Holy Family Sunday - Blessing of Children Habang nagpeprepare ako kagabi ng para sa reflection natin ngayong Lingo, bigla kong napagtan...
Holy Family Sunday - Blessing of Children |
Mga kapatid, inaanyayahan tayo na gawing modelo itong “Holy Family” sa pagtataguyod ng pamilya, sa pag dala ng pamilya – buo man yan o single parenthood, parehas lang. Ang Banal na Mag-anak ang ating gawing batayan. Meron silang limitasyon, mahirap lang, maraming problemang hinarap, pero what is common sa mga panahon na ito ay nagpakatatag sila, at nagpatuloy lang sa pakikinig at pagsunod sa kagustuhan ng Dios, namuhay na may takot sa Dios at sumusunod sa landas nya. What makes them Holy ay hindi lang sa physical presence ng Anak ng Dios sa buhay nila kundi pati na rin ang “real presence” ng Dios sa bawat puso nila. They are a holy family dahil they walk in the ways of God. Ganito din sana tayo mga kapatid. Ang pamilyang maka Dios sa lahat ng panahon at aspekto ng buhay ay nalulusutan ang mga hamon at problema na dumadaan sa buhay ng pamilya.
Bukod dito, bukod sa inaanyayahan tayo ngayon na gawing modelo ng ating pamilya ang pamilya ni Jesus-Maria-Jose, tayo rin ay pinapaalalahanan ng mga basahin sa araw na ito, ng mga dapat na pag-uugali at asal sa loob ng pamilya. Ipinapaalala sa lahat na mahalin ang mga magulang at ang mga magulang mahalin ang mga anak. Binigyang diin ang pagmamahal sa ama lalung lalo na sa mga matatanda na. Narinig nyo naman na anong sinabi sa ating unang pagbasa.
Sa unang pagbasa naalala ko din yung kwento ng lolo ko tungkol sa isang pamilya na may ama na kasama nila sa bahay. Siguro naikwento ko na sa inyo dito, subalit ikukwento ko ulit para ipaalala sa inyo. Dahil sa may alzaimers at matanda na ang ama, ay nanginginig ang mga kamay. At dahil nanginginig ang mga kamay, pag kumain ay tumitilapon ang pagkain sa kutsara, nadudumihan ang mesa, nababasag ang pingan at mga baso, etc. Nakakagalitan ng mag-asawa ang ama nila dahil sa dami nang nabasag na pingan. Kung kayat napagdesisyunan nila na palitan ang kanyang pingan ng bao. Sa bao nila pinapakain ang kanilang tatay sapagkat ang bao kahit mahulog ay matibay, hindi mababasag. Mabasag man ito, hindi sayang sa pera. At isinantabi din nila ang matanda para hindi makalat sa mesa sa oras na magliparan ang pagkain dahil sa panginginig ng mga kamay niya. Isang araw, nakita ng lalaki na ang kanyang anak, ang apo ng matandang may alzimers, nakita niya na naglilinis ng bao mula sa nakuha nitong niyog. Tinanong siya ng tatay niya, “anak para saan yang ginagawa mo, project ba yan sa skul, anak?” At ang sagot ng bata, ay hindi po, nililinis ko po ito para pag tanda nyo po meron na din po kayong mapagkakainan. Tingnan nyo po, ang linis at ang ganda diba?
Anu man gawin ng mga magulang sa harap ng bata, ay siya ring gagawin ng bata dahil ang akala ng bata, ang ginagawa ng matanda ay tama. Inaanyayahan tayo, bilang mga magulang, na ipakita sa mga bata ang tamang pagmamahal, tamang asal. Ipakita sa mga bata papano o gaano mo kamahal magulang mo. Huwang ninyo silang bigyan ng dahilan upang maging masama. Mahalin ninyo mga magulang ninyo. Dahil pag kayo na ang may mga anak na walang galang, wala kayong karapatan sabihan sila ng “wala kang galang” dahil mismong kayo, hindi rin kayo sa inyong ama’t ina, gumalang.
Holy Family Sunday - Blessing of Fathers |
Ang ikalawang pagbasa naman ay ipinapaalala sa atin anung dapat
na mga ugali na dapat nating pairalin: compassion, kindness, humility,
gentleness, and patience, bearing with one another and forgiving one another. Ito
yung mga dapat ituro sa mga anak sa pamamagitan ng pagsasagawa nito at
pagpaparamdam. Kapag naramdaman ng mga bata ang ganito, tiyak na babalik at
ipapadama din sa inyo ang pagmamahal na pinaranas ninyo. Etc etc etc
Mga kapatid, inaanyayahan ko kayo, lalung lalo na sa mga may
mga magulang pa, sa mga may mga matatanda nang mga nanay at tatay, baka pupwede
ho na batiin ninyo sila ngayon, doon man sila sa Pilipinas o nandito.
Inaanyayahan ko kayo na sabihan sila, hindi lang Merry Christmas o Happy New
Year, kundi ng mga salitang “I Love You”. Kung sakali man na hindi ninyo kasundo
magulang ninyo, dahil bungangera ang nanay o walang kwenta ang tatay o kaya naman may sama kayo ng loob sa kanya, baka
naman ho pupwede, ngayong araw na ito, patawarin ninyo na, at magsimula ulit
kayo. Mamaya sa peace be with you, hihilingin ko sa inyo na yakapin ang mga
mahal ninyo sa buhay na naririto, pati na rin yung hindi nyo ka close o may
atraso. Naway makita at maipadama ninyo ang tunay na diwa ng pasko – ang pamilya,
buwag man o buo o single parent – may pagmamahal sa isat-isa bagama’t may mga problema at
gulo.
Ang panalangin ko sa inyo, nawa’y patatagin ng Dios ang
pagsasamahan ninyo, ang pamilya ninyo. Nawa’y gagabayan kayo lagi ng Panginoon
at pagkakalooban ng mga biyayang nararapat. Para sa mga pamilya na may pinagdaraanan, sana ay maayos na. Sa
lahat ng tatay sana ay maging mabuting mga ama. Sa lahat ng nanay, sana ay bigyan
kayo ng peace of mind and peace of heart sa inyong pag-aalaga sa pamiya. At sa
mga anak, maging blessings nawa kayo sa inyong nanay at tatay at maging mga
butihing mga anak. Amen. Merry Christmas muli sa inyong lahat.
Walang kumuha ng picture ng blessing ng mga nanay kaya eto na lang. :) |
No comments