Tuesday, December 29, 2015

Obbedienza e feducia

Ci troviamo di fronte due cose oggi nel nostro Vangelo: il primo è l'obbedienza dei genitori di Gesù alle prescrizioni di legge e la seconda è il secondo e il profeta Simeone. I genitori di Gesù, Maria e Giuseppe erano obbedienti e sono giusti. Obbediscono alle prescrizioni della legge giudaica. hanno presentato Gesù al tempio che offre una coppia di tortore che è stato prescritto per i poveri. A noi, siamo invitati anche a essere come Maria e Giuseppe: che non importa ciò che la nostra professione è, non importa chi siamo, tutti siamo invitati a seguire le prescrizioni di Dio. E che la prescrizione è: amare a Dio e amare il prossimo in ogni modo possibile. E anche di offrire noi stessi al Signore, tutte le nostre opere per la maggior gloria di Dio.

E la seconda persona che abbiamo sentito è Simeone. Simeone era vecchio e per morire. Aspettava di vedere il Messia e ha proclamato la sua fede. Spero anche che potremmo arrivare alla fine della nostra vita che abbiamo visto il Signore durante il nostro viaggio sulla terra. Spero che saremo in grado di riconoscere la sua presenza negli altri e in noi stessi. Spero che si possa arrivare in quel giorno in cui riconosciamo pienamente nella nostra vita la presenza di Cristo. E spero che non ci avrebbe aspettato quando sarebbe quel giorno sarebbe stato. Dovremmo iniziare riconoscerlo nei piccoli atti di amore che facciamo agli altri, e le piccole azioni di amare gli altri fare per noi e nelle grazie che Dio ci dona ogni giorno.


Wednesday, December 23, 2015

Come Ti Chiami?

Ognuno di noi è stato dato il nostro nome dai nostri genitori quando siamo nati. Un nome speciale per loro. Immagino che sono molto orgogliosi dei nostri nomi perché siamo parte della loro vita da quel momento. Proprio come Giovanni quando è nato. Volevano chiamarlo Zaccharias. Ma i suoi genitori ha un nome speciale per lui. Un nome che porterà un grande e particolare responsabilità. Ed è stato nominato come lo volevano avere.

Quando siamo stati battezzati, nostro nome sono stato registrato nella chiesa e ci portiamo questo nome fino alla morte. Siamo conosciuti per il nostro nome. Qualunque cosa facciamo, il nostro nome va con esso. Sia buona o cattiva. Ma predere nota, perche quando siamo stati battezzati, in realtà, ci viene dato un altro nome che non è scritto, ma deve essere vissuta. E 'il nome di Cristo che ci fa cristiani. E con questo nome, dobbiamo vivere il modo in cui dovrebbe essere. Ognuno di noi siamo chiamati ad essere testimoni di quel Cristo che è venuto duemila anni fa, la cui nascita si celebrerà due giorni da oggi. Il nostro fratello che ha fatto molte opere meravigliose, era molto misericordioso, compassionevole, gentile e amorevole.

Preghiamo il Signore oggi, che qualsiasi nome siamo chiamati: Maria, Pietro, Giovanni, Luigi, Carlo, Andrea, Veronica, etc etc, possiamo mostrare il nostro essere vero cristiano, i nostri portatori benessere del nome di Cristo. Possiamo noi essere compassionevoli, misericordioso e amorevole oggi e sempre, un messagero di Vangelo di Cristo.


Sunday, December 20, 2015

Namamasko Po!

Isa sa mga tradisyon ng Pilipino ay ang pamamasko natin sa ating mga kamag anak at pamamasako lalung lalo na sa ating mga Ninong at Ninang. Bibisita sa bahay nila at sasabihing "Merry Christmas po," ibubuka ang palad sabay magpapakita ng maamong mukha sa harap ng ninong at ninang upang kaawaan kunyari at laking tuwa sa mukha, nakangisi ang labi na umaabot hangang tenga pagnapagbigyan na. Ang iba, dahil sa napakarami ng inaanak, maliban na lang sa mga tumatakas at nagtatago tuwing Pasko, ay bibigyan na lng agad ng regalo ang kanilang inaanak. Ang iba naman, kagaya ng isang ninong ko, may ipapagawa muna sa akin bago ako bigyan ng regalo. Syempre susundin ko ang kalooban ng ninong para bigyan ako ng mas malaking pamasko.

