Page Nav

HIDE

Ligaya Ang Itawag Mo sa Akin

Ligaya ang itawag mo sa akin. Mga katagang alam ko sa iba ay may ibang kahulugan. At malamang ang iba ay napapaisip, anu na nanaman kaya ...

Ligaya ang itawag mo sa akin. Mga katagang alam ko sa iba ay may ibang kahulugan. At malamang ang iba ay napapaisip, anu na nanaman kaya ang pumasok sa kukote ni pads. Bahala kayo sa buhay ninyo kung anu man isipin nyo. Basta kung san ka man masaya, suportahan kita. Nais ko lang gamitin ang mga katagang ito ngayon araw sapagkat ang punto ng blog entry na ito ay naka sentro sa LIGAYA at sa NAGBIBIGAY LIGAYA sa buhay natin bilang Kristiyano. At YAN DIN MISMO ANG DAPAT ITAWAG SA IYO ngayong darating na Pasko.

Ano nga ba ang nakakapagpaligaya sa tao? I have posted sa Facebook the other day the question: "What makes you happy?" Some seriously answered it while some thought that it was for fun and most of the people might have not understood the question or maybe the like button itself is that what makes them happy all the time. The answers unconciously shows the depth of happiness they have in life and the profoundness of their source of happiness in life. Buti na lang walang nagsabing "Ikaw lang ang nagpapaligaya sakin."

Most of the answers to that question, pati yung mga ayaw ipabasa kaya sa private message or email na lang sinagot were all about being happy because someone is there for them, dahil may nagpapasaya sa kanila, may nagbibigay sa kanila ng ligaya. Their source of happiness ay nangagaling sa mga taong nakapalibot sa kanila, sa career, sa treasure, sa relationships, sa presence ng mahal sa buhay. Yun nga lang these people when they are gone, they are the same people who brings us sorrows and pain. Lalu na din pagnawalan ka ng trabaho at source ng kabuhayan. Pait ng buhay ang tawag mo na jan. Some also said abstract words like love, harmony, peace, etc. Na nung tinanong ko na: "what is love?" or "anung meron sa love?" "...mmmmmmm..." na lang ang nakuha kong sagot. Sabagay ako "hmmmm" lng din sagot ko. Some said God or Christ, simbahan. But still the same. Both the happines that the abstract words at yung ligaya na dala ng Diyos sa iyong buhay ay lahat ligaya na sa iyo binibigay. Joy and happiness that comes from the external.

This 3rd Sunday of Advent, we are invited to be happy, to find joy in our lives. Not just to be extraordinarily happy or to find the extraordinary joy but rather to FIND THE AUTHENTIC JOY AND HAPPINES in life. Gaudete Sunday as they call it, is a Sunday for us to REJOICE. And you can only rejoice if you are full of joy and happiness in the heart. MAGALAK. MAGSAYA, MATUWA, MAGDIWANG, MALUGOD, MAGPAGALAK, PASAYAHIN, MAGPASAYA ang mga pandiwa, mga katagang singkahulugan ng REJOICE sa ating salita.

"Be glad and exult with all your heart, ... the LORD, is in your midst, you have no further misfortune to fear" sabi pa ng first reading natin ngayon. We could say na yung  presensya ni Christ in our midst ay ang rason kung bakit dapat tayo ay maligaya, kung bakit tayo ay dapat magalak. Pero teka. Stop. Isipin mo nga, "Christ in our midst" sa bisaya pa "si Kristo sa taliwala nato" napakagandang term diba. Pero gets ba natin ang ibig sabihin nito? Siguro nung sa kapanahunan nya, 1,970 years ago e mas madali maintindihan at makita na SIYA NGA ANG NAGBIBIGAY LIGAYA sa mga taong nanganailangan sa kanya, ligaya para sa mundo kahit na sabihin natin na pait sa mga taong galit kay Cristo. Sa panahon natin, wala na siya dito physically pero nadarama pa din naman natin ang kanyang presence sa pamamagitan ng ating kapwa tao.

