utos na napakingan kung gusto niya talagang mabago ang kanyang tadhana at maging kasing tulad karami ng bituin ang kanyang angkan. Makinig, Magbabago, Kumilos.

Ang mga sikat na tao ay malimit nating sinasabi na para silang mga bituin na sa langit ay nagniningning. Sila ay tinitingala, inaasam na makapiling,sabik kang makita. Dati ordinaryong tao lang sila pero dahil sa kanilang magandang gawa, di ka man mapaniwala, siya na nga ang ordinaryong totoy o inday sa kanto na sikat na ngayon na bituin. Kung natatandaan nyo yung lingo bago nagsimula ang Kuwaresma, nakikita natin yung ordinaryong anak ng karpentero ay sumikat sa mga himala at mga salita nya. Di nga lang tinangkilik sa sarili niyang bayan. Siya'y parang bituin na nagniningning sa gitna ng maraming tao, dito sa mundo. Naging isang bituin na di kailangan tingalain sa langit sapagkat nasa harap na nila, pwede mahawakan, mahaplos, mayakap, makausap. Estado ni Jesus na sinisimbolo ng bituin nung araw na siya'y ipinanganak. At ang formula ni Jesus para dito ay MMK: marunong siyang MAKINIG sa kanyang Ama at sa mga sinabi ng mga profeta at sa sinasabi ng mga utos. Hindi MABABAGO ng kahit na sinong demonyo at anu mang tutukso para MAGBAGO ng prinsipyo, ng pagmamahal, at pagiging tapat sa Ama. Lahat ng kanyang KILOS ay naayon sa sinabi ng kanyang Ama na masusi at mainam niyang pinakikingan at wala siyang binabago. Isinasakatuparan niya ang lahat ng ito.

Samantalang siya'y NAGDADASAL (pakikinig sa Dios) ay NAGBAGO ang anyo ng kanyang mukha, nagningning ang kanyang kasuotan na naging puting puti. The Transfiguration kung tawagin natin, ay ang siyang buod ng buhay ni Jesus dito sa mundo at ng magiging buhay din natin kung gagaya lang tayo sa kanya. Kung MMK din sana tayo. Kung MAKINIG lang din tayo sa mga sinabi niya. Sapagkat ang pakikinig sa kanya ay pakikining na din sa Dios Ama. "Ito ang aking Anak, ang aking hinirang. Siya ang inyong pakingan." Kung di rin sana TAYO MAGBABAGO sa ating pagmamahal at pangako na siya lang at wala nang iba ang pakikingan mo at susundin natin maari din nating matamo ang transfiguration ng buhay natin.

Ang pagbabagong anyo ni Jesus ay ang pagpapakita ng kanyang glory bilang Dios at bilang tao. Isang bituin na nagniningning, isang estado ng buhay na dapat sana'y ating sungkitin at mapa sa atin din. Ngunit di natin ito makakamit kung tayo ay TUTULOG TULOG at kung tayo'y MANANATILI lang sa kung nasaan tayo ngayon sa buhay, kung walang PAGBABAGO na nagaganap sa buhay natin; kung ang ating PINAKIKINGAN ay mga salita at kuro-kuro ng ibang tao o ng demonyo. Kailangan nating KUMILOS. Sabi ni Pedro "Guro mabuti pa'y dumito na tayo. Gagawa po kami ng tatlong kubol: isa sa inyo, isa kay Moises, at isa kay Elias." Isang pagpapahayag ng permanence, pananatili. Hindi pwede na hangang doon na lang mananatili. Kung anu man ang NARINIG natin na Salita ng Dios ay gawin. Anu man na pangako natin sa kanya ay tutuparin at di MAGBABAGO. Hindi gusto ng Diyos na manatili tayo sa ating estado ng kasalanan, na manatili tayo sa dating tayo o sa anu pa man na nagpapastable sa atin, sa comfort zone kahit na mali ito at bahala nang hindi MAKINIG sa sinasabi ng Diyos sa atin basta kasi gusto mo na jan ka na lang. Inaanyayahan tayo na MAGBAGO. Inaanyayahan tayo na huwag lang DUMITO, inaanyayahan tayong KUMILOS at pumunta tayo DOON.

