Sunday, March 31, 2013

Easter Egg Hunt

The custom of the Easter egg originated amongst the early Christians of Mesopotamia, who stained eggs red in memory of the blood of Christ, shed at his crucifixion. The Christian Church officially adopted the custom, regarding the eggs as a symbol of the resurrection. They symbolize the empty tomb of Jesus. Empty, Jesus is not inside the tomb anymore for he is risen. Will you ever find a chicken inside an egg shell (except kung ballot na ha). Eto, kung totoong easter egg ito, when you cut it half what you get is empty and hallow shell or perhaps a price or chocolates depende sa trip ng mga organizers ng parish.

Bat naman father naisipan nyo magsimula sa itlog para sa iyong homily o reflection? Kasi mga kapatid, kagabi, if you were here during the easter vigil, my homily was about apoy at tubig. Then last night I was telling my brother Claretian that namoroblema ako coz I still have to prepare another homily for today’s mass since I cannot repeat I have preached already last night. Sa puyat baka walang magandang idea na lumabas. Then my clever brother told me, e diba pads nabangit mo na din lang ang apoy, nabangit mo na din ang tubig, o di start your homily with the Easter Egg, that after you find it sa easter egg hunt, you boil it in water by using the fire.

May punto si brother sa kanyang idea na binigay nya saakin. Though an egg appears to be like the stone of a tomb, a bird hatches from it with life. The egg is widely used as a symbol of the start of new life, just as new life emerges from an egg. Easter egg for Christians, is a reminder that Jesus rose from the grave, and that those who believe will also experience eternal life.

Take note: Those who believe will also experience eternal life. The time of the resurrection is the time of the witnesses, the time of the Holy Spirit, the time of the Church. And it is only through all these that it is possible for us to find and see the risen Christ. Easter season teach us that those who are baptized in Christ are invited to delve into the mysteries on which they were initiated during baptismal catechetic. Delving into the mysteries is itself submitting to the fire of love of God, submitting oneself to the water of Christ for us to be purified. TAYO YUNG NAGING EASTER EGGS. Mukhang walang laman, pero kung isasabuhay natin ang ating pagiging tunay na Kristiano, we become not just empty tombs but witnesses of Christ!

But how to become witnesses? To be witnesses of the Risen Lord is to imbibe the death and resurrection of Jesus Christ into one’s life in a vital manner, existential and not just in theory. St. Paul taught us last night in the Easter Vigil that when we were baptized we have participated in the death of Christ, and in his resurrection, we have been raised in him and we find new life. Today we have heard in his letter to the Corinthians that if we have been raised in Christ, we have to aim for the things that are above and live up to it. To look for the new yeast and not the old yeast. We cannot live in the old world where in as if nothing had happened when Jesus passed through our lives. We cannot just be believing mentally and chasing as before our small and petty personal interests, dealing only ourselves.

To be witnesses is to aim, to seek for the things that are above. Parang easter egg hunt but this time it’s to seek for the things that are above. To aim or seek for the things that are above does not mean to stop worrying about the things of this world, but rather it is actually to worry about the good of those who live in this world, in this world doing as Christ did, who went about doing good and liberating the oppressed of the devil. Aim for the things that are above does not mean closing our eyes to the evils here below, but rather to address them in a new way, as the novelty of the first day of the week, day of the new creation through forgiveness that overcomes evil in us, and forgive those who have wronged us.

We cannot "prove" the resurrection of Jesus Christ, we cannot provide "evidence" of it, except, perhaps, the indirect evidence of the empty tomb. We don’t need to look for what is not there inside the empty tomb. All we have to do is that through our faith, the signs of death becomes signs of life: responding to evil with good, the offenses with forgiveness, blessings for curses, hatred and selfishness with love and generosity. We cannot provide evidence, but we can become witnesses to the things that are above, witnesses that God raised Jesus from Nazareth, and appointed him judge of the living and the dead.


Saturday, March 30, 2013

Apoy, Tubig at Ang Pagkabuhay na Muli ni Kristo

APOY AT TUBIG - TUBIG AT APOY: Dalawang elemento na ginagamit natin ngayong gabing ito sa pag-gugunita natin ng pinakamasayang araw sa buhay ng simbahan at sa buhay ng isang Kristiano: ANG MULING PAGKABUHAY NI HESUS.

