Sunday, December 15, 2013

Masaya Ka Ba Ngayong Pasko?

Isang lingo na ang nakalilipas nang mag post ako sa aking Facebook wall ng aking wishlist for Christmas. Makalipas ng ilang oras ay mayroon nang mga tao na nangako na tutupad ng mga wishes ko. Two days after natangap ko na ang karamihan sa mga naka lista sa wish. Kasama na doon ang pag galing ng isang may sakit. Masayang masaya ako sa nangyari at sa ipinakitang generosity ng mga tao. Sapat na sa akin ang mga yaon upang maging masaya ang aking Pasko ngayong taon. Marami pang iba't ibang mga bagay na nagdadala ng ligaya sa buhay ko. Ilan lang yang mga yan.

Kayo, ano ang nagbibigay sa iyo ng kasiyahan? Anong wish mo ngayong Pasko?

Ngayong ika tatlong Lingo ng Adbiyento, na tinatawag ding Gaudete Sunday ay inaanyayahan tayo hindi lamang sa maging masaya sa paghihintay sa Pasko, kundi tingnan na din kung anu-ano ang mga pinagmumulan ng kaligayahan mo. Tingan din natin kung ano ang tunay na makapaliligaya sa iyo.

Ang mga regalo, mga bagay bagay ay panandalian lang na makapagbibigay sa atin ng saya at ligaya sa buhay. Hindi ito nagtatagal. Kung binigyan ka ng limang daan ng ninang o ninong mo, pagnaibili mo na yan ng pagkain, wala na, tapos na ang kasiyahan mo. Kung may natangap kang gamit para sa bahay, pag nasira na yan, tapos na din ang kaligayahan mo. Kung nanalo ka sa lotto bago magpasko, pagnaubos na yan, tapos na din ang maliligayang araw mo.

Ang ligaya na tumatagal, ang saya na nananatili sa ating mga puso at pagkatao ay yung mga ligaya na dulot ng relasyon natin sa kapwa tao at sa ating Panginoon. Ang ligaya na lubos ay makukuha lang natin sa pamamagitan ng RELASYON. Gawin na lang nating halimbawa ang mga kabataan o kahit kayo, nung inlove, walang pakialam kung hindi makakain, di makatulog, basta makatext lang, maka chat, maka usap at mkasama ang kalaguyo o karelasyon. Masaya, maligaya kahit malipasan ng gutom dahil sa may KA-RELASYON.

At ang pinakamalaking relasyon na magbibigay din sa atin ng malaking kasiyahan ay ang RELASYON NATIN SA DIYOS. Masaya tayo ngayong Pasko, at nagagalak tayo na maghintay sapagkat ang paparating ay ang karelasyon natin na si Jesus. Si Jesus na nagbigay ng muling pagkakita ng mga bulag. Si Jesus na nagbigay ng muling pagkakataon na makapaglakad ang mga pilay. Si Jesus na binigyan ng muling pagkakataon na makarinig ang mga bingi. Etc. etc

Kapag hindi maganda ang relasyon natin sa Dios, di rin maganda ang relasyon natin sa kapwa tao, di rin maganda ang relasyon sa loob ng bahay, at di masaya ang pamilyang ito. Siguradong magulo ang pamilya kung ang isang miyembro ay walang pagkiling at walang malalim na relasyon sa Dios.

Kumusta ang iyong pamilya? Masaya ba sa bahay? Kumusta ang relasyon ninyo sa pamilya? Maganda ba ang relasyon ninyo? Nag-uusap usap pa ba kayo sa bahay ninyo? Baka naman, ngayong Pasko ay kailangan mong ayusin at kumpunihin ang relasyon na unti unting naglalaho upang maging lubos na maligaya ang inyong Pasko. Hindi lang pagbabago sa sarili ang kailangan natin ngayong Pasko, tulad ng pagbabago na sinasabi ni Juan Bautista, kundi pagbabago din tungo sa maayos na pakikipag relasyon sa minamahal mo, sa dati mong mahal, o sa mamahalin mo pa lang.

Ang Ikalawang pagbasa mga kapatid ay magbigay sa atin ng isang idea o sekreto para maayos o mapanatili ang relasyon natin sa kapwa at sa Dios. Kung wala nito, patay kaagad ang relasyon mo. Kung wala nito hindi magiging masaya ang buhay mo. At ito ay ang pagiging PASENSYOSO/A na tao.

