PANINGIN. Marami sa atin ang takot sa mga bagay bagay na hindi abot ng ating paningin. Mga bagay bagay na bulag tayo. Mga bagay bagay na...
PANINGIN. Marami sa atin ang takot sa mga bagay bagay na hindi abot ng ating paningin. Mga bagay bagay na bulag tayo. Mga bagay bagay na malabo. Mga malabong plano at malabong usapan, malabong kausap. Nasanay tayo sa visual, sa pagtangap ng mga bagay bagay na nakikita lamang. Mga visible sa ating paningin. Kaya nga lagi tayo naghahanap ng prueba. Ng something na nasa harap ng ating paningin. Mahirap magkaroon ng kalaban na out of sight natin diba. Our life is uncertain.
Ang COVID-19 ay isang kalaban na bulag tayo sapagkat di natin ito makita…nasa harapan mo na pala pero wala sa ating paningin. Ginagawa tayong bulag. Bagay na di natin nakikita na nagdudulot ng takot sa bawat isa sa atin. Although marami din na hindi takot dahil ayaw nga magstay sa mga tahan. Natawa ako dun sa isang post na ang sabi ng isang anghel sa Diyos, “marami po ang ayaw mag stay home”. At ang sabi ng Diyos “hayaan mo at malugod ko sila ditong tatangapin.”
Bagama’t may mga bagay na di natin nakikita na nagdudulot sa atin ng kapahamakan, huwag nating kalimutan, na may isang HINDI NAKIKITA NG ATING PANINGIN na laging tayo ang nasa Kanyang paningin. Tanging pananampalataya natin, bagay na di nakikita, ang maguugnay sa Kanya at sa atin.
Sa araw na ito mga kapatid, hindi lang kagalingan sa COVID-19 ang ating hilingin. Kundi hilingin din natin ang kagalingan sa pananampalataya sa Diyos bagama’t wala siya sa paningin natin. Malayo man kayo, wala man kayo dito sa chapel ngayon at sa selpon nyo lang makikita ang Panginoon, alam ko at alam nyo na present si Lord sa mga oras na ito at sa lahat ng pagkakataon.
PAGTINGIN. Isa sa mga paraan upang ang dasal natin na ang ating pananampalataya ay mapaigting, ay ang pagbabago ng ating PAGTINGIN. Pagtingin, na pupwede nating idefine bilang pamamaraan ng pagkilatis sa mga bagay bagay na nakikita natin – tao, hayop, bagay, Diyos. Positibo, negatibo. At alalahanin natin, na ang salitang PAGTINGIN ay ginagamit din upang sabihin natin na tayo ay may nararamdaman sa taong gusto o mahal natin. Meron akong pagtingin sa iyo. Subalit itong pangalawang kahulugan ng pagtingin ay magagamit lang sa pamamaraang positibo.
Sa unang pagbasa mga kapatid nabatid natin na magkaiba ang pagtingin ng Dios sa tao at ng tao sa kanyang kapwa tao. Tayo pagmakatingin sa iba, hmmmm… kailangan ko pa bang bangitin papano tayo tumingin sa iba…pano tiningnan ang iyong kapitbahay, ang kaopisina, ang nakasakay sa … ay hindi pala kasi naka quarantine nga kayo. ..hmmp smile ka pa. Kung tayo makatingin sa ating kapwa, madalas pang labas na anyo lang ang ating tintingnan. Dahil ang ating PANINGIN ay may hanganan. Subalit ang Diyos mga kapatid ay iba kung makatingin sa atin. Ang kanyang PAGTINGIN ay lagpas expectations natin. Dahil ang Diyos kapag tumingin sa bawat isa sa atin… ang kanyang tinitignan ay ang puso natin. Sapagkat Siya, mabait man tayo o masama ay laging may PAGTINGIN sa atin.
Ang challenge sa atin mga kapatid ay matutong magkaroon ng PAGTINGIN sa kapwa kagaya ng PAGTINGIN ng Diyos sa atin.
PATINGIN. Kung tayo ay tunay na nanampalataya sa Diyos. Kung tayo ay tunay na nagmamahal sa Diyos, PATINGIN ng mga gawa natin. Patingin naman ng konting pagkaKristiyano jan lalong lalo na ngayon sa panahon ng krisis dahil sa COVID-19.
Kung hangang ngayon ay masama ang PAGTINGIN natin sa ating kapwa, kung sila ay considered natin na masama o salot sa ating PANINGIN, kapatid…mukhang kailangan mo nang magPATINGIN. 😊
Link ng Misa: https://www.facebook.com/johnluis/videos/10221211120217369/

No comments