APOY. Anu nga ba ang silbi ng apoy sa ating buhay? Apoy ang gamit natin upang tayoy makapagluto ng masusustansyang pagkain upang tayo ay mabuhay. Apoy ang kailangan upang ang karneng hilaw ay maging isang karneng kanais nais kainin. Apoy ang kailangan upang maluto ang kanin, ang gulay at ibat iba pang sangkap na nagbibigay sustanya sa atin.

Apoy ang kailangan upang ang isang yero ay maging isang pintuan, tabak at iba-iba pang mga kagamitan na yari sa bakal o yero na bahagi ng ating bahay. Apoy ang kailangan upang maging palamuti ang bubog, makagawa ng bintana na see through at upang makagawa ng salamin upang makita mo ang kagandahan ng iyong sarili. Apoy ang kailangan upang ang iyong ginto, pilak at tanso ay iyong mapakinabangan.

Anu man ang daanan ng apoy, anuman ang tupukin ng apoy ay siguradong tutong, matutunaw, malalasaw, magiging abo: sa isang salita mabubura sa balat ng lupa o mababago ang kanyang kaanyuan.

TUBIG. Tubig din ang kailangan mo upang ang mga minomold sa apoy ay tuluyang mapakinabangan. Tugbig. Kung walang tubig ewan ko lang kung hangang kailan ka mabubuhay. Tubig ang unibersal na sangkap sa ating buhay. Ang mismo nanting katawan ay binubuo ng malaking porsyento ng tubig. Ang ating mundo ay binubuo din ng malaking posyento ng tubig na syang nagbibigay satin ng buhay.

Tubig ang kailangan mo para ikaw ay maging malinis sa katawan. Tubig ang kailangan mo kung ikaw may karamdaman. Tubig ang kailangan mo para mapunuan ang iyong pagkauhaw. Anu man ang daanan ng malakas na tubig ay nabubura sa balat ng lupa. Anu man ang suyurin ng tubig ay siguradong malulusaw, malilinis, mawawash-out: sa isang salita muli, mabubura sa balat ng lupa o mababago ang kanyang kaanyuan.

ANG PAGKABUHAY NA MULI NI KRISTO ay parang ang apoy at tubig na aking nabangit kani kanina lamang. Nabago ang lahat ng kanyang nadaanan. Mula sa sinaunang panahon, sa panahon ng kanyang paglagi sa mundo at sa mga panahon pa na darating sa atin.

Nang si Kristo ay nabuhay, nabago ang estado ng buhay ng tao, tayo’y tinawag na kapatid ni Kristo, mga anak ng Diyos. Nang si Kristo ay nagpakasakit at namatay, ginawa nya tayong malilinis na tao mula sa kasalanan ng mundo, kasalan ng mga unang tao. Tulad ng apoy at ng tubig, nilinis niya ang pagkatao, binigyan niya ng dangal at karangalan ang buhay nating mga tao.

Sa kanyang pag pass – over o sa kanyang pagdaan, sa kanyang pag tawid sa ating mundo bilang isang tunay na Tao patungo sa isang tunay at ganap na Dios na Tao, sa kanyang pagtawid mula sa kadiliman patungo sa liwanag, kagaya ng pagtawid ng mga Hudio mula sa Egipto patungo sa lupang pinangako, binigyan niya o iniaangat niya ang buhay ng tao sa pinakamataas na estado nito. He glorified man by his very own glorification. He brought man into its highest state and glory. He completed man’s imperfection and brought man to perfection: JESUS IS THE GLORIFIED TRUE MAN AND TRUE GOD.

Ang pagkabuhay na muli ni Kristo ay nagpuno ng ating kagutuman sa Dios. Ang pagkabuhay na muli ni Kristo ay naghubog sa atin sa pagiging isang ganap na tao, molded us into precious human beings like gold, silver and bronze. Sa pagkabuhay na muli ni Kristo, tayo ay nalinis sa ating mga kasalanan, tayo ay napuno sa ating pagkauhaw, tayo ay naging buo. Sa isang salita, tayo ay nabago.