Ang PAGPAPASENSYA ay nagdadala ng kaligayahan sa tao. Kung wala kang pasensya, kukunot lagi ang iyong ulo, kukulubot kaagad ang iyong mukha, magiging pangit na pangit ka at lagi kang pagsasabihan ng iba "ay ang pangit na nga ng mukha, wala pang pasensya."

Masaya ka ba sa iyong buhay? Baka naman kailangan mo lang na matutong MAGPASENSYA sa iyong ANAK, sa iyong ASAWA, sa iyong KALAGUYO, sa iyong PARTNER, sa iyong MAGULANG, sa iyong BOYFRIEND o GIRLFRIEND para maging masaya ka simula ngayong Pasko.

Hingiin natin sa Panginoon, sana nawa ay matutu tayong magpasensya, maghintay, mapangunawa upang ang ating mga relasyon ay maging matatag at nang sagayon ay tuloy tuloy ang ating ligaya. Mapagpasensya nating ipagdasal sa Dios na sana tayo ay bigyan ng ligaya na hindi panandalian lang. Ipagdasal ninyo sa Panginoon na sana maging malakas, matatag ang inyong pagsasamahan upang maging masaya kayo magpakailanman. Ipagdasal ninyo sa Panginoon na sana ay bigyan kayo ng pasensya sa mga taong nagdudulot ng sakit ng ulo sa inyong buhay.

At ipinagdarasal ko na sanay matupad ito sa inyo ngayong Pasko.




Saturday, November 30, 2013

Huwag kang Tatanga-tanga at Papatay-patay



Kapag pupunta ka sa isang lugar at ikaw ang magmamaneho ng sasakyan o ng motor, siguraduhin mong hindi ka papata-patay at tatanga-tanga dahil pag naidlip ka ng kahit isang segundo lang habang hawak mo ang manibela, sa ospital o sa sementeryo kana pupunta. Kung ikaw ay naghihintay ng susunduin mo sa estasyon ng bus o ng tren o kaya namay nag aabang ng masasakyan, pag ika'y naidlip ng konte, tyak na maiiwanan, malalagpasan ka ng iyong sasakyan at maghihintay ka na naman ng ilang oras o minuto a sunod na daraang bus, o ang susunduin mo/susundo saiyo balisa na sa kakahanap sayo sa terminal. Kung ikaw ay maninigarilyo habang nakahiga sa kama, aghihintay na lumalim ang gabi o kahit sa paghihintay na magsimula na ulit ang trabaho sa hapon, siguraduhin mong hindi ka tatanga-tanga na makatulog habang hawak mo pa ang upos ng sigarilyo dahil baka ang katawan mo at ang buong bahay ay mauwi sa abo imbes na abo ng ng upos ng sigarilyo ang kailangan mong itapon.

MAGBANTAY, BE VIGILANT. Huwag tutulog-tulog, huwag papatay-patay. Yan ang mensahe ng unang lingo ng adviento para sa atin. Sapagkat hindi natin alam ang araw at ang oras ng pagdating ng Panginoon upang tayo ay husgahan.

Sa unang pagbasa narinig natin na itinakda ang araw kung kailan dapat pumunta sa Zion upang ang mga tao ay mabigyan ng instructions, mturuan ng mga pamamaraan ng Diyos. Alam kung kelan dapat maglakad, alam kung kelan dapat pumunta. Subalit sa panahon, sa oras ng muling pagbabalik ni Hesus, hindi natin ito mamamalayan tulad ng isang sakuna na bigla na lang dumarating sa ating buhay. Wala tayong kamalay-malay, wala tayong alam. Kung kayat dapat tayo dapat ay laging gising, laging mapagbantay. Hindi dapat papatay-patay, hindi dapat tatanga-tanga. Katulad ng lindol ang pagdating ni Hesus, hindi natin alam kelan at saan mangyayari. Kung hindi ka "abtik," kung tatanga-tanga ka, kung hindi ka mabagsakan ng bubong o pader, mahuhulog ka sa sink holes sa lupa.

