Page Nav

HIDE

Surplus

Mahilig tayo sa "Surplus" lalu na kapag gipit sa pera at butas ang bulsa, second hand na mga gamit,  selpon, pinaglumaan ni at...

Mahilig tayo sa "Surplus" lalu na kapag gipit sa pera at butas ang bulsa, second hand na mga gamit,  selpon, pinaglumaan ni ate/kuya na damit o laruan, ukay ukay at bazaar. Pag sinabing "surplus" ito yung amount of an assest or resource na sumobra sa portion na ginamit. A surplus is used to describe many excess assets including income, profits, capital at goods. Usually nangyayari ang surplus in a budget, kapag ang gastos ay mas mababa sa income na meron ka.Sa ibang sabi "sobra." Pero pwede din ito mangyari sa pagmamahal natin. May tinatawag ding SURPLUS LOVE

Surplus na pagmamahal. In one sense masasabi natin na ito ung pagmamahal na wow...andami mong sobra kahit nagmahal ka na ng lubusan. Kahit ibingay mo na ang lahat e may natira pa din, walang nagkulang sayo kaya kahit masaktan, iwanan, tinapakan, yinurakan, e ang bilis tumayo at nagmamahal pa din kasi di nagkulang. May natira pa para muling magmahal. Surplus love.

Pwede ding surplus love ang maitatawag sa the non-legal wife. Sobra sobra kasi pagmamahal ni kuya kaya pwede pang ibahagi sa isa pa. Naalala ko tuloy yung Etiquete for Mistresses. Very generous, so loving. Surplus love.

Sa kabilang dako maari din nating tawaging surplus love ung nagmamahal ka kasi may sobra kang pagmamahal na pwedeng ibigay. Naguumapaw sa pag-ibig kaya nais mong ibigay ang nag-umaapaw mong pagmamahal upang manatili kang buo at marangal. You feel blessed kapag naibigay mo yung di mo kailangan pero kailangan ng iba diba. I know a lot of friends who are all out and generous because they have everything and they have more than what they need including love.Yun nga lang paminsan pagnabigo ang mga taong ito, wala na. Ayaw na magmahal muli dahil naubos daw ang extra nya. Ang naiwan na lang ay ang pagmamahal nya sa sarili nya. Surplus.

Maraming generous na tao dahil may kaya sila at maraming sobra sa kanilang yaman. Mapagmahal ang tawag natin sa kanila kalimitan. Ang iba they do it as a passion. Ang iba naman dahil may sobra e. Wala man ibang magpaglagayan na sa bahay o sa pamilya kaya mas maiging mamigay, ibahagi sa iba. Pag may mga kalamidad, naku andaming nagbibigay ng mga damit, pagkain, pera at ung anu anu pa. Yung mga sobra sobra nila, mga di na magagamit o pinaglumaan ng damit, etc. Pag nagpa love drive ang simbahan, andaming second hand clothes, mga extra, pinagliitan kaya ayun nasa love drive box na. Surplus.

Bigla ko lang naitanong sa sarili ko ngayong araw na ito. Bakit ung surplus ang binibigay natin? Surplus na pagmamahal lang ba kaya nating ibigay? Bakit hindi ung bago mong biling shirt o kaya sapatos o kaya jacket o kaya TV o kaya kotse ang ibigay sa nangangailangan... sa iyong "kapwang minamahal." Hmmmm. napaisip nga ako. "Ah, kasi ikaw ang mawawalan pag binigay mo yan sa iba." Pagbinigay mo nga naman yung bago mong biling relo o regalo ng nanay mo sayo na iPhone6 sa kaibigan mong nanakawan o walang pambili ng ganito, e di ikaw ang nawalan. Ei hindi ba pag nagmahal ka, at kung hindi surplus ang pagmamahal mo e di ka nanghihinayang na mawala mga bagay bagay sayo alang alng sa kaligayahan at madama lng ang pagmamahal mo sa iyong minamahal?

Parehas lang yan sa simbahan at sa pagsisimba. Kalimitan yung barya ang hinuhulog sa basket kasi yun yung extra ng buhay mo diba. You don't give all your pera na pang palengke kasi pag ginawa mo yun e di mukha kang tanga dahil walang makakain sa bahay dahil na overwhelmed ka at hinulog mo lahat sa basket sa misa. Ewan ko lang kung may gumagawa ng gaya sa Gospel na nabasa natin ngayong araw na ito. "Amen, I say to you, this poor widow put in more than all the other contributors to the treasury. For they have all contributed from their surplus wealth, but she, from her poverty, has contributed all she had, her whole livelihood."

Ang pagmamahal natin sa Dios ay hindi pwedeng surplus. Alam nyo mga kapatid, I won't ask you to put into the church basket all your money in your bank coz that's not the main point. But rather I'd invite you to love God and your neighbor na hindi surplus.

How? Well, live to the fullest, trust, give your best to your career, to your family, to your self. Avoiding acts that would hurt yourself, be a faithful husband to your wife if you're married, be a loving wife. Do your obligations to your children if you are a parent, make them feel that they are loved, give them the 100 percent love they need from you, show concern to them when they are down, respect their privacy and their being. Study well and don't waste the money of your parents into nothing, be productive. Be faithful to your partners, to your love one. Do not hesistate to give all you've got in contests, in competitions, in everything. When there are calamities don't just give your extra clothes, give your best one. When you give something for this year's Christmas love drive, spend for that rather than spend your money in gadgets that only satisfy your technological needs. Give gifts that are not second hand, that are not surplus. Do not stop doing good and giving your best just because someone doesn't give you credit. And don't do good for the sake of credit.

If you love God, you love him with all your heart, body and mind. When you love your neighbor you also do the same kahit na ikaw mismo ang mukhang nawalan. I tell you, there's a big difference when you give because you have much, you have surplus than when you give all that is so precious for you. Ibang iba ang feeling. I can attest to that. Jesus never hesitated to give all, binigay nya lahat bilang alay. Kahit kapalit nito ang kanyang buhay para lang maipadama sa iyo ang kanyang pagmamahal. Diba ganun pag nagmahal? Diba pag inlove bahala nang magutom, bahala nang mawalan ka, bahala nang magkasakit, mapagod, masaktan, masugatan, mapahiha, etc basta maipakita lang na tunay kang nagmamahal at hindi surplus.

Do not carry on with a surplus love. "Do not be afraid. Go and do as you propose." Do a a little cake (or whatever you can do) and give it to your neighbor. Then you can prepare something for yourself and your family. For the LORD, says, 'The jar of flour shall not go empty, nor the jug of oil run dry, until the day when the LORD sends rain upon the earth.'" The woman in our first reading was able to eat for a year, and he and her son as well; the jar of flour did not go empty, nor the jug of oil run dry, as the LORD had foretold through Elijah.

Let us pray to God that we become generous persons but with a generosity na hindi surplus kundi generosity with true love.

2 comments

  1. Permission to repost blog Fr. Only Child! Thanks!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sure. No need to ask permission the next time. U can grab an share. Permission perpetua granted. Only child.

      Delete