Page Nav

HIDE

Pinili. Panimula. Paalala.

Naranasan mo na bang tinadyakan o inapakan ang sapatos mo ng mga walang hiya mong mga kaibigan? They didn't mean to hurt you actually. I...

Naranasan mo na bang tinadyakan o inapakan ang sapatos mo ng mga walang hiya mong mga kaibigan? They didn't mean to hurt you actually. Indication lang yan na bago sapatos mo o bagong shine. It's a way of affirming. Regalo para sa bago mong suot. Ganun din pag may bagong kotse, damit, relo, bag, selpon, etc etc etc. Kasama na jan ang trend pag summer sa mga batang lalaki at sa barkadang baguhan at walang kamuwang muwang. Gets nyo na siguro yan. Indication at reminder lang yan ng puberty, teenage life, at buhay barkada. Sa mga bugoy na kagaya ko, malamang marami pang bagay ang naglalaro jan sa isip nyo na gusto nyong sabihin o isagot sa tanong ko: "binyag ka na ba?" pero hangang jan na lang muna sasabihin ko.

Nung bininyagan tayo sa simbahan, for sure wala tayong kamuwang muwang. Let us just say na yun na yung indication na simula nung araw na yon ay Kristiyano ka na. Simula nung araw na iyon, markado ka na bilang taga sunod ni Kristo. Likewise, our parents were reminded on that day na alagan tayo according to the values of Christ at palakihin tayo sa maka kristiyaong pamamaraan.

Ngayong Kapistahan ng pagbibinyag sa Panginoon, na katumbas ng ipinagdiwang natin noong 25 dec at 3 january dahil maituturing na ito’y isang pagpapakita ng Panginoon, ay pagnilayan natin ang tatlong katagang: PINILI, PANIMULA, PAALALA.

PINILI. Ngayong Taon B, ang sentro ng mga pagbasa ay ang katagang PINILI na katumbas din ng salitang HINIRANG at KINALULUGDAN. Sabi sa unang pagbasa mula kay propeta Isaias, siya ay ang lingcod na itataas at binigyan siya ng kapangyarihan pairalin ang katarungan sa daigdig, upang magkaroon ng tipan ang Diyos at ang tao, magdala ng liwanag sa lahat ng bansa, at magpadilat sa mga bulag at magpapalaya sa mga bilanggo ng kadiliman.

Sabi naman ni San Pablo sa ikalawang pagbasa, si Hesus a yang hinirang, ipinagkaloob sa kanya ng Diyos ang Espiritu Santo at ang kapangyarihan bilang katunayan na siya nga ang Hinirang. Sapagkat sumasakanya ang Diyos, saanman siya pumaroon ay gumagawa siya ng kabutihan at nagpapagaling sa lahat ng pinahihirapan ng diyablo. At mula sa isang tinig na nagmula sa langit kinumpirma na siya nga. “Ikaw ang minamahal kong Anak, lubos kitang kinalulugdan,” ang sabi tinig ng Diyos.

PANIMULA. Ang pagbibinyag ay isang palatandaan ng simula, ng inisyasyon (parang sa fraternity), isang panimula. Ito rin ay isang pagkukumpirma (kumpil). Simula ng ano? Sa liturhiya, ito ang simula ng pagniniay natin sa buhay ordinaryo at ministeryo ni Hesus. Sa mga susunod na mga linggo, bago magsimula ang semana santa, mapapakingan natin ang mga turo at gawa ni Hesus, ang kanyang mga milagro, panalangin, pangarap para sa ating lahat. Yung mga katuparan ng nabangit sa “PINILI.”

Ito rin ang panamila sa kanyang pagsisilbi sa sangkatauhan, ang simula ng kanyang final mission. Ito ang simula ng napakalaki at napakabigat na responsibilidad: iligtas ang sangkatauhan sa kasamaan. Eto yung parang kung sa fraternity nga ay yung hazing na kailangan iendure upang mapabilang sa frat. Eto yung simula na pinanindigan ni Hesus bagama’t alam niya na may pagtutol sa mgatao at ang mga nasa awtoridad ay hindi naniniwala sa kanya. Simula na mauuwi sa kamatayan.

At sa simula palang ay kailangan nang may pagkukumpirma, PAGPAPATUNAY. (kaya nga dati, ang binyag at kumpil ay magkasabay na binibigay o magkasunod na binibigay). Bago makapagsimula sa isang gawain, sa isang trabaho, o misyon, dapat kumpirmado muna na tinangap ka nga sa trabaho at kumpirmado na tatangap ka ng sweldo. Hindi tayo basta basta susulong na di naman pala kumpirmado anong gagawin, san tutungo, na tangap tayo, na napili tayo.

May isang awtoridad o nakakataas na magkukumpirma na siya nga ay sinugo, na ang isang tao ay ipinadala na magsagawa ng imbestigasyon, ng gawain, o magsalita sa ngalan ng nakatataas etc. Ang binyag ni Hesus ay isang kumpil. Isang kumpirmasyon na siya ay ang PINILI, PINADALA at PINAPAALALAHANAN tayo na makinig sa Kanya. Sapagkat siya ang anak ng Ama na kinalulugdan Niya. Isa itong kumpirmasyon na ang kanyang mga kilos, salita, at gawa ay may pahintulot at mula sa Diyos Ama.

Ito rin ang simula ng pagbaba ng kasikatan ni Juan Bautista. Ito ang simula ng paglipat ng mga tagasunod ni Juan upang maging tagasunod ni Hesus. Isang kumpirmasyon na hindi nga si Juan ang Mesiyas. Kundi siya lamang ay ang sinugo upang ihanda ang daan ng tunay na “the one.”

PAALALA.
Ang Kapisthan ng Pagbibinyag sa Panginoon ay isang paalala sa atin na mula dito hinango din ang ating sakramento ng Binyag at Kumpil. At isang paalala ng kaakibat ng pagiging isang binyag na Kristiyano at Kumpirmadong Kristiyano.

Ipinapaalala sa atin na tayo rin ay mga taong PINILI. At nung tayo ay bininyagan, ito rin ay ang ating PANIMULA sa pagiging bahagi sa sambayanang Kristiyano, kabilang sa Simbahan. Ito rin ay isang PAGPAPAALALA na bilang mga binyag kay Kristo, tayo ay considered bilang mga anak ng Diyos. Isang pagpapatunay na mahal tayo at kinalulugdan din tayo ng Diyos Ama. Kung kaya’t walang dahilan upang manatili tayong nakasimangot. Walang dahilan upang tayo’y mawalan ng pag-asa, na hindi tayo minamahal, na tayo ay nag-iisa. Kung ikaw ay binyag, ibig sabihin pinili ka.

Pinapaalalahanan din tayo sa responsibilidad natin bilang mga Kristiyano. Hindi lang tayo pinili upang mapabilang sa simbahan. Kundi hinihikayat din tayo na maging aktibo sa mga gawain ng simbahan. Hinihikayat tayo na pagsilbihan ang isa’t isa at nag sa gayon ay mapagsilbihan natin ang ating Panginoon. At panghuli, bilang mga bininyagan sa ngalan ni Jesukristo, ipagpatuloy natin na maging mga sakramento niya dito sa mundo, sakramento ng pagmamahal ng Diyos sa tao.

No comments