Walang nakakaalam sa atin kung kelan tayo mamamatay o kung kelan babangitin ng ating mga kasamahan na “sumalangit nawa ang ating mga kalulu...
Papano ba maghanda para sa ating trip to heaven? Ang sabi sa unang pagbasa ay hanapin ang Karunungan. In short maging isang taong “marunong”. Pero hindi lang basta marunong sa anumang gawain, kundi marunong ano ang makakakapagpasalangit sa kanya. Para lang din yan sa pagluluto ng pansit… kailangan mo ng mga rekado at proseso ….maga rekado dito…. pagkulang hingi sa kapitbahay…pag marunong ka magluto, masarap ang lasa…paghindi… e di alam na. hahahaha
Ganun din sa paghahanda sa pagdating ng panhon na mamemeet natin si Lord, dapat kumpleto ang rekado…Unfortunately, sa byaheng langit, pagnagluto ka ng babaunin, hindi ka pwedeng humingi na lang basta ng asin sa kapitbahay mo kapagkinapos ka sa asin o sa mantika. Hindi transferabol ang kaligtasan ng bawat isa. Responsabilidad ng bawat isa sa atin ang panatilihing nakasindi ang ilaw sa ating mga buhay. Maari lang tayo paalalahanan ng iba, maari lang tayong sabihan o ang ibay magsuggest sa atin anong dapat gawin o saan makakabili ng langis para sa ilaw. Pero ang pagpapanatili na itoy nakasindi ay tanging responsabilidad mo lang. walang makakaligtas sa kaluluwa mo kundi ikaw lang.
Huwag mong pangambahan ang pagdating ng iyong kamatayan, ang panahon na ikaw ay mawawalay o ang panahon na mawawalay na ang ating mahal sa buhay. Sapagkat kung tayo ay naging “marunong” habang tayo ay nabubuhay, wala tayong dapat ipangamba. Kung pinanatili natin na nakasindi ang “ating ilaw” “ang christmas lights” bagama’t hindi Christmas ngunit dahil dapat lang na lagging nakasindi ang ilaw ni Kristo sa buhay natin, wala tayong dapat ipangamba kung tayo ay mawawala sa mundong ito o mawala ang mahal natin sa buhay. Sapagkat alam natin na dadating din ang panahon na tayo’y magkakasama-sama ulit kasama ang Panginoon gaya ng sabi ni San Pablo sa ating ikalawang pagbasa.
Paalala mga kapatid: Kapusin ka na sa pera, sa material na bagay, kapusin ka na sa handa, sa alak, sa relief goods, sa donasyon, sa pangtwisyon ng anak, kapusin ka na sa oras sa mga gawaing bahay maging kapusin sa hininga, kapusin sa asin, sa sampalok kaya matabang ang sinigang, huwag na huwag ka lang kapusin sa ticket mo sa byaheng langit. Huwag na huwag ka lang kapusin sa langis upang patuloy na nakasindi ang ilaw ni Kristo sa araw na bigla ka nalang mawawalan ng hininga. Kapusin ka na sa maraming bagay sa mundong ito, huwag ka lang kakapusin sa pananalig sa Diyos, huwag ka lang kakapusin sa pagmamalasakit at gawang-kabutihan sa iyong kapwa-tao.
No comments