Saan yung DOON? SA LANGIT. "Ang langit ang tunay nating bayan." wika ng ikalawang pagbasa natin ngayon. "Mula roo'y hinihintay nating may pananabik ang Panginong Hesukristo, ang ating Tagapagligtas. Pagdating ng araw na yaon, babaguhin niya ang ating katawang lupa at gagawing maluwalhati, tulad ng kanyang katawan." Balik tayo sa unang bahagi, titingala na ulit tayo. Titingala sa langit kung nasaan ang lahat ng bituin ay nagniningning. MANGANAGARAP na sanay balang araw, mapabilang tayo sa mga bituin sa langit, mapabilang tayo sa mga bituin na nakita ni Abraham na nagniningning. At para makamit natin ang langit na pangako, ngayong Kuwaresma mga kapatid, habang tayo'y nasa lupa pa at di pa sumasalangit, inanyayahan tayong muli na mag MMK: MAKINIG, MAGBABAGO, at KUMILOS.



Tuesday, February 9, 2016

Abo

Naalala ko nung bata pa ako, mga 4 o 5 yrs old siguro yun, tinuruan ako ng lolo ko papano paputiin ang kaldero. Kailangan kuskusin ng mabuti ng buhangin at ng abo para mawala yung uling sa pwet ng kaldero. Tapos pag maputi na at malinis na saka lang sasabunin para ready na sa next na saing. Dun pa yun sa may water pump sa likod ng bahay madalas namin ginagawa. Sekreto sa paglinis ng kaldero - ABO.

Later nung nag-aral na ako, sabi ni titser, dati daw abo ang ginagamit bilang toohpaste. Di na ako nagtaka. kung ang kaldero nga sa sobrang itim, ang ngipin pa kaya di nya kaya. Ginagamit nga ang abo bilang pang linis ng ngipin. Tipid pa diba? Wag mo lang lunukin dahil di yan makakalinis ng intestine. Sekreto ng maputing ngipin ng sinaunang sosyal na tao - ABO.

Dahil feeling scientist si ako at McGiver kunu nung bata pa, anu mang maisipan ko na gawin sinusubukan at talagang gagawin. Sabi ko nun, kung yung kaldero nga e nalinis ng abo, anu kaya kung sa inodoro subukang gamitin ko din ito. Sinubukan. Pumuti. Di na kinailangan ng detergent at muriatic. Keep away from children pa naman ang nakalagay sa bote ng muriatic. Sekreto ng malinis na inodoro - ABO.

Malimit akong turuan ng lolo ko kahit tatlong taon o apta na taon pa lang ako nun ng mga science facts at mga praktikal na bagay. Encyclopedia of science at ung libro ng universe ang malimit na binabasa ko. Syempre dahil bulingit, di ko masyado maintindihan ang mga scientifical explanations kaya itong si lolo ay gagawa ng mga scientific experiments para makita ng mga mata ko at mas madali kong maintindihan. Naalala ko pa, isang araw nagtanong ako, Lo anung ibig sabihin ng combustible? Sabi kasi ng book ay the sun daw contains a lot of combustible gases... (di ko na matandaan ngayon anu yung mga yun). Sabi nya, ang combustible daw ay anything that is capable of igniting and burning. English. Oo ingles kasi UP Prof si Lolo. Mahirap din kasi ipaliwanag kaagad sa Bikol. Ang kasunod na tanung ko sa kanya ay anung nangyayari pag ang isang bagay ay combustible. At dun na yung hands on eperiment. Kumuha sya ng kahoy at sinunog. Umapoy ang kahoy, nagbaga, sarap hawakan buti na lang ako'y kanyang pinigilan. Makulit na bata e. Naging charcoal ung ibang bahagi at ung the rest ng kahoy ay naging abo. Sabi nya, lahat ng bagay pag sinunog ay nagiging abo. Di mo na madidistinguish na ito yung kahoy, eto yung dating upuan o mesa o kahit tao. Lahat ay nagiging parehas. Lahat ay nagiging ABO. Pagtotally consumed, abo ang kahihinatnan. Abo na parang lupa na ulit.

