Ngayong espesyal na Linggo ng Palaspas, espesyal sapagkat mapagpakumbabang ipinagdiriwang ng Simbahan ang araw na ito na walang mga tao s...
Ngayong espesyal na Linggo ng Palaspas, espesyal sapagkat mapagpakumbabang ipinagdiriwang ng Simbahan ang araw na ito na walang mga tao sa simbahan, nagwawagay way ng kanilang mga palaspas. Ngunit bagama’t ganito ang sitwasyon, nagpatuloy ang Simbahan sa pagugunita sa mga mahal na araw ng Panginoon.
Para sa araw na ito, ang aking pagninilay ay iikot sa tatlong salita: DONKEY, DRAMA, DEATH.
DONKEY. Kapag nakikipagdigma ang mga hari, kabayo ang gamit nila. Aside sa mabilis at matalino ang kabayo, simbolo din ito ng power, ng greatness, at ng dignity. Sa mga pelikula, alamat man o hango sa totoong buhay, kalimitan sa kabayo nakasakay kapag sasalakaya o nais pasukin ang isang kalaban na kaharian. Kung sa kabayo sumakay si Hesus (ang Hari ng mga Judio) pagpasok sa Jerusalem, maiiba ang kahulugan ng kanyang ginawa at mawawala yung consistency ng kwento ng buhay niya. Kung kaya’y lulan siya ng isang DONKEY at hindi ng kabayo sapagkat ito ay may pakahulugan nan ais iparating sa atin.
Ang DONKEY o asno ay itinuturing na mababang uri sa pamilya ng lahi ng mga kabayo. Medyo may pagka engot. Naalala ko yung dalawang beses na sumakay ako ng donkey sa Spain para sa pagdiriwang ng Linggo ng Palaspas. Medyo iba nga ang galaw niya kumpara sa kabayo. Kapag tinawag ang isang tao na donkey, ibig sabihin noon sinasabihan ka na bobo ka o tanga ka. Bagamat ganito ang image ng isang DONKEY, sa kabilang punto, ito naman ay simbolo ng KAPAKUMBABAAN. Pinasok at sinakop ni Haring Hesus and sangkatauhan sa pamamagitan ng kapakumbabaan.
Bukod dito, ang donkey din ay ginagamit sa pagtransport ng mga paninda, ng mga gamit o kung anu-anu pa na kailangan sa pang araw-araw na pamumuhay ng mga tao. Tanga man ito ituring, importante pa din. Curiously, ayon sa Protoevangelium ni Santiago, isang apocryphal Gospel na malamang sinulat sa taong AD 145, sinasabi na gumamit si Jose ng donkey upang DALHIN si buntis na Maria sa Bethlehem. Kung kaya nga makikita natin sa mga larawan na si Maria naka angkas sa donkey at doon sa Bethlehem naabutan ng panganganak kay Hesus. Gayun din, sa donkey din lumulan nang sila’y tumakas sa bagsik ni Herodes patungong Ehipto upang iligtas ang sangol na si Hesus. Ilang araw bago matuldukan ang buhay ni Hesus sa mundo bilang taong kagaya natin ay lulan din siya ng isang DONKEY. Hindi ka ba namamangha o nagtataka, nang una siyang dumating (isinilang) sakay siya ng DONKEY. Bago siya lumisan (namatay) sakay siya ng DONKEY. Ipinanganak si Hesus sa isang sabsaban, humiliating sa isang hari o kahit sa taong normal. Namatay siyang hubo’t hubad, humiliation sa tao na hubaran sa harap ng tao at ipako sa krus. Sa isang dako masasabing kahangalan. Pero ika nga, kahangalan sa pagmamahal ng Diyos.
Inaanyayahan tayo mga kapatid sa araw na ito maging mapagkumbaba. At sa pagapakumbaba ay DALHIN natin, lulan natin ang Panginoon. DINADALA natin Siya sa iba. Sa KAPAKUMBABAAN DINADALA ang Mabuting Balita at hindi sa boastful na pamamaraan.
DRAMA. Ang Pasyon ng Poon na ating napakingan ngayong araw na ito ay parang DRAMA at teleserye sa TV. Parang Crash Landing on You, parang buhay ni Cardo, o anu pa man na mga inaabangan at pinapanood ninyo lalu na ngayong panahon na nakakulong sa bahay. Isang DRAMA, bahagi ng series ng lovestory ng Diyos at ng tao. Isang drama na nauwi sa trahedya at pagkamatay ng bida. Na buti na lang sa bandang huli, gaya ng halos lahat ng drama, buhay ang bida sa huli.
Napansin ba ninyo sa buong drama na ating narinig kung papano no dinala ni Hesus ang sitwasyon? Mahinahon, mapakumbaba niyang dinala ito, mapakumbabang sinagot ang mga akusasyon, mapakumbabang tinangap ang will ng kanyang Ama, mapagpakumbabang hinarap si Pilato, mapagkakumbabang tinangap ang insulto ng mga tao, mapagpakumbabang tinangap ang kamatayan para sa kapakanan mo at kapakanan ko, para sa kapakananan nating lahat. Mula sa simula at sa huli, dala niya ang Mabuting Balita, ang pagmamahal at pakikipagugnay ng Diyos sa sangkatauhan. Ito ang DRAMA ng taong may pinaka DAKILANG PANGALAN sa lahat ng ngalan.
Bawat isa sa atin ay may kanya kanyang DRAMA sa buhay. Iniimbitahan tayo na sa drama ng buhay natin, ay maging bahagi nawa itong Panginoon na mapagpakumbabang ninais na maging bahagi ng buhay natin.
DEATH. Pag sinabing Jerusalem ang kaugnay nito’y kamatayan. Sa pagpunta niya sa Jerusalem, hinarap ni Hesus ang kanyang KAMATAYAN. At sa kanyang DEATH, we were all saved. We were all brought to the glory of God. Sa kanyang KAMATAYAN, tayo ay muling naiugnay sa DIYOS mula sa ating pagkawalay sa kanya dulot ng kasalanan.
Nitong mga susunod na araw, inaanyayahan tayo mga kapatid na mamatay sa ating mga dating sarili na hindi angkop sa Kristiyanong pamumuhay. Inaanyayahan tayo na harapin ang hamon ng pagbabago. Inaanyayahan tayo na muling makipagbalik loob sa Diyos. Inaanyayahan tayong magcontemplate sa pagkamatay ni Hesus para sa kapakanan nating lahat.
When you imitate the DONKEY in its humility, tayo ay NAMAMATAY sa ating desire to be someone. When we let our DRAMA sa buhay be part of the DRAMA ni LORD or ang DRAMA ni Lord be part ng ating buhay, we also DIE from our own will and let the will ni Lord na maghari sa ating buhay.
DONKEY (humility), DRAMA (life in Christ), DEATH, lahat ito ay nagdadala sa atin sa Diyos. Whenever we humble ourselves, we encounter God. Whenever we live our lives in Christ, we live in God. When we die, we will be with God.
Lastly mga kapatid, isang tanong para sa ating lahat, ngayong mga panahon ng COVID-19 sa DRAMA ng ating buhay, papaano mo DINADALA ang Mabuting Balita sa iyong kapwa upang siya ay hindi ma DEADBOL gaya ng iba?
No comments