Page Nav

HIDE

Mag-asawa Ka Na!

Habang naghihintay ako ng pagkatagal na bus na hindi dumating nuong Byernes, dahil strike nung araw na iyon at sarado ang metro station, m...

Habang naghihintay ako ng pagkatagal na bus na hindi dumating nuong Byernes, dahil strike nung araw na iyon at sarado ang metro station, may isang ale na nagtanung sa akin kung sarado daw ba ang metro. Kahit nakita nya nang sarado o alam nya nang sarado nagtanong pa din sya para siguro matesting kung kabayan ba ako. Sa italian pa nagtanong. Dahil halatang pinay, sinagot ko ng "di ko po alam." Nangiti, at natawa. "Abay Pinoy ka pala. Akala ko kasi taga dito ka. Itsura mo at pananamit ay parang yung mga estudyante lng dito. Malamig iho. Mag jacket ka. Baka magkasakit ka, maraming napupulmon dito dahil sa lamig." Di nya lng alam sanay ako sa clima ng europa at mas malamig pa nga sa España. Hangang sa naitanong ko: " E ilang taon na ho kayo dito?" "Dalawampu't lima na" sabi nya. Sa loob loob ko, ah may point naman sya. Pero di pa din ako kumbinsido kasi dahil sanay na nga din ako sa ganitong clima.

Kwento, kwento, kwento hangang sa nauwi sa tanong na: "May asawa ka na ba?" Ayay. Napangiti ako. Sabi ko agad wala. "Wala hong nagkamali sa akin" pabiro kong sabi sa kanya. "Abay mag asawa ka na, ilang taon ka na ba? Mag asawa ka na. Masarap ang buhay ng may asawa. Sayang ng lahi mo. Gwapo ka pa naman." "Pari po ako ate" sabi ko. "Ay kahit na. Mag asawa ka. Wag kang maniwala sa sinasabi nila" iniinsist nya sa akin. Di ko maintindihan si manang kung ang tinutukoy lang ba nya ay ang sex life ng mag asawa kaya masarap ang buhay may asawa o buong pag-aasawa. Natawa na lng ako sa kanya. Dumating na ang bus nya. Di ko na tuloy na explain ang aking panig. At habang naghihintay ng bus ko na di pa din dumadating, dalawang oras na, napapangiti pa din ako. May naaalala. Hindi naman kasi sa ayaw ko. Sino ba naman ang ayaw sa masarap. Bokasyon ang dahilan. Mahirap ipaliwanag sa isang iglap. Pwede na to pang simulang kwento sa misa sa Linggo sa loob loob ko lng.

Ang salitang “marriage” ay galing sa French word for “mother” (Fr: mere), just as the word “matrimony” comes from the Latin word for mother. The word “conjugal” signifies sexual intercourse. The natural outcome of such conjugal relations is that the woman becomes a mother, thus the connection between the words “conjugal” and “marriage.” Sa madaling salita, pagsinabing "magpakasal" ay gumawa ng bata at gawing nanay ang kapareha.

Pagdating sa simbahan, hindi lang ito "conjugal" at "pagiging ina ng dalaga" kundi may kasamang responsibilidad at pagsasalamin sa isa pang uri ng pag-mamahal: ang pagmamahal ni Jesus sa kanyang Simbahan, o sa puno't dulo nito, ang pagmamahal ng Dios sa sanlibutan. Totoo, bago pa man naging sakramento ang kasal, dati na itong ginagawa ng tao, dati na itong ipinagdiriwang ng tao. Binigyan lang natin ng diin at pagpapahalaga, upang hindi lang din tayo basta mambubuntis ng kahit sino na ating makita.

May nakita akong pic sa FB na mas madali siguro gamitin para maintindihan natin ang mga sinasabi ng mga basahin ngayong ika 27th Sunday in Ordinary Time. Kung di magets may FB naman para magtanong. Para na din hindi masyado humaba itong blog entry ngayon.

Para sa mga kaibigan kong nagmamahalan sanay patnubayan kayo ng Poong Maykapal. Sa mga "it could have been us" at sa nagmamahal pa din, pasensya na talaga, "its not you, its me." Masaya ako sa piling ninyo. Hindi lang talaga siguro tadhana na maging forever tayo. Promise, nung tinanung ako ng babae na nag-aabang ng bus, naisip kita. Napa smile ako. Blessings for all of you at sa mga magiging o sa kasalukuyang pamilya nyo. At para naman sa aking mga kaibigang nasawi sa pag-ibig, iniwan o nang iwan ng asawa, patuloy pa din sana kayo sa pagmamahal ninyo. At pagpalain din kayo ng ating Panginoon na mahabagin. At para sa mga kaibigan kong nababaliw at nagkakasala dahil sa pagmamahal kahit hindi dapat: push mo lang yan brad/te, in the end mas mainam na din na nagmahal ka kaysa ipinagkait mong magmahal.



"...kung ikakasal ka dapat sa tamang tao at sa tamang dahilan." - Leah

No comments