Hayaan nyo akong isumarize ang mga pagbasa ngayong Lingong ito sa tatlong salita: “ HAYAAN ,” “ HAYAAN ,” at “ HAYAAN .” HAYAAN 1 . Haya...
Hayaan nyo akong isumarize ang mga pagbasa ngayong Lingong ito sa tatlong salita: “HAYAAN,” “HAYAAN,” at “HAYAAN.”
HAYAAN 1. Hayaan mong makilala, mahalin, pagsilbihan, at sambahin ang Dios ng ibang tao kahit sa pamamagitan ng ibang tao o hindi kasama sa pangkat mo, sa religious group na kinabibilangan mo. Sa unang pagbasa, napakingan natin na may dalawang propeta, si Eldad at si Medad ang wala doon sa 70 elders nung bumaba ang Diyos at kinausap ang 70. Subalit sumanib din sa kanila ang espiritu at silay nagprophesy pa din sa campo. Noong gusto silang patigilin sa kanilang ginagawa, pinahiwatig sa kanila ni Moises na HAYAAN sila sa kanilang ginagawa. Ganito din ang ating narinig sa unang bahagi ng Ebanghelyo ngayon. Ayaw ng mga tagasunod ni Kristo na hayaan na may iba na hindi nila tropa na magpalayas ng demonyo sa ngalan ni Hesus. Ayaw masapawan o ayaw may kahati sa pagiging dakila lang si parekoy. Ngunit anong sabi ni Hesus sa kanila? “Do not prevent him. There is no one who performs a mighty deed in my name who can at the same time speak ill of me. For whoever is not against us is for us.”
Kung kaya’t mga kapatid, kung may marinig tayo na nangangaral tungkol sa Panginoon, mga taong nagbabahagi ng Salita ng Diyos subalit hindi ninyo kasamahan, HAYAAN MONG MAKILALA NG IBA ANG MAPAGMAHAL NA AMA, MAHALIN SIYA, PAGSILBIHAN AT SAMBAHIN, BAGAMA’T MULA SA BIBIG NG IBA. HUWAG MONG HAYAAN NA IKAW ANG MAGING DAHILAN NG DI PAGKAKAKILALA NG IBA SA POONG LUMIKHA NG LANGIT AT LUPA. Hindi natin pagaari ang Diyos. At huwag nating hayaan na ang puso’y magalit nang dahil lamang sa nais din ng Dios na siya ay maging kabahagi ng iba.
HAYAAN NATIN SANA NA ANG ATING BUHAY AY MAGING ISANG PAGPAPATOTOO, MAGING INSTRUMENTO AT HINDI HADLANG SA IBA UPANG MAKILALA, MAHALIN, PAGSILBIHAN, SAMBAHIN NILA ANG POONG MAYKAPAL.
HAYAAN 2. Ipinapaalala sa atin ng ikawalang pagbasa na HAYAAN NATIN NA SUMAYA ANG ATING KAPWA SA MGA BAGAY NA PINAGHIRAPAN NILA. Yung realidad ng isang mangagawa na hindi tumatangap ng sahod bago lumubog ang araw ay isang realidad na noonsa Luma at Bagong Tipan. Mabuti naman at sinuswelduhan naman siguro kayo ng tama dito sa Roma ng inyong mga pinagtatrabahuhan ano ho. Noon ang pagsweldo ay arawan, ibinibigay bago lumubog ang araw kung kayat kung ikaw ay amo at hindi mo ibibigay sa nagtrabaho ang kanyang sahod sa araw na iyon ay para mo narin siyang hinayaan magutom. Para mo na rin siyang hinayaan na hindi makakain at mapakain ang kanyang pamilya. Kung kaya’t kung tayo ay may kaya, mayaman man o katamtaman lang at ikaw ay nagpapasweldo, HUWAG MONG HAYAAN NA DAHIL SA MAY KAYA KA, HAHAYAAN MO NA LANG NA MAGDUSA ANG IYONG KAPWA, NA MAGUTOM ANG IYONG KAPWA. HAYAAN DIN SANA NATIN NA ANG KAPWA NATIN NA SUMAYA AT MAGING MALIGAYA BAGAMAT WALA SILANG KASING DAMI NG IYONG PERA. HAYAAN NATIN SANA NA ANG ATING BUHAY AY MAGBIGAY DIN NG KARANGYAAN AT SAYA SA BUHAY NG IBA. (Ang huwag mo lang hayaan ay ang sumaya ang iyong asawa sa piling ng iba. 😊 )
HAYAAN 3. Ang ikatlong hayaan mo sa hayaan serye ay ang binangit sa ikalawang bahagi ng Ebanghelyo ngayon. Simple lang, HUWAG MONG HAYAAN NA IKAW AY MAGING HADLANG SA PANINIWALA NG IBA SA DIYOS, SA PAGDULOG NILA SA KANYA, SA PAGLAGO NG KANILANG PANINIWALA SA KANYA. Kung kaya’t isang paalala sa ating lahat, aside sa hayaan natin ang iba na makilala ang Diyos sa ibang tao o sa ibang pamamaraan, at aside sa hayaan natin na sumaya ang ating kapwa sa pamamagitan ng makatarungan na pagtrato sa kapwa, HUWAG NATIN SANANG HAYAAN NA TAYO AY MAGKASALA UPANG BUO PA DIN TAYO NA MAPUNTA SA LANGIT. HUWAG NATING HAYAAN ANG ATING SARILI NA MAGKASALA AT MAPUNTA NG BUO SA DEMONYO AT FOREVER MANATILI NG BUO SA IMPYERNO. Punto.

No comments