Mayroon ba kayong mga kinalulugdan na tao sa buhay ninyo? Yung marinig mo lang pangalan niya o mabangit ay napapasmile ka. Siya yung ...
Mayroon ba kayong mga kinalulugdan na
tao sa buhay ninyo? Yung marinig mo lang pangalan niya o mabangit ay
napapasmile ka. Siya yung ang gaan ng loob mo sa kanya. Sino siya? Gaano siya kahalaga sa
iyo? Gaano siya kalugodlugod? Papaano mo siya pinapahalagahan o sa anong paraan
mo siya pinapahalagahan? Sa anong paraan ninyo ipinapakita na kinalulugdan
ninyo ang taong yan? Siguro iniispoiled, nilalambing, binibigyan ng atensyon,
binibigyan lagi ng pagkakataon pagnagkamali, ipinagmamalaki sa iba, laging kinakausap,
pinakikingan, naka smile ka lagi pag nanjan siya, pinapakain, etc. E ang tanong
(nong,nong, nong...parang yung alingawngaw sa bawal judgmental ng eat bulaga):
Ikaw ba ay mahalaga sa kanya? (pause) May nagpapahalaga ba sayo? Para masabi
na may nalulugod sayo, tapikin nyo na lang nga ang balikat ng katabi nyo sa
kaliwa at sabihing: “mahalaga ka, may halaga ka, mahal kita, kinalulugdan kita”.
Para pag sabi kong sa kanan naman e di babalik na saiyo yung mga kataga. 😊
Mga kapatid, Merry Christmas po muli
sa inyo. Huling araw ngayon ng Pasko. Pero mukhang nagsisimula na agad mag
mahal na araw mukha ninyo. So for the last time, batiin natin mga kasamahan natin,
Merry Christmas sa iyo.
Ngayong Kapistahan ng Pagbibinyag sa
Panginoon, nais kong pagnilayan natin ang tatlong salitang sa aking pagninilay
ay ang siyang bumubuod sa pinagdiriwang natin ngayon: KINALULUGDAN. KAURI.
KAPATID.
Sa mga nagdaang taon ng pagsisimba
natin at pagunita ng Pagbibinyag sa Panginoon at sa pagdalo ninyo sa katekesis,
napagtanto na natin na ang binyag na pinagdaanan ni Hesus ay ang nagsisilbing
hudyat ng kanyang pagsisimula sa kanyang mga gawain, turo at pagtubos sa atin.
(2016 Binyag Ka na Ba?) Kung baga ito yung “sending-off to mission” and at the same time pagpapatunay
na siya nga ang PINADALA, ang PINANANABIKAN na dadating, ang PANGUNAHING LINGKOD,
ang MANUNUBOS, ang MINAMAHAL NA ANAK NG DIOS. Ito ang simula ng napakabigat na
misyon niya ng pagbuhat ng mundo sa balikat, ng pagbuhat ng Krus para sa
kapakanan nating lahat. Ito ang simula ng kanyang PAGLILINGKOD sa Ama at sa
Tao. Ngayon naman tingnan natin ang iba pang aspekto ng pagdiriwang na ito.
KINALULUGDAN. Ito yung salita na napakingan natin sa tatlong pagbasa ngayong
araw na ito. Kinalulugdan, kinagigiliwan, ang kabaliktaran ng kinapupootan o
ikinamumuhi. Si Hesus ang KINALULUGDAN, ang minamahal na Anak ng Dios na
tumutugma sa sinabi ni propeta Isaias sa unang pagbasa. Siya ang inatasan na
magpairal ng katarungan sa mundo. Sa pamamagitan niya NAKIPAGTIPAN MULI ANG
DIOS SA TAO. Siya ang nagdala NG LIWANAG muli sa mundo – SIYA ANG TALA. Ang
Tala (hindi yung Tala ni sarah Geronimo ha at lalong hindi yung mga viral
videos ng Tala. Gawa kaya tayo). Sa tatlong nakatalagang araw ng
celebration ng Christmas, binabangit sa tatlong araw na yan ang Tala, ang
Liwanag na symbol ni Kristo... December 25, January 6 (Christmas, Epiphany) at
ngayon Baptism – PASKO. 😊
Sa binyag ni Hesus, ipinahayag ng Dios
Ama na si Hesus ay ang kanyang pinakamamahal at pinaka KINALULUGDAN niyang Anak.
