Page Nav

HIDE

Ricordare (MAALALA). Restare (MANATILI). Ritornare MAGBALIK.

Ang kuwento ng dalawang tagasunod ni Kristo na naglakbay pauwi sa Emmaus at kalaunan ay bumalik lang din sa Jerusalem ay kwento din ng pagla...

Ang kuwento ng dalawang tagasunod ni Kristo na naglakbay pauwi sa Emmaus at kalaunan ay bumalik lang din sa Jerusalem ay kwento din ng paglalakbay ng bawat isa sa atin. Upang mas mapadali ang ating pagninilay, we will focus on three italian words na nagsisimula sa R at kapag trinanslate naman sa tagalog ay M ang simula: RICORDARE o MAALALA, RESTARE o MANATILI, RITORNARE o MAGBALIK.

RICORDARE. Umuwi ang dalawang tagasunod ni Kristo dahil akala nila nahopia sila. Buong akala nila wala nang pag-asa dahil yung kaisa isa nilang pag-asa ay namatay, pinatay. At takot sila na baka sila din ay mamatay o patayin.

Sa panahon na down tayo, o panahon na akala natin wala na, o panahon na di natin maintindihan ang mga bagay bagay sa mundo, may mga di inaasahang tao na dumarating o bigla susulpot at babaguhin takbo ng buhay natin. May mga tao na minsan di naman natin kilala o ka close pero dahil sa sinabi nila o ginawa, biglang natatauhan tayo. Alam mo yun, yung mga kagaya ng mga tunay nating mga kaibigan na lagi tayong nababara. Na minsan di mo maisip, kaibigan ko ba talaga to, imbes na kumampi sa akin o kunsintihin ako, e in your face sasabihin sayo na tanga ka, hangal ka, na mali ka. Minsan importante din na may magpamukha sa atin harap harapan, kahit masakit, ng katotohanan upang tayo ay matauhan.

Sa kwentong ating napakingan, nasabihan sila ni Hesus ng malutong na “Kay hahangal nyo”. Gaya ng mga kaibigan natin, ouch kung makapagsalita si manong na ngayon lang nakilala nila. (Buti walang nagreact sa dalawa na “close ba tayo?”) IPINAALALA ni Hesus sa kanila ang lahat ng nakasulat ukol sa kanya. Upang silay muling manalig sa Diyos na sa kanya’y muling bumuhay at nagparangal, ipinaalala niya na Siya ay nakatakda, na Siya ang Korderong walang batik at kapintasan. Itinalaga na siya ng Diyos sa gawaing ito bago pa nilikha ang daigdig, at alang-alang sa inyo, ipinahayag siya bago sumapit ang katapusan ng mga panahon. Gaya ng sabi sa ikalawang pagbasa natin. Ipinaalala sa kanila ang mga sinabi ng mga propeta. At ipinaalala na ang Muling Pagkabuhay ni Hesus ang siyang pinakadakilang tanda ng kanyang pagiging Mesiyas. At ito rin ang siyang puso at pinag-ugatan ng ating pananampalataya.

May mga tao bang bigla na lang susulpot at nagbago ng buhay natin? Tao na nagturo sa atin ng landasin ng buhay nating hahantungin? Muli natin silang alalahanin ngayon at ipagdasal. At sakali man tayo ay nawawala sa tamang landasin, MAALALA sana natin yung tinuro nila. At MAALALA din sana lagi natin ang turo na napulot natin sa panahon ng Kwaresma.

RESTARE.
“Restare con noi” ang sabi sa italian na version ng Gospel. MANATILI ka muna, dumito ka na muna.

Napakaganda ng ginawa nung dalawang tagasunod ni Hesus na inimbitahan nila ang isang di nila kakilala o kaano ano na manatili kasama nila sa kanilang tinutuluyan. Isang pagpapakita ng CONCERN sa kapwa. Isang characteristics ng isang tunay na tagasunod ni Kristo. May pagmamalasakit, may pag unawa. Isang pagpapakita ng pakikiisa sa sitwasyon ng stranger bago nilang nakilala. Nagbunga yung dating ginagawa ni Hesus na kahit sino pinapakisamahan at pinakikisalamuhan niya. Nawala man yung Hesus na pinagkukwentuhan nila, kitang kita naman ang presence ni Hesus sa pagkatao nila.

Nitong mga nakaraang mga lingo habang tayo ay nakalockdown at nagsasuffer sa pandemia na kinakaharap ng mundo, may mga nagtatanong kung nasaan ang simbahan, nasaan si Hesus, nasaan ang Dios. Ang sagot, nasa bawat frontliner, nasa mga ospital, nasa kapwa na tumutulong sa anu mang paraan na makakaya. Nasa bawat taong nagmamalasakit sa kanyang kapwa. Nasa mga nagbibigay ng relief na hindi kailangan naka public.

Inaanyayahan ko ang community ng Euclide na nagdiriwang ng supposed to be 33rd anniversary na ngayong ika 33rd anniversary (33 parang edad ni Hesus nang inalay niya ang kanyang buhay para sa atin), ay iconvert na lang ang mga gagastusin sana sa pagdiriwang sa mga kawang gawa para sa mga members na nangangailangan. Alam natin gaano kagipit ang naidulot nitong lockdown. Sa palagay ko mas magiging makabuluhan ang pagdiriwang kung magiging isang “Restare con noi” ang kinalabasan.

RITORNARE.
Nang mapagtanto ng dalawa na si Hesus pala yung di kilala na nakilakbay sa kanila, NAALALA nila ang lahat ng kanyang ipinaalala. Naramdaman nila na hindi pala Siya Nawala at lagging KASAMA nila, NANATILI sa kanilang mga puso. Kung kaya’t nagkaroon sila ng lakas loob MAGBALIK sa Jerusalem at harapin ang landas na nakalaan sa kanila.

Ilang araw na lang, tatangalin na ang ating lockdown. Bagama’t marami pa ding restrictions sa mga byahe, sa pamimili, sa metro, MAGBABALIK na din tayo sa normal paunti unti.

Nawa’y sa pagbabalik natin sa normal, ay MAALALA natin ang mga aral na ating napulot sa panahon ng Kwaresma, sa Kwarantin na ating naranasan, sa panahon ng pandemia. Nawa’y MANATILI tayong may concern sa ating kapwa at sa mga naka quarantine pa ay manatili muna sa bahay. At sa ating pagbabalik sa buhay na normal, nawa’y MAGBALIK tayo na bago na ang ating mga pananaw, pangangalaga sa kalikasan, pakikitungo sa mga kasama sa bahay at pakikitungo sa kapwa.

No comments