Nung medyo nakaka intindi na ako ng ingles na malalim, I started reading the Bible and in it nabasa ko na maraming pagkakataon lalu na sa Old Testament na ginagamit ang abo to symbolize something. Kasama ng abo ang sackcloth (parang tela pero gawa sa itim na buhok ng kambing at hindi komportable suotin). Ashes accompanied sackcloth in times of national disaster or repenting from sin. Katulad ng nasa Esther 4:1 ipinakita kung papano pinunit ni Mordecai ang kanyang damit at nagsuot ng sackcloth at abo. Pati nga buong bayan ganun din ginawa. Makikita din natin na etong mga sackcloth at abo ay ginagamit as a public sign of repentance and humility sa harap ng Dios. Naala nyo ba yung kwento ni Jonah? Sabi nya wawasakin ng Dios ang kanilang bayan dahil sa kanilang kawalang hiyaan... then suddenly ang hari at ang buong sambayanan ay sumagot ng pagsisisi, pag-aayuno, at pananamit ng sackcloth at paglagay ng abo (Jonah 3:5–7).

Ang pagsuot ng sackcloth and ashes ay mga panlabas na palatandaan ng kung anu man ang nilalaman ng puso ng gumagamit o gumagawa nito. Ito'y PAGPAPAKITA NG MAKATOTOHANANG PAGBABAGO NG NILALAMAN NG KANYANG PUSO AT IPINAPAKITA ANG KANYANG KATAPATAN SA KANYANG PAGDADALUMHATI AT PAGSISISI. Bigla ko tuloy naisip ang tunay na dahilan bakit nakaiitim tayo pag may patay. Bigla ako napangiti. Wala nga naman dito masyadong kambing na itim para kunin ang buhok nito at gawing damit (sackcloath). Nag evolve ang fashion sa mundo.

Kidding aside, it was not the act of putting on sackcloth and ashes itself that moved God to intervene, BUT THE HUMILITY na ipinapakita ng pagsuot ng sackcloath at paglalagay ng abo. Naalala mo ba kwento ni David sa 1 Samuel 16:7? Pinatawad sya ng Dios at sabi ni David sa kanyang kanta: “You removed my sackcloth and clothed me with joy” (Psalm 30:11).The city of Niniveh was spared from destruction dahil nakita ng Dios ang taos pusong pagbabago ng buong bayan.

Ngayong Myerkoles ay marami na namang mga hindi Katoliko ang magtatawanan sa gagawin ng mga Katoliko. Ipinapapalala ko lang na libo libong taon bago pa dumating si Kristo ginagawa na ang paglalagay ng abo. Buti nga ngayon may art na sa noo at di ka mangangati sa buong katawan. Dahil symbolo na lang ipinapahiwatig ng araw ng paglalagay ng abo.

Symbolo ng ano? Una, itoy pahiwatig na simula na ng panahon ng Kwaresma. 40 na araw ng pagsisisi, pag aayuno, pagsubok na magbago. 40 araw na sakrispisyo at pagpapakita ng awa at kawang gawa. 40 araw ng pag reflect sa buhay natin bilang mga tagapag sunod ni Kristo at tagapagpalaganap ng kanyang Mabuting Balita. Ito'y hudyat din ng 40 days na binibigay sa iyo upang maging malinis ang iyong puso para sabay ka sa Nabuhay na Kristo sa muli mo ding pagkabuhay bilang isang tunay ("sana") na Kristiyano.

Ikalawa, ang abo na nilalagay sa ating noo ay pagpapaalala na kailangan nating linisin ang buling sa ating puso. Di man natin malinis ito ng abo physically gaya ng paglinis ng caldero, atleast alam mo na kailangan mong linisin ito. Paalala din ito na kailangan nating paputiin ang kaluluwa natin, kasing puti ng mga ngipin na nilinis ng abo. At lalong lalu na, paalala ito na dapat nating linisin ang ating mala-inodorong buhay nung mga panahong nakalimot kang magmahal at rumespeto sa kapwa tao.

