Page Nav

HIDE

Nagseselos ka noh!

P ag nakita mo ang boypren mo na nakikipagharutan sa isang babae, kahit pa kamag anak pala yung kaharutan, automatic, at for sure aawayin ...

Pag nakita mo ang boypren mo na nakikipagharutan sa isang babae, kahit pa kamag anak pala yung kaharutan, automatic, at for sure aawayin mo si kuya ng walang pakundangan. Magpapaliwanag sayo, di mo papakingan. Tapos tatanungin ka: "nag seselos ka ba". Magdedeny ka pa, hangang sa aamin din lang na nagseselos ka nga. Pag nakita mo crush mo na may ibang umaaligid sa kanya, dalawa lang ang usual na gagawin, aawayin ang umaaligid pag wala na si crush or gagawa ka ng paraan para matalbugan ang umeeksena sa buhay ng iyong pinagpapantasyahan. Kapag may taong nagiging close sa boss nyo, na dati naman kayo lang ang close, naku ate, alam na kung sino pagtsitsismisan sa opisina o sa trabaho, mapalayo lang ang katrabaho na binibigyan din ng pansin ng inyong tangapan. Sa simbahan ganun din diba, lalu na sa mga religious organizations paminsan. Aba, ang puno't dulo ng pag-aaway o di pagkakaunawaan ay dahil lang si Pader ay mas close daw dito o dyan. O kaya naman e dahil nakikipag usap si Pader sa mortal nyang kaaway. O kaya pag may ibang naatasan na magpaganda ng simbahan, bumili ng mga kagamitan, may ibang inatasan na magbasa..etc. etc. etc.

AYAW NATIN NA MAY IBANG TAO NA NAGMAMAHAL SA MAHAL NATIN. Oops! At pag may ibang tao na nagmahal sa mahal natin o may ibang tao na naparangalan sapagkat gumawa ng magandang bagay kagaya natin... NAGSESELOS KA at PAMINSAN DAHIL DIYAN AY AYAW MO NA MAGMAHAL. Pero mga kapatid, dapat sa tao lang yan. Normal lang kung asawa mo o syota mo ang rason ng pagseselos mo. Pero kung kay Lord na yan... teka muna. Tigil na.

Mga kapatid, ANG PAG-IBIG NG DIOS AY PARA SA LAHAT. Kapag ang Dios ay nagbigay, lahat binibigyan nya kahit kaaway mo pa man yan o sabihin na natin na para sa iyo, siya ay di dapat karapat dapat. LAHAT AY MAHAL NG DIOS at LAHAT AY MAY KARAPATAN NA MAGMAHAL SA DIOS NG TAPAT o SA ANU PA MAN NA PAMAMARAAN.

Kagaya ng nadinig natin sa unang pagbasa ngayong araw, may dalawang tao na wala sa listahan, si Eldad at si Medad, naiwan sa kampo, pero the spirit came to rest on them also, and they prophesied in the camp. At eto na ngayon ang isang binata na alagad ni Moises, nagsasabing patigilin sila sa kanilang pagbibigay ng propesiya sapagkat absent nga. E hindi bat ganyan tayo pag may isang absent sa seminar tapos malaman natin na nag dadadakdak na pala dun sa kanyang lugar, at kahit tama naman ung sinasabi, abay sasabihin natin, "e... di man sya nakaatend ng seminar ah, wal syang karapatan....". Ngingiti ngiti kayo ano, palibhasa'y may kakila siguro kayo na ganyan, o baka naman kayo yan. :) Subalit anung ginawa ni Moises, aung sinabi niya? Nagseselos ka ba para sa akin? Are you jealous for my sake? Would that all the people of the LORD were prophets! Would that the LORD might bestow his spirit on them all!"