Maging handa. Kapag buntis ang nanay sa bahay, abala ang ama sa paghahanda sa paglabas ng kanilang baby. Abala din ang ina sa paghahanda ng mga kagamitan at inihahanda nya na rin ang kanyang sarili sa panganganak. Hindi papatay-patay, hindi tutulog-tulog. Habang naghihintay sa isang kaibigan sa bus terminal, dapat ay aktibong gising at hindi papatay-patay. Inaanyayahan tayo sa unang lingo ng adviento na maging aktibong gising, hindi papatay-patay at hindi tutulog-tulog habang naghihintay na sumapit ang Pasko, na dumating ang Panginoon sa ating buhay, at sa kanyang muling pagdating.

1st Advent A


Saturday, November 9, 2013

Consuelo de Bobo

Malimit ang mga mababait na tao kapag nakagawa ng mali sa kapwa nya, lalu na kapag sa kaibigan o kamag-anak at ayaw nyang masira ang relasyon, gagawa siya ng paraan para makuhang muli ang loob nito, gagawa ng paraan para "maaliw" ang nausyami na tao, magbibigay ng isang pampalubag loob na gawain o anu pa man, na tinatawag din nating isang pa "consuelo de bobo."

Madali lang din nating tangapin ang isang consuelo de bobo lalu na't, tayo mismo ay mahilig na maghanap ng pakonsuelo sa buhay, maghanap ng aliw sa buhay. Kung minsan pa nga e naghahanp ng panandaliang aliw sa buhay. Mahilig tayong mga pinoy na maghanap ng aliw sa buhay kahit mangaling pa man ito sa ordinaryong bagay, sa ordinaryong tao o sa ordinaryong mga pagkakataon. Sa mga may anak, lalu na kung ang cute cute pa ng bata, laking consuelo kaya nyan sa mga magulang pag uwi ng bahay kahit na pagod na pagod na galing sa trabaho. We draw our consolations from our relatives, friends, idols, and sometimes from God.

Sa ikalawang pagbasa ngayong ika 32 Lingong sa ordinaryong panahon, narinig natin na ang Diyos ay ang dapat nating balingan sa paghangad natin ng consuelo sa buhay, ng aliw sa buhay "dahil sa kanyang habag ay nagbigay Siya sa atin ng walang pagbabagong lakas ng loob at matibay na pag-asa sa buhay." Dapat sa kanya tayo kumukuha ng aliw, ng sigla, ng consuelo, ng buhay. Pero siguro kung nasa Leyte kayo ngayon, sasabihin nyo sa akin, hindi yan ang kailangan namin father. Ang kailangan namin ngayon ay tubig, pagkain, damit, matutulugan, at consuelo sa mga namatay naming mga kamag anak. Tama. Ganun na nga, pero hindi dapat tayo mawalan ng pag-asa at paniniwala na ang Dios pa rin ang magbabalik sa atin ng sigla at saya sa kabila ng mga nangyaring ito. At lalu pa nga na dapat magkaroon din ng paniniwalang tulad ng pitong magkakapatid na lalaki sa unang pagbasa: pinatay subalit naniwala na may consuelo pagkatapos nito. Naniwala sila na may naghihintay na buhay na magpakailan man kapiling ang Diyos na maykapal. Hindi dapat mawalan ng pag-asa sapagkat tulad ng sabi ng huling lalaki na pinatay sa unang pagbasa "Ako’y maligayang mamamatay sa kamay ninyo sapagkat alam kong ako’y muling bubuhayin ng Diyos." Di dapat tayo mawalan ng pag-asang muli tayong babangon sa mga kalunos lunos na pangyayaring ito sa ating bansa nitong mga nagdaang buwan at araw. Tutulungan tayo ng Diyos.

Bakit kailangan, mag abang, maghintay, magkaroon ng hope na may bukas pa, na may buhay pa din na maganda after all of these? Dahil ang Diyos natin ay Diyos ng mga buhay na may kapangyarihan na magbigay sa atin ng buhay dito sa mundo at sa kabilang buhay. Ang ating "Diyos ay hindi Diyos ng mga patay kundi ng mga buhay." Ang pagkabuhay na muli ay masasabi nating consuelo de bobo ng pitong lalaking pinatay sa kwento na ibinahagi sa atin mula sa aklat ng Macabeo. Ang pagkabuhay na muli ang nag "aliw" sa kanila upang sila ay magpaubaya na patayin sa ngalan ng Diyos. Ang pagkabuhay na muli ang consuelo de bobo ng Dios para sa ating lahat na dumudulog sa kanya, sa ating lahat na namuhay ng kalugod lugod sa kanya, sa mga mamatay alang sa pangalan nya. At ang mga salungat dito ay walang consuelo de bobo na pagkabuhay na muli kagaya ng nasabi ng lalaki na "ikaw, Antioco, ay walang pag-asang mabuhay uli". Siguro consumisyon sa impyerno ang katapat nito.

