Page Nav

HIDE

Dakila

Lahat tayo ay may kanya kanyang ambisyon sa buhay. At kalimitan nangangarap tayo na kahit papaano ay maging dakila sa anu mang paraan – m...

Lahat tayo ay may kanya kanyang ambisyon sa buhay. At kalimitan nangangarap tayo na kahit papaano ay maging dakila sa anu mang paraan – maging sino, maging may kabuluhan, magkaroon ng posisyon sa lipunan, maiangat ang buhay, kilalanin ng iba, maging sikat para sa iba. Kapag may mga taong mas nakakaangat sa atin at lodi kaysa sa atin, hindi maiwasan na ikumpara natin ang ating sarili sa kanila, na mangarap din tayong maging kagaya nila. Minsan may mga nangangarap na maging katulad nila. At may mga taong syempre lagi gustong mas maging higit pa sa lodi na kilala nya…kung baga pumalit sa posisyon ng taong tinitingala. Kagaya na lng ng napakingan natin sa unang pagbasa. Gagawin ang lahat upang mapabagsak ang taong nagsasabing nasa kanyang panig ang Dios.

Mula sa kagustuhang maging dakila naguugat ang pagkaingit at makasariling hangarin at nandun na din ang pagseselos. Uy meron syang ganito. Uy meron silang malaking bahay. Uy may gani to siyang klaseng selpon. Uy ang sweldo nya ay ganito. Uy ang buhay nya ay marangya. Uy maraming blessing na binibigay si Lord sa kanya, sa akin wala, puro lang problema. Uy ang dami nyang kaibigan, ako puro lang mga mangungutang. Mas gusto natin na maging kagaya ng isang lodi, isang dakila kung kayat naiingit tayo sa meron sila at sa kung anu man na wala tayo.

Wala naman pader masama mangarap diba? Oo wala talagang masama mangarap at maghangad na magkaroon tayo ng kagaya ng meron ang iba. Pero kapag ninasa natin na sana mawala yung meron ang iba para mapasaiyo o kaya naman ay masmahigitan mo pa ang iba, dun nagiging mali ang pangangarap na maging dakila.

Kasama ng ingit ay ang pagseselos. Akin ka lang. Akin lang to. Akin lang sya. Walang ibang pwede kumuha sa kanya. Walang ibang pwedeng umupo sa posisyon ko. Ako lang. Dahil kapag nawala, hindi ka na dakila. Wala ka na. Power struggle. Ang daming nagpapatayan para sa posisyon, sa selos. Andaming nagaaway away dahil sa selos. Andaming nagkakawatak watak na pamilya at komunidad nang dahil sa ingit at selos. Gaya ng ng sabi ng apostol Santiago sa ikalawang pagbasa. Buti na lang wala sa inyo ganyan diba? Buti na lang.

Lahat ng ito – power struggle, ingit, selos at makasariling hangarin ay salungat naman sa pagiging dakila ni Hesus. Sapagkat para sa kanya, ang pagiging dakila nya ay ang pagkawala ng lahat sa kanya pati na ang kanyang buhay alang sa nakakarami. Serbisyong totoo. Ginagawa nya ang mga bagay bagay hindi para maging sikat siya at kilalanin. Ginagawa niya ito dahil sa kanyang pagmamahal at pagisislbing tunay. Kung kayat, tayo din ay inaanyayahan na yung pagsisilbi natin sa simbahan, hindi dahil gusto natin makilala at maging “sino” sa komunidad. Yung mga ginawa natin para sa simbahan o sa community ay hindi natin pwede isumbat na “oy ako nga ang naganito at naganyan…ako nagsilbi etc” dahil ginagawa natin ang pagsisilbi bilang handog natin sa panginoon at bilang pagmamahal sa Dios at sa kapwa period, hindi para kilalanin tayo bilang dakilang tagapagsilbi. Gaya ni Jesus, allergic ako sa mga taong ganyan.

Iba nag kahulugan ng tagumpay para kay Hesus – kung kayat ok lang sa kanya na pagusapan ang kanyang kamatayan. Na siya namang ikinabahala ni Pedro kaya nga sa ebanghelyo nung nakaraang Lingo ay sinaway ni Pedro si Hesus. Ang ending siya tuloy ang nasaway ni hesus. Nasaway tuloy ang matanda ng mas bata sa kanya. Ngayon naman ay nagsabi ulit sya na papatayin siya- ang kanyang pamaraan upang maging dakila. Subalit hindi nakikinig ang kanyang mga alagad dahil busy sa chikahan at pagtatalo kung sino sa kanila ang mas dakila. Nagtatalo ata sino mas karapatdapat maging coordinator ng grupo pag namatay na si Hesus at sino ang magiging leader nila. Buhay pa ang leader pinapatay na.

Ang sabi ni Hesus: “If anyone wishes to be first, he shall be the last of all and the servant of all.” At kumuha siya ng isang bata para ipagpatuloy ang kanyang pangangaral sa kanila: “Whoever receives one child such as this in my name, receives me; and whoever receives me, receives not me but the One who sent me.Sinisimbolo ng bata ang pagiging wala lang – ang hindi dakila sa mata ng mga matatanda. E diba nga sa lipunan natin, ang matanda ang dakila at ang bata ay walang karapatan magsalita, magdesisyon etc dahil bata nga lang daw. Para kay Hesus at ipinapaalala din sa atin ngayon, na ANG KADAKILAAN AY HINDI NAGMUMUKA SA PAGIGING SINO KUNDI SA PAGKAKAROON NG MALINIS NA PAGHAHANGAD SA PAGSISILBI AT BUKAL NA PAGMAMAHAL. Diba ganun ang mg abata, walang dungis ang kanilang pagmamahal, pagaalay. Kung gagawa man sila ng isang bagay, ginagawa nila ito dahil gusto nila, masaya sila na gawin ito, at hindi dahil gusto nila maging sikat at dakila.

No comments