Ikatatlo, paalala din ito na dapat ay maniwala tayo sa Mabuting Balita ng Panginoon, magbalik loob tayo sa Dios at be reconciled to him. "Return to me with your whole heart, with fasting, and weeping, and mourning; Rend your hearts, not your garments, and return to the LORD, your God." But make sure when you do the deeds of mercy, the fasting and the mourning, it is done with authenticity. The Gospel of the day tells us what we are suppose to do.

Ika-apat, itoy paalala na ikaw at ako, pag sinunog tayo, lahat tayo ay magiging abo. Gwapo/maganda ka man o pangit/bruha ang itsura, mayaman o mahirap, matalino o bugo sa tanan, successful o malas sa buhay, may date sa valentines day o wala, may nagmamahal o walang ka-forever... abo ka lang po. Kaya paalala ito na wag masyado mataas ang noo. Be humble. Sa mata ng Dios, ang humble na tao ay ang mas pinakikingan at minamahal ng todo.

At lastly, itoy paalala din sa atin na nagmula tayo sa abo. Sa abo pa din ang balik ko at pati kayo. Huwag na nating hintayin na tumanda tayo at saka pa lang magbabago. Huwag na nating hintayin na magkasakit ng terminal cancer o anu pa mang sakit saka lang tayo makaisip na magbago. Huwag na nating hintayin kung kelan kokonti na lang ang araw bago tayo bumalik sa abo saka tayo magbabago.

BEHOLD, NOW IS A VERY ACCEPTABLE TIME; BEHOLD, NOW IS THE DAY OF SALVATION. NGAYON NA ANG PANAHON PARA MAGBAGO.

HINDI PWEDENG PALAGAY LAGAY KA LANG NG ABO SA IYONG NOO. YOU SHOULD BE HUMBLE ENOUGH TO ADMIT AND CONFESS YOUR SINS, DO PENANCE AND CHANGE.



Sunday, February 7, 2016

Siya Nawa!

Ang paniniwala ay may dalawang aspeto. Ang una ay ang nilalaman ng ikalawang pagbasa. Kapag sinabi nanting naniniwala tayo, ang ibig sabiin nito ay tinatangap mo na totoo at kapanipaniwala yung sinasabi o yung mensahe na dumating sa iyo. Ang ikalawa naman ay ang paniniwala na itinuturo ng ebanghelyo ngayong araw na ito. Sa salitang Griego, ang "paniniwala" ay ibig sabihin "tiwala," pagtitiwala. Pagtitiwala in the sense na isinusurender mo na sa kanya ang buo mong pagkatao, ang buong ikaw. Naalala ko tuloy yung sabi ng isa kong kaibigan na humuhugot sa buhay nya: "e wala father, ibinigay ko na sa kanya ang lahat pero ipinagpalit nya pa rin ako sa iba. Kaya hindi na ako naniniwala sa forever" Hugot lang ang peg ni iha. Well, bago pa ako malayo sa topic, to have faith in Jesus is to put one's total trust in him. At sure ako, pag sa kanya mo ipinagkatiwala ang iyong heart ay sasabi mo rin sa huli, "ay may forever nga."

Mga kapatid, ung paniniwala sa Dios ay hindi lang pag tangap bilang isang katotohanan ang Kanyang mga Salita o na mahal nya tayo. Kasama dapat nito ang pag papaubaya ng buhay natin sa Kanya. Yung hayaan natin na mahalin tayo ng Dios sa pamamagitan ng pagmamahal din natin sa kapwa. Yung parang sa mag syota na binigay mo na lahat pati password ng fb mo, kinuwento mo na lahat ng baho ng pamilya mo, wala kang nirereserve o hindi alam ng partner mo. Parang ganun. (Yung mga bitter jan wag na muna kokontra at may araw din kayo).