Kung ang iyong source ng iyong aliw, ng iyong consuelo ay ang Dios, hindi mo na kailangan ang iyong mga kaibigan, mga pamilya para maging masaya sa buhay, at lalu na sa kabilang buhay. Hindi mo na kailangan ang iyong asawa para maaliw. Dahil ang Diyos ng buhay na "buhay" ay ang magbibigay sa iyo ng ligaya. Kung kayat hindi mo na kailangan ang pitong lalaking napangasawa na hanapin pa. "Sa buhay na ito, ang mga lalaki at mga babae’y nag-aasawa, ngunit ang mga lalaki’t babaing karapat-dapat na muling buhayin para sa kabilang buhay ay hindi na mag-aasawa. Hindi na sila mamamatay sapagkat matutulad sila sa mga anghel. At sila’y mga anak ng Diyos yamang muli silang binuhay."

Ipagdasal natin mga kapatid na sana matuto tayo na sa Dios tayo kumuha ng lakas, ng aliw, ng ligaya, ng saya. Tingnan sana natin ang muling pagkabuhay na inoffer sa atin ng Poong Maykapal bilang isang consuelo de bobo para sa atin, na nagpaka "bobo" para sa Dios. At subukan sana natin na hindi lang mamuhay para sa ngayon, hindi lang para sa immediate tomorrow kundi para sa ating muling pagkabuhay. Kung kayat sikapin nating mamuhay ng matuwid, mamuhay ng maayos, mamuhay na mabuting Kristiyano habang naglalakbay pa tayo sa ating mundo. At nang sa gayon, makuha natin ang ating reward, ang ating consuelo de bobo na muling pagkabuhay kapiling ng Diyos. Sana makita natin na hindi lang ito isang ordinaryong paconsuelo de bobo kundi itoy isang napakalaking pagkaloob ng Diyos sa atin.

Saturday, November 2, 2013

Habag ng Tunay na Kapatid

photo courtesy of litratocmf
May isang video sa you tube na nailathala ko na din sa aking blog dalawang buwan na ang nakalilipas. Ang kwento ay tungkol sa isang bata na nagnakaw sa isang tindahan ng mga gamot at nahuli ng may ari. Pinapagalitan ang bata sa kalye at kinuha ang ninakaw na tatlong bote ng pain killers nang dumating sa eksena ang isang lalaki na may ari ng karenderia na malapit sa botika. Sinaway niya ang may ari ng botika at tinanung ang bata kung para saan ang ninakaw niya. Nalaman ng lalaki na para sa ina. Kinuha ang ninakaw na tatlong bote ng pain relievers, binayaran niya ang may ari ng botika at binigay sa bata kasama ang sopas ng gulay na ipinaabot sa nagdadabog na anak niya na babae. Lumipas ang tatlompung taon. Tumanda na ang lalaki na may ari ng karenderia at isang araw pagkatapos niyang magbigay ng pagkain sa pulubi, bigla na lang siyang nahilo at nabagok ang kanyang batok sa lamesa. Dinala sa ospital, malaki ang babayaran. Kung sa pera pa ng pilipinas e aabutin ng isang milyon ang babayaran sa ospital. Subalit lingid sa kaalaman ng anak na babae, ang doktor pala na gumamot sa kanyang ama ay ang noon na bata na minsang tinulungan ng kanyang ama. Ang sabi ng doktor, ang mga bayarin sa ospital ay nauna nang binayaran ng kanyang ama sa pamamagitan ng tatlong pain relievers at isang sopa ng gulay. Wala na silang utang sa ospital.

Mga kapatid, naranasan mo na bang mahabagan ng isang taong di mo inaasahan na tutulong sa iyo sa mga panahon na ikaw ay kaawa-awa, kahabag-habag? Naranasan mo na ba na matulungan sa di inaasahang pagkakataon? May habag ba ang ibang tao sa iyo? Minsan ka na bang tumulong sa kapwa mo dahil nahabag ka sa kanya? Nahabag ka na ba minsan sa kapwa mo?