Gusto kasi natin na tayo lang ang mahal ng Dios. Wala naman masama kung maghangad tayo na mahalin tayo ng Dios o pagbigyan nya tayo o ibigay sa atin ang ating mga pangangailangan sa buhay. Kung kaya't minamahal natin siya. Kung kaya't paminsan ay inihahalintulad natin siya sa mahal natin sa buhay: AKIN KA LANG o AKIN KA NA LANG SANA. Ako, akin, sa akin, makasariling paghahangad. ANG TUNAY NA NAGMAMAHAL AY NAGHAHANGAD NG KAGANDAHAN, NG KABUTIHAN, NG IKA-UUNLAD NG KANYANG MINAMAHAL. 

Kung mahal natin ang Dios, matutuwa tayo na may ibang tao na nagmamahal sa kanya, na may ibang tao din na pinagkalooban ng biyaya tulad ng biyaya na natangap natin. Kung tumangap man siya ng sobra sa natangap mo, maging masaya ka sapagkat, di mo alam mas malaki pala ang puwang sa buhay nya kaya ganun na lang din ang ibinigay sa kanya ni Lord. Gaya ng Gospel ngayong Linggo, kung may taong makasalanan, kilala mo na "ewan ko na lang," at bigla na lang nagsimba, tumulong sa mga pagkakawang gawang loob, naging active sa simbahan, o kaya naman hindi naniniwala sa Dios o ibang paniniwala niya sa Dios pero gumagawa ng kabutihan sa ngalan ni Jesus, ba't ka magseselos? Ba't ka magdadabog? Ba't ka magrereact na "ewan ko na lang din" sa pagkakita sa kanya? Bat ka maiirita na may nagpepreach ng bible sa bus o sa kalye? Oo, tama ka, hindi man kumpleto o sabihin na natin na iba sa alam mong turo ng simbahan na alam mo ang sinasabi nila, pero para saan ba ang ginagawa nila? Diba kay Lord din naman? Diba't para maipalaganap ang Salita ng Dios sa sanlibutan? "Teacher, we saw someone driving out demons in your name, and we tried to prevent him because he does not follow us." Jesus replied, "Do not prevent him. There is no one who performs a mighty deed in my name who can at the same time speak ill of me. For whoever is not against us is for us. Anyone who gives you a cup of water to drink because you belong to Christ, amen, I say to you, will surely not lose his reward."

Hayaan mong mahalin ang Dios ng mga taong kinokonsider mo na kaaway. Hayaan mong sambahin ang Dios ng mga taong akala mo sila ay iba sa iyong pananaw. Hayaan mong isabuhay nila ang kanilang pananalig sa Dios, maiba man ito sa iyong pananalig. Sapagkat kung pigilan mo sila sa kanilang pagmamahal sa Dios dahil gusto mo ikaw lang, bantay ka, mag-uban ra mo sa impyerno na pinapangarap mo para sa kanila. (Naalala ko tuloy yung mga taong nagsasabi na anti-Christ ang santo papa ngayon dahil sa pagmamahal at pagkaawa sa mga dapat mahalin at kaawaan).

Ang panalangin sana natin ngayong dalawampu't anim na Linggo sa karaniwang panahon ay kagaya ng binangit natin sa Salmong tugunan ngayon. Though your servant is careful of them, very diligent in keeping them, Yet who can detect failings? Cleanse me from my unknown faults! From wanton sin especially, restrain your servant; let it not rule over me. Then shall I be blameless and innocent of serious sin." Tulungan mo ako Lord na wag magkasala ang aking mga mata kung makita ko man na may ibang tao nagmamahal sa iyo Ama. Tulungan mo ako Lord na wag magkakamali na ilayo at kabigin ng aking mga kamay ang taong gustong magsilbi sa Dios at sa kanyang kapwa para lang manatiling sikat si ako at masabing mapagsilbi sa iyo at sa aking kapwa. Naway kabigin ko sana sila patungo sa iyo Lord. Tulungan mo po akong huwag harangan ang mga paa ng gustong makipaglakbay sa iyo patungo sa kahariang iyong ipapamana.

No comments