Page Nav

HIDE

Tatlo Dalawa

Tatlong tanong, tatlong pahayag, dalawang babae, dalawang lalaki. Yan mga kapatid ang makikita natin at babalikan ngayong solemnity ng Ka...

Tatlong tanong, tatlong pahayag, dalawang babae, dalawang lalaki. Yan mga kapatid ang makikita natin at babalikan ngayong solemnity ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Birhen Maria. Ang Dogma ng Simbahang tungkol kawalang-bahid sa salang orihinal ng Birhen Maria noon pa mang siya'y ipinaglihi ng kaniyang inang si Santa Ana, na di-gaya ng lahat ng tao na nagmamana ng salang orihinal. Ito ay isa sa apat na dogma natin patungkol sa Birhen Maria.

Marapat lamang na bigyan muna natin ito ng paglilinaw kung ano ng aba ito sapagkat marami ang nalilito kung ano ng aba ang ibig sabihin nito. Bago ko sabihin ang sagot, kayo muna tatanungin ko, ano ang pagkakaintindi ninyo ng dogmang ito? Marami kasing nalilito dito at sa dogma ng pananatiling birhen ni Maria bago at matapos niyang ipagdalang-tao si Hesus. Hindi ito tumutukoy sa paglilihi ni Maria kay Hesus, kundi sa paglilihi sa kanya ng kanyang mga magulang at sa grace na ginawad sa kanya ng Dios.

Ayon sa Ineffabilis Deus na ipinahayag ni Papa Pio IX noong Disyembre 8, 1854, ang pinagpalang Birhen Maria ay di-nagmana ng kasalanang orihinal magmula nang ipaglihi dahil sa isang katangi-tanging biyaya ng Diyos na makapangyarihan, pakundangan sa mga karapatan ni Hesukristong Mananakop ng sangkatauhan. Hindi ito bahagi ng Sacred Scriptures. Bahagi ito ng tradisyon ng Simbahan. Ang unang pagbasa na narinig natin ngayon at ang Gospel ay ang siyang ginamit upang pagtibayin ang dogma na ito bagamat hindi nito literal na sinabi sa naisulat. Malamang sa mahigit na tatlumpung taong pagsisimba ninyo dito ay paulit ulit na din ito sinasabi kaya di na ako pupunta sa detalye. At sakali man di nyo na maalala, pwede naman natin idiscuss sa catechism natin. May article ngayon sa Avenire, pwede nyo yun basahin dahil italian naman.

Kung kaya't sa ating pagninilay ngayong araw na ito, para maiba naman at maydagdag na kaalaman kayong mapulot, balikan natin ngayon yung una kong sinabi. Alam ko naman na nakakasawa kung paulit ulit lang. So, tatlong tanong, tatlong pahayag, dalawang babae, dalawang lalaki.

TATLONG TANONG. Ang kapistahang ito ay nagpapaalala sa akin ng aking pag “oo” sa tawag ng Panginoon na mag silbi bilang kanyang tagapagsilbi at kanyang sakramento. At naalala ko pa yung homily ng aking butihing obispo, si Msg. Joel Baylon at ang tatlong tanong na kanyang binahagi nung araw na iyon na sya ring mga tanong na napakingan natin sa unang pagbasa ngayon.
Dove sei? (Nasaan ka?), Chi ti ha fatto sapere che sei nudo? (Sino nagsabi sayo na burles ka?) at Che hai fatto? (Anong ginawa mo?). Tatlong tanong na kapag may ginawa tayong di kanis nais ay nakakapanginig ng ating mga tuhod.

Nasaan si Adam sa panahong iyong? Nagtago? Bakit nagtatago? Nawala ba ang sarili nya sa hardin? Nawawala siya? Nawala sa paningin ng Dios? O nawala ang paningin niya sa Dios? Kung saan saan kasi tumitingin at kung kani kanino nakikinig kaya nawawala. Tayo kaya, kanino tayo nakatingin? Kanino tayo nakikinig?

Walang mangangahas sa atin na magsimba na hubo't hubad. O sige nga, sino dito sa inyo maglalakas loob magsimba ng nakahubad? Pero kung tutuusin, madali lang maghubad. Mas madali kesa hubarin natin ang mga panangalang sa sarili upang hindi tayo makilala ng mga tao kung anong tinatago natin sa puso at isipan. Madali lang maghubo’t hubad pero magpakatotoo...ah.... ewan ko na lang. Ewan ko sa inyo.

Ano ano ba ang pinag-gagagawa natin sa buhay at lagi tayong na uuwi sa pagkakasala sa kapwa at sa Kanya? Pero anu pa man ang ginawa natin (mabuti o di mabuti), wala itong kumparasyon sa ginagawang kabutihan ng ng Dios para sa atin.

TATLONG PAHAYAG. Tatlong salita mula sa anghel ng Dios na kung ilalagay side by side sa tatlong tanong ay may koneksyon, swak sa banga kung sa ibang level ng pagbsa nito. Nasan ka? Magalak ka sapagkat ang Dios ay nasa iyo. Rallègrati, piena di grazia: il Signore è con te. Imbes na nasaan tayo, ang tanong dito ay nasaan ang Dios na kay Maria, ...nasa atin. Gaya nung dalawang may ginawa, nanginig, nangurog ang mga tuhod kung sa bisaya pa, si Maria ay sigurado nangurug pud ang tuhod ato, nabahala. Kung kaya’t ang sabi sa kanya ay “wag kang matakot, Maria...etc etc”. MAKINIG KA LANG SA SALITA, ISA PUSO ANG MGA KATAGA... Dios ang gagawa at Dios din ang bahala. Anong ginawa ni Maria? Kagaya nung dalawa, nangatwiran din siya. Subalit ang pinagkaiba, ang dalawa ay nagturuan, nagsisihan, iba kasi ang pinakingan, pero si Maria pagkatapos mangatwiran ay tinangap ang kapalaran at responsibilidad.