PAGBISITA, PAGHABAG, PAGKALOOB. Tatlong katagang ibinibigay sa atin ngayong ika 4th Sunday of Advent, ika limang araw ng nobena para sa pagdiriwang ng kapistahan ng kapanganakan ni Kristo. Tatlong kataga na kapag ginawa natin ay NAGDUDULOT NG SAYA AT LIGAYA. Tatlong katagang pwede nating gamitin bilang kahulugan ng PAMAMASKO.

PAGBISITA. Hindi ba't masaya tayo kapag ang isang kamag anak ay dumadalaw sa atin. Maliban na lang kung ang kanilang sadya ay mangutang lang pala. Hindi ba't masaya tayo pagbinisita ng mga kaibigan na matagal na nating hindi nakikita. At mas masaya tayo kapag may isang taong bumisita sa atin at ang dala niya ay magandang balita, swerte o isang masayang kaganapan. Ang pagdalaw ni Maria kay Elisabet ay nagdulot ng ligaya at tuwa hindi lamang sa kanyang pinsan kundi pati sa batang dinadala sa sinapupunan niya. Ang dala ni Maria ay isang precious gift para sa mag ina. Isang napakahalagng regalo na handog din niya sa mundo, para sa ating lahat. Isang regalo na naghatid ng lungkot at pait sa mga kalaban ng kabutihan, isang regalo na naghatid ng saya at ligaya sa sangkatauhan sapagkat ang regalo ay SIYA, ang Dios ng puno't dulo ng saya at ligaya, si Jesus ang Anak ng Tao, ang Anak ng Dios. "For at the moment the sound of your greeting reached my ears, the infant in my womb leaped for joy."

PAGKAHABAG. May mga taong ayaw kaawaan dahil nagmumukha daw silang walang kwenta at tinatamaan ang pride nila. Masaya sila pag hinayaan mo lang sila. May mga tao naman na gustong gusto na kaawaan sila at sa pamamagitan nito sila ay nagiging masaya. Marami naman ang nagmamakaawa na sana lubayan na ng lungkot at pait ang buhay nila. At pag nangyari ito sasaya na daw ang buhay nila. Maring tao sa mundo ang napapagkaitan ng pagkaawa: mga kababayan natin sa ibang bansa na puspos na nagtatrabaho subalit ang kanilang mga kamag-anak naman sa Pinas naglulustay lang ng pera o may ginagawang kalokohan sa buhay nila; mga kababayan natin sa ibang bansa na inaapi at sinasaktan ng kanilang among banyaga; mga imigrante galing sa mga bansang magulo na dumadalaw at nakikipagsapalaran sa maalong malamig na dagat at nagmamakaawa sa border guards na papasukin sila; mga pulubing nasa kalye, nagtitiis sa lamig ng panahon at ulan, sa init ng araw at sa panahon na wala silang makain. O huwag na nating ilayo pa, yung mga magulang na sila na lang na mag asawa naiwan sa bahay nila dahil lahat ng mga anak ay nagsipag asawa na at may kanya kanya ng pamilya; o mga magulang na iniwan ng anak dahil nangibang bansa o nag-aaral sa malayong lugar o dahil na din sa kagagawan nila. Hindi ba't magkakaroon ng saya at ligaya sa puso mo at sa kanila kung maawa ka at dadalawin mo sila ngayong Pasko.

Magandang pakingan ang mga salitang "Jubilee Year of Mercy." Subalit kung hangang salita lamang tayo at wala tayong awa, walang saysay ang pagdiriwang ng jubilee na yan. Walang saysay ang pagdiriwang ng Pasko kung hindi ka makakaramdam ng pagkaawa sa mga partikular na tao na mahal mo sa buhay. Kung ang Dios nga ay may pagkaawa sa atin, hindi ba't nararapat din na tayo ay magkaroon ng PAGKAAWA, PAGKAHABAG SA ATING KAPWA. Sa kanyang pagkahabag sa atin, nagsakripisyo siya para sa atin. Sa kanyang pagmamahal sa atin, dinalaw nya tayo, naawa siya at nagmalasakit sa atin kahit na ang kapalit nito ay malaking sakripisyo ng buhay niya. Si Maria na buntis, naglakad mula sa kanila hangang kila Elisabet. Mary set out and traveled to the hill country in haste to a town of Judah, where she entered the house of Zechariah and greeted Elizabeth. Bagama't hindi dapat, pero ginawa niyang dalawin ang kanyang pinsan sapagkat, logically, isang matandang babae na halos lola na ang edad na nagbuntis ay una hindi kapanipaniwala pero nangyari at pangalawa ay mahirap yatang magbuntis sa sitwasyon niya. Nahabag si Maria kay Elisabet. At sa pagkahabag at pagdalaw, nagdala ito ng saya at ligaya sa pinsan niya at sa batang dinadala.