Ang tema ng ating mga basahin ngayong ika tatlomput-isa na lingo sa loob ng ordinaryong panahon ay patungkol sa "kapangyarihan ng pagkahabag," the power of mercy. Ipinakita sa atin sa unang pagbasa na ang Diyos ay labis-labis ang kapangyarihan para gawin ang anuman, ngunit mahabagin parin siya sa bawat kinapal. Pi-nagpapaumanhinan Niya ang ating mga pagkukulang, at binibigyan Niya tayo ng panahong makapagsisi. Mahal niya ang lahat ng bagay, at walang hinahamak sa kanyang mga nilalang. Dahil sa pagkahabag ng Dios natin, nabigyan tayo ng pagkakataong magbago, ma "touch" matuto ding magmahal. Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos at ng Panginoong Hesukristo tayo ay naligtas sa ating pagkamakasalanan sabi pa sa sulat ni San Pablo sa mga Kristiyanong taga-Tesalonica na narinig natin sa ikalawang pagbasa.

Nang dahil sa pagkahabag ni Hesus kay Zaqueo nasabi niya kay Hesus na ibibigay niya sa mga dukha ang kalahati ng kanyang ari-arian. At kung siya'y may nadayang sinuman, apat na ibayo ang isasauli niya sa kanila. Isang nalaking pagbabago ang nangyari kay Zaqueo nang dahil lamang siya'y napaunlakan at na "touch" sa pagpapahalaga, sa pagbibigay habag sa kanya ni Hesus. Ang sabi pa ni Hesus: "Ang kaligtasa’y dumating ngayon sa sambahayang ito; lipi rin ni Abraham ang taong ito. Sapagkat naparito ang Anak ng Tao upang hanapin at iligtas ang naligaw."

Mga kapatid, alam ko na may mga pagkakataon sa inyong buhay na napahalagahan kayo ng isang tao kung kaya't kayo'y nagbago, kung kaya't siya ang iyong pinakasalan, kung kaya't siya ay malugod mong tinangap sa buhay mo o patuloy mong tinatangap sa buhay mo. Kung minsan isang gawaing makahabagdamdamin lang ang kailangan upang ang inyong kaaway na kapitbahay ay magbago ng pagturing sa iyo. Baka naman ay kailangan mo lang matututo mahabag, magmahal, matutong "to touch somebody's heart." Kailangan mong ipakita ang pagkahabag ng isang tunay na kapatid tulad ng ipinakita ni Hesus kay Zaqueo.

Kung nais mong walang masyadong poproblemahin sa pagdating ng panahon ng iyong katandaan, sa panhon ng sakit at sakuna, ngayon pa lang, kahit 3 pain relievers lang at isang sopas ng gulay ay ialay sa iyong kapwa na nangangailangan ay hwag ipagkait na ibigay. Ang 3 pain relievers na yan at sopas ng gulay ay pwede mong itranslate sa konting bigas, sa pera, sa pagabot ng iyong kamay sa iyong kapwa. Ngayon pa lang simulan mo na ang iyong puhunan. Mahabag ka sa iyong kapwa ng tunay. Sa pamamagitan niyan ay makakatulong ka din ng pagbabago sa ating lipunan. Gayahin natin ang pagkahabag ni Hesus sa makasalanan at nang sa gayon ay mabago ng kaunti ang ating lipunan.



Saturday, October 26, 2013

Luhod!

Naalala ko sa mga telenobela at sa sine kapag gusto ng kontrabida na ihumiliate ang bida, sasabihan nya ito ng "lumuhod ka sa harapan ko at halikan mo ang aking mga paa" O diba ganun. Mangiyak ngiyak pa nga nyan ang bida. At ikaw naman sa upuan mo sasabihin mo "hwag!" at mangagalaiti ka sa kontrabida. Halos mumurahin mo pa nga e. Ang pagluhod sa harap ng isang tao, pagsusumamo, pagpapakumbaba, ay kalimitang portreyal ng mga bida sa mga teleserye na pinagkakaguluhan nyo.