Kung kaya’t, kung tunay nga na dumaan sa inyong buhay si Hesukristo, ang buhay nyo ay dapat may pagbabago. Kung kayo ay naniniwala na si Hesus ay nabuhay na muli, dapat ay tumawid na din kayo mula sa buhay nyo na madilim patungo sa isang buhay na maliwanag. Bilang isang binyag kay Kristo, dapat ay magsilbi din kayo bilang isang kandila, maging isang liwanag ang buhay nyo sa inyong kapwa lalu na sa mga hindi naniniwala kay kristo. Dapat kayo’y malinis at maging tubig para sa mga nauuhaw sa Dios, mga naghahanap ng pagkalinga, ng pagmamahal at ng pagtulong sa kapwa.

Kung tunay ngang kayoy Kristiano, PANATILIHIN NYONG BUHAY! “ANG BUHAY! NA KRISTO, nag-aalab sa pag-ibig at pagmamahal ng Diyos, dalisay at crystal clear water ang pamumuhay bilang Kristiano.

THE LORD ID RISEN. ALLELUIA! ALLELUIA! Happy Easter po sa inyong lahat at magandang gabi.

Homily for the Easter Vigil 2013. 


Friday, March 29, 2013

Pagnakaw sa Paraiso

 “Sinasabi ko saiyo: ngayon di’y isasama kita sa Paraiso.” Ito ang mga katagang binangit ni Hesus matapos na pinatawad niya ang mga taong nagpapako sa kanya, mga katagang sinabi nya sa magnanakaw na ipinako kasama niya. Magnanakaw na ayon kay San Lucas, naniwala na si Hesus ay tunay nga na walang kasalanan, tunay na walang ginawang masama di tulad nila. Ang sabi pa ng iba, siya ang tunay at pinakamagaling na magnanakaw sa buong mundo, sapagkat hangang sa huling yugto ng kanyang buhay, nakuha niyang NAKAWIN ang pusong mahabagin ni Hesus, nakawin ang eksena, at napangakuang isasama ni Hesus sa Paraiso sa mismong araw na iyon. Nakanakaw ng instant at libreng ticket papunta sa langit. Nakuha niyang nakawin ang mga sandali upang siyay makasama ng ating Poong mahabagin.

Paraiso. Isang salitang kung ating iimaginin, ay napakaganda siguro, mapayapa, maraming puno, halaman, bulaklak, lahat ng tao masaya, lahat ng naroon ay walang pighati at sakit na nadarama. Maraming pagkain, lahat may damit, lahat may pagkain, lahat may gamit. Wala sigurong nagaaway, walang guera, walang nakawan, walang patayan, lahat nagmamahalan. Lahat siguro ng pangit ay gaganda.

Paraiso. Isang salita na hinding hindi ko makakalimutan sapagkat yan ang katagang aking nabangit at laging bukang bibig simula ng akoy napunta ng Basilan. Paraiso dahil sa napakagandang tanawin, paraíso dahil sa napakaganda ng panahon noong akoy unang dumating. Napakabait ng mga tao na aking nakapiling, nakasama sa parokya, sa mga Bible Sharing, sa araw araw na pananalangin. Ninakaw ng Basilan ang puso ko at palagay ko, hangang ngayon ay andun parin.

Subalit isang araw muntik na na ang buhay ko ay kitilin nang dahil sa pagmamahal ko dito sa mga taong ito na aking nakapiling. Hulyo 10 ng nakaraang taon nang akoy bumisita muli doon upang ipagpatuloy ang pagtuturo ng computer sa mga out of school, sa Claret School of Tumahubong at sa mga mangagawa ng cooperatiba. Subalit kinumagahan, isang karumaldumal na ambush ang ginawa ng mga kaibigan natin sa taas. Napatay ang walong gomero na walang kasalanan at tatlumput dalawa ang nasugatan. Isa ang tinamaan ng rifle grenade sa kanyang kaliwang braso na sabi naming milagro dahil kung hindi sa kanyang kamay kumalambitin ang napakalaking bala, lahat ng sisentang mangagawa sana ay patay na. Isa sa mga namatay ay ang security guard ng Claret School na noong gabiy napakasaya at nakikipagbiruan sa akin. Kinaumagahan, siya ang unang namatay. Namatayan nanaman ang isang pamilya na napatay pa lang din ang kapatid sa naunang ambush nung mismong taong din yon. Isang tao na napakabait at malapit sa amin ang kasama sa nadamay. Napakasakit ng pangyayari. Yun ang unang pagkakataon na aking masaksihan ang ilang taong namamatay sa tama ng bala. Mga tao na karaniwang mangagawa lamang subalit biktima ng karahasan. Hangang ngayon di pa mawala ang mga mukha nila na naghihinagpis sa aking isipan. Nakatanim sa puso ko ang kanilang pagsusumamo, ang kanilang pangarap na mabuhay muli. Ang kanilang pag aagaw buhay. Ang kanilang pagnanakaw ng mga huling hininga. Ang mga nakaw na sandali upang makausap ng pamilya at marinig ang kanilang mga huling salita ng pagmamahal at pamamaalam.