PAGKALOOB. Marami sa atin ang malimit na nagsasabi na pagkaloob ng Dios ang mga masasamang pangyayari sa buhay natin: kalamidad, pagkamatay ng mahal sa buhay, pagbagsak ng negosyo, pagkawala ng mga mahahalagang bagay para sa atin, etc etc. Siya laging naisisi o Siya ang laging may kasalanan. Napakasama naman ng dios na yan kung ganun. Hindi kaya nya pagkaloob ang masaktan ka. Hindi kaya niya pagkaloob na mapasama ka. Hindi rin ni pagkaloob na mamatay ka. Hindi niya pagkaloob na mawalan ka ng pag-asa. Ang pagkaloob niya ay sana ay maging masaya ka. Ang kalamidad ay parte ng struktura ng mundo natin. At malimit nangyayaro dahil na din sa kagagawan natin. Ang pagkamatay ay bahagi ng buhay ng tao. Lahat ipinapanganak at lahat ilalagak sa sementeryo o magiging abo. Lahat ng di magagandang pangyayari ay nagaganap dahil sa kalooban natin at kung minsan ay dahil baliktad o malayo ang kalooban natin sa nais ipagkaloob ng Dios sa atin. Paminsan inaakala natin na ang kalooban natin, ang gusto natin, ay ang siyang kalooban din niya. Nasa isip lang natin. Wala naman sigurong anghel na dumadalaw sayo at nagsasabing ito ang gusto ng Dios para sa iyo sa tuwing nagdidisiyon ka sa buhay mo. Isang pamamaraan upang makita kung kaloob ba ito ng Dios: masaya ka sa desisyon mo, lumigaya ang lahat sa paligid mo, maganda ang bunga ng naging desisyon mo o mga pangyayari, nakapagpaligaya ka ng iba, nagdulot ito ng tuwa sa puso ng madla. Sa madaling salita, ang pagkaloob ng Dios ay nagdudulot ng saya at ligaya at hindi lungkot at pait sa buhay natin.

Subalit dapat nating tandaan na ang KALOOBAN NATIN ay dapat maging SANG AYON SA KALOOBAN NG DIOS. Dahil binigyan tayo ng Dios ng kalayaan na suwayin, umiba, lumayo sa kalooban niya. Kaya ka minamalas, kaya ka napupunta sa sakuna dahil ang tao din mismo ang lumalayo ng kanyang kalooban sa kalooban ng Dios. Kapag nagkatagpo ang kalooban ng Dios at ang kalooban mo, saya at ligaya ang dulot nito sa iyo, sa iyong pamilya, at sa iyong kapwa. Nang sumangayon si Maria, nang naging isa ang kanyang kalooban sa pagkaloob ng Dios sa kanya sa pamamagitan ng anghel, naisilang ang batang sangol na nagdulot ng saya at ligaya. Nagdulot ng saya at tuwa sa batang nasa sinapupunan ni Elisabet nung dinalaw siya ng Nanay ng Anak ng Tao, ng Nanay ng Anak ng Dios. PINAGPAPALA ang mga taong sumasangayon sa kalooban ng Dios, sumasang ayon sa pagkaloob ng Dios sa kanya. "Blessed are you who believed that what was spoken to you by the Lord would be fulfilled.

Kaya ngayong Pasko, bisitahin mo kaya yung matagal mo nang di binibisita. Upang magdala ka naman ng saya at ligaya sa kanya. Kung bibisita ka ngayong Pasko sa iyong kapwa, sana naman ligaya at saya ang iyong pagkaloob sa kanya at hindi magiging isang "bwisita." Sana ngayong Pasko, magkaroon sana tayo ng pagkahabag sa mga taong nangangailangan nito. At sana ngayong Pasko, ipagdasal natin na isasang ayon na natin ang ating kalooban sa kalooban ng Dios at atin sanang ipagkaloob sa kanya ang ating pagkaloob. Dahil itong tatlo, PAGBISITA, PAGKAHABAG, PAGKALOOB ay ang tunay na diwa ng PAMAMASKO sa kapwa mo.