Pagsusumamo, Pagluhod, Pagpapakumba. Tatlong aksyon o role na malimit nating makita sa isang "bida" sa teleseryeng pinoy upang mapagbigyan lang ang mithiin ng kalaban pero maipapakita naman ang pagmamahal at kaligtasan ng iba pang mga tauhan sa kwento. Dala ng kanyang pagluhod, pag sakripisyo, pagpapakumbaba ng bida, may buhay na maliligtas o may buhay na mapapalaya.

Pagsusumamo, Pagluhod, Pagpapakumbaba ang mga katagang mapupulot natin ngayon sa mga binasa mula sa banal na kasulatan. Sa unang pagbasa nadinig natin na ang Diyos ay walang itinatanging sinuman. Hindi siya kumikiling kaninuman laban sa mahirap, sa halip, agad niyang dinirinig ang naaapi. Lagi niyang dinirinig ang daing ng ulila, at ang pagsusumamo ng balong nagsasaysay ng nangyari sa kanya. Parang swak na swak ito sa isang malaking kaganapan na mangyayari sa ating bansa bukas. Sana ang iboboto ninyo ay ang mga kandidatong hindi lang lumuhod at nagsumamo sa inyo sa panahon ng kampanya kundi yung mga taong nasa panig ng mahihirap, dinirinig ang mga naapi. Isang pulitikong makatarungan.

Sabi sa ating unang pagbasa, ang panalangin daw ng naglilingkod sa kanya ng buong puso ay agad nakaaabot sa langit. Ang dalangin ng mapagpakumbaba ay lumalampas sa mga ulap at hindi tumitigil hanggang di dumarating sa kinauukulan, hindi humihinto hanggang di pinapansin ng Kataas-taasan, at iginagawad ang katarungan sa nasa katuwiran. Kaya kayo, pagkatapos na maluklok na yang mga nagsumamo sa inyong mga boto, e kulitin nyo din sa mapakumbabang paraan.



Kapag tayo ay dumudulog sa ating Panginoon o pag pumapasok tayo sa simbahan e lumuluhod tayo para magdasal. Paluhod tayong nagsusumamo sa Panginoon na sana tayo ay pakingan, na sana sagutin ang ating panalangin. Paglumuhod ang bida sa telenobela sa harap na kontrabida, yun na ung sign ng kanyang surrender sa makapangyarihan. Yun na ang sign ng pagpapaubaya sa kagustuhan ng kontrabida. Yun na yung end ng kanyang buhay. Narinig natin ang dasal ni San Pablo sa ikalawang pagbasa, isang pagdarasal ng isang taong nasa huling mga araw ng kanyang buhay. Isinusurender nya na sa Panginoon ang lahat. Bahala na ang Panginoon magpatakbo sa kanyang nalalabing mga araw kagaya ng pagpapaubaya nya na ang Panginoon ang magpatakbo ng kanyang buhay matapos na siyay lumuhod sa Damascus. Kapag lumuhod tayo sa panahon ng ating pagdarasal, sa harap ng altar, para na din nating ipinakita na, "heto ako Lord, handang isurender ang buo kong pagkatao sa iyo, gawin mo po ang ibig mo sa akin."

Pagtayo ay nais magdasal, hindi natin kailangang tumayo sa harapan upang makita ng lahat o makita ng lahat ang suot suot mong bagong damit o burloloy sa katawan. At lalong hindi tulad ng Pariseo na inatupag na lang ang punahin ang itsura at pagkatao ng publikano na napakingan naman natin sa ating ebanghelyo ngayong ika tatlumpung lingo sa loob ng ordinaryong panahon. E diba sa loob pa nga ng simbahan malimit kayo, kung minsan pati ako, nagchchikahan. Pag may dumaan na pwedeng taasan ng kilay, e tinataasan nyo ng kilay nyo at pagkukwentuhan ang suot na damit, ang pagkalakin ng kanyang hikaw, ang kanyang nakaraan, ang kanyang kalaguyo, ang kasalanan na nagawa ng pinagpipistahan mong kaibigan. Kung minsan yan pa nga sinasabi nyo sa amin sa kumpisal, ang kasalanan ng iyong kapitbahay at hindi ang iyong mga nagawang kasalanan.

Kung nais mong magdasal, kung nais mong dumulog sa Panginoon, lumapit kang mapakumbaba, feeling unworthy sa kanyang mga biyaya at patawad. Kung nais mong makipagusap sa Diyos, di mo na kailangang ikwento ang buhay ng may buhay. Ikwento mo mga kapatid ang iyong pagdurusa, ang iyong nararamdaman, ang iyong mga pinagninilayan sa buhay, ikwento mo ang nangyayari sa iyong sariling buhay.

