Page Nav

HIDE

Isa Lang Kasi

"Hindi mainam na mag-isa", "walang isa man sa mga ito [hayop]", "isang tadyang", "isang babae"...

"Hindi mainam na mag-isa", "walang isa man sa mga ito [hayop]", "isang tadyang", "isang babae", "isang tulad ko", "sila'y nagiging isa", "[nag iisang anak] na si Jesus", "iisa ang Ama ng nagpapabanal at ng pinapaging-banal", "hindi na sila dalawa kundi isa" - isa lang ang root word ng lahat ng ito: ISA.
Kung magmamahal ka, sa ISA lang. Rambol at sakit sa ulo yan pag may ANOTHER ONE. Kung nagbabalak nang MAKIPAG KAISANG DIBDIB, siguraduhin na sure na, na siya na nga ang NAG-IISA, natatangi, ang THE ONE AND ONLY, hindi yung pagkatapos e, ay may isa pa palang mas pogi, mas maganda at mas gusto mo na maksama habang buhay. Piliin ung KAISA-ISANG iyong makakasama panghabang buhay upang hindi ito mauwi sa hiwalayan dahil nagkamali at hindi pala yun ang "THE ONE." THE ONE THAT GOES AWAY pala ang kala mo na iyo nang KAISA.
Bagama't praktikal na sa ngayon at uso sa iba ang hiwalayan (legal man o takas lang), at sabihin na nating para na din sa kapakanan ng nasasaktan, pinapaalalahan pa din tayo na sa simula ay hindi ganito. SA UNA, at dapat sana magpakailanman, ay hindi ganito at hindi dapat paghiwalayin, o hindi dapat maghiwalay at panindigan na siya na nga ang THE ONE. Kaya nga dapat munang pagnilayan, pag-isipan, suriin, kung siya na ba yung taong pipiliin na makakasama magpakailanman. Ang dapat lang na hiwalayan ng ISANG MATURE na lalaki at babae ay ang kanilang mga magulang at bumukod upang lumago ang kanilang pagmamahalan. Bata lang naman ang nagdedepende sa magulang diba. Kung dependent ka pa din sa magulang, wag ka na lang muna kaya magpakasal, dahil ISA ITO sa inyong pagaawayan at mauuwi lang sa hiwalayan. You are not yet worthy to be his or her "THE ONE."
Pinapaalala din sa atin ngayon na makuntento sa ISA. ISA LANG. (Isa isa lang para dun sa mga mahahaba ang buhok na umaabot sa pintuan ng bahay). Huwag nang maghanap ng ISA PA. Maging tapat sa pinangakuan at sa IISANG pangakong ibinigay - na mamahalin mo siya magpakailanman. Kagaya ng pagiging tapat ng ONE AND ONLY CHILD, ni Jesus sa kanyang Ama, at pagiging tapat niya sa sambayanan na kanyang ginawang banal. Dahil sa kanyang katapan ay naging tayong KAISA niya sa pagiging mga anak din ng Poong Maykapal. Hindi man tapat paminsan ang sambayanan dulot na din sa atin na mga taong bumubuo nito, dahil sa di natin pagkakuntento sa IISANG mamahalin, naghahanap o may ibang nagiging diyos diyosan sa buhay, ngunit sa lahat ng ito, nananatiling tapat si Kristo sa ating piling. Tayo pa din lagi ang kanyang SPECIAL SOMEONE.
Kung tutuusin, ang mga basahin ngayong Lingo, kung ating PAG-IISAHIN, ay naglalarawan ng dalawang sakramento: ang kasal at ang banal na ordinasyon. Sa isang bahagi ay ang pag-iisang dibdib ng dalawang tao. Sa kabila naman ay pagsimbolo kay Jesus na nakiisa sa Bayan ng Diyos.
Mga kapatid, isama natin sa ating mga panalangin ngayong araw na ito ang mga kapatid nating umiibig at nagdedesisyon kung ang kanilang kasama ay sya na ba ang THE ONE, na sana'y sila'y maliwanagan. Idulog din natin sa Panginoon ang mga pamilya na naririto at mga kakilala ninyo: Patnubayan nawa sila ng Panginoon at maging NUMBER ONE na gabay sana nila si Kristo sa pagapapalago ng kanilang pamilya. Ipanalangin din natin ang ating mga kapatid na nahihirapan na sa buhay dulot ng kanilang PEKENG THE ONE, sana'y masolusyunan ang mga bagay bagay at mauwi sa tamang daan. At huwag nating kalimutan na ipagdasal ang mga kapatid natin na NAG-IISA at nangungulila dahil sa anu mang dahilan. Naway muli nilang matagpuan ang saya ng NAGIISANG BUHAY na ONLY ONCE lang din usually sa atin ibinibigay ni Lord.

No comments