I pray for all those who have no one to visit them, for those who are unwanted and are not visited at all because of personality traits or because of fate. May they find happiness inspite of everything. May there be someone to visit them and remember them this Christmas. I ptay for the thousands of immigrants suffering and struggling in life, for all those who are mal treated in other places, for those who are desperate and in pain, for all those persons who have incurable wounds in their hearts. That they may have someone to give them joy and make them feel loved. And lastly, I pray that the will of God be done according to his saving plan. Merry Christmas in advance!

photo credits to: Fr. Arvin Bellen, CMF (https://www.facebook.com/Claretian-Missionaries-Sarangani-1420939028127048) and to Sem. Randall Lipnica Pabilane


Saturday, December 12, 2015

Ligaya Ang Itawag Mo sa Akin

Ligaya ang itawag mo sa akin. Mga katagang alam ko sa iba ay may ibang kahulugan. At malamang ang iba ay napapaisip, anu na nanaman kaya ang pumasok sa kukote ni pads. Bahala kayo sa buhay ninyo kung anu man isipin nyo. Basta kung san ka man masaya, suportahan kita. Nais ko lang gamitin ang mga katagang ito ngayon araw sapagkat ang punto ng blog entry na ito ay naka sentro sa LIGAYA at sa NAGBIBIGAY LIGAYA sa buhay natin bilang Kristiyano. At YAN DIN MISMO ANG DAPAT ITAWAG SA IYO ngayong darating na Pasko.

Ano nga ba ang nakakapagpaligaya sa tao? I have posted sa Facebook the other day the question: "What makes you happy?" Some seriously answered it while some thought that it was for fun and most of the people might have not understood the question or maybe the like button itself is that what makes them happy all the time. The answers unconciously shows the depth of happiness they have in life and the profoundness of their source of happiness in life. Buti na lang walang nagsabing "Ikaw lang ang nagpapaligaya sakin."

Most of the answers to that question, pati yung mga ayaw ipabasa kaya sa private message or email na lang sinagot were all about being happy because someone is there for them, dahil may nagpapasaya sa kanila, may nagbibigay sa kanila ng ligaya. Their source of happiness ay nangagaling sa mga taong nakapalibot sa kanila, sa career, sa treasure, sa relationships, sa presence ng mahal sa buhay. Yun nga lang these people when they are gone, they are the same people who brings us sorrows and pain. Lalu na din pagnawalan ka ng trabaho at source ng kabuhayan. Pait ng buhay ang tawag mo na jan. Some also said abstract words like love, harmony, peace, etc. Na nung tinanong ko na: "what is love?" or "anung meron sa love?" "...mmmmmmm..." na lang ang nakuha kong sagot. Sabagay ako "hmmmm" lng din sagot ko. Some said God or Christ, simbahan. But still the same. Both the happines that the abstract words at yung ligaya na dala ng Diyos sa iyong buhay ay lahat ligaya na sa iyo binibigay. Joy and happiness that comes from the external.

This 3rd Sunday of Advent, we are invited to be happy, to find joy in our lives. Not just to be extraordinarily happy or to find the extraordinary joy but rather to FIND THE AUTHENTIC JOY AND HAPPINES in life. Gaudete Sunday as they call it, is a Sunday for us to REJOICE. And you can only rejoice if you are full of joy and happiness in the heart. MAGALAK. MAGSAYA, MATUWA, MAGDIWANG, MALUGOD, MAGPAGALAK, PASAYAHIN, MAGPASAYA ang mga pandiwa, mga katagang singkahulugan ng REJOICE sa ating salita.

"Be glad and exult with all your heart, ... the LORD, is in your midst, you have no further misfortune to fear" sabi pa ng first reading natin ngayon. We could say na yung  presensya ni Christ in our midst ay ang rason kung bakit dapat tayo ay maligaya, kung bakit tayo ay dapat magalak. Pero teka. Stop. Isipin mo nga, "Christ in our midst" sa bisaya pa "si Kristo sa taliwala nato" napakagandang term diba. Pero gets ba natin ang ibig sabihin nito? Siguro nung sa kapanahunan nya, 1,970 years ago e mas madali maintindihan at makita na SIYA NGA ANG NAGBIBIGAY LIGAYA sa mga taong nanganailangan sa kanya, ligaya para sa mundo kahit na sabihin natin na pait sa mga taong galit kay Cristo. Sa panahon natin, wala na siya dito physically pero nadarama pa din naman natin ang kanyang presence sa pamamagitan ng ating kapwa tao.