Nabangit sa Gospel natin ngayon si Pedro at ang kanyang mga kasamahan. Sila ay mga dalubhasa sa pagningisda. At yun ang hanap buhay nila. Nung gabi bago sa kaganapan kasama si Jesus ay wala silang nahuling isda bagamat ginawa na nila ang lahat. Maya't maya'y bigla na lang sinabihan sila ni Jesus: "go out into the deep and lower your nets." E lokoloko lang ang gagawa nun lalu na kung sumikat na ang araw. Sigurado, gaya ng karamihan sa atin na puro marurunong sa lahat, all knowing ika nga, sa isip din siguro ni Pedro at ng mga kasamahan e parang nagagago lang ang taong ire. Anak ng karpentero si Jesus, karpentero lang din for sure ang alam ng binata. Kahit ako kung ako si Pedro, sasabihin ko, "sino ka para sabihan mo ako ng dapat kong gawin sa pangingisda e wala ka ngang experience sa pangnisda, ako matagal na, at alam ko na walang makukuha pag wala tagala." Pero, in the end, kahit na matigas ang ulo ni Pedro ay di siya nagpadala sa familiarity nya sa anak ng karpentero at nagtiwala, sabi nya: "kami (na professional sa pngingisda) ginawa namin lahat buong gabi para makahuli pero nauwi sa wala, pero kung yan ang sabi mo (ikaw na amateur at jabber lang), siya nawa."

TRUST AND FAITH LEADS TO MIRACLES. FAMILIARITY HINDERS THEM TO OCCUR. Dahil nagtiwala si Pedro at ipinagpaubaya nya na lang kay Jesus ang lahat, di nya inakala namakakhuli sila ng ganun na lang kadami. Mga kapatid, ganyon din ang anyaya sa atin: Pumalaot ka, magtiwala ka lang. Huwag mong igagaya ang tiwala na nawala sa iyo ng iniwan mo o nang iwanan ka ng x mo. Iba si Lord. Hindi ka totoong naniniwal sa Dios kung hindi mo ipinapaubaya ang lahat sa kanya ng buo.

Subalit ang paniniwala ay hindi dapat nasa utak lang. Kailangan mong isabuhay ito, isagawa, maranasan. Kailangan na sa lahat ng pagkakataon ay kaakibat mo Siya. Kailangan makita natin t sundin ang kanyang hamon na magmahal bagama't mahirap o masakit masaktan, na magpakita ng awa at habag sa kapwa, maging makatarungan, malaya, magpatawad, makipagkasundo, maging mabait, magiliw at marunong tumangap ng iba. Ang paniniwala natin sa kanya (paniniwala na totoo  ang pagmamahal nya) ay ang magdadala sa atin ng mga karanasang di natin inaasahan na makita. Ang paniniwala sa kanya (pagtiwala sa kanya ng ating buhay) ay ang siyang tutulong sa atin sa panahon na tayo'y madapa at malagpasan ang hirap na dinaranas at dadanasin sa ibabaw ng lupa.

Yung karanasan natin, na nagdadala sa atin sa paniniwala o pagtiwala sa Dios o (ang paniniwala na nagdadala sa atin na maranasan natin ang pagmamahal ng Dios), ay ang siyang gumagawa sa atin bilang mga taga pagsunod niya, bilang mga disipulo ni Jesus. Natututo tayo sa kanya, naniniwala tayo sa kanya, ipinapaubaya natin ang buhay natin sa kanya, inilalangkap natin ang mga turo niya sa mismong buhay natin. Diba yun yung pagiging isang disciple o follower? Well, ngayong araw na ito, iniimbitahan tayo na huwag lang manatili bilang taga sunod. Iniimbitahan din tayo na maging tagapaglaganap ng kanyang Salita, ng kanyang pagmamahal sa lahat.

Pero, malaking P-E-R-O ang dapat nating tandaan: Ang paniniwala sa Dios at ang pagdanas ng kanyang pagmamahal sa buhay natin at ang pagtulong sa pagpapalaganap nito ay nangangailangan ng PAGPAPAKUMBABA.