Ito malamang sagot ng Dios kung ang tanong ko sa intro ay sasagutin niya. Sa binyag ni Hesus nakita, napagtanto, naisiwalat, naiparating, ang paglugod ng Dios Ama
sa kanyang Anak. Ang binyag ang naging daan sa pagpapakita na “itong taong ito
special sa akin”. Nagkaroon ng affirmation ng pagkatao ni Hesus. Napahalgahan
ang kanyang mga susunod na gagawin.
Hindi ba’t binyag na din kayo? O
yung mga hindi pa, sa summer meron ata. Teka, baka ibang binyag iniisip nyo at
mapuntahan ninyo. Boys ang pinaguusapan dito ay yung binyag na sakramento ha.
Kung binyag kayo, ang dahilan bakit
bininyagan kayo ay hindi lang dahil nirerequire ng Simbahan para maging
official member ng simbahan. Hindi rin dahil lang sa maraming ninong at ninang
na peperahan kapag Pasko (na actually nagisispagtaguan pag nakita nang
dumadating ang inaanak). Masasabi natin kapatid na ang binyag natin ay
isang symbol din ng PAGKALUGOD, una ng mga magulang natin sa atin, pangalawa ng
Simbahan dahil tiantangap tayo, at pangatlo ay nagsisilbi din itong salamin sa
realidad na tayo rin ay KINALULUGDAN NG DIOS. Nagpapakita ito na mahalaga tayo
sa mga magulang natin na nagpabinyag sa atin. Gusto nilang mapabuti tayo,
mapasa Dios. Kaya pasalamat ka kung pinabinyagan ka ng magulang mo. Dahil bata
pa lang gusto na nila na maging kawangis ka ni Hesus at maging kalugod lugod sa
Dios. Diba napakagandang mithiin ng mga magulang ninyo yaon na pinabinyagan
nila kayo dahil kinalulugdan nila kayo. Marahil di man sinabi, o unconciously,
pero ganun pa din yun.
Kaso lang pag laki natin...ang
kinalulugdan ng mga magulang at ang kinalulugdan ng Dios...na si ako at si
ikaw... ay paminsan minsan hindi na nagiging kalugod-lugod... nakaka inis na,
nakakayamot. Ahay. Bilang mga bininyagan sa ngalan ni Jesus, ibalik natin ang
ating buhay na kalugod-lugod. Papaano? May makukuha tayong tips mula sa binahagi
ni San Pedro sa ikalawang pagbasa na hinango sa mga Gawa. Magkaroon sana tayo
ng takot sa Dios, gumawa ng matuwid, gumawa ng kabutihan. (Madaling sabihin
pader pero mahirap gawin... I know. Nawong ninyo) 😊
Mga KINALULUGDAN KONG MGA KAPATID,
naway ang pagdiriwang ng binyag ni Jesus ay magpaalala sa atin ng ating mga
gawain at tungkulin bilang mga kinalulugdang Kristiano. MAGING KALUGODLUGOD
NAMAN NA SANA TAYO THIS TIME.
