Subukan mong lumapit, humingi ng tulong, mangulit, galitin ang isang taong parang gumunaw ang kanyang mundo o parang gugunaw pa lang ang...
Subukan mong lumapit, humingi ng tulong, mangulit, galitin ang isang taong parang gumunaw ang kanyang mundo o parang gugunaw pa lang ang mundo nya… ano ang resulta? Pwes dito mo makikita ang tunay na paga Xtiano nya. O baka pag ka “X” kristyano nya. 😊
Kapag may mga sakuna, pangyayaring di maganda…maraming haka haka… at nagsasabing magugunaw na raw ang mundo. Karamihan naman sa atin, nagpapauto…at tatango tango…at sasabihin…ay oo nga no. Kung hindi lang siguro matatanda na palo ko na sa ulo. Minsan mga lider pa naman sa simbahan o mga nagsisilbi sa munting pamayanan.
Nakakalimutan na sa panahon ng pagkabigo, kagaya ni Jesus, ang dapat na ibigay ay PAG-ASA at hindi KAKATAKUTAN. At sa panahon ng pagkabigo, dapat magpatuloy ang pagiging tapat sa pangako sa Dios. Eto yung main point ng mga basahin ngayong araw na ito. PAG-ASA, BAGONG BUHAY – at hindi ang pagkawala…na kalimitan hangang dun lang tayo sa nawala. Di natin na papansin na kaya pala nawala ay dahil may darating na mas mahalaga at magbibigay sa iyo ng pagpapahalaga. Humugot pa… 😊
Katapusan ng mundo… astronomy ang una kong passion bago ako nangarap na maging doctor, nauwi sap ag computer engineer at nagging pari ngayon. Kung kayat mahilig ako sa mga pagsabog ng stars, ng supernova, yung kinakain ng black hole ang isang parte ng galaxy, pagkasira ng universe at pagbuo nito. Kung kaya’t ang mga salita na gamit din sa apocalyptic literature maging sa lumang tipan at bagong tipan ay somewhat plausible at naiimigaine ko at may possibility na mangyari nga…kung literal ko lang din babasahin ang mga ito at kakalimutan ko ang pinag-aralan sa theology.
Katapusan ng mundo… sabi sa unang pagbasa ay darating ang araw na parang magiging oven..tutupukin ng apoy at walang matitira. Grabe naman si Lord. Nakakatakot. Ganyan ba talaga siya? Yan kung ang iyong tututukan Lang ang unang bahagi ng kwento at hindi ang huli kung nasaan ang punto ng basahin. Para sa mga naging tapat sa kanya…darating ang araw ng hustisya at ang dulot niya ay kaligtasan. Ang punto ng kwento ay PAG-ASA para sa mga hindi pasa kay Lord! Gugunaw ang mundo ng mga paasa kay Lord na magbabago siya, iiwas sa violence, masamang gawain, pandaraya, etc.
Mga kapatid, ang araw ng hustisya ay si Jesus. Ang pagkasunog at init ng oven ay ang kanyang pagkamatay at pagkabuhay. Ang apoy na tutupok sa kasamaan at magbabago sa tao ay ang Espiritu at ang mga Salita niya, ang Mabuting Balita…ang babago sa mundo… apoy..natatandaan nyo ang sinisimbolo ng apoy … kaingin-bagong lupa, ginto to singsing, bulkan – bagong isla, bilad ka sa araw – nognog ka. 😊
Katapusan ng mundo… binangit sa Lumang Tipan. Binangit sa Bagong Tipan. Marami nang nagdaang digmaan, sakuna, kababalaghan…pero dumating ba ang katapusan ng mundo? Dun sa mga namatay, oo. Natapos na ang mundo nila. Sumakabilang buhay na. Pumunta sa ibayo. Dahil hindi naman nangyari ang sabing katapusan ng mundo…ang mga tao ay unti unting nagpawalang bahala…(2nd Reading). Back to same lifestyle. Ayahay. Hindi na tinatrabaho ang pagiging mabuting Xtiano at hindi na rin tinatrabaho ang pagkakabuo ng Kaharian ng Dios ngayon at dito. Easy easy lang...walang ginagawa...nakakalimutan anu ang tama... hindi na nagtatrabaho sa pag buo ng Kaharian ng Dios dito sa mundo... sabi ni San Pablo, sinong hindi gusto magtrabaho, wag pakainin. E kasi naman literal din binasa o literal nila pinakingan si Jesus. At nakalimutan nila na hindi naman niya sinabi kung kailan. Dahil tanging ang Dios Ama lang ang nakaka alam.
