Habang pinagninilayan ko ang mga pagbasa ngayong Ika-1 Linggo ng Kwaresma, naglalaro sa isipan ko yung paghupa ng baha, meaning wala nang tu...
Habang pinagninilayan ko ang mga pagbasa ngayong Ika-1 Linggo ng Kwaresma, naglalaro sa isipan ko yung paghupa ng baha, meaning wala nang tubig na mapamuksa, at yung koneksyon nito sa disyerto, meaning lupang tigang, walang katubig-tubig. Dalawang extremes. Tapos, kung nagbabasa tayo ng bibliya, maalala natin na iba’t-ibang hayop, mabuti at mailap ang isinakay at nakapalibot kay Noe at sa kanyang iba pang mga kasama sa loob ng daong, dahil ayaw maniwala sa kanya ng mga tao. Kaya walo lang sila na nakaligtas. Maiilap na hayop ang naroon din sa disyerto, mag-isa lang si Hesus bagamat siya ay pinaglingkuran ng mga anghel.
Nung matapos ang 40 araw at 40 gabi ng pag ulan at pagbaha, at nakalabas na sila Noe sa daong, nakipagtipan ang Diyos na hindi na niya kailanma’y lilipunin sa pamamagitan ng baha ang lahat ng may buhay. Nakipagtipan ang Diyos!? Nagbago ang kanyang puso! NAGBAGO ANG DIYOS! Biruin mo. O, ikaw na lang yata hindi.
Nung matapos ang 40 araw at 40 gabi ni Hesus sa ilang at apatnapung araw na tinutukso ni Satanas, NAGSIMULA SIYA SA KANYANG PUBLIC MINISTRY at ipinangaral ang Mabuting Balita mula sa Diyos. Mula sa pribadong buhay, nagsimula na ang kanyang pagtupad sa utos ng kanyang Ama.
Kwarenta (40). Sino ba dito mga kwarenta na? Lumagpas na sa kwarenta? Malapit na mag kwarenta? Malapit na sa kalendaryo. 45 naman daw yun. Pwede pa. Kwarenta. Bakit puro kwarenta napakingan natin kanina sa ating pagbasa. Niresearch ko na rin dahil alam ko ako’y inyong tatanungin.
40 na araw at 40 na gabi na umulan at bumaha. 40 araw sa disyerto si Hesus. 40 days and 40 nights si Moses sa bundok ng Sinai kasama ng Diyos, walang kain at inom ng tubig at pagkatapos ay nasulat ang Sampung Utos ng Diyos na malimit nating balgahin. Ewan ko nga kung saulo nyo kahit yung 1 to 4 na lang. Sige daw bhe. 40 years din naglakad ang mga anak ng Israel sa ilang bago nakarating sa lupang pangako. 40 araw ang ibinigay kay Jonah upang siya’y magsisi. 40 araw ang pagitan mula sa muling pagkabuhay ni Hesus sa pag-akyat niya sa Langit. Bago nangyari yung sa kwento nila Samson at Delailah ay nanilbihan ang mga Israelita sa mga Filisteo ng 40 taon (Judges 13:1). Naitayo ang Tore ng Babel sa loob 40 araw. Noong mga panahon, hindi pwedeng pumasok ng templo ang mga babeng bagong panganak hangat hindi pa nag 40 araw. Kaya nga sa ika-40 araw lang din tayo nag diriwang ng kandelaria, February 2, dahil yun ang ika-40 araw makalipas ang Pasko.
Natuklasan ko rin na dati pala ang mga sinaunang pag eembalsama ay inaabot ng 40 araw. Sa ibang bansa gaya sa India, ang postpartum confinement ay tumatagal hangang 40 araw. Yari din lang napagusapan ang confinement, ang pinagmulan ng salitang “quarantine” na medyo gasgas masyado nitong mga nakaraang taon at kinatakutan, kinainisan ng iba, ay dahil din sa 40. Sa panahon ng bubonic plague kasi na nangyari sa Europa sa panahon ng Middle Ages, yung mga barko ay kailangan i-isolate sa pier ng 40 days bago payagang bumaba ang mga pasahero nito. So, ang quarantine hindi talaga dapat isang lingo lang o 2 weeks o 14 days, kundi 40 days. 40 days ang Quaresma, quarenta nga diba. 40 weeks din pala ang isang regular na pagbubuntis ng isang ina.
Pads aabutin ka na ng 40 minutes sa homily mo, tumbukin mo na main point mo. Eto na nga, ANG 40 AY NAGSISIMBOLO NG PANAHON NG PAGBABAGO, NG ISANG PANAHON NG TRANSITION. SUMISIMBOLO ITO NG BAGONG PANIMULA, PAGLILINIS O PURIFICATION, PAGTRANSFORM.
