Nung nasa elementary tayo napagaralan natin sa Science kung papano nabubuo ang mga mamamahaling perlas. Ang sabi e nabubuo daw ito sa pan...
Nung nasa elementary tayo napagaralan natin sa Science kung papano nabubuo ang mga mamamahaling perlas. Ang sabi e nabubuo daw ito sa panahon na may makapasok na foreign object gaya ng dumi o anu pa man na particles na nakakairita sa loob ng isang talaba. Ang ginagawa ng talaba ay paulit ulit niya tong binabalot ng nakar hangang sa mabuo na nga ang tinatawag nating perlas. In short, dahil sa dumi nakabuo ng napakahalagang mutya na tinatangi.
Bawat nilalang ay may kanya kanyang pinagdaraanan sa buhay. Maraming pusong consciously at unconsciously na nasusugatan, nasasaktan, nabibiyak, nawawasak, sumasabog, natitinik sa bawat pagkakataong nakakaranas tayo ng problema sa buhay, mga unwanted rejection imbes na pagmamahal. Subalit ganito man ang takbo ng karamihang ng buhay ng tao sa ibabaw ng mundo, may chance pa din na itong demonyong hinayupak kung baga na unwanted guest, problema o tinik sa puso natin, ay maaring makapagbigay nga panibagong perlas ng sambayanan. Tingnan na lang natin bilang example ang tatlong tao na nabangit sa mga babasahin ngayong Ikalawang Lingo ng Pagkabuhay: si Pedro, si Juan, at si Tomas.
Si Pedro, ang taong tumutwa, nagkaila kay Jesus nung panahong ang kanyang kaibigan ay inaresto, ay ayun ngayon nasa templo, wala nang takot na nangangaral, nagpapahayag ng kanyang pagiging "kay Cristo", gumagawa ng mga bagay na nakakamangha at hindi ikinahihiya na siya'y minsan naging walang kwentang kaibigan. Humahakot ng madaming tao na kagaya niya na makasalanan patungo sa pagsunod kay Cristo. Si Juan naman, na isa sa dalawang disipulo na gustong maupo sa trono kapag naghari na daw si Jesus ay nauwi sa pagsusulat ng kanyang experience nga pagmamahal mula sa kanyang Guro ng Pag-ibig. Ipinakilala niya ang dakilang pagmamahal ng Dios ng Pagmamahal. At si Tomas naman, na bagamat naging bahagi ng mga lakwatsa ni Hesus, nakinig, nakakita sa lahat ng mga milagro na ginawa ng kanyang Guro, hindi agad naniwala na si Cristo ay buhay hangat sa hindi nakita ng dalawa nyang mga mata at nadama ng kanyang mga kamay na totoo nga. "Weh di nga?" ika siguro ni Tomas sa kanyang mga kasama. "Butbot ninyo" kung sa bisaya pa. Dahil sa kanyang kahinaan sa paniniwala, nabangit nya tuloy ang "My Lord and my God" at nakilala tuloy siya as one of those who best expressed faith in Jesus Christ despite sa kanyang doubt.
Tatlo lang yan sa madami pang example ng mga taong ordinaryo tao na naging Perlas bagamat nagkasala, sipsip, skeptic etc etc. Anong sekreto nila? Well, ginaya lang nila ang talaba. Pero ang pinagkaiba ay ang presensya at pagkadarama ng Banal na Awa ng Dios na nakaantig ng bawat puso nila, ang bumalot sa kanilang "foreign object". Ang Banal na Awa ng Dios ang nakar na bumalot sa kanilang kahinaan upang maging isang walang katumbas na halaga na perlas ng simbahan. Inamin nila, inangkin ang pagkakasala, hindi ikinahiya ang kanilang kahinaan at ang realidad nila sa buhay, hindi itinago kung sino man sila. Tinangap na sila'y nagkasala kung kaya't nanatili ang Spiritu ng Panginoon sa bawat isa sa kanila at nagabago ng landas.
