Page Nav

HIDE

Iwasan. Iniiwasan. Ibig: Ika-6 na Linggo sa Ordinaryong Panahon

Ngayong Lingo ng kapistahan ng Our Lady of Lourdes at Araw ng mga may-sakit, ipinapaalala sa atin ang mga taong may karamdaman, mapapisikal ...

Ngayong Lingo ng kapistahan ng Our Lady of Lourdes at Araw ng mga may-sakit, ipinapaalala sa atin ang mga taong may karamdaman, mapapisikal man o kalooban, na dapat natin ay pangalagaan.


IWASAN. Sa paanong paraan ba natin pwedeng pangalagaan ang mga may sakit at ang mga walang sakit?

Ang una ay kailangan natin ng pag-IWAS. Tama ang inyong narinig, IWAS. Umiwas tayo na maging sanhi ng pagkakasala ninuman (gaya ng ipinapahiwatig ng ikalawang pagbasa). At pangalawa, ay kailangan din natin na umiwas sa pagdala ng sakit kanino man gaya ng mungkahi sa mga maysakit na ketong na ating napakingan sa unang pagbasa. Pwede din ito, sa pananalita natin at sa panahon natin, pag-iwas sa pagdala ng sama ng loob, sa sakit sa ulo, sa problema. Dahil nakakahighblood yan. Pag nasobrahan ng presyon, patay... Ang pangatlo ay ang pag-iwas sa pagkakasala na siyang resulta ng taos pusong pagmamahal. Ang pag-iwas sa pagkakasala ay nagdadala sa atin sa pag-ibig at kaibig-ibig. Malapit na ang Feb 14, e araw ng abo yan, kaya may pahapyaw na ng bahagya ngayon.

INIIWASAN. May mga tao tayong iniiwasan. Pero may mga iniiwasan dahil iniibig…gikilig kilig. Kunyari ayaw pero gusto naman. Yung bespren ko dati sa high school iniwasan ko nung nagtagal dahil napagtanto ko na ako pala ay naiinlove. Iniiwasan ko dahil ayaw ko siyang masaktan at masira ang pagkakaibigan. Ang ending nauwi pa din dun sa dialogo ni Jolina Magdangal (sa mga may edad na dito na nakapanood at kilala lang makakagets nya). 
Yung iba naman umiiwas dahil may gusto, pumapag-ibig, pero natotorpe, nahihiya lang. Hindi naman kasi lahat marunong sumungkab agad.

Subalit meron namang iniiwasan dahil wala nang pagmamahal. Nawala na ang pag-iibigan. Ouch! Parang may ketong na kahit nga sa malayo di dapat malapitan o makita man lang. Di ko na idedetail at masasaktan ka lang. 

May pag-iwas na naglalayo sa sakit. May pag-iwas na nagdudulot ng sakit.

Umiiwas tayo paminsan dahil wala tayong pakialam, o dahil sa ating makasariling pag-iisip at pag-uugali o dahil sa ating panghuhusga. Hindi ba ito ang ginagawa natin sa di natin iniibig? Iniiwasan natin yung hindi naman natin mahal. Minsan nagiging mahalaga lang sila dahil sa kanila'y meron tayong kailangan.

Hindi sakit, kapintasan o kakulangan ang naglalayo sa atin sa ating kapwa, bagkus ang kawalan ng pakialam, pagiging makasarili at ang panghuhusga. Anong ang solusyon dito? 

Solusyon: IBIGIbig Ko gumaling ka – tugon ni Hesus sa ketongin. Kapag sinabi nating "IBIG," ito ay ang nais, ang gusto. Nakaka amaze lang din na kapag nilagyan natin ng "pag" ang salitang ibig ay nagiging kahulugan niya ay LOVE. Hindi lang sa "gusto" kundi "love".

Kapag ibig mo, nais mo, gusto mo – ipinadadama mo ang pag-ibig mo. Kapag ibig mo, nais mo, gusto mo – ipapakita mo. Kapag ibig mo, nais mo, gusto mo – hindi iniiwasan, kundi nilalapitan (gusto mong maging malapit sa kanya).. sa mga magkasintahan e gustong halikan...tapos kwan...gusto laging magkalapit. Gusto laging magkasama na parang wala nang bukas.

Gumaling ang ketongin hindi lang dahil sa ibig niyang gumaling, KUNDI DAHIL DIN SA PAG-IBIG NI HESUS sa kanya. 

Dahil sa pag-ibig, lahat ay makakaya. Dahil sa pag-ibig lahat ay magagawa. Dahil sa pag-ibig, ang sugat ay nahihilom. Dahil sa pag-ibig ang sakit ay napapawi. Dahil sa pag-ibig ang isang karamdaman ay gumagaling, ang isang dinaramdam ay nawawala at ang sirang relasyon ay naaayos na muli.

Higit na kailangan ng may sakit ang maging malapit o may mga malapit sa kanya. Ito actually ang nakapagpapagaling sa isang taong may sakit aside sa dasal. Ito ang nagdadala ng milagro. Yung love nung taong nagbigay ng gesture ng healing. Yung love na, kung tutuusin ay natutunan nya din mula sa pagmamahal ng Diyos sa kanya. Si Hesus ay hinayaan niya siyang lapitan at siya rin ay lumapit, hinawakan, pinahalagahan. Tandaan, ang sabi ng Panginoon, ang espíritu ng Diyos ay nananahan sa bawat isa sa atin. Kung yun sana ang dala natin lagi sa pagbisita, sa pag-aaruga sa may sakit, baka ikaw pa mismo ang maging daan ng pagaling ng may sakit. Kaso...papano natin mapapanatiling tayo ay "magaling" "malinis" "sano sa italiano" kung tayo mismo ay mga ketongin din usahay?

Kapag may pagtangap, pagpapatawad, pagkalinga, pagmamahal, MADALING GUMALING ANG ISANG TAO sa anumang sakit.

TANDAAN: ANG PAG-IWAS SA PAGKAKASALA AY NAGDUDULOT NG PAG-IBIG. ANG PAG-IWAS SA PAG-IBIG AY NAGDUDULOT NG KASALANAN. Umiwas tayo na makagawa ng sala ang ating kapwa. Umiwas tayo na iwasan ang ating kapwa. Ibigin, gustuhin sana natin na ang ating pag-ibig ay madama ng mga taong nangangailangan nito mula sa atin. Amen.

No comments