Page Nav

HIDE

Bernadette. Bartolome. Byaheng Capo Tour.

Bernadette . Sa internet at sa mga pamphlets mababasa natin ang tungkol sa kanya. Di ko na ikukwento lahat tungkol sa kanya. Ang isa sa mga ...

Bernadette. Sa internet at sa mga pamphlets mababasa natin ang tungkol sa kanya. Di ko na ikukwento lahat tungkol sa kanya. Ang isa sa mga nagustuhan ko sa kanyang sinabi at attitude ay nung lumipat na siya dito sa Nevers para maging madre: tapos na misyon ko sa Lourdes. At kinailangan niya lumayo doon para ang santuario ay masentro kay Mama Mary at hindi sa kanyang pagkatao. Hindi siya ang bida, kundi si Maria. At kunh tutuusin hindi rin si Maria ang bida kundi si Jesus na nasa likod ng miracles na nangyayaro sa Lourdes.


Hindi naging santa si Bernadette dahil nakita niya si Maria. Naging santa siya dahil sa kanyang pagtugon sa pagkakataon na binigay sa kanya: nanatiling humble at nagsilbi sa kapwa tao, lalo na sa mga may sakit.

Bartolome. Dito tayo mag sentro sa pagkatao ng apostol na fiesta ngayong araw. Lahat ng mga Christian denomention na naniniwala sa santo ay ipinagbubunyi ang kanyang pagkatao at ginawa sa simbahan: mga hindi katoliko, mga ortodoxo, armenian etc pati ang anglican ng UK. Bakit kaya relate ang mga tao sa kanya at naging sikat siya sa mga Christians na nagmula sa mg simbahan na binuo ng mga apostoles?

Sa series ng The Chosen, isang series na gawa ng pinagsamang catolico at protestante na mula sa masusing pag aaral ng scriptures at tradisyon pwede natin mas makilala si Bartolome. 

Sa The Chosen, ipinakita dito na si Nathaniel, na si Bartolome din at isang arkitekto na nagtatrabaho sa mga Romano. Pero nung nagiba ang isang gusali at may mga namatay, nasira ang knayang reputasyon at buhay. Ginugol niya buong buhay niya sa pagtatayo ng mga sinagoga upang purihin si Yahwe sa pamamagitan ng arkitektura. Nang gumuho ang knayang mga plano, para na ring gumuho ang kanyang mga pangarap, pag-asa, mga plano sa buhay. 

Tapos makikita natin na mag isa siya sa ilalim ng isang puno ng igo. Malungkot na sinunog ang kanyang mga gawa habang dinadasal ang Salmo 102: Dingin mo ako Panginoon, naway umabot sa iyo ang aking pagsusumamo. Huwag mong itago ang iyong mukha sa panahon ng aking pagdurusa. Dingin mo ako. Sa panahon na kailangan kita, sagutin mo agad agad....at dinampot niya ang abo na datiy mga guhit niya at hinahis sa hangin. Para siyang namatay. Ang kanyang nga obra ay abo na. Wala nang saysay ang kanyang buhay.

At kasunod noon ay ang pagdating ni San Felipe, ang bagong tagasunod din ni Jesus at niyaya siya "ven e vedi". Pinaliwanag niya bakit kailangan sumunod kay Jesus mula sa mga sinasabi sa eskritura. Ngunit nang sabihin niya na si Jesus ay taga Nazareth. Naging judgemental itong si Natahanael/Bartolome. "May maganda bagay ba na mula sa Nazareth?"

At nangmagpangita sila ni Jesus, nung araw na siya ay tinawag at tinanong ni Nathanael si Jesus papano niya siya nakilala. Ang sabi sa kanya ni Jesus: nakita kita sa ilalim ng puno ng igos. At sa mga kasunod na dialogo ay sabi ni Jesus, nung nasa mga panahong lugmok ka, ju at mag isa, hindi kita tinalikuran. Hindi ko tinago ang aking mga mukha. Nakita kota. E diba magisa lang naman siya sa ilalim ng puno ng igo at nagrereklamo sa Diyos at sabiy wag mo akong talikuran Panginoon. 

Nakita ni Jesus si Bartolome sa ilalim ng igo. At pibakingan niya ang kanyang panalangin at pagsumo. Naglaho ang kanyang trabaho sa pagpapatayo ng mga sinagoga. Kapalit nito ang pagpapatayo ng mga simbahan ni Kristo. 

E ano naman pader kinalaman nito sa Byaheng Capo Tour dito sa misang ito. E di yun na nga. E di ga bawat isa sa atin ay may kanya kanyang kwento sa buhay. Sari sari. May kanya kanyang pagdurusa at pinagdadaanan sa buhay. Sino ba dito walang reklamo? Karanihan sa atin reklamador kay Lord lalo kapag di natin maintindihan ang buhay. Lintik na buhay to. Lord naman, simba namam ako ng simba bat akoy nagdudusa pa din? Mga ganun na linyahan. Tas wala naman nasagot pag nanalangin ka. Walang virgin Mary na nagpapakita sayo gaya nang kay San Bernadette. Kung meron baka kumaripas ka din sa takot kung may biglang sumagot na boses.

Nakikita ng Panginoon ang lahat. Alam nya lahat. Hindi siya nagtatago sa mga panahong down tayo. At ang sagot sa ating panalangin madalas ay nasasagot sa tulong ng kapwa tao. Dahil sabi nga sa turo ng simbahan, nasa bawat isa kasi natin ang espirtu ng Panginoon. Nasa bawat isa natin ang pagkatao ni Kristo, kaya nga Kristyano tawag sa atin diba. Di mo lang alam. Di ka lang siguro aware. Pero once makatulong ka sa kapwa mo na mas mapalapit sa Panginoon, ginagawa mo ang tawag sayo ng Panginoon. Lahat tayo ay si Nathanael, si Bartolome, lahat tayo tinawag na buuin ang simbahan ng Panginoon (hindi yung building kundi yung community). Hindi kailangan maging perperkto, makasalanan ka man o ordinaryong tao, lahat tayo may kakayahan at tinawag na tulungan ang kapwa tao na mapalapit sa Diyos.

Itong Byaheng Capo Tour ay isang halimbawa nito. Bilang Kristiyano, ang ginawa mo Capo ay isang halimbawa nito. Kaya no need na sabihin na hindi kasi ako Katoliko. Hindi nasa religious affiliation nakasalalay ang pagsunod kay Kristo, nasa kung anong ginawa mo sa kapwa mo bagamat may mga pagkukulang din tayo. Lahat tayo tinawag, pangit man o gwapa gwapo, makasalanan at hindi. Mapanghusga o mabait. Lahat tayo, bilang tayo mga potential na santo. Hayaan lang natin na plano ni Lord ang masunod at hindi yung laging ating gusto kahit nakakaapak na ng ibang tao. Tayo ang milagro.

No comments