Si Pader naman ang bungad kaagad pagkain na naman. Tanghali na kaya. Maligayang Pasko po ng Pagkabuhay sa inyong lahat! Oo nga naman, b...
Si Pader naman ang bungad kaagad pagkain na naman. Tanghali na kaya. Maligayang Pasko po ng Pagkabuhay sa inyong lahat!
Oo nga naman, ba't pagkain ang una kong nabangit? Buchi pa kamo at tapa. Kung sa baryo pa siguro sasabihin sa akin ng mga tao "si Pader o, nagpaparinig ng gusto nyang kainin pagkatapos ng misa". Bigla ko tuloy naalala mga taga Ormoc. Pinapasmile ko lang kayo. Kayo naman. Araw ng pagkabuhay e ang mga mukha natin, pangit na nga, magmumukha pa ring byernes santo. Jusko naman Rudy.
Pero kidding aside, buchi at tapa pa din ang ating pag-uusapan ngayong espesyal na araw na ito. BUCHI AT TAPA. Mas madali kasi maalala. At saka pagnakakain kayo ng buchi at tapa e, maaalala nyo ang mga pangaral sa araw na ito.
BUMANGON. Yan ang "BU" sa buchi. Ngayong araw na ito ay isang araw ng dakilang pagpapasalamat natin sa Dios sapagkat ngayon ang araw na ginugunita natin ang pag bangon muli, ang pagkabuhay nang muli ng ating Panginoong Jesus mula sa kamatayan. Bumangon. Ang buhay ay bumabangon. At para kanino si Kristo bumangon? Bumangon siya alang alang sa iyo, sa iyo, sa iyo, sa akin, sa kanya, para sa ating lahat. Pagkatapos ng kanyang pagsasakripisyo at paghihirap upang tayo ay tubusin sa kasalanan at mabuhay ng malaya bilang mga anak ng Diyos, muli syang bumangon, at nabuhay ng muli upang ipakita sa atin, at ipamalas na ganito rin ang ating hinaharap.
Bakit ka ba nandito sa Italia? Bakit nagtitiis ka dito sa Roma? Mag-isa, naiwan ang pamilya sa Pinas. Para kanino ang pagsasakripisyo mo? PARA KANINO KA BUMABANGON? Yun! Kung si Jesus ay bumangon muli para sa akin at para sa iyo, ikaw, para kanino ka bumabangon? Ang pagbangon muli ni Jesus ay pagpapakita at pagkumpleto sa pagmamahal nya sa kanyang kapwa tao at pagmamahal nya sa Dios Ama. Ang pagbangon mo tuwing umaga ay ... kayo na kumumpleto. ...para sa mahal nyo. Yan ang ginawa ng Dios para sa akin at para sa iyo.
Eto naman ang "CHI" sa buchi. Eto alam ko, maraming mahilig nito. CHISMIS ang salitang gusto kong maalala nyo. Si Pedro, sa unang pagbasa, ichinika nya sa mga tao na si Jesus daw ay isang mabuting tao, gumawa at nagturo ng magagandang bagay, nagpagaling ng mga maysakit at mga nasasapian ng demonyo sapagkat ang Diyos at nasa kanya, at saksi sila sa mga bagay na ito. Subalit ipinapatay sya, ipinapako sa krus...at binuhay siyang muli ng Dios. At ngayon sya ay patotoo kay Kristo, ang kanyang buong pagkatao ay patotoo sa dakilang tao na si Kristo. Sa kabilang dako naman, sa ating Ebanghelyo, si Maria Magdalena ay nagchika kay Pedro at sa pinakamamahal na disipulo ng Kristo tungkol sa kanyang nakita sa libingan.
Sino bang huling pinagchchismisan nyo jan? Sino ba ang huling pinagchichikahan ninyo jan? Ano ba ang huling chika ninyo? Si ganito... si ganyan... ay jusko po Rudy. Magsitigil na nga kayo. Tayo tayo na nga laang dini sa Roma ang pwede magtulungan, pagtsitsimisan pa ba ninyo ang kapwa nyo? Bilang mga Kristiyano, obligasyon natin na i-Chismisis tungkol sa ginawang pagbangon ni Kristo para sa akin at para sa iyo. Ngayon gets nyo na, bakit magkasama ang BU at ang CHI? Nararapat lamang na i chika natin ang pagkabuhay na muli ni Krsito! Ibahagi natin sa mundo ang pagmamahal na ipinamalas ng Dios sa atin. Ang pagbangon nya para sa akin at para sa iyo.
E ano naman pads ang TAPA? Ano bang ginawa ni Pedro at ng alagad na mahal ni Jesus nung pagakarinig nila sa chika ni Magdalena na bukas ang lagusan, at buhay si Jesus (base sa ibang ebanghelyo)? Tumakbo. TAKBO. Tumakbo sila patungo sa libingan upang usisain anong nangyari at upang mapatunayan na totoo nga na si Jesus ay nabuhay nang muli, na sa una'y di sila makapaniwala, at di nga agad naniwala maliban sa alagad na mahal ni Jesus. Takbo patungo sa yungib, takbo na nagmamdali.
Kelan ka mabilis tumatakbo patungo sa Dios? ... O, natahimik kayo? Kelan? kapag ba napagalaman ninyo na ang Dios ay gumawa ng isang milagro e doon kayo agad patungo at ikukwento ninyo agad ito? O kapag kailangan ninyo ng milagro sa buhay ninyo? Ikaw ba'y tumatakbo patungo sa kanya? O ikaw ba'y tumatakbo palayo? Saan ka patungo kaibigan ko? Inaanyayahan tayo na TUMAKBO at alamin ang totoo. Inaanyayahan tayo na ipakalat ang totoo at ang katotoohanan. Inaanyayahan tayo na tumakbo, simbolo ng pagiging buhay at hindi parang bato sa pagka Kristiyano.
Para mabuo ang ating BUCHI at TAPA, ang "PA" ay para sa PANANAMPALATAYA. Inaanyayahan tayo ngayon araw na ito, hindi lamang upang gunitain ang pagbangon muli ni Hesus sa kanyang pagkamatay at ichismis ito. Hindi rin sapat na tumakbo tayo patungo sa kanya. Nararapat din na maging tulad tayo ng alagad na mahal ni Jesus... na huli man pumasok (oo maaga sya dumating kasi mabilis tumakbo pero por respeto sa matanda, pinauna muna niya ito pumasok saka siya pumasok)...huli man siya dumating... huli man natin nalaman na ganito pala dapat ang tunay na gawain ng isang tapat na sumusunod ni Kristo...buo at tunay na NANIWALA, TUNAY NA PANANAMPALATAYA naman ang makita sa kanyang pagkatao at sa kanyang pagpapatotoo.
Kaya mga kapatid, hindi ako nagbibiro sa BUCHI AT TAPA na paalala ko sa inyo ngayong araw na ito. Bilang mga tagasunod ng nabuhay na muli na si Kristo, BUMANGON KA SA IYONG PAGKAKALUGMOK SA KASALANAN. BUMANGON KA SA IYONG KINAUUPUAN, SA IYONG KINALALAGYAN. HUWAG KANG HIHIGA O UUPO-UPO LANG. TAKBO NA! IKALAT MO! I-CHISMIS MO! I-CHIKA MO ANG PANANAMPALATAYA NA TUNAY NGA NA BUHAY SI HESUKRISTO... AT IKAW ANG PATOTOO!
BUCHI AT TAPA. HAPPY EASTER MULI PO SA INYO!

No comments