Isa sa karaniwang di natin napapansin, sa mga panahon na malungkot tayo o may problema, ang kapwa natin na tao na paminsan sila ang nagpapamulat sa atin sa katotohanan. Minsan di natin marealise na kapwa natin din lang ang gumawa ng hakbang para magbago tayo. Kapwa din natin ang biglang sumulpot, kapwa din ang nagbago sa sitwasyon na akala natin wala ng katapusan. Paminsan pag may taong sumagip o tumulong sa atin o kaya isang magandang pagkakataon ang nagyari, sasabihin natin: "hulog ka ng langit sa akin," "pinadala ka ng Dios upang tulungan ako," "Dios ko po! Siya lang pala ang hinihintay ko na magpapaligaya sa akin. Salamat Lord!" Isa lang ang kahulugan nito, ang DIOS NA NAGING TAO na nagbibigay ng ligaya sa atin ay nasa kapwa tao. Nasa kapwa natin si Jesucristo.

Pero wag sana nating kalimutan na TAYO DIN AY KAPWA TAO ng tao dito sa mundo. E kung ganun pala, ikaw din ay pwedeng tawaging LIGAYA NG BUHAY KO. LIGAYA NA DIN ANG ITATAWAG KO SA IYO. At dahil jan, ngayong araw na ito, eto ang challenge ko para sa inyo: kailangan panindigan mo ang pagiging LIGAYA mo dito sa mundo.  Baguhin natin ang kahulugan ng source ng kaligayahan mo. Gawin nating mula sa loob mo magmumula ang kaligayahan mo. Dahil nasa iyo ang pagkatao ni Cristo na tagapagligtas mo. Maniwala ka man o hindi.

Gaya ng mga tagasunod ni John the Baptist sa Gospel ngayong araw, nagtatanong: “What should we do?” Anong dapat mong gawin para tawagin kang Ligaya sa buhay ng tao? Gaya ng sabi ni Juan sa kanyang mga tagasunod: “Whoever has two cloaks should share with the person who has none. And whoever has food should do likewise.” “Stop collecting more than what is prescribed.” “Do not practice extortion, do not falsely accuse anyone, and be satisfied with your wages.” O parang patama sa mga pulitiko at mga may kaya. Sorry pero para din sa atin ang mga yan. Don't say that you are poor kaya excused ako jan father. The challenge and the call is for everyone. Those words of Christ can be transformed in our context bilang sugo na: "hoy magshare ka naman ng blessings mo," "huwag nang siraan ang katrabaho mo," "ngumiti ka na man paminsan," "maligo ka na man bago pumasok sa school o sa opisina," "batiin mo na yung matagal mo nang kaaway," "patawarin mo na nanay o tatay mo sa pagkukulang nila saiyo," "pakawalan mo na yang x gf/bf mo kasi ayaw nya na nga sa iyo," "hayaan mo nang maging masaya ang iba," "tawagan mo yung matagal mo nang di kinakausap na kaibigan," "huwag nang masyadong paasahin ang sarili sa wala," "isauli mo na yung ninakaw mo," "be true to yourself," "send someone to school with the extra money that you have," "magtapat ka na sa nararamdaman mo," "matuto ka din mag say 'no' para may matira pang oras para sa sarili mo," "convert your other passions into charity work," "be merciful," etc etc etc etc. Hindi ba't sasaya ang taong mabibigyan mo ng mga yan.

One perfect example yung ginawa ni Dr. Dilbert Monicit just recently to his former teacher. He is a doctor from Cebu. He did not charge anything for his services as a surgeon as a way of expressing gratitude to his favorite high school teacher who molded him into what he has become now.



Sa madaling salita, MAGPASAYA KA NG IBA this Christmas. From now on, learn to bring out that joy in you, that presence of the Lord in you. All of these are moments of loving, all of these are outward love. MAGING MALIGAYA KA sana daladala si LIGAYA sa puso at diwa.