DALAWANG BABAE. Ci vengono presentate anche due donne che sono due madri. Pareho silang NANAY. La prima donna, alam na natin na si EVA, ang nanay ng lahat, ang nanay na natukso, nahulog sa tukso, sumalungat sa Salita ng Dios. Sa pagkahulog niya sa tukso, damay ang lalaki. Damay damay lang (sweet nga diba.. magkasama sa saya, magkasama sa kalokohan..kaya magkasama din sa hirap). ...at nagpatuloy sa pagkakatukso, sa pagkakasala, sa hindi pagsunod sa utos ng Dios, sa pagkontra sa Dios at di pagmamahal sa kapwa tao.

La seconda donna è MARIA. Lei era della stessa razza di Adamo ed Eva, era annunciata degli antichi profeti, e era vergine, promessa sposa di un uomo della casa di Davide. Pinuntahan siya ni Gabriele e ha annunciato a lei che concepirà, darà alla luce un figlio che sarà grande e sarà chiamato Figlio dell'Altissimo. Lei OBBEDÌ ALLA PAROLA DI DIO. E con la sua obbedienza alla Parola di Dio, l'uomo che era caduto nel peccato è stato riscattato e ha continuato ad essere in grazia di Dio. At ang Dios ay namuhay sa kanyang sinapupunan at sa pamamagitan nya pumarito sa mundo at nagkatawang tao kagaya mo, kagaya ko.

Il primo uomo presentato è stato chiamato ADAMO, creato da Dio, take note... GINAWA SIYA NG DIOS...che è caduto in tentazione quando ha mangiato il frutto che Dio aveva proibito di mangiare. Siya kasi yung lalaking nakinig sa Salita ng Panginoon pero nakinig din sa ibang salita na hindi mula sa Dios... Siya yung nakinig pero ha avuto paura, vergognato perché era nudo, e si è nascosto. Siya yung lalaking ambisyoso na gusto ding maging Dios. Natakot, nahiya, nagtago. Lui è il coniuge di Eva, quella che abbiamo detto prima, la madre di tutti viventi.

Il secondo uomo ay si JESUS, anak ni Maria, NA HINDI GINAWA NG DIOS... SAPAGKAT SIYA AY ______. Siya ang lalaking non è mai caduto in tentazione e non aveva mai disobbedito alla Parola di Dio. Era molto fedele a Dio. Masaya siyang pakingan ang boses ng kanyang Ama, na kilala niya at kilala din siya ng Ama, at siya din mismo ay gumawa ng paraan na makilala ang Amang ito ng tao. Bagama't siya ay Dios, hindi siya nanghinanayang na magpakababa at maging tao. Yung isa nagamabisyon na maging Dios, si Jesus ay ang Dios na nagambisyon na maging kagaya mo, kagaya ko. Hindi siya natakot. Hindi siya nahiya. Hindi siya nagtago.  Sao Paolo dice che lui è il sposso della Chiesa, ng Inang Simbahan..

MARIA È L'AGGIORNAMENTO, IL “UPGRADE” DI EVA, the best version ni Eva. Lei è la nuova madre, na nakikinig at sumusunod sa Salita ng Dios. Ang dalawang babaeng ito ay sumasalamin sa sa Simbahan natin kahapon, ngayon at bukas.

Che cosa ci dice allora? Come Chiesa, come comunità, tayo ay inaanyayahan na mamili. Ano bang gusto mo? Maging isang nanay, una Chiesa, una comunità che na incapace di accogliere at disobedient sa Salita ng Dios o diventare una madre, una madre, una Chiesa, una comunità na kahit mahirap intindihin ang Salita ng Dios, gaya ni Maria, ma tuttavia, obbedisce alle sue Parole e continua a vivere nella grazia di Dio. Sa madaling salita, kay Eva ka ba o kay Maria magmamana?

GESÙ È L'AGGIORNAMENTO, IL “UPGRADE” DI ADAMO. In Adamo diventiamo fratelli e sorelle nella razza umana. In Gesù siamo diventati fratelli e sorelle in lui e quindi, figli e figlie di Dio. In lui siamo stati fatti anche eredi, predestinati - secondo il progetto di colui che tutto opera secondo la sua volontà – a essere lode della sua gloria, noi, che già prima abbiamo sperato nel Cristo.

La festa dell'Immacolata Concezione, di conseguenza, ci fa capire che l'obbedienza di Maria alla Parola di Dio, purifica non solo a Maria, ma purifica anche la nostra razza umana. Ci aggiorna a un sé migliore. Ci ricorda che siamo figli e figlie di Dio, e quindi possiamo agire come mga anak ng Dios.

Preghiamo quindi oggi Dio, con l'aiuto della nostra Madre Maria, per essere cristiani migliori, fedeli credenti, seguaci e ascoltatori soltanto della Parola di Dio e non di qualsiasi altra parola che ci tenta nella vita.

Vorrei anche chiedervi di pregare per me oggi, che celebro oggi il mio 7 ° anniversario di ordinazione sacerdotale. Perché anche io, sia fedele sempre alla promessa che ho giurato di servire per sempre il Signore e di servire il popolo di Dio.

No comments