At dahil hindi sinabi kung kailan… maraming lumilitaw na mga interpreters! Maraming nagsasabi na magugunaw na ang mundo. Maraming nagpepredict na mangyayari ito sa ganito o ganyan…Year 85 AD nang sinulat ni Lukas ang kanyang Mabuting Balita. Marami nang nangyari - gulo, gyera, bumagsak ang jerusalem at sinira ng roma ang templo, persecutions...kung kayat may mga tao... na kagaya nantin minsan... o kadalasan.. literal ang pagkakaintindi ng mga sinabi ni Jesus ... at naghahasik ng haka haka at nagdudulot ng takot sa iba. E hindi takot ang punto ng sinabi ni Jesus. Marami ding nagsusulputan na sila daw si Jesus o ang propeta na pinadala etc. May mga kilala ba kayo? Uulitin ko sinabi ni Jesus: “wag kayo maniniwala sa kanila”. Punto. At wag kayong matatakot sa mga pagunaw ng mundo. Alam ko, babalik na naman tayo sa topic nung last Sunday…dahil takot tayo mawala, takot tayo mamatay, takot tayo sumakabilang buhay…dahil sa mapuputol relasyon natin sa mundo. sabi sabi gusto makita si Lord, takot naman mamatay.
Ang tanong lang naman kay Jesus ay ang tungkol sa templo dahil pagkatapos siya imbitahan na iadmire ang kagandahan ng templo sabihin ba naman na magigiba din yan. Parang yung mga kakilala ko lang na kapag nakakita ng magkaholding hands e sasabihan… hmp…maghihiwalay din yan…mga sira ulo. Yung ganon na sitwasyon. At nang tinanong siya kelan. Hindi nya sinabi kelan. Parang Big Brother lang siguro na…malalaman sa takdang panahon.
Well sinulat ito ni Lukas upang paalalanin sa mga tao na huwag paghaluin ang ilusyon sa realidad, ang mga hula sa katotohanan. At upang ipalala na huwag ilagay ang mga salita natin sa bibig ni Jesus o gamitin ang mga sinabi nya sa mga personal interpretations natin. Iniimbitahan tayo na tumigil sa mga kabaliwan ng pagiisip ng katapusan. Ang dapat ifocus natin ay kung paano tayo magiging handa sa pagdating nga katapusan. Ahhh. At namiss natin yung punto at diin doon sa sinabi niya na kapag dumating na ang araw na ito... taas noo ka dapat sapagkat paparating na ang pagkaligtas mo... wag kang matakot. Well… kung wala kang ginawa at naglimlim ka ka lang habang naghihintay sa huling panahon...(2nd reading)... at hindi ka nagging tapat sa kanya (1st reading) …e matatakot ka talaga. Pero kung habang nabubuhay ka dito sa mundo ay namuhay ka ng tapat sa Dios at namuhay ng tama, nagtrabaho para sa pagkakatatag ng Kaharian ng Dios dito mundo, wala kang dapat ikabahala, magunaw man ang mundo mamaya. At kapag dumating naman ang panahon na ikaw ay usigin, sa panahon ng trahedya, sa panahon na ikaw ay problemado, kalma ka lang, huwag kang maiirita, huwag ka lang magbabago, WALA KA DAPAT IKABAHALA. DAHIL SI LORD SA IYO ANG BAHALA.
No comments