This 3rd Sunday of Advent I pray for all my friends who can not find joy in their life because they are looking forward that somebody may give it to them from outside. May they realize that the authentic joy and authentic happiness can be found and will come from within their hearts. For the Lord Jesus Christ is in his/her heart. I pray for all those who finds joy in making others happy consciously and unconciously that you may never feel restless and unfulfilled if people would not return back your love or your efforts and kindness. I pray for all of you, like the way St Paul did in the second reading that you may "Rejoice in the Lord always. I shall say it again: rejoice! YOUR KINDNESS SHOULD BE KNOW TO ALL. The Lord is near." Amen.

I leave you with a video I found in YouTube the other day. Have a blessed Sunday.



Saturday, December 5, 2015

Patag at Tuwid

Malimit kapag may darating sa bahay, naghahanda tayo ng maigi lalu na kapag someone special ang bisita o isang taong matagal ng inaasam na makita. I grew up with my granparents so sa tuwing malapit ng sumapit ang Pasko, sabik na sabik ako na dumating ung araw that my mom and dad would come home for Christmas. My dad was an OFW so nagpapakabait ako so that I would have more chocolates and have a lot of pasalubong. My mom naman was just in Manila but then its just twice a year that we see each other. Kaya I remember na pag dumarating ang December, i would help in cleaning the house, prepare their bedroom, and make myself loveable to them. Nagpapakabait si spoiled brat.

Perhaps you too have had occassions wherein you had to prepare for someone dear to you, maybe for a son or daughter na nasa abroad din na matagal ng di umuuwi, and you are excited to see him or her.  Or you yourself may be somewhere far away from home and you have a planned trip to see your parents or relatives and you are preparing for it, trying to imagine how you would be able to hug your loved ones and share your stories to them. Maybe some of you are expecting a celebration or an anniversary that entails a big preparation. Some may be expecting romance or an upcoming wedding or a proposal. Maraming paghahanda ang gagawin. At ginagawa natin itong mga paghahanda na ito para sa mga taong mahal natin.

One thing that made me curios today while I'm writing this blog, and while reflecting on the readings this Sunday is the preparation that is being suggested by the readings and the Psalm. "Take off your robe of mourning and misery; put on the splendor of glory from God forever." Well, that part was fine and understandable. Of course dapat lang naman na maging masaya tayo sa kanyang pagdating. Because this means that we are being led in "...joy by the light of his glory, with his mercy and justice..." "The Lord has done great things for us; we are filled with joy."  And it suggests to us then that this 2nd Sunday of Advent is telling us that in order for us to be prepared in celebrating Christmas or in letting Christ be born in our hearts, we have to BE HAPPY.

BE HAPPY INSIDE AND OUT. Papano ka naman magiging masaya if you're mourning and in misery. Papano ka naman magiging masaya kung may lamang lungkot ang iyong mga mata, kung ang iyong puso ay hindi masaya, kung pusong bato ka? We have to take that off of us. But the thing that made me curious is that, in order for us to be happy, we have to make straight his paths. Every valley shall be filled and every mountain and hill shall be made low. It resounds the words of Baruch sa unang pagbasa: "God has commanded that every lofty mountain be made low, and that the age-old depths and gorges be filled to level ground."

Well, sino nga naman gustong hingalin umakyat ng pagkataas na bundok, kung hindi ka mountaineer, di ka magiging masaya. Sino nga naman gustong manatiling manirahan sa mababang kalupaan na laging binabaha. Masaya ka ba pag may baha at sa bubong nyo ka na lang titira dahil lubog sa baha dahil ang kalupaan ng barangay nyo ay mababa, below sea level? Sino ba naman ang mag eenjoy at masaya kung puro suka ang inabot ng katabi mo, o ikaw mismo dahil sa daan na walang katapusan na liko sa kanan, liko sa kaliwa? Hindi ba't MAS MASAYA TAYO PAG TUWID ANG DAAN AT PATAG ANG LUPA?