Sasabihin ko ba sa kanila na “ok lang, kasi sa Paraiso naman ang iyong hantungan?” Hindi ko maatim na sabihin ang mga katangang sinabi ni Hesus sa magnanakaw na isasama siya ng Panginoon sa sa Paraiso sapagkat sila ay naging tapat na Kristiyano at martyr ang estado nila ngayon sa buhay. Wala akong masabi, wala akong imik nang magsimula nang magiyakan ang kanilang mga magulang, ang kanilang mga anak na 12, 8, 5 taong gulang pa lamang. Wala akong maisagot sa kanilang mga tanong “Nasaan ang Diyos Father, nasaan siya kung kailan namin siya kailangan.” Wala akong maisagot sa kanilang mga tanong kung tunay nga ba na paraiso ang gantimpala pag ikaw ay nagsisisi sa iyong mga kasalanan, kung matuwid ang iyong daan, kung ikay pinapatay ng walang pakundangan dahil ikaw ay katoliko. “Ganito na lang ba talaga tayong mga katoliko, pinapatay na lang na parang mga hayop at walang karapatang mabuhay ng maligaya at matiwasay” tanong sa akin ng ina ng anak na napatay. Pangalawa na ang anak niya na ito na pinatay sa loob ng isang taon lamang. Napakasakit, napakabigat, nakakapangigil, nakakaawa, nakakalungkot kayat di ko masisi ang isang magnanakaw na nakalambitay kasama ni Hesus kung bakit siya nangutya, kung bakit ganun na lang ang kanyang mga katagang nasabi. Hindi bat malimit katulad tayo ng isang magnanakaw na ito kapag dumadating ang pahon ng kahirapan, panahon ng unos sa ating buhay. Kinukutya at sinisisi natin ang Dios.

Apat na araw makalipas ang pangyayari, kami naman ang inabangan at muntik nang mapabilang sa mga hanay ng naroon na sa Paraiso. Subalit siguro ay di pa napapanahon kung kayat nandito ako ngayon sa inyong harapan, nagsasalita, nag papatunay ng pag-ibig at lubos na pagmamahal ng ating poong maykapal. Sa mismong araw na iyon pinangakuan ako ng Dios ng isa pang pagkakataong mabuhay, upang maipahayag ko sa inyo at sa lahat ng aking makakasalamuha at makakasama habang nabubuhay na actually, maari naman nating namnamin ang isang bahagi ng Paraiso, habang tayo ay nabubuhay. Sa mismong araw na iyon, nangako ako sa panginoon na siya’y aking paglilinkuran hangang sa kamatayan. Nangako ako sa kanya na nanakawin ko din ang bawat puso ng kahit sinuman upang silay dumulog sa kanya magpakailan man. Bahala na kahit na nakawin muli ang buhay ko ng hari ng kadiliman maituro ko lang din sa inyo ang daan patungo kay Hesus, patungo sa Paraiso na kanyang inilaan.

Hanggang sa huling sandali si Jesus ay nagmamalasakit para sa mga ibinukod at marginalized sa ating lipunan. Christ upon the cross, is gracious like Christ upon the throne. Though he was in the greatest struggle and agony, yet he had pity for a poor penitent. By this act of grace we are to understand that Jesus Christ died to open the kingdom of heaven to all penitent, obedient believers. Yes it is a single instance in Scripture and yet it should teach us to despair of none, and that none should despair of themselves; but lest it should be abused, it is contrasted with the awful state of the other thief, who died hardened in unbelief, though a crucified Saviour was so near him.

