Ipinagdiriwang natin ngayon ang huling Linggo ng Karaniwang Panahon o ang Kapistahan ng Kristong Hari. Sa taon taon nating pagsisi...
Ipinagdiriwang natin ngayon ang huling Linggo ng
Karaniwang Panahon o ang Kapistahan ng Kristong Hari. Sa taon taon nating
pagsisimba, nabatid na natin na may tatlong cycle na tinatawag sa ating
liturhiya. At sa tatalong ciclo na ito ay may tatlong paraan ng pagpapakilala
sa Kristong Hari. Ngayong taon na ito, ang ciclo C, ang ating Gospel ay hango
sa Mabuting Balita ni Lukas at ang bahagi ng Gospel na kinuha ay ang eksena
kung saan ay nakapako sa Krus si Hesus. At sa pamamagitan nito ipinapakita kung
anong klaseng Hari nga ba si Hesus.
Subalit bago pa man tayo tumungo sa Gospel, tingnan
muna natin ang mga kasama nitong mga basahin sapagkat lahat ng ito ay may
kinalaman sa kanyang pagkahari.
Ang unang pagbasa ay ang kwento tungkol sa
pagkakaluklok kay David bilang hari, ang paghalal, pag anoint, pagtalaga. Batay
sa inyong pagbabasa ng Bibliya. (Diba lagi nyo itong binabasa…nabasa nyo na nga
ang kabuoan diba…ilang ulit na? Sino dito nabasa na ng buo ang bible?
Napakayabang mo! Dapat lang naman. Hahahaha) So batay sa ating napagalaman,
nagkaisa ang lahat ng angkan, meaning ang 12 tribo ng Israel. Anu ano nga yon? (Pag walang makasagot: O wag na, at baka
bukas pa matapos ang Misa natin. Ako nakakalimutan ko din mga pangalan.
Hahahahaha) Ang lahat ay nagkaisa at pumunta sa Hebron, ang lahat ng matatanda
(meaning yung mga leaders) at NAKIPAGKAISA, NAKIPAGKASUNDO kay David na
siyang namumuno sa bahaging timog ng Isarael. At ANG TIMOG AT HILAGA AY
NAGKAISA sa pamamagitan ng Haring David. Binuhusan siya ng langis, tanda ng
kanyang anointment bilang hari, bilang PINILI. Kaya pag bininyagan kayo
– may langis – tanda ng pakikipagkaisa natin kay Kristo bilang Hari, tanda ng
ating pagiging hari. Bawat isa sa atin na nabinyagan kay Kristo ay hari. Pero
papano tayo naghahari? Sa paanong paraan tayo dapat maghari? Mamaya na ang
sagot sa pagtalakay natin sa Gospel.
Sino ang tumayong ama sa lupa ni Hesus? Kaano ano
niya si David? Kung gayon? Si Hesus ay tagapagmana ng trono ni David. Ang unang
pagbasa ay nagpapakita kay Kristo bilang “haring tao”… ang human royal lineage
kung baga. At kahit hindi na isinama sa pagbasa kung sino o anong klaseng tao
si David, alam na natin anong sagot sa kung saan galing si David at paano niya
pinamunuan ang Isarael.
Kung ang unang pagbasa ay implication ng kanyang
human kingship, ang ikalawang pagbasa naman ay nagpapakita sa kanyang divine
kingship. Ipinapakita ang kanyang pagiging Anak ng Dios na may kapangyarihan ng
lahat ng nilikha – ang hari ng buong universe. Ang sabi sa 2nd reading (basahin ang last paragraph).Siya ang PINILI.
Siya ang unang nabuhay na muli upang siya ang pinakadakila sa lahat ng nilikha.
Sa pamamagitan niya, NAKIPAGKASUNDO ang sanlibutan sa Dios. Sa pamamagitan ng
pagkamatay ni Kristo sa Krus, NAGKASUNDO ANG DIOS AT ANG LAHAT NG NILIKHA SA
LANGIT AT LUPA. Timog – Hilaga. Langit – Lupa. Kulang na lang yung Silangan
– Kanluran, Kanan – Kaliwa.
Ah...kanan at kaliwa. Saan nyo narinig yan kanina?
(ows... di kayo nakikinig sa Gospel...wala naman binangit na kanan o kaliwa e.
