Page Nav

HIDE

Susuhulan Mo Ba?

May ari ng pagawaan – di binayaran ang mangagawa. Napagtanto nya na mali ang kanyang ginawa. Anong ginawa nya, pumunta sa simbahan na...


May ari ng pagawaan – di binayaran ang mangagawa. Napagtanto nya na mali ang kanyang ginawa. Anong ginawa nya, pumunta sa simbahan nagbigay ng abuloy sa simbahan at sa pari. Iniisip na pagkatapos ialay sa Dios, o ang pagiging generous nya sa simbahan ay makukumbinsi nya ang Dios na magiging kaibigan nya at pipikit na lang sa mga inhustisya na nagawa nya, di magkakasakit, etc. 

Eto yung kontexto ng 1st reading – hindi tatangapin ng Dios ang bigay mo dahil walang pinapanigan ang Dios. Friendships, relationships, gifts, threats, high social positions…. do not count before him. The conditions that move him are poverty, the needs of the people; “he hears the prayer of the oppressed. He does not disdain the plea of the orphan, nor the complaint of the widow” (vv. 13-14). Their prayers pierce the clouds unceasingly until it reaches the throne of God (vv. 15-18).

And besides, ang inalay nya ay actually hindi kanya. Dahil ang lahat ng meron sya ay galing sa Dios. Lahat ng meron tayo ay galing sa Dios. Kung mabait tayo, pinagpala, maraming biyaya, hindi yun dahil sa mabait tayo. Kahit sabihin mong pinaghirapan mo yan ipunun, hindi yan iyo. Bigay lang din yan mula sa Dios. Kaya di natin pwedeng isuhol sa kanya kapalit ng anuman na pinagdarasal natin. 

MATUTO TAYONG TANGAPIN NA ANG LAHAT NG MERON TAYO AY GALING SA KANYA. KUNG KAYAT DAPAT MAGING MAPAGMAPASALAMAT.

Samakatuwid, ang PINAKA BANAL ay palaging ang pinaka mapagpasalamat (alam niya na ang lahat ay isang regalo – 1st reading), ang pinaka mapagpakumbaba (alam niya na siya ay maglalakbay lang – 2nd reading) at ang pinaka-mapagunawa sa kahinaan ng iba (alam niya ang kanyang sariling kahinaan - Gospel). Sa kabaligtaran, kung ang tingin natin sa sarili ay tayo ang pinakamahusay, may pagmamataas at conservative pati sa paniniwala sa Dios, makatitiyak tayo na hindi tayo sumusunod sa landas ni Jesus. Buti pa ang orasan naibalik ng isang oras pabalik kaninang madaling araw. Ikaw, tayo kaya, kelan tayo babalik sa tamang pamumuhay Kristyano?

No comments