Lumapit ka sa Panginoon na mapakumbaba tulad ng bida sa teleserye, nagsusumamo, nakaluhod, ibinigay ang buong buhay sa kamay ng "may kapal". Huwag kang mahiya sapagkat ang Panginoon ay Diyos ngkatarungan, wala siyang itinatanging sinuman. Hindi siya kumikiling kaninuman laban sa mahirap, sa halip, agad niyang dinirinig ang naaapi kung mapakumbaba kang dumudulog sa kanya.

Kung hindi ka mapakumbaba sa iyong pagdarasal, anu pa kaya sa iyong pakikipag relasyon sa iyong mga kasambahay, sa iyong balangay, sa iyong lipunang tinitirhan.

Nawa'y bukas, sa araw ng halalang lokal, maging matiwasay ang pagpili ng mga karapatdapat na magiging bida sa ating lipunan. Piliin nyo ang may takot sa Dios, may pusong mapagmahal, at marangal na pamumuhay.

Kung ikaw ay marunong sumamo, marunong lumuhod at mapagpapakumba, BIDA KA!




Saturday, October 19, 2013

Makulit ka ba?

Makulit ka ba? Pwes sige maging makulit ka pa!

Asar ang karamihang tao sa mga makukulit lalu na kapag ang pangungulit ay tungkol sa pera. Ang iba naman ay tuwang tuwa kapag ang makulit ay bata na cute na masarap magbigay ng tuwa at saya. Ngunit kung mimsan may mga bata din sa sobrang ka kulit napapaiyak na lang ang ina at ama. Sa pangungulit ng bata, kalimitan ibibigay na lang ng mga magulang ang gusto ng anak para lang matigil ang bungisngis ng bata o ng nakabibinging ingay ng pag iyak sa bata. Sa kabilang dako, sa mga taong nangungulit sa atin, kung minsan napipilitan na lang tayo na ibigay na lang ang hinihiling  nila sa atin para lumayas na at hindi na makita ang pagmumukha.

Sa Lingong ito mga kapatid ko sa pananampalataya, ipinapaalala sa atin ang persistency, hindi sa kung anu lang kundi ang persistency sa paghingi sa Diyos ng tulong at sagot sa mga panalangin. CONSISTENT at PERSISTENT: dalawang salitang dapat nating tandaan at tingnan upang makuha nating ang ibig ipahiwatig ng mga basahin ngayong ika dalawamput siyam na lingo sa ordinaryong panahon.

Sa unang pagbasa mga kapatid, nakita natin na consitent na nakataas ang kamay ni Moises dahil kung hindi e matatalo sila ni Amalek. Dapat persistent sila Aaron na maitaas ang kamay ni Moises dahil kung hindi talagang matatalo sila. Hands up lagi. In a gesture of blessing the people, praying for the victory. Kailangan din nating maging consistent na nakataas ang kamay sa Panginoon. Yes Lord andito po ako, tulungan nyo ako, present ako, sa inyo lang po ako anu man ang mangyari, saklolo po, tulong Lord... maging makulit sa kanya, laging nakataas ang kamay kay Lord. Tayo ay kailangan ding maging persistent sa pag-aalalay, pagtulong sa ating kapwa tao upang kanilang matamo ang biyayang hinihiling at hindi lang puro lang sa iyo, sa iyo, at sa iyo. Kailangan maging makulit.

Sa ikalawang pagbasa ipinapaalala ni San Pablo na dapat maging consistent ang pananampalataya natin sa pamamagitan ng pagiging faithful sa Sacred Scriptures. Kailangan bigyan natin ng pagpapahalaga ang banal na kasulatan at ang mga nakapaloob nito na mga alituntunin at aral. By all means dapat we stick to our faith in the Word of God at sa ating misyon sa pag pagsisiwalat nito sa mga tao.

Sa ating ebanghelyo naman, tinuturuan tayo na magdasal palagi at wag mabalisa kung sa unang pagdarasal ay hindi saiyo ibinibigay ng Dios ang iyong hiling. Maihahalintulad tayo sa balo na makulit, super kulit kaya napilitan na lang ang judge na ibigay ang hustisya na hinihingi niya. Anu pa kaya kung ang Dios ang kukulitin natin, na hindi man tulad ng barat na judge na iyon? Kailangan nating maging consistent sa ating panalangin. Kailangan nating maging persistent sa pagdulog natin sa Kanya. Wag tayong mabalisa. Maging makulit.