Sa ibang Gospel yun).But anyway, nasabi nyo na din lang, anong meron sa kanan
at kaliwa ni Hesus? Mga nakabitin din, mga kriminal. Isa sa kanan, isa sa
kaliwa. Ang isa anong sinabi? “Hindi ba ikaw ang Mesiyas? Iligtas mo ang iyong
sarili pati na kami!”. Bagama’t nakakainis yung sinabi niya, ang kanyang sinabi
ay pag affirm pa din na si Hesus ang Mesias, ang Tagapagligtas, ang Pinili, ang
Hinihintay, ang “Dapat Maghari”. Ang isa anong sinabi? Ang sabi “ Hesus,
alalahanin mo ako kapagnaghahari kana.” At ang sagot ni Hesus sa kanya? .....
(very good. At least may naalala kayo sa siete palabras)... Samakatwid mga
kapatid, ang mga mapa kanan man o kaliwa, masama o mabuti, naniniwala o hindi
sa kanya...ay lahat nagaafirm sa kung sino man ang nasa sentro. Kumpletuhin pa
natin. Sa ulunan niya, sa taas ng krus nakasulat sa tatlong languages
(universality) ang katagang: “Ito ang Hari ng mga Hudyo.” Sa paanan ng Krus ay
naroon ang mga pinuno ng bayan (representatives ng sangkatauhan) na nanlilibak
sa kanya, “kung ikaw nga ang Hari ng mga Judio...iligtas mo ang iyong
sarili”...
Mapataas...mapababa...mapakanan...mapakaliwa... Anong
simbolo ginawa ko? Ang krus. Ang sign of the cross. Ang Simbolo ng krus ay ang
simbolo ng kaharian ni Kristo. Ang krus sa panahong iyon ay simbolo ng
kahihiyan, ng pagiging makasalanan, pagiging nobody (kaya nga pinapaptay ang
nobody dahil wala namang kwenta), symbolo ng humility. Ang main thrust at
pamamaraan ng paghahari ni Kristo ay humility, softness of the heart mapa taas,
baba, kanan o kaliwa man... he deals all with humility, compassion, love,
tenderness ... kaya nga bata ang exampol niya lagi.. dahil kung minsan
“mapisti” sa kakulitan.. pero cute.. tender, compassionate, pure, loving,
forgiving.
Bakit nga ba di na lang bumaba si Hesus sa Krus kasi.
E di sana nabulabog ang lahat. E kung ginawa niya yun...(na pwede naman nyang
gawin kung gusto lang).. pero hindi.. e di napakayabang ang ending ng storya.
The great, the powerful, the almighty, conqueror of all... NAPAKAYABANG...
walang pinagkaiba sa mga hari ng mga kingdoms sa mundo. Pleasure. Power,
Prestige. Provision. Protection. Position. E di walang saysay ang kanyang mga
tinuro. Walang pagbabago. Walang mababago.
WALANG PAGKAKAISA. E diba kapag ang magkagalit, ang di
magkasundo, pag parehas mayabang, pag parehas ayaw magpakumbaba, KAPAG
WALANG ISA SA KANILA MAGPAPAKUMBABA, walang kapayapaan, walang katahimikan,
WALANG PAGKAKASUNDO, WALANG PAGKAKAISA?
Konsistent si Hesus sa kanyang turo mula sa kanyang
pagkakapanganak – mula sa pagkapanganak sa sabsaban na walang saplot at walang
wala (natipon, dumalo ang mga pastol at mga mago, may anghel sa taas at tao sa
paligid) – hangang sa pagtuturo niya ng pagmamahal sa Dios at sa kapwa – at sa
huling sandali ng kanyang buhay sa mundo – humility, meekness, softness and
compassion ang pamamaraan upang may mabago, upang ang tao ay magkasundo, ang
Dios at tao ay magkasundo.
Tandaan mga kapatid: Ang tubig ay likido, malambot, sumusuot kahit saan meron lugar. Pero
ang tubig pwede lumusaw ng malalaking bato kahit gaano pa yan katigas. Sa pag
daan ng panahon matitibag ng tubig ang anumang matigas na bato. Sa makatwid,
anumang likido o fluid, anu mang malambot at pwedeng tumagos kahit
saan...tatagos at makapangyarihan sa anumang matigas, sa anumang rigido e duro.
Gusto mong
maging hari? Gusto mong panindigan ang pagiging isang hari batay sa binyag na
natangap natin mula kay Kristo? PALAMBUTIN MO ANG IYONG PUSO. Gusto mong
magkaisa ang lahat, magkaisa ang pamilya, ang community? PALAMBUTIN MO ANG
IYONG PUSO. Sapagkat SI KRISTONG HARI NG LAHAT AY NAGHARI AT NAGHAHARI NA
MAY PUSONG MALAMBOT PARA SA LAHAT.
No comments