Page Nav

HIDE

Ingatan. Nagmadali. Ask.

Pagpalain ka nawa at ingatan ng Panginoon; nawa’y kahabagan ka niya at subaybayan; lingapin ka nawa niya at bigyan ng kapayapaan. I`pinagdir...

Pagpalain ka nawa at ingatan ng Panginoon; nawa’y kahabagan ka niya at subaybayan; lingapin ka nawa niya at bigyan ng kapayapaan.

I`pinagdiriwang natin ngayon ang Dakilang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos kasabay ng pagpapsalamat natin sa mga biyaya at pagpapalang darating mula sa itaas. Umaasa tayo na sana ngayon 2021 ay biyaya na ang mas mangibabaw kesa sa kamalasan.

Para sa ating reflection ngayong araw, ang ating mga salitang pagninilayan ay: INGATAN, NAGMADALI, ASK = PAGPAPALA.

INGATAN. Sabi sa atin sa Ebanghelyo na pinagbulay-bulay ni Maria ang mga katagang binangit sa kanya ng mga pastol. Iningatan ni Maria ang lahat ng mga pagpapalang sinabi sa kanya ng mga taong nakilala niya nang siya ay nanganak kay Jesus. Iningatan, inipon ni Maria sa kanyang puso at isipan ang mga pagpapala at kababalaghan nangyayari. At pinakamahalag sa lahat, iningatan niya sa kanyang sinapupunan ang pinakadakilang pagpapala sa lahat ng pagpapala. Kung kaya’t nararapat siyang tawagin na Ina ng Diyos. Iningatan niya ang batang paslit na bumago sa ating pagkatao mula sa pagiging alipin patungo sa pagiging mga anak ng Diyos, na nagbibigay sa atin ng kapantay na karapatan sa pagmamana ng Kaharian ng Diyos gaya ng sabi sa ikalawang pagbasa. Ang pagiging ina niya kay Hesus ay hindi lang isang pagpapala sa kanya kundi pagpapala na din sa atin.

Kagaya ni Maria, dapat ang mga bagay na ating kinikimkim at iniingatan sa ating mga puso at isipan ay ang mga magaganda at mabubuting bagay. Hindi dapat natin itanim, ingatan, panatilihin sa ating puso at isipan ang mga sakit at hinain ng taong 2020. Dahil papaano tayo magiging blessing sa iba kung ang laman ng ating puso’t isipan ay sakit, galit, pasanin at poot. Hindi lang ito sagabal sa pagpapala ng iba, sagabal din ito sa pagpapala na sana’y darating sa iyong buhay. Subukan mong puro galit at paghihiganti ang itanim sa iyong puso’t isipan, siguradong hindi masaya ang buhay mo. Mamumhay kang puno ng pait at galit habang ang ikinagagalit mo ay nagsasaya at maligaya. Gusto mong maging masaya nitong 2021? Tanging mga magagandang bagay at pagpapala ang ingatan sa iyong isipan at puso. The rest, itapon mo na yan.

NAGMADALI. Nagmamadali ang mga pastol na lumakad patungong Betlehem at nakita nila sina Maria at Jose, at ang sanggol na nakahiga sa sabsaban. Nag sila’y sinabihan pumunta, pumunta sila. At natagpuan nila si Maria at Jose at ang sangol sa sabsaban.

Uso ang new year’s resolution pag new year. Kung talagang importante yan, kung balak mong magbago, gawin mo at ngayon na mismo. Magmadali. Ngayong taong ito, mas maigi na simulan natin ito ng tama. Kung may mga importante tayong dapat asikasuhin, wag na tayo mag sayang ng oras. Gawin na kaagad. At for sure, matatangap mo ang pagpapalang kaakibat ng pagawa nito.

Kapag ipinagbukas pa natin ang dapat sana’y ngayon na, baka ang biyayang sana ating matatangap ay maglaho na lang. Biyaya na sana naging bato pa dahil hindi natin kaagad ginawa ang tama.

Ang ikatlong salita ay ASK. Ang pinaka akmang salita kung tutuusin ay hindi lang “ask” o humingi, kundi bangitin ang pangalan ng Diyos. Ganito nila babanggitin ang pangalan ko sa pagbebendisyon sa mga Israelita at pagpapalain ko ang mga ito. Nangako ang Diyos na kapag tinawag ang kanyang pangalan ay igagawad niya ang pagpapala. At kung ito’y kalooban ng Diyos, ang pagpapalang ito ay darating. Naniniwala ba kayo diyan? Kung tatwagin ninyo ang Diyos at hihilingin ninyo na kayo ay pagpalaain, kayo ay pagpapalain? Na kung tawagin ko ang pangalan ng Diyos upang kayo ay pagpalain, kayo ay makakatangap ng pagpapala sa Panginoon? Gusto mong tumangap ng pagpapala? Tumwag ka sa Panginoon upang ikaw ay pagpalaain, ang iyong pamilya, at ang iyong kapwa ngayong 2020.

Ang pagingat pagtatanim ng mabuti sa puso’t isipan ay isang paraan ng pagpapala sa sarili at sa kapwa. Kapag ginawa natin kaagad ang tamang gawain ay isang pagpapala sa ating sarili at sa ating kapwa. Ang tawagin ang pangalan ng Diyos sa anumang mga magagandang hangarin at pangarap natin sa buhay ay isang paraan ng pagpapala natin sa sarili at sa kapwa.

Nawa’y ang Diyos na ginawang posible na si Maria ay maging ina ng kanyang anak, ang ating kapatid, ay ibuhos sa atin ang kanyang pagpapala ngayon at magpakailan man sa bawat isa sa inyo na nandito ngayon at sa kung saan mang bahagi ng mundo na nanonood dito.

Pagpalain ka nawa at ingatan ng Panginoon; nawa’y kahabagan ka niya at subaybayan; lingapin ka nawa niya at bigyan ng kapayapaan. Buon anno a tutti!

No comments