Si Hesus ay ang daan papuntang paraiso, siya ang pintuan ng bagong buhay. Tayo ay inaanyayahan na maglakbay patungo dito sa daang ito patungong Paraiso at huwag sana nating harangan. Sapagkat kung minsan imbes na ating buksan ang mga pintuan itoy ating sinasarhan upang di makapasok ang mga tao na tinawag ni Hesus at inimbitahan. Kinukundina natin ang mga prostituta, ang mga nakulong, ang mga maysakit, ang mga beki at gustong mag palit ng kanilang kasarian, ang mga drogadikto, mga criminal, mga rapist, mga pulubi na nakikita natin jan sa daan. Maraming beses nating isinasara ang pintuan dahil lang sa hindi ninyo sila kauri, dahil sa pagkakaiba, dahil sa kasalanan na kanilang nagawa. Kung ako/ ikaw/ ay mga taong may dungis din at makasalanan, lahat tayo ay may lugar sa Paraiso, dumulog ka lamang sa kanya at sumamo. NAKAWIN NINYO ANG PUSO NG MAYKAPAL SA PAMAMAGITAN NG INYONG PERSONAL NA PAGBABAGO NGAYON AT MAGPAKAILANMAN. AT NANG SA GAYON INYONG MAKAMTAN DIN ANG PARAISONG IPINANGAKO NG POONG MAYKAPAL. Amen. 



Thursday, March 21, 2013

Gusto mo Sumikat?

Photo credits to Bro. Nicer Natulla, CMF
Merong isang poema si San juan de la Cruz na nagsasabi na "si quieres subir baja, si quieres bajar subete." Sa tagalog, kung gusto mo sumikat, o umakyat, bumaba ka o yumuko ka. Kung gusto mong bumaba, magpasikat ka!

Ang buhay pag-aaral ay maari nating gamitan ang mga katagang ito. Hindi bat yun ang gagawin ninyo mayamaya lang.. kayoy aakyat at baba dito sa entablado na ito.

Mga magaaral, kung gusto mo na tumaas ang iyong grado, ang ang dapat gawin? ..... tama, dapat mag aral ng mabuti. Dapat yumuko para magbasa, gumawa ng assignments, magsunog ng kilay. Kailangan bumaba sa kama para umupo sa silya at tutukan ang dapat na aralin. Diba't kapag nag-aral ka ng mabuti ay may maisasagot ka sa iyong titser pag nagtanong. At may maisasagot ka pag dating ng exam. At kapag nakasagot ka ng maayos sa exam ikaw ay magkakamit ng mataas na lagda. At sa pagakakuha mo ng matatas na lagda, sure na sure yon na ikaw ay aakyat sa entablado na ito para ipagkaloob sa iyo ang medlya, ang gantimpala ng iyong pagsusumikap, gantimpala ng iyong pag yuko nitong mga nakaraang buwan ng pag-aaral.

Para naman sa mga magulang, kung gusto ninyo na umakyat dito sa entablado, sikapin nyo na matuto din kayo na yumuko para tingnan kung tama ba yang pinagsusulat ng anak nyo. Yumuko para tulungan ang anak nyo sa pag aaral. Yumuko, mag trabaho, para matustusan ang pangangailangan ng bata sa kanyang pag aaral. Hindi bat napakaliking consuleo para sa inyo na makita ang inyong anak na ginagawaran ng medalya at kayo din ay aakyat dito. Kailangan bumaba ka sa iyong mga hilig tulad nung ikay binata o dalagingding pa upang mapagtuunan mo ng pansin ang iyong anak. Saka ka na mag chin up pag andito ka na sa stage para naman maganda ang kuha ng kodak sa iyong pagabot ng diploma o pagsabit ng medalya sa iyong anak. Sayang naman ng perfume mo kung di ka makunan ng litarto na naka chin up. jejejeje

Subalit mga kapatid, mga mag-aaral wag kyong masyadong mag mataas, pati kayo mga magulang, kung ang inyong anak ay first, second o nangunguna sa clase, kasi baka sa inyong pagmamataas, kayo ay sa huli marealize na ay... ako, kami pala ay nangulelat at may tunay pala na mas magaling sa akin. Huwag kayong mag pasikat kung gusto nyo na hindi na makaakyat sa entablado at parati na lang kayong nasa baba. Dahil ang inyong mga kaaway ay maaring gumawa ng paraan para kayo ay mapababa.

