Kapag nandun ka sa atin sa Pilipinas, pagnapadaan ka sa EDSA o sa mga malalaking kalsada, altho alam ko ipinagbabawal na yun ngayon, may mga...
NAKITA. Sa mga narinig natin ngayon na pagbasa ngayong Dakilang Kapistahan ng Pagpapakita ng Panginoon, napakingan natin ang isa pang tala, isang liwanag. Ang Ebanghelyo ay naglalahad ng isang tala na gumabay sa ilang Pantas. Hindi binangit kung ilan yung pantas. Nakakita sila ng isang talang nagniningning na gumabay sa kanila patungong Jerusalem. Hinahanap nila ang ipinanganak na Hari ng mga Judio dahil nakita nila sa Silangan ang kanyang tala at napunta sila doon upang sambahin siya. Ang liwanag ng tala, ang liwanag ng Pasko ang nagdala sa kanila sa Bethlehem kung saan naroon ang bagong haring kapapanganak pa lamang. Nang matunton nila ang haring bagong silang ay inalay nila ang kanilang mga dalang regalo. At matapos nilang sumamba ay umuwi na sila. Subalit iba na ang landas na kanilang tinahak. Hindi sila sumunod sa mga salita ni Haring Herodes, kundi sumunod sila sa salita ng Diyos sa pamamagitan ng panaginip.
NALIWANAGAN. Ang tala ay simbolo ng ilaw ni Kristo. Siya ang binabangit ni propeta Isaiah sa unang pagbasa na ating narinig. Ang maliwanag na ilaw ng Luwalhati ng Panginoon. Ito ang kanyang ilaw na nagpapaliwanag sa isipan ng mga pantas ng una. At ang kanyang ilaw ang nagpapaliwanag sa isipan ng mga pantas ngayon. Ang isang pantas na tao, ang isang wise na tao, ay susuriin ang kahulugan ng kanyang buhay kay Cristo, sa Panginoon. At ang isang pantas na gumagawa nito ay tiyak na makakahanap ng kagalakan sa buhay, kasiyahan sa paghahanap. Ang isang naliwanagan na tao kay Cristo ay tiyak na sasambahin ang Diyos dahil sa kanyang natuklasan. Ibibigay niya sa Diyos ang kanyang pinakayaman sa buhay: ang kanyang puso. Dahil ang dalisay na puso ng tao ay kasing halaga ng ginto, mira at kamanyan – Ang tatlong simbolo 1) ng kayamanan ng Diyos, 2) ng pagsamba sa Diyos, at 3) ng kamatayan na humahantong sa Diyos. Ang pusong naliwanagan at pusong tinamaan ng mga salita ng Diyos, ay nababago. Ang kanyang pananaw ay nabago, ang paraan ng pamumuhay ay binago, ang kanyang mga pamamaraan sa buhay ay nabago. Ang isang naliwanagan na puso ay pusong nabago. At iyon ang nakakapagpatalino sa isang tao. Yun ang nakakapagpapa convert sa isang tao sa isang pantas, wise man - sapagkat siya ay may pusong nabago.
Ang mga beauty products na iniindorso ng mga idol nyo, kahit sundin mo anong sinabi nila tungkol sa produkto – kesyo makakapaganda ng ngipin o ano… o kesyo makakapaganda ng kutis o ng mukha, kung pangit ka, pangit ka talaga. Ang idol mo lang ang gwapo at maganda dahil ipinanganak silang gwapo at maganda. Hahahaha. Nagkulang ka sa ligo. Pero, kung ang mga salita totoong idol na si Hesus ang susundin mo, kahit pangit ka, gaganda at gugwapo ka hindi lang sa mata ng Diyos kundi pati na din sa mata ng kapwa mo dahil sa busilak mong puso.
NAG-IBA. Mga kapatid, kung magpapagabay lang tayo sa tala ni Kristo, tiyak na may pagbabago na magaganap sa buhay natin. Magkakaroon tayo ng ibang pananaw sa buhay at sa pakikipagkapwa tao. Magiging iba ang pananaw natin sa mga pangyayari sa mundo at sa magiging mga actions natin ukol dito. Mas madali nating i-convert ang mga ito sa kagalakan, sa awa at pagkahabag – mga napakahalang regalo na pwede nating ihandog sa Diyos sa pamamagitan ng pagpapakita nito sa kapwa tao. Magiging iba ang landas na iyong tatahakin, iba sa iyong pinangalingan kagaya ng nangyari sa mga pantas sa ating ebanghelyo. AT IKAW MISMO AY MAGIGING ISA SA MGA TAGAPAGDALA NG TUNAY NA ILAW SA KAPWA MO. IKAW NA ANG MAGDADALA NG BITUING MAGNININGNING SA KAPWA TAO.
Augurioni a tutti! Buona festa di epifania.
No comments