Page Nav

HIDE

Panaginip. Pangarap. Paninindigan.

Madalas ba kayo managinip? Naalala nyo pa ba ang huling panaginip nyo? Anu-anong klaseng panaginip meron kayo? May mga panaginip ba na ay...

Madalas ba kayo managinip? Naalala nyo pa ba ang huling panaginip nyo? Anu-anong klaseng panaginip meron kayo? May mga panaginip ba na ayaw nyong mangyari at may mga panaginip din bang parang ayaw nyo na magising? May mga panaginip na ba kayo na nagkatotoo o tinatawag na déjà vu?

Kapag sinabi nating PANAGINIP, pupwedeng yung habang tulog ka ay parang totoo yung mga nangyayari. Pwedeng pangitain ng hinaharap o pwedeng may kinalaman sa kasalukuyang gumugulo sa iyong isip at damdamin. Pwede ring pangyayari sa nakaraan bumabalik-balik, unresolved issues. Pupwedeng ito ay signs o TANDA na nagsasabi sa atin ng mga bagay bagay na dapat nating tukuyin at pahalagahan.

Kapag sinabi ding panaginip, ito rin ay nangangahulugan ng mga bagay na gusto mong maabot, gustong maatim, ang panaginip mo sa iyong buhay, sa iyong pamilya, sa iyong kinabukasan. In short, PANGARAP sa buhay. At kapag isinagawa natin ang ating mga panaginip, ang ating mga pangarap – dalawa lang ang pwedeng mangyari – you suceed o you fail sa iyong panaginip o pangarap. Depende ito sa mga sirkumstansya sa ating paligid at depende sa ating mga PANININDIGAN. Ito rin ang magiging TANDA ng kung magiging sino ka sa mundong ito.

Bawat isa sa atin ay may paniginip, pangarap at paninindigan sa buhay. Nakabatay o nakasalalay sa ating mga panaginip, pangarap at paninidigan ang estado ng ating buhay, ang mga hakbang na ginagawa natin sa buhay araw araw, at ang kinabukasan ng buhay. Small dreams, big dreams – maliit o malaki man yan, siguradong may impak sa buhay kung ito ay isasagawa, isasakatuparan at susubaybayan. May mga panaginip na bumabago sa buhay natin. May mga panaginip ng ibang tao na bumabago din sa buhay natin. At ang panaginip ng Dios para sa atin, kapag pinagbigyan ay bumabago din sa atin.

Ngayong ika-apat na Lingo sa Pagdating,  narinig natin sa ating mga basahin ang ilan sa mga katagang ito na aking nabangit, buod ng mga pinapahayag ng Salita ng Dios sa atin.

Ang PANAGINIP ng Dios para sa atin, ang kanyang PANGARAP para sa atin ay ipinahayag sa pamamagitan ng PANGANGARAP ng isang TANDA mula sa Dios. Matindi ang PANININDIGAN ng Dios na pagtitibayin niya at magpakailanman ang paghahari ng pamilya ni David, subalit medyo mahina ang nakaluklok na hari na si Ahaz, ang kanyang mga panaginip at pangarap para sa kanyang bayan ay iba at ang kanyang paninindigan ay hindi nakabatay sa Dios kundi sa Assyria. Dahil hindi tugma ang panaginip niya, pangarap niya at paninindigan sa panaginip, pangarap at paninindigan ng Dios, alam na natin kung ano nangyari sa bayan niya at ang mga pangyayari sa panahon ng pananakop ng Assyria sa kanila. Nagkatotoo ang TANDA na binigay ng propeta na isang sangol ang isisilang ng isang dalaga (young maid) at ang pangalan na binigay ay Hezekiah. (Kung di kayo tutulogtulog nung isang araw sa simbang gabi, narinig niyo yang pangalan na yan... kelan nga yun? Nah, nagsimbang gabi ka ba? Absent ka yata o ang katabi mo ang inaatupag sa misa eh. Sino si Hezekiah maliba sa siya ay anak ni Ahaz? Siya ay ama ni? ...nah... di nyo kumpleto ang 9 mornings.  Ama siya ng... ng anak niya.) Masasabi na sa panahon ni Hezekiah ay parang kasalamuha ng tao ang Dios, “Emmanuel” sapagkat napabuti ni Hezekiah na hari at naging TANDA siya ng presensya ng Dios sa mga tao. Subalit hindi siya ang kakaibang hari na panaginip o pangarap ni Isaiah at ng mga tao. Kung kaya’t muling naghintay ang mga tao ng hinihintay na mesiah na kalinya ng pamilya ni David. At yun ang nasa Gospel reading natin for today. Ang pangarap at panaginip ng lahat ay ipapangak o ipinanganak ni Birheng Maria.

Ngunit muntikang hindi magkatotoo ang PANAGINIP, PANGARAP at PANINIDIGAN ng Dios para sa tao dahil nais ni Jose (na anak ni Jacob na apo sa tuhod ni Hezekiah na anak ni Ahaz na apo din sa tuhod ni haring David na apo sa tuhod ni Adan na nilikha ng Dios) na hiwalayan si Maria dahil nagdadalang tao na hindi naman kanya. Kayo kaya, ang parner mo na engaged na sa iyo tapos nalaman mo na buntis na hindi naman sayo. Sure na hindi kay Jose dahil may 1 year na pagitan after ng signing ng kasal na hindi pwede mag sama agad ang pinagkasundo. After a year pa saka ang celebrations at pagsasama ng dalawa pero, eto yung nangyari. 

At sa pamamagitan ng PANAGINIP na napanaginipan ni David, ang kanyang PANGARAP para kay Maria na hiwalayan upang hindi mapasama ay naiba. Ang PANAGINIP at PANGARAP ng Dios sa sangkatauhan ay naging PANGARAP at PANAGINIP na rin niya. NANINDIGAN siya sa kanyang paginging matuwid and at the same time NANINDIGAN sa PANININDIGAN ng Dios para sa lahat. At dahil dito naparito ang Dios at namuhay kasama at kagaya natin – Emmanuel.

Tayo kaya mga kapatid, ang ating mga PANAGINIP ba, ang ating mga PANGARAP ay naayon o sangayon sa PANAGINIP at PANGARAP ng Dios para sa atin? Ang ating PANININDIGAN ba ay kaya ng paninindigan ni San Pablo na si Jesus nga ang TANDA, ang tunay na manununbos, ang anak ng Dios at anak ni David. Tayo ba ay NANININDIGAN na magpatuloy na maging KONTRABANDO NG PANANAMPAATAYA dito sa Roma, sa ibang bansa at PANINIDIGAN sa Dios? 

Naway ang Emmanuel, ang Manunubos na laging kasama natin – sa Eukaristiya na ipinagdirwang natin, sa Salita ng Dios na binabasa at pinakikingan natin, sa mga taong nakapalibot sa atin – ay magpaigting ng ating mga PANAGINIP, PANGARAP at PANININDIGAN bilang tunay na mga TANDA ng presensya ng Dios.

No comments