Natapos na din ang isang taong paghihirap mga kapatid ko na mga magulang. May darating pa. Subalit ang pagtatapos ng taon na ito ay magdudlot ng kasiyahan at kaligayahan para sa inyo. Dahil sa inyong pag sisikap ay namunga naman ang lahat ng ito sa pamamagitan ng inyong mga anak.
Malapit na din ang Holy Week, kung kayat ang readings natin sa araw na ito ay pagsasalaysay sa katapusan din ng buhay ni Jesus. Napakalungkot isipin na ang pinagpaguran na puno ng pagmamahal, bagamat ginawa nya ito na nakayuko ang kanyang mga ulo o sa pagpapakumbaba, ang kanyang mga kaaway. Gumawa ng paraan ang kanyang mga kaaway para siya ay mapababa dahil puno sila ng kasamaan at di matangap ang pagbaba ng Diyos dito sa lupa.

Subalit kahit na hindi man natangap ng tao ang pagbaba ng Dios sa lupa, sa kanyang muling pag akyat naman ay buhay natin ang gantimpala. Holy week na mga kapatid. Sanay patuloy kayong maging mapakumbaba kahit na kayoy malimit na umaakyat o nakakaangat. At anu man ang natutunan nyo dito sa taong ito ay maisagawa at maipakita bilang isang tanda ng presensya ng Dios na ating tagapaglikha.


Sunday, March 17, 2013

Que no se me endurezca el corazón
















Que no se me acostumbre, Padre, el corazón,
a ver personas muriendo de hambre,
sufriendo en situación injusta.
Que no vea normal que cada día millones de mujeres
sufren discriminación, soledad, desamor.
Que me sorprenda cada día de este mundo que hemos montado
en el que unos tenemos de todo, y a otros les falta también de todo.

Que no se me acostumbre el corazón,
a la mirada triste y perdida,
al dolor aceptado, al gesto caído y desanimado,
a la inseguridad, a las pocas ganas de vivir,
a cualquier deterioro del hermano,
que es su grito desde la cuneta de la vida.

Que no se me acostumbre el corazón, Padre, a ver como normal
el trato diferente a hombre y mujer,
el lenguaje que discrimina o el trabajo mal repartido,
o el abandono del anciano.

Que no se me acostumbre el corazón, Padre,
a ver a mis hermanos tristes, desanimados, cansados,
por el peso del trabajo o del paro,
por no tener sus necesidades cubiertas,
o vivir en desamor, desilusión o desencanto.

Que no se me acostumbre el corazón, Padre,
al ver a la mujer prostituida,
al drogadicto, al alcohólico, al ludópata o al solitario,
que adivine su dolor, su soledad, su asco,
que con mi mirada acaricie su historia, sin juzgarla…
dignifique su persona dolorida y suavice su vida.

Que no se me acostumbre el corazón, Padre,
a ver a los inmigrantes como extraños,
a no salir a su encuentro y facilitarles la vida,
a no hacer hueco entre nosotros para que se sientan en su casa.

Que no se me acostumbre el corazón, Padre,
a aceptar las cosas como están.
Que construya una iglesia como una familia,
llena de mujeres y hombres vivos,
en la que cada uno aporta lo mejor de sí mismo,
sin clases, sin reservas, sin servilismos ni privilegios.

Pon ternura, Señor, en mi mirada,
pon caricia en mi mano que saluda,
pon misericordia en mi mente que hace juicios,
pon sabiduría, Padre, en mi lenguaje,
pon escucha en mis oídos, inunda de misericordia mi corazón.

Que no se me acostumbre el corazón, Padre,
al dolor del hermano en la cuneta.
Que acaricie su historia con ternura
y se produzca un encuentro de dos hijos,
que en un trozo del camino se dignifican mutuamente,
se alegran y se descansan la vida. Amén.