Isa sa karaniwang di natin napapansin, sa mga panahon na malungkot tayo o may problema, ang kapwa natin na tao na paminsan sila ang nagpapamulat sa atin sa katotohanan. Minsan di natin marealise na kapwa natin din lang ang gumawa ng hakbang para magbago tayo. Kapwa din natin ang biglang sumulpot, kapwa din ang nagbago sa sitwasyon na akala natin wala ng katapusan. Paminsan pag may taong sumagip o tumulong sa atin o kaya isang magandang pagkakataon ang nagyari, sasabihin natin: "hulog ka ng langit sa akin," "pinadala ka ng Dios upang tulungan ako," "Dios ko po! Siya lang pala ang hinihintay ko na magpapaligaya sa akin. Salamat Lord!" Isa lang ang kahulugan nito, ang DIOS NA NAGING TAO na nagbibigay ng ligaya sa atin ay nasa kapwa tao. Nasa kapwa natin si Jesucristo.

Pero wag sana nating kalimutan na TAYO DIN AY KAPWA TAO ng tao dito sa mundo. E kung ganun pala, ikaw din ay pwedeng tawaging LIGAYA NG BUHAY KO. LIGAYA NA DIN ANG ITATAWAG KO SA IYO. At dahil jan, ngayong araw na ito, eto ang challenge ko para sa inyo: kailangan panindigan mo ang pagiging LIGAYA mo dito sa mundo.  Baguhin natin ang kahulugan ng source ng kaligayahan mo. Gawin nating mula sa loob mo magmumula ang kaligayahan mo. Dahil nasa iyo ang pagkatao ni Cristo na tagapagligtas mo. Maniwala ka man o hindi.

Gaya ng mga tagasunod ni John the Baptist sa Gospel ngayong araw, nagtatanong: “What should we do?” Anong dapat mong gawin para tawagin kang Ligaya sa buhay ng tao? Gaya ng sabi ni Juan sa kanyang mga tagasunod: “Whoever has two cloaks should share with the person who has none. And whoever has food should do likewise.” “Stop collecting more than what is prescribed.” “Do not practice extortion, do not falsely accuse anyone, and be satisfied with your wages.” O parang patama sa mga pulitiko at mga may kaya. Sorry pero para din sa atin ang mga yan. Don't say that you are poor kaya excused ako jan father. The challenge and the call is for everyone. Those words of Christ can be transformed in our context bilang sugo na: "hoy magshare ka naman ng blessings mo," "huwag nang siraan ang katrabaho mo," "ngumiti ka na man paminsan," "maligo ka na man bago pumasok sa school o sa opisina," "batiin mo na yung matagal mo nang kaaway," "patawarin mo na nanay o tatay mo sa pagkukulang nila saiyo," "pakawalan mo na yang x gf/bf mo kasi ayaw nya na nga sa iyo," "hayaan mo nang maging masaya ang iba," "tawagan mo yung matagal mo nang di kinakausap na kaibigan," "huwag nang masyadong paasahin ang sarili sa wala," "isauli mo na yung ninakaw mo," "be true to yourself," "send someone to school with the extra money that you have," "magtapat ka na sa nararamdaman mo," "matuto ka din mag say 'no' para may matira pang oras para sa sarili mo," "convert your other passions into charity work," "be merciful," etc etc etc etc. Hindi ba't sasaya ang taong mabibigyan mo ng mga yan.

One perfect example yung ginawa ni Dr. Dilbert Monicit just recently to his former teacher. He is a doctor from Cebu. He did not charge anything for his services as a surgeon as a way of expressing gratitude to his favorite high school teacher who molded him into what he has become now.



Sa madaling salita, MAGPASAYA KA NG IBA this Christmas. From now on, learn to bring out that joy in you, that presence of the Lord in you. All of these are moments of loving, all of these are outward love. MAGING MALIGAYA KA sana daladala si LIGAYA sa puso at diwa.

This 3rd Sunday of Advent I pray for all my friends who can not find joy in their life because they are looking forward that somebody may give it to them from outside. May they realize that the authentic joy and authentic happiness can be found and will come from within their hearts. For the Lord Jesus Christ is in his/her heart. I pray for all those who finds joy in making others happy consciously and unconciously that you may never feel restless and unfulfilled if people would not return back your love or your efforts and kindness. I pray for all of you, like the way St Paul did in the second reading that you may "Rejoice in the Lord always. I shall say it again: rejoice! YOUR KINDNESS SHOULD BE KNOW TO ALL. The Lord is near." Amen.

I leave you with a video I found in YouTube the other day. Have a blessed Sunday.

No comments