Page Nav

HIDE

Bartimeo’s Tips sa Pag-moveon

Nitong mga nakaraang Lingo, ipinahayag ni Jesus kung sino siya at ano ang kanyang pakay dito sa mundo. At inilahad din niya ang mga kin...

Nitong mga nakaraang Lingo, ipinahayag ni Jesus kung sino siya at ano ang kanyang pakay dito sa mundo. At inilahad din niya ang mga kinakailangan upang maging isang tunay na tagasunod niya. Ang isang tagasunod ni Jesus ay dapat na mayroong “walang pasubaling pag-ibig”, walang pag-aalinlangan at walang mga limitasyon ang pag bibigay ng buhay, pagtalikod sa pagiging ambisyoso at sa pagkakaroon ng posisyon, at walang pag-iimbot na paglilingkod sa iba. Ang Mabuting Balita ngayon araw na ito ay ang buod ng lahat ng mga ito. 
 
Ang kuwento ni Bartimeo ay sumasalamin sa taong nabago ang buhay, naliwanagan ng liwanag ni Cristo at nagging tunay na tagasunod niyo. Ang pagkatao ni Bartimeo ay ang symbolo ng tagasunod na namulat sa tanglaw ng Poon at nagdesisyon na magmove-on kasama niya.
 
TIPS NI BARTIMEO PAPANO MAG MOVE-ON
 
Ang daming dahilan kung bakit hindi maka moveon ang isang tao, kung bakit parang hindi umuusad ang buhay. Tingnan natin ang kwento sa Mabuting Balita ngayon upang makakuha tayo ng tips papano malampasan itong gasgas na term “di ako maka move-on”.
 
Dapat nga bang maupo sa daan? Kaya nga daanan, lugar kung san dadaanan at hindi uupuan. (Nagsalita ang di mahilig tumambay noon sa tabing daan sa Guilinan). Kung uupo tayo sa daraanan, tiyak na tayo ay masasagasaan. At kapag tayo ay nasagasaan, it’s either mabalian ng buto, maflat ang bahagi ng katawan mo, masugatan (at least eto may chance pa maka moveon sa sugat at pagkabaluktot ng buto) e kung tepok… e di talagang di na makakamove-on dahil move on to the next life na ang kakahinatnan, a total stop. Bagama’t di man tayo umupo sa daan, paminsan ay di maiiwasan na may sakuna na di inaasahan na dumadating sa ating buhay habang dumaraan, habang naglalakbay sa buhay sa ibabaw ng mundo. At pwedeng itong aksidenteng ito (metaphorical man o totohanan) ay makapagpatigil ng mundo natin at di makausad, di maka moveon.
 
Sa nagmamahalan, kapag nasagasaan ang relasyon. Tumitigil daw ang mundo. Nagiging blanko ang pagiisip. Nakakagawa ng anu ano. Nasisira ang mga plano. Sa mga hamon sa buhay (problema sa pamilya, asawa, anak, sa sarili) kapag may isang napakalaking babag o humaharang sa ating mga mata at di natin makita ang solusyon sa problema, tayo din ay natitigil, napaparalize ang buhay, ang hirap ipagpatuloy ang paglalakbay. Ang isang Kristiyano na naglalakad sa kadiliman o di makita ang tanglaw ni Kristo, ang buhay ay parang walang katuturan, ang pananampalataya ay mababaw, at hindi uusad patungo sa dapat at authentic na buhay Kristiyano. 
 
Mapa issue man ng pagmamahal o issue sa buhay o kakulangan sa pananampalataya, sa mga panahong ito ay nanganailangan tayo ng magbibigay sa atin ng limos, ng tulong, ng kakapitan, ng malalapitan. Nagdedepende tayo sa kapwa tao at kung wala ang taong yun, ay di tayo maka usad, di makamove-on. 
 
So ano ba ang dapat gawin? TIP NUMBER 1: ANG PAGKAMALAY, PAGKABATID SA NA SITWASYON. Tanging ang may malay o nakabatid sa kanyang sitwasyon ang may chance na umusad, makamoveon. “Na realize ko na…kung gayon marahil eto ang dapat kong gawinhindi pwedeng hangang ganito na lang…” Exampol: (Sa hiniwalayan) Wala na kayo. Wag mo nang idiin at iinsist na meron pa. Hindi porket mahal mo pa e kailangan hintayin ka na makamoveon ka muna bago magmahal na din siya ng iba… (sa buhay) Nagastos na ang pera. Nanjan na ang problema. Nangyari na. Di na pwede ibalik ang mga bagay bagay. So magisip na kung papano babangon ulit… Ang iba kasi kuntento na, “ay hangang dito na lang” “dito lang kaya ko” “di ko na kaya, pagod na ako at aasa na lang sa limos ng iba, sa pagkapit sa nakaraan, sa tulong ng iba, sa control ng tadhana. Lagi na lang nagpapaawa. Si Bartimeo ay hindi ganun. Hindi siya nakuntento na umasa na lang sa limos, sa awa ng iba. Napagtanto niya na kailangan meron siyang gawin, maghanap ng pagkakataon na makawala sa kanyang pagkabulag. “Hindi pwedeng ganito na lang palagi.” Kung kaya’t nung may pagkakataon siya at napakingan niya tungkol kay Jesus, nang dumaan si Jesus habang nakaupo siya, nagdecide sya na baguhin ang buhay niya. 
 
