Lahat tayo gustong kumain ng masasarap na pagkain hindi ho ba? Sino dito sa inyo ang mga hindi na pupwede kumain ng masasarap dahil may m...
Lahat tayo gustong kumain ng masasarap na pagkain hindi ho ba? Sino dito sa inyo ang mga hindi na pupwede kumain ng masasarap dahil may mga karamdaman na sa buhay? Pasintabi po sa inyo ho. Sapagkat alam kong hindi ninyo gusto na kumain ng walang lasa. Pero wala tayong magagawa dahil mabuti na yung kumain ng walang lasa kaysa malagutan ng hininga.
Lahat tayo gusto ng masarap na pagkain. At isa sa mga ingredients na nagpapasarap ng pagkain ay ang asin. Iba’t-iba ang gamit ng asin sa pagkain – pampalasa kasama ng mga sangkap. Ito rin ay ginagamit na pang preserve. Diba’t giangamit ito sa itlog na maalat, sa karne nilalagay ito para itabi muna lalo na sa mga lugar na walang kuryente. Ginagamit ito para sa pag gawa ng prociuto. Ginagamit din ito pangtangal ng snow o ice. Giangamit din ito sa pulping o pagdurog ng kahoy as well as bleaching para maging papel. Subukan nyong tikman ang papel. Minsan medyo maalat diba. Hahahaha. Ginagamit din ito sa pagtreat ng skin para maging bags, yung leather na ginagamit sa pagawa ng mga ito, leather tanning ang tawag. Giangamit din ito sa waste and water treatment. Ginagamit din ito sa mga pharmaceutical products. Ang asin ay nagbibigay ng mga mahahalagang sustansya sa buhay tulad ng sodium at klorin na kumokontrol at nakakaapekto sa maraming mga sistema ng katawan at hormonal. Samakatwid, ang daming gamit nito. At kapag walang asin, hindi salty ang buhay, matamlay, maysakit, boring, walang kalutay lutay, marumi ang tubig, wala kang leather bags sa mga sosyal jan. Kapag nasobrahan ka naman ng asin... tingnan nyo na lang ang mga katabi ninyo na dating nasobrahan sa asin... at alam nyo na din kapag ang tao’y masyadong maalat...siguradong iiwasan. Dahil ang taong sobrang alat ay isang taong galit, inis, nagaapoy, kumukulo ang utak. Kaya katamtaman lang.
Mga kapatid, ngayong Linggo, inaanyayahan tayo na maging SALT mismo at HINDI yung inaanyayahan tayo na maging MAALAT ni maging sobrang maalat. Inaanyayahan tayo na manatiling asin na may alat, hindi mawala ang pagakaalat sapagkat hindi na asin ang asin kung wala itong alat. Siamo tutti invitati a diventare sale ma non essere salati o troppo salate. Dahil iba ang ibig sabihin pag sinabing "maalat ka" "you are so salty" - galit sa buhay, sa iba at sa mundo, bugnutin o kaya mainitin ang ulo.
Inaanyayahan tayo ni Hesus sa Gospel ngayon na maging pampalasa sa buhay ng tao, ng ating kapwa, ng buhay mismo natin. Inaanyayahan tayo na maging mga preservatives ng buhay pananampalataya ng iba – pampreserba, pampatagal. Inaanyayahan tayo na makatulong sa proseso ng paglago, patungo sa paging isang makabuluhang papel sa lipunan ng kapwa natin natin mismo. Inaanyayahan tayo na tumlong bilang mga purifiers. Hindi ang maging salty o maging toxic sa komunidad.
Papano nga ba tayo pwedeng maging mga asin dito sa mundo? Kailangan nating maging SEASONED ang sagot jan. Seasoned sa ano? Ay teka baka seasoned ako ng seasoned, naintindihan nga ba pag sinabing seasoned? Pag sinabi mong seasoned ang tao, ibig sabihin, may experience, dalubhasa na, experts, nahubog (tagalog ha at hindi bisaya). At HINDI SEASONAL. Seasonal ay yung kagaya ng bible diary na may takdang panahon lang lumalabas. May panahon lang na nagiging Kristiyano. SEASONED CHRISTIAN ang maituturing na ASIN na Kristiyano. HINDI SEASONAL CHRISTIAN. Seasoned sa ano? Experts sa ano? Sa pagawa ng mga mabubuting gawain para sa kapwa at sa Diyos. Ah... yun pala...
Ang unang pagbasa binibigyan tayo ng tips kung papano maging SALT o maging SEASONED: 1) Condividi il tuo pane con gli affamati; 2) dare rifugio agli oppressi e ai senzatetto; 3) vestite i nudi quando li vedete; 4) e non voltare le spalle a se stessi. The basics. Walang pinagkaiba sa hinhingi ni Hesus sa atin. Pakainin ang nagugutom, patuluyin ang walang matuluyan, damitan ang walang maisuot, at tumulong sa kapwa hanga’t kaya. Hanga’t kaya kasi alam naman natin na hindi sa lahat ng oras kaya nating tumulong o may maitutulong tayo. Minsan hindi yan maintindihan lalo na ng mga nangangailangan. Inaanyayahan tayo ngayon na maging experts sa pagawa ng mga ito, TOBE SEASONED, TO BE SALTS.
At sa pagiging experts natin sa pagpakain ng nagugutom, pagpatuloy sa mga walang matuluyan, pagdamit sa mga walang maisuot, pagtulong sa nangangailangan, hindi lang tayo nagiging mga ASIN o SALT OF THE EARTH kundi tayo rin ay nagsisilbing mga munting LIWANAG, SINAG sa dilim.
Sabi ng first reading, yung mga taong ganito daw, mga taong nagsisilbi ng liwanag, sinag sa iba, ay madaling sinasaklolohan ng Diyos. Ah... so ngayon reklamo ka kung nasaan si Lord... sasabihin pa.. Lord bakit mo ako pinabayaan... tanong... naging asin ka ba para sa iba? Nagdala o nagdadala ka ba ng liwanag sa iba? Baka naman sarili mo lang din ang dinala mo sa iba at hindi ang Diyos, hindi ang Panginoon ang dinala mo sa iba.
Para maging SEASONED SALT at SINAG, may payo rin si San Pablo sa atin. Dapat kagaya niya, ang kanyang mensahe at mga proclamation ay hindi sa pamamgitan mga nakakabighaning words of wisdom, kundi sa demonstration of Spirit and power. Upang ang pananampalataya ng tao ay hindi nakabatay sa kanya, hindi nakabatay sa human wisdom, kundi nakabatay on the power of God.
Kaya idol ko yan si Pablo, hindi ko kailangan gumamit ng mga matalinhagang mga salita upang iparating sa inyo mensahe ng Panginoon. Casual lang, parang naguusap. Minsan brutal pa nga. Salitang kalye. Pero laman ang Salita ng Dios na hindi akin. Sapagkat kung kailangan magbahagi tungkol sa Kanya, aba’y dapat lang na hindi kailangan na magmukhang experto sapagkat ang punto dito, ang sentro dito ay Siya at hindi ako. At ang nakilala maalala ng tao ay ang Diyos nating mapagmahal at hindi ako na tagapagsalita lng niya. Samahan na din ng gawa hangang kaya.
Mga kapatid, naway maging mga SEASONED SALT at mga munting SINAG ng araw kayo dito sa mundo. Naway pasarapin ninyo ang buhay dito sa mundo at bigyan ng maliwanag na pag-asa ang mundo in your own small way. Amen.

No comments