Balikan natin yung mga binasa ngayong araw Is 6:1-2a, 3-8, 1 Cor 15:1-11 at Lk 5:1-11. Anung naging attitude ni Pedro pagkatapos ng milagro? "Go away from me, Lord; I am a sinful man" ang sabi nya. Ang sinu man na nahumaling sa Dios, nakaranas ng pagmamahal ng Dios ay namamalayan nya na sya pala ay wala kung ikukumpara sa kadakilaan ng Maykapal. Anong sabi ni Isaiah: “Woe is me, I am doomed! For I am a man of unclean lips, living among a people of unclean lips; yet my eyes have seen the King, the LORD of hosts!” Anung sabi ni San Pablo? "I am the least of the apostles... I hardly deserve the name apostle." So bilang Katoliko na may paniniwala sa Dios, di ka dapat naninira ng iyong kapwa kahit na iba a man ang paniniwala nila. Dapat makita ung pagsasabuhay at pagdadala natin ng mensahe ng Panginoon sa mapakumbabang pamamaraan. Hindi sa pag aasta katulad ng mga tumutuligsa. Humility makes our faith credible and our actions as true actions of piety and devotion to God.

Si Pedro, si Isaias, si Pablo ay tinawag upang ipalaganap ang paniniwala at karanasan sa Dios. Tayo rin ay inaanyayahan na maging katulad nila, ACTIVE FAITHFUL. Hindi yung papasok sa simbahan, uupo at uuwi pagkatapos ng misa tapos wala na. You can be fishers of men by showing them the "Faith", by living out your experience of this faith and by humbly proclaiming it to others,

AND REMEMBER: ONLY A HUMBLE PERSON WOULD PUT HIS TRUST TO SOMEBODY ELSE. ONLY A HUMBLE PERSON WOULD LIVE WHAT IS BEING ASKED OF HIM. ONLY A HUMBLE PERSON WILL GO OUT INTO THE WHOLE WORLD TO PREACH ABOUT HIM AND NOT ABOUT HIMSELF. AT TANGING ANG ISANG TAONG MAPAGKUMBABA LANG ANG MAY TOTOONG "SIYA NAWA!"



Pescatore di uomini


Le tre letture di oggi si concentrano su queste tre parole sulle quali dobbiamo riflettere: LA FEDE, L'ESPERIENZA, E APOSTOLATO.

LA FEDE. La nostra fede ha due elementi. Il primo elemento è espressa da Paolo nella seconda lettura: per "avere fede" bisogna accettare il messaggio come vero e credibile. Il secondo elemento è quello che il Vangelo oggi ci insegna. La parola greca "fede" è “pistis”. Il significato di “pistis” è "fiducia". Avere fede in Gesù significa mettere la nostra fiducia totale in lui.

Il primo è quello di credere a ciò che la persona dice come vero e affidabile. E il secondo è quello di credere nella persona o per essere pronti a porsi totalmente nelle mani di quella persona. "Credo che quello che dici" e "Sono completamente fiducioso di te" sono distinti nel significato e nella sua applicazione. La fede cristiana richiede entrambi. Una vera fede non solo accetta il contenuto del messaggio di Dio come vero e credibile, ma si tratta di una resa totale di sé stessi a tutt ciò che é.

Nel Vangelo di oggi troviamo Pietro e i suoi compagni, sono gli esperti, quando si tratta di pesca nel lago. Ma anche così, dopo una notte di lavoro intero non hanno nulla da mostrare nonostante i loro sforzi. Allora Gesù, dopo aver finito l'insegnamento alle folle, suggerisce a Simone di prendere il largo e gettare le loro reti per la pesca. Gesù è figlio di un falegname. Che ne sa lui di pesca? Poi è già giorno. Non si va a pesca con la luce del giorno. Se fossi Pietro direi, "Chi sei tu, falegname, un ragazzo per dirmi che cosa devo fare, io ho più esperienza e conoscenza delle attività di pesca?" Questo mi ricorda le persone che pensano di essere migliori solo perché sono impegnati nei loro lavori e o sono più grandi di età. Poi Pietro ha detto: "Noi, [i professionisti] abbiamo faticato tutta la notte e non abbiamo preso nulla, ma sulla tua parola [il dilettante] getterò le reti".