Tanong, ilang taon na po kayo nagsisimba? Ilang taon ninyo nang napapkingan ang mga mabuting turo ng Panginoon? Ah… ok. So… may nagbago naman ba sa atin? Pinakingang nga ba natin ang Panginoon? O napakingan natin subalit, nagdesisyon ba tayo na gumawa ng hakbang upang mabago ang buhay natin? Minsanan lang dumadaan sa Jesus, malimit sa mga pagkakataon na di natin inaasahan o sa mga panahon na tayo’y di makamoveon. 
 
TIP # 2: DON’T MIND ANUMANG SASABIHIN NG IBA. Isa din sa mga dahilan kung bakit ang tao ay di makausad sa buhay o sa pagbabago ay dahil takot na may masabi ang iba, nagdedepende sa sasabihin ng kapwa. (E anu naman ngayon kung sabihin na pangit ka kung pangit ka naman talaga.” “Anu naman kung sabihin na “ay iniwan” kung totoo naman na iniwan ka talaga.” hahahaha. Joke lang). “Di mo yan kaya” “di bagay” “walang patutunguhan yan” “bobo ka” “wala kang binatbat” etc etc. Don’t mind it. At reality din ito ng buhay sa pananampalataya. Minsan yung kung sino pa ang kasamahan mo sa pananampalataya ay siya pa ang dahilan kung bakit di makausad at di ka masaya. Walang paki si Bartimeo sa discouragement, kung pinapagalitan siya ng mga tagasunod ni Jesus.
 
TIP # 3 & 4: ONLY MIND YUNG MGA ENCOURAGING WORDS NG IBA / LISTEN TO TRUE FRIENDS. Nung marinig ni Jesus ang kanyang sigaw ay hiniling ni Jesus na dalhin siya sa kanya. At ang iba ay inecourage siya na kumilos, gumalaw, tumayo, lakasan ang loob, pumunta kay Jesus. Ang mga tunay na kaibigan, malimit ipapamukha sa iyo ang realidad mo (na masakit tangapin), iencourage ka nang minsan lang (hindi uulit ulitin ang payo dahil usually pag nakita ka na di tumitino ang tatadyakan ka na lang o babatukan para gumalaw ka sa iyong kinalalagyan hahaha).
 
TIP # 5. MAGHUBAD, LUMUNDAG, LUMAKAD. Wag nyo lang sana itake ng literal ang sinabi ko dahil baka sa mental ang punta mo o sa presinto. Anong ginawa ni Bartimeo pagkarinig na tinatawag siya ni Jesus at sinabihan siya ng mga tao na gumalaw – pwes iniwaksi ang balabal (HINUBAD). Hinubad niya ang natatanging pag-aari niya, ang proteksyon niya sa buhay, ang kinakapitan niya. Paluksong tumayo (LUMUNDAG), excited sa pagbabago, eager sa pagbabago. Lumapit kay Jesus (LUMAKAD). Papano ka naman lalapit kung di ka lalakad diba.
Maghubad, lumundag, lumakad. Diba’t yan din ang mga kataga na madalas gamitin kapag ang isang tao ay may gustong tuparin sa buhay niya. Diba’t yan din ang mga katagang ginagamit sa kapag gustong may mabago? 
 
Hubarin ang nasa isip, ang nasa puso, ang mga bagay na nakakapahinto ng buhay, ang mga dapat baguhin o kalimutan. Hinuhubad natin ang damit na marumi o nangangamoy upang malabhan at magsuot ng malinis at bago. Subukan mo kaya hubarin ang damit na nangangamoy tas isuot mo ulit, ewan ko na lang kung ang amoy ay mabago. 
 
Jump, take the risk. Plunge into the abyss. Yan ang sinasabi sa gusto ng pagbabago sa buhay. Yan din ang sinasabi sa mga naghihingi ng advice kung sasagutin ba ang nanliligaw o pagbibigyan ang pagmamahalan na namumuo. Jump into the opportunity. You’ll never now the depth of the experience until you jump into it. 
 
Lumapit. Papano ka lalapit kung di ka lalakad at nakaupo ka lang. Papano ka lalapit kung ayaw mo humakbang. Papano ka makakrating kung patuloy kang mananatili sa iyong kinatatayuan. Lakad! 

Sa ilang taon nating pakikinig sa Mabuting Balita ng Panginoon, sa pakikinig sa mga pangaral tungkol sa Salita ng Dios, kung hangang ngayon ay di pa din natin hinuhubad ang dating tayo…kung hangang ngayon ay natatakot ka pa din lumukso at mag adventure ng panibago… kung hindi ka pa din gumagawa ng hakbang upang magbago, di pa din lumalapit ng buo kay Jesus, malamang panahon na para ipaalaala ko itong kanta sa inyo:
 
Buksan ang mga mata, kahit may muta (😊) mamahalin parin kita at tutulungan, lumaya…” O sya tama na ang kanta at baka lumakas pa lalo ang ulan. Hahahaahha.
 
 
 

No comments