Papano nga ba gawing patag ang buhay natin at tahakin ang tuwid na daan? Walang ibang sagot, gaya nung nakaraang linggo: WE NEED TO HAVE A CHANGE OF HEART. Change of Heart = Patag na Lupa. We have to change our hearts and LEVEL DOWN TO THE GROUND OUR VERY HIGH PRIDE AND UNREALISTIC AMBITIONS IN LIFE. Our high pride hinders us to reach to our neighbor. Our high ambitions sometimes nakakasakit ng mga mahal natin sa buhay. If we learn to lower down our pride, we can make others happy, we can make ourselves be happy, we will be happy. If we put our feet to the ground, level our stand, we will be happy. Yes, I know it's painful and difficult. But in the end its worth it. You will be happy. We have to change our hearts and HEAL THE DEEP WOUNDS AND PAINFUL EXPERIENCES we have had in our lives. Or else malulunod ka sa sarili mong luha. You'll be drowned by sadness, by fear to love, by the the decision of not wanting to give a second, a third, a fourth, a x times chance to forgive and to love. The grace of God is always there pero the openness to it always depends on us. And its only you who can decide to be happy and make others happy.

WE NEED TO CHANGE OUR WAYS. Change of ways = Tuwid na Daan. We have to change our ways FROM CROOKED TO STRAIGHT. If you happen to have a life na puro na lang liko dito, liko doon brought about by wrong decisions here and wrong decisions there. At hinahayaan mo lang na magpatuloy na baluktot ang daang tinatahak mo. Pero pwede ba, for once and for all, huwag ka na magpaka tanga please. Kaya mo naman magbago diba. Subukan mo lang. And don't give up if you fail sa una, sa ikalawa, sa ikatlo, sa ika x times na pagsubok. IT'S TIME TO CHANGE. IT'S TIME TO BE HAPPY. Let yourself be led by God. Ok. It's also time to make others happy not the way you want them to be, but the way they wanted themselves to be happy. Yung daan na ba na gusto mo yun din ba ang gusto ng anak mo? Ang gusto ng partner mo? Ang gusto ng mahal mo? Ang gusto ng kakilala o kaibigan mo? Ang gusto ng pamilya mo? Sabi mo mahal mo sila. E di simulan mo na ngayon magbago.

Ikaw kapatid, kaibigan, kapamilya, kapuso, masaya ka man o hindi sa mundong ito, ngayong magpapasako, bat di mo kaya subukan ibaba at pantayin yang kilay mo paminsan. Ba't di mo kaya subukan na punuan yang mga lambak ng iyong mga kaibigan, yung mga lambak ng iyong mga mahal sa buhay kaysa lalu lang itong hukayin at palalimin. Bakit di na lang kaya natin punuan ang pagmamahal na kulang sa kanila para naman maging masaya ang buhay nila at ikaw na rin ay sumaya. Anu kaya kung ngayong magpapasko you try make their rough paths smoother and or accompany them sa tamang daan, walk together for a better life in the Lord. Ok na siguro kung sabihin mo sa kanya na "alam mo maganda ka" "alam mo tama yang ginagawa mo" "alam mo... may talent ka" "alam mo... I admire you" "alam mo mahal ka ng mga magulang mo, di mo lang makita" etc, etc, etc. Even a single word of affirmation or encouragement can make miracles. Let us be "John" in our world today. And with this, we would be prepared to let Christ come and live in our hearts.

Ngayong magpapasko, anu kaya kung subukan nating huwag mang lamang ng iba o isipin na sana makalamang ka sa iyong kapwa? Anu kaya kung subukan natin na pantay ang pagturing sa bawat miembro ng pamilya, sa bawat mag-aaral bobo man o matalino pa sila? Anu kaya kung ngayong magpapasko e subukan nating isipin nating tao din kagaya natin ang mga palaboy laboy sa kalye at lansangan, ang mga pulubi na lagi na lang iniinda dahil sabi mo sindicato at magnanakaw yan sila? Anu kaya kung pantay ang pagtingin natin sa kaliwa at sa pamahalaan? Anu kaya kung pantay ang serbisyo ng mga professional sa mayaman at sa mahirap? Anu kaya kung patikimin mo din ng pagkain na karaniwang handa mo sa Pasko, ang mga taong walang pera para makakain ng kinakain mo tuwing noche buena? Anu kaya ...

Panahon na para patagin ang mabulubundukin mong buhay at umahon sa lambak na iyong kinamunuhian. Panahon na para ituwid ang mga sangasangang daan upang maging masaya ka at maging handa at maluwag sa puso ang pagtangap kay Kristo sa iyong buhay.

Like Paul in the second reading, my prayer for you my friends this Sunday is that your love may increase ever more and more in knowledge and every kind of perception, to discern what is of value, so that you may be pure and blameless for the day of Christ, filled with the fruit of righteousness that comes through Jesus Christ for the glory and praise of God.