Hindi bat sa nalalapit na 28 ng buwan na ito ay magtataas ng kamay ang mga boboto at ibinoto? Sana naman na maging consistent din ang kanilang panunumpa at mga plano na ipinangako sa inyo. Sana nawa e maging persistent kayo, hindi lang sa pagsuporta sa kanya sa pagtaas ng inyong kamay bilang "yes" boto ako jan, kundi pati na din sa pagpapaalala sa kanilang mga nakakalimutang tungkulin pag tumagal na ang mga bwan at taon sa panunungkulan. Hindi lang dapat na sila ang makulit sa inyo oara ibotonnyo sila. Dapat kulitin ninyo ang mga tumatakbo sa pulitika ng kanilang plataporma na tataasan ng kamay nila, at later on kulitin ninyo kung hindi maisakatuparan ang pinangako nila. Dapat kayong maging consistent at persistent sa pagsuporta sa kanila, hindi lang sa panahon ng kampanya kundi pati na rin sa panahon ng panunungkulan nila.

Magandang araw po at God bless!



Tuesday, September 17, 2013

Realidad

Os comparto estos tres vídeos que me hacen reflexiónes y preguntas en estos ultimos días durante la guerra y crisis en la peninsula. No tengo mucho tiempo para escribir y poner toda la reflexión desde el día que empecé a vivir en este monte con la gente y vivir con los acontecimientos que sucedieron en estos ultimos meses.


Ciudad de Zamboanga durante el ataque
 


Saturday, May 11, 2013

Pangayo


Karung adlaw, last nga adlaw bago sa kasaulugan sa Pagsaka sa langit ni Jesus, ang atuang Ebanghelyo nagahatag kanato pag usab sa mga pulong sa pamamaalam ni Jesus. Nagbahin kanato si Jesus sa iyahang most precious mystery. Ang Dios Amahan mao ang iyahang ginikanan og mao pud ang iyahang destinasyon sa iyahang pagbalik sa langit. "Tinuod nga ako gikan sa Amahan ug mianhi sa kalibutan; ug karun mobiya ako sa kalibutan ug mobalik sa Amahan."

Kaning kamatuoran sa ikaduhang persona sa santisima trinidad kinahanglan magpabilin kanato sa atuang isip: nga si Jesus tinuod jud nga anak sa Ginoo. Ang Dios Amahan ang iyahang origen og ang Dios Amahan pud ang iyahang destino.

Ang kinsa man nga moingon nga siya kahibalo sa tanang butang mahitungod sa Ginoo pero dili motuo o iquestion ang pagka Dios ni Jesus o ang iyahang pagiging Anak sa Ginoo, dili siya tinuod nga kahibalo sa tanan. Ginaingnan kita sa atuang ebanghelyo nga mailhan ra nato sa tinuod ang Dios Amahan pinaagi ni Jesus.

Ang pagiging Anak sa Ginoo ni Jesus naga pahinumdom pud kanato og usa ka importante nga butang sa atuang pagka tinun-an niya: ang tanan nga gibunyagan sa ngalan ni Cristo, tanan anak sa Ginoo pinaagi sa Espiritu Santo. Nahimo kitang anak pud sa Ginoo. Mao nga unsa man ang atuang pangayuon sa atong Amahan pinaagi sa ngalan ni Jesus, ihatag kaninyo... kung kini igo og maka ayo kaninyo. Kay dili man basta basta mohatag ang Ginoo kanato ilabi na kung kapricho ra man nato or dili jud alang ka nato ang gasa nga atong ginapangayo. Minsan, mas effective mangayo sa Ginoo og kaayuhan alang sa uban kesa katong para kanato lang.

Pangayua ang mga gasa alang sa imuhang pamilya, sa imong kadasig og kaayuhan sa panimalay sa ngalan ni Jesus. Ihalad nato sa Ginoo ang atuang mga personal nga intensyones, mga pag-ampo, mga pangamuyo sa Ginoo uban sa pagpadayon nato sa atuang santos nga misa, ug pag halad sa pan og bino.