Il risultato è stato travolgente e totalmente al di là delle loro aspettative; le reti non possono contenere i pesci. Era la loro prima prova di fede in Gesù. La stessa chiamata viene a noi: "Andate in acque profonde ... Fidati di me completamente ... e avrete una piacevole sorpresa." Non abbiamo imparato a credere finché non avremo raggiunto quel livello di fiducia totale e incondizionata nella Parola di Gesù.

ESPERIENZA. La fede non rimane nella testa. È da vivere. Dobbiamo trovare noi stessi in rapporto con lui tutte le circostanze della nostra vita. Dobbiamo trovare la sfida ad amare, a mostrare misericordia e compassione, a praticare la giustizia, a essere liberi, a essere in grado di perdonare e di riconciliarsi, a essere gentile, dolce e disponibile; si tratta di cercare, trovare e rispondere a lui in tutte le cose. E la nostra fede in lui (la fede nelle sue parole) che ci condurrà a questo tipo di esperienze. La nostra fede in lui (affidando a lui la nostra vita) ci aiuterà a sopportare eventuali disagi che potremmo sperimentare nel vivere ciò che abbiamo creduto.

APOSTOLATO. La nostra fede ed esperienza in Gesù ci rende suoi seguaci, suoi discepoli in modo che viviamo il suo modo di vivere. Abbiamo imparato da lui, abbiamo creduto alle sue parole, affidiamo la nostra vita a Lui, incorporiamo il suo insegnamento nella nostra vita. Siamo chiamati ad essere discepoli di Gesù. Sì, lo dobbiamo essere. Tuttavia, le letture di oggi ci chiedono di più. Noi siamo chiamati non solo, a seguirlo, siamo anche chiamati a trasmettere il messaggio di Gesù agli altri, per diventare apostoli di oggi. Ma nel nostro lavoro di apostolato, dobbiamo essere ricolmi di una cosa: L'UMILTÀ in ogni senso.

Dopo la grande pesca, Pietro è assolutamente sopraffatto da quanto è successo. Sa che è presente di fronte alla potenza di Dio. Tutta la sua arroganza scompare, ed è superata dalla propria piccolezza e indegnità. "Andate via da me, Signore, io sono un peccatore". Un vero e proprio segno di un'esperienza con Dio. Chiunque viene veramente faccia a faccia con Dio deve diventare consapevole della sua piccolezza di fronte a Dio.

Isaia dice nella prima lettura: "Che miserabile lo stato in cui sono! Sono perduto, perché sono un uomo dalle labbra impure ... ed i miei occhi hanno guardato il re, il Signore degli eserciti". Paolo dice: "Io sono il minimo degli apostoli ... Quasi non merito il nome dell'apostolo." E nonostante questo, tutti - Pietro, Paolo, Isaia - sono stati chiamati ad essere apostoli. Una persona delegata e inviata a trasmettere un messaggio o effettuare una missione per conto del suo padrone. Questi tre uomini sono stati chiamati e, anzi, ogni persona che vuole essere conosciuta come un "cristiano" è chiamato non solo ad essere un discepolo, un seguace, ma anche un apostolo, un araldo, un annunciatore. E questo non solo a parole, ma con tutta la testimonianza di ciò che si è e si fa. "Eccomi, manda me", ha detto Isaia. "Ho lavorato più di tutti gli altri (nella predicazione del Vangelo di Gesù)", dice Paolo. "D'ora in poi sarai pescatore di uomini", Gesù dice a Pietro.

FIDUCIA nel Signore, ESPERIENZA del Signore, e il nostro APOSTOLATO nel Signore conducono ad una vita umile. Un pesactore di uomini, hanno bisogno di questi tre. E solo la persona umile mette la sua fiducia in qualcun altro. Solo una persona umile sa vivere ciò che gli viene chiesto. Solo una persona umile andrà in tutto il mondo a predicare Lui e non sé stesso.