Nagbago ang puso ng Diyos makalipas nyang paulanin ng 40 araw at 40 gabi upang lipunin ang lahat ng nabubuhay sa mundo. Nagbago ang pamumuhay ni Hesus matapos ang 40 araw at 40 gabi na pananatili sa ilang at tinitukso ni Satanas. At naglaon ay inalay niya ang kanyang buhay. Namatay siya dahil sa kasalanan ng lahat—ang walang kasalanan para sa mga makasalanan—upang iharap kayo sa Diyos. Siya’y namatay ayon sa laman, at muling binuhay ayon sa Espiritu sabi pa sa ikalawang pagbasa. Sa mga magulang, at sa mga mahilig mag ninang, ninong jan, malamang pamilyar na kayo sa mga salitang yan. Except na lang kung di kayo nakikinig sa seminar. Nababangit po yan sa seminar sa panahon ng binyag. Ang iniisip nyo lang ata kasi yung regalo at ang reception.
Sa nangyaring pagbaha, nalinis ang mundo sa mga makasalanang tao, at natira ang iilan. Nagkaroon ng cleansing. Subalit alam natin ano ang takbo ng kwento mula sa alamat ng pagbaha hangang sa totoong kwento ng mundo natin ngayon. Kung kaya nga’t kinailangan na ang mismong Anak ang tumubos, sa pamamagitan ng pagdaloy ng kanyang tubig at dugo sa lupa.
Ang tubig ay larawan ng binyag na nagliligtas ngayon sa inyo. Ang binyag ay hindi paglilinis ng dumi ng katawan kundi isang pangako sa Diyos buhat sa isang malinis na budhi. Inililigtas kayo ng binyag sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Hesukristo, na umakyat sa langit at ngayo’y nakaluklok sa kanan ng Diyos. Naghahari siya roon sa mga anghel at sa mga kapangyarihan at lakas na panlangit.
Ano naman kinalaman niyan pader sa Kwaresma? Hindi ba sa Easter Vigil ay ginagawa ang pagbless ng tubig at ginagawa ang pagbinyag ng mga bagong catecumens? Nung araw ng abo ang simula ng kanilang katekesis at pag-aaral ng buhay na kanilang papasukin. In 40 days simula nung Myerkules magiging Kristiyano na sila. In 40 days sila’y bubuhusan o ilulublob sa tubig bilang tanda ng paglinis sa kanilang mga kasalanan at kasalanang malay at sila ay kay Kristo muling mabubuhay. Yun ay 40 days mula noong Myerkules. Nakikita ko yung iba sa inyo nakangiti. Bakit? Kasi may handaan pader. Kayo talaga, mga tirador ng handaan. Maghanda na din kaya kayo ng plastic, gawin nyo na din 40 para sulit ang Sharon Cuneta, 40 days from now.
Ang binyag ay isang transformation, isang pagbabago sa estado ng isang tao. Sa pamamagitan ng binyag, siya ay nagiging bahagi sa pamayanang Kristiyano. Sa pamamagitan ng pagbibinyag lahat ng mga kasalanan ay pinatawad, orihinal na kasalanan at lahat ng personal na mga kasalanan. Kaya noong binautismuhan tayo, namatay tayo at inilibing na kasama niya. Kung paanong binuhay muli si Cristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, tayo rin ay mamuhay sa bagong buhay. At kung nakasama tayo sa kanyang kamatayan, tiyak na mabubuhay tayong muli. tulad ng muli niyang pagkabuhay. (Rom 6:4-5)
So, simula din ngayon, may 40 days tayo para mag cleansing ng ating mga kasalanan, magbago sa ating pag-uugali at pamumuhay sa masama. May 40 days tayo para magbago, to start afresh, to reinstall kung sa computer pa. Hindi pa rin ba yan sapat na panahon para sa iyo?
40 days para baguhin at itama ang lahat. 40 days to change. 40 days para makapagsimula ulit ng bagong chapter sa buhay. 40 days nga lang din tayo pinagluluksa sa dating buhay na nawala, sa relasyong nasira, sa namatay na kamag-anak. Kawawa naman ang kanyang kaluluwa, kung 40 days na, di siya matahimik dahil ikaw ang humahadlang sa kanyang pamamayapa. 40 days of cleansing at magsimula ulit. Pero, 40 days naman please ang palampasin bago ka ulit magjowa or mag asawa ulit. The 40-day challenge.
Dumating na ang takdang panahon, at malapit na ang paghahari ng Diyos! Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan at maniwala kayo sa Mabuting Balitang.
So ano, game ka sa 40-day challenge ko?
No comments