Timing naman na mapagusapan natin ang tubig sapagakat nitong mga nakaraang araw o buwan ay palagi nating naririnig… MAGHUGAS TAYO NG MGA ...
Timing naman na mapagusapan natin ang tubig sapagakat nitong mga nakaraang araw o buwan ay palagi nating naririnig… MAGHUGAS TAYO NG MGA KAMAY upang tayo ay di mahawa sa COVID-19. May mg iba’t iba pang paraan ng paghugas ng kamay na lumabas sa social media.
Ang una sa lahat na gamit sa paghuhugas ng kamay ay ang TUBIG na isang basic element sa mundo, basic composition ng mga bagay bagay na nabubuhay, basic necessity. Meaning hindi pwede mawala ang tubig. NAPAKAHALAGA NG TUBIG PARA SA ATING LAHAT.
Unang letter R for our reflection: RELIEVE or quench your thirst. Ang tubig ay nagpapawi ng uhaw. Kapag pagod ka, kapag kinakabahan, kapag naglakad ng pagkalayo, sobrang init sa ilalim ng araw…ang una mong hahanapin ay tubig upang matugunan ang iyong pagkauhaw…so that you will be REFRESHED, RELIEVED sa dehydration na nagaganap sa ating katawan.
E papano kung pagod ka na sa buhay? IInom ka lang ba ng tubig tapos solved na? okay ka na? Papano kung may hinaharap kang malaking problema, sakit na maaring magdulot sayo ng kamatayan, meron kang suliranin na hindi ganon kadali hanapan ng solusyon, iinom ka na lang ba ng tubig tapos solved na.
Sa Gospel binibigyan tayo ng alternative na pwede nating inumin na hindi mapapantayan ng ordinaryong tubig lang. Inaanyayahan tayo na inumin ang tubig na mula kay Jesus na pumapawi sa mga buhay at pusong napapagal. Dahil si Jesus na siya ring katumbas ng PAGMAMAHAL, kung hahayaan nating ipadama sa ating ang pagmamahal ng Dios sa pamamagitan ng ating kapwa at sa mismo nating mga mabuting gawa… ay makakapawi sa pagkauhaw natin sa Dios ng buhay..sa pagkauhaw natin sa Kanya. Ang pagmamahal at pagpapahalaga ng Dios, kapag nadama nino man, anong klaseng tao ka man, ay nakakapagpabago ng buhay at paniniwala…gay ana lng ng babaeng samaritana at ang kanyang mga kababayan. Saka na natin pag usapan yung balon at tagpo nila sa balon pagbalik ninyo sa katekismo pag wala nang lockdown.
Pangalawang letter R for our reflection: REKLAMO.
Nasubukan nyo na ba maligo tapos…nagkapagsabon na kayo, punong puno ng bula ang mukha ninyo tapos biglang..oops nawalan ng tubig? 😊 ewan ko lang kung di kayo nagsisigaw at nagsimulang magbugalbugal. O kaya naman dali dali ka sa ref para makainom ng tubig na malamig at pagbukas, walang laman ang lalagyan…bla bla bla. O kaya naranasan nyo na ba na mag igib o magimbak ng tubig dahil may oras Lang na meron tubig at pag di mo natimingan wala kang iinumin o wala kang pang ligo at pang flush sa banyo. Ang gawa natin, reklamo dito, reklamo doon. Maghahanap ng sisisihin, ng susubukin, ng hahamunin. Ang puntirya natin yung mga tao na namumuno, yung mga nangangasiwa ng patubig sa bayan.
Pwes maiintindihan ninyo ang reklamo ng mga Israelita na uhaw na uhaw na at walang mainom sa desyerto. Mas malala pa nga yung sa kanila dahil nasa desyerto sila naglalakbay. Ang kanilang pinuntirya – si Moises na siyang namuno sila sa pagtakas sa ehipto patungo sa lupang pinangako. At dahil sa reklamo ng tao, nagreklamo din sa Moises sa Dios na gusto siyang batuhin ng mga tao dahil sa kanilang pagkauhaw… mataimtim na dasal…na ang kontent ay reklamo. Sa huli, binigay ng Dios ang kanilang hiling matapos na siyay subukin at magtalo talo dahil sa kawalan ng basic element ng buhay – ang tubig.
Kung sa Dios nagmumula ang tubig na importante sa buhay natin, bakit hindi ang Dios ang hanapin natin? Reklamo tayo ng reklamo sa buhay pero nakakalimutan natin bigyan ng puwang sa ating buhay, ang Dios na nagbibigay buhay at pumapawi sa pagkauhaw magpakailanman. Naalala lang natin siya kapag may REKLAMO na tayo sa ating buhay.
At ang pangatlong R: REBORN o kaya REUNITED.
Para sa ating mga Kristiyano ang tubig ay simbolo ng ating binyag. Ipapaalala kong muli na ang anim na lingo bago sa pasko ng pagkabuhay ay isang series of catechesis ukol sa kahulugan ng binyag na normally ginaganap sa vigil ng linggo ng pagkabuhay.
Sa pamamagitan ng tubig, na sÃmbolo ni Kristo, sa pamamagitan Niya, tayo ay nahuhugasan, nalilinis sa ating kasalanang mana. Sa panahong tayo ay bininyagan ng tubig tayo ay namatay at nabuhay muli kay Kristo. REBORN, REUNITED in Christ.
Sabi pa ni Apostol San Pablo, sa pamamagitan niya ay mayroon na tayong kapanatagan sa harapan ng Dios. Sa pamamagitan niya ay tinatamasa natin ang kagandahang loob ng Dios, at lubos tayong nagagalak sa ating pag-asa na makakasama sa kanyang kaluwalhatian.
Nawa’y ngayong ikatlong linggo ng kwaresma ay makapagpaalala sa atin that in Jesus we shall be RELIEVED and quenched sa ating pagkauhaw sa Dios. Hindi lang puro REKLAMO ang dapat nating gawin sa buhay kundi isabuhay ang pagiging REBORN, reunited in Christ sa pamamagitan ng binyag.
Link ng Misa: https://www.facebook.com/johnluis/videos/10221147050415664/

No comments