KAURI. Napaisip na ba kayo minsan, kailangan ba talaga binyagan pa si
Jesus? Pwede naman hindi na diba. Kaya nga naratol si Juan at naguluhan. Kung
tutuusin, si Hesus ang dapat na magbinyag kay Juan. Subalit SUMUNOD pa din ang
magpinsan ayon sa SINASABING NARARAPAT GAWIN. Ang kusang loob na pagpapabinyag
ni Hesus, ay isang pamamaraan ng pagpapakita niya ng PAKIKIISA SA KAPWA TAO,
BILANG KAURI NATIN. Bilang KAURI natin, bilang tao, kailangan niyang pagdaanan
yung dinadaanan ng ordinaryong tao. TAO SIYA. KAURI NATIN SIYA. KALUGOD-LUGOD
NA KAURI NATIN si Jesus. Kahit na Siya ay Dios, ngunit dahil siya ay 100% din
na Tao, hindi iba sa kanya ang lahat ng paghihirap, mga problema, kamatayan,
except ang pagkakasala. Tayo naman na mga reklamador, ang nakikita lang natin
yung paghihirap, yung problema at lagi tayong nagkakasala at laging
kinakalimutan yung pamumuhay bilang kauri Niya na dapat sana malugod na
sumusunod sa kagustuhan ng Dios Ama. Nem. Reklamo pa more...
Mga KAURI KONG MGA KAPATID, naway
ang pagdiriwang ng binyag ni Jesus ay magpaalala sa atin ng ating mga gawain at
tungkulin bilang mga kauri ni Kristo. MAGING KAURI NAMAN NA SANA TAYO THIS TIME
SA PAG-UUGALI AT PAMUMUHAY NI KRISTO. Upang sa wakas ay masasabi ko at masasabi
mo sa iyong katabi na ang ningning ng KAISA-ISANG TALA “nakikita
ko sa'yong mga mata”. At hindi mo na sasabihin na ang ningning ng kanyang mga
mata'y hinahanap mo sa mga tala dahil kaharap mo na ang KAURI NG NAG-IISANG
TALA. (Baka pag-uwi nyo sa bahay pagkatapos ng misa wala kayong maalala sa
homily kundi ang kantang Tala 😊 walastik.
Di ko kayo kilala. Mga kauri kayo nila.)
KAPATID. O eto na last word: KAPATID. Ang binyag ng KINALULUGDAN na
KAURI NATIN na si HESUS ay ang GUMAGAWA SA ATIN BILANG MGA KINALULUGDANG KAURI
NI JESUS, KINALULUGDANG MGA ANAK NG DIOS. Dahil sa “pagkatao” ni Hesus at
bilang “representative ng mga tao sa harap ng Dios”, tayo na bininyagan (sa
ngalan ng Ama, Anak at Espiritu Santo) ay nagiging mga “sacramento ni Kristo”, “mga
Kristo” dito sa mundo. Kung si Kristo ay kinalulugdan ng Ama at siya Anak ng
Dios... tayo ngayon... na “mga Kristo” “mga Kristiyano” AY PAREHO NG ESTADO NI
HESUS BILANG MGA KINALULUGDAN NA MGA ANAK NG DIOS. SA BINYAG NATIN KAY KRISTO, TAYO
AY MAITUTURING DIN NA MGA ANAK NG AMA. Kung kaya’t tinatawag natin ang isa’t
isa na MGA KAPATID SA PANANAMPALATAYA, mga KAPATID NI KRISTO, mga KAPATID KAY
KRISTO, MAGKAKAPATID.
Inaanyayahan tayo mga KAPATID sa
kapistahan ng Pagbibinyag sa Panginoon na HUWAG NATIN KALIMUTAN ANG ATING
PAGTURING SA ATING KAPWA BILANG MGA KAPATID. Na huwag din natin kalimutan
bilang mga Kristiyano na maglingkod sa ating mga kapatid gaya ng paglilingkod
niya sa atin na mga kapatid Niya. At bilang mga magkakapatid, huwag din sana
natin makalimutan na magpasalamat sa ating Ama sa langit na nalulugod sa bawat
mabuting pamumuhay at pakikitungo natin sa ating kauri, sa ating kapwa.
No comments