Ano ang pinagmumulan ng inyong alitan at paglalaban-laban? Ano ba ang madalas na pinagmumulan ng away at di pagkakaunawaan? ...
Ano ang pinagmumulan ng inyong alitan at paglalaban-laban? Ano ba ang madalas na pinagmumulan ng away at di pagkakaunawaan?
INGIT. Isa sa pangunahing dahilan kung bakit nagkakaraoon ng hiwaan, alitan, paglalaban-laban, di pagkakaunawaan ay ang INGIT. Sa unang pagbasa naririnig natin na hindi matangap ng mga palalo ang mga taong matuwid sapagkt ipinamumukha ng mga matuwid sa mga palalo ang kanilang kasalanan. Parang kagaya lang ng sabi ng iba na di nila matangap na mayaman ang kanilang kapitbahay dahil pinamumukha niya na hampas lupa lang sila. Kapag may makita tayong mabait at gumagawa ng kawang gawa, my tendency tayo na imbes na maging masaya dahil may taong may puso at bukal ang loob, ang una nating iniisip ay, ano kaya motibo nya. Tapos pgamarimaritesan na o hahalungkatin ang anu mang baho na pwede ikasira ng kapwa na hinangad lang naman ay magkawang gawa.
Uy si capo ang yaman yaman siguro nyan kasi byahe lang nng byahe. Ay yung mga sumasama sa byaheng capo tour, mapera. San kaya nila kinukuha ang yaman nil ana nilulustay. Malamang ito maririnig sa ilan na ingit dahil di nakasama o nakakasama sa mga byahe byahe. Abah bat di ka magtrbaho magipon para sa sarili para magenjoy ka din kagaya nila. Kesa siraan ang kapwa diba. Sabi pa sa isang reels, nung inaya kita ayaw mo sumama. Tapos ngayon nagpost ako ng picture na magaganda ay nag sasana all ka o galit dahil di ka nasama sa pictures na maganda. E di wow.
Maliban sa karangyaan, sa yaman, kalusugan, etc. ang isa pang dahilan ng pinagmuulan ng ingit ay ang posiyon – mapapulitika, sa maliit na grupo, at pati kamo sa simbahan. Ang mga manimbahay, ang mga nagsisimba nag aagawan ng closeness kay padre. Ang mga di makalapit naiingit. Napapa sana all na lang palagi. Maging sa mga apostoles, napakingan natin sa ating ebanghelyo na yung dose ay nagtatalo sa kung sino ang dakila at sino ang mas may karpatan umupo sa kanan at kaliwa, sino sa kanila ang pinaka dabest na apostle. Ay nako, sa parokya sarisari ang ganyan. Palakasan. Ako naman dahil pilyo, minsan pinagsasabong ko tuloy para matuto. O kaya pagseselosin lalu pero wala sa dalawa kakampihan. Hahahaha.
IWASAN. Ang pagkaingit ay langing pinagmumulan ng problema. Dahil hindi tayo makuntento sa kung anong meron tayo o gusto natin na yung kanya a mapasa atin. Sabi pa ni Apostol Santiago sa ikalawang pagbasa saanman nag-hahari ang inggit at makasariling hangarin, maghahari din doon ang kaguluhan at lahat ng uri ng masamang gawa. Kung kaya’t kung gusto nating mabawasan ang ating mga problem sa buhay at mabawasan ang “buti pa si kwan, buti pa si ano, buti pa sya, buti pa sana,” IWASAN natin ang pagkamaingitin. Bawasan kung sobra sobra, o talagang ingetera ka.
Gawin natin ang rekomendasyon ng ikalawang pagbasa, na maging mga taong may karunungang mula sa Diyos, may malinis na pamumuhay. Siya’y maibigin sa kapayapaan, mahinahon, mapagbigay, mahabagin, at masipag sa paggawa ng mabuti, hindi nagtatangi at hindi nagkukunwari. At namu-munga ng katwiran ang binhi ng kapayapaang inihahasik ng taong maibigin sa kapayapaan.
ITAMA. E kasi nman pader unfair naman kasi si Lord, siya lang pinayaman, biniyayaan. Ako wala.... Biniyayaan ka kapatid. Di mo lang nakikita ang iyong halaga. Mayman nga siya, andami namang probema o kaya wala naman siya pamilyng sumusoporta at mapangalaga. Successful nga siya, pero walang kaibigan o di sagana sa kagaya ng kung anong meron ka. Bawat isa sa atin may kulang at may sobra. Ito ay para sana magbigayan ang bawat isa sa pangangailangan ng bawat isa at hindi maingit sa meron at hindi maliitin ang wala.
E kasi naman pads hindi naman binibigay ni Lord hinihiling ko sa kanya. Parehas tayo kapatid. Matagal ko na din nga hinihingi kay Lord na mánalo kahit sa vinci grata para may maitulong ako sa aking pamilya o kaya hinhiling na maging kumpleto at wala silang kailangan sa buhay, pero hindi eh. Ayaw ni bosing ng easy at milagro para maghambog at magapapasalamat lang sa kanya dahil binigyan nya tayo. Ayaw nya na sinasamba mo lang siya dahil pinagbibigyan ka. Ang gusto niya, bigyan ka man o hindi, kung tunay ngang siya ay Dios na iyong kinikilala, sasamba ka pa din sa kanya, tuloy ang paniniwala bagamat binigyan siya at ikaw ay wala.
Minsan din kasi mga kapatid mali ang ating paghiling o mali ang ating hinihiling kung kayat hind isa atin ibinibigay. Bawat pangyaari sa buhay ay may lesson na dapat nating maintindihan at matutunan.
Sabi ng ebanghlyo ngayon, hindi ninyo nakakamtan ang inyong minimithi, sapagkat hindi kayo humihingi sa Diyos. At humingi man kayo, wala rin kayong natatanggap, sapagkat masama ang inyong layunin—humihingi kayo upang gamitin sa kalayawan. “Lord bigyan nyo po ako ng ganitp ganire para yung kapitbahay ko ay makita na hindi lang sila ang mayaman.” “Lord sana maayos na yung kaso namin sa pinas para yung kalaban ay maparusahan.” Lord, sana magbayad ni si kuan ng utang o kaya sana masagasaan yung nangutang sa akin dahil matagal nang di nagbabayad.” Wag. Kapag ipinagdasal ninyo ang kapahamkan ng inyong kapwa o kasamaan ng kapwa, hindi tutuparin ni Lord ang iyong dasal. Baka bumalik pa sayo ang kamalasan. Check nyo nga mga hinihiling ninyo sa kanya at paano kayo humiling sa kanya. Baka may mal isa paghingi.
Isang secret na ituturo ko sa inyo, mas effective kapag hindi ikaw ang humingi para sa sarili mo. Mas effective kapag ang kapwa mo ang naghingi kay Lord para sa iyo. Dahil ang gusto niya ay hindi ka maingit sa iyong kapwa kundi ikaw ay tumulong na ipagdasal ang iyong kapwa. Mas malakas ang dalangin kapag mula sa kapwa. Kaya ITAMA mo ang iyong panalangin kaakibat ng pagtama sa iyong buhay at mamuhay ng malinis at mapagmahal sa kapwa. Imbis na maingit ka, ipagpray mo na lang na mapabuti siya. Amen.
No comments