Mga kapatid, marami sa atin ang mahilig umiwas sa mga tunay na issue sa ating buhay. Maraming takot na magkamali. Nasobrahan kasi tayo sa rubrics at sa moral issues. Maraming ayaw harapin ang kahirapan, ang pagdurusa na nararanasan, ang katotohanan. Marami ang ayaw angkinin, aminin na silay nasasaktan. Maring ayaw aminin ang kahinaan. Maraming tao ang mahilig magproject na malakas sila, makisig, masaya, magaling, may alam sa lahat ng bagay. Marami din ang ayaw tignan ang tunay na realidad ng buhay. In other words, gusto ng karamihan sa atin ay isang buhay na perfect. As in perfect. Walang kulang, walang labis. Perfect. Walang dungis, walang sakit na mararamdaman, walang rejection, walang sugat na mangyayari sa puso, walang mang iiwan, etc etc. Kaso, anu nga ulit ang naging pagkakamali ni Adan at ni Eba sa paraiso? Kasi dahil...? gusto nilang maging? Gusto nilang maging PERFECT like God na alam ang tama at mali. Tinukso daw ng ahas. Weh di nga? Kung lalaliman pa natin ang pag-aaral ukol sa kwento nila, yung ahas ay actually yung subconcious desire ng tao to become like gods...gods who knows everything, gods who can control everything, and make everything perfect.
Unfortunately ang kasalungat ng pagiging santo at ng kabanalan ay ang pagiging perfecto. May kilala ka bang may perfect life? May kilala ka na bang santo at banal na tao na walang pinagdaanan sa buhay, perfectong tao daw, hindi nasaktan? Weh di nga? Ako kasi wala pa. Ung iba pa nga, ang alam ko dating mga makasalanan. Pero dahil sa dakilang pag-ibig ng Dios naiba ang kanilang buhay. Ang pinakadakilang mga santo na kilala ko ay puro mga imperpektong tao o mga taong nakaranas ng hirap sa buhay. Ang kinaibahan lang nila sa karamihan ay natuto silang tangapin ang kanilang mga kahinaan, natutong tangapin ang sakit na naranasan sa puso, natutong pangalanan ang kanilang kahihiyan at mga pinagdaanan, natutong gamitin ang kanilang kakulangan upang maging buo na muli. Namuhay na parang teleserye na maraming ups and down pero in the end...happy ending. Natuto silang iconvert sa perlas ang foreign irritating object na pumasok sa kanilang normal na buhay. At sa kanilang pagtangap sa kahinaan naroon ang Dios. Sa kanilang kakulangan nakapamalagi ang Dios. Sa kanilang pagtangap sa kakulangan nakagawa ng nakamamanghang milagro ang Dios sa kanilang mga pangalan. Kung perpekto na kasi tayo, wala nang dahilan upang gamutin pa tayo. Wala na ding dahilan para punuin tayo ng Banal na Awa ng Dios. Kung perpekto tayo, hindi na natin kailangan ang Dios. "Hindi nangangailangan ng manggagamot ang mga walang sakit, kundi ang mga maysakit: hindi ako naparito upang tumawag ng mga matuwid, kundi ng mga makasalanan," sabi ni Hesus. Tandaan lang natin, kung hindi napasukan ng irritating object ang talaba, meaning perfect, walang nakar na babalot rito at lalong wala kang perlas na pwede mong suotin sa iyong katawan. You would not want to be a perfect but an empty oyster, would you?
The Divine Mercy works in our imperfection. The Divine Mercy completes, compliments what is lacking in us to eventually become perfect and precious pearls. This should make us understand why there are unworthy church leaders and pastors and yet they were called by God. This should make us understand why the Church is not bothered to be imperfect. Hindi kasi si Lord nagbabase sa kung anung klasing tao tayo, o anung nagawa natin o ginagawa natin o sa di natin ginagawa kahit na dapat. Hindi sa moral issues nagbabase ang Dios sa kanyang pagpili at pagawa ng perlas. Binabase nya sa pagmamahal na kanyang ibinibigay sa kahit na sinuman. Binabase nya sa kanyang pangarap para sa bawat isa sa atin na maging perlas panghabang buhay bagamat marami tayong kakulangan.

No comments