APOY AT TUBIG - TUBIG AT APOY : Dalawang elemento na ginagamit natin ngayong gabing ito sa pag-gugunita natin ng pinakamasayang araw sa bu...
APOY. Anu nga ba ang silbi ng apoy sa ating buhay? Apoy ang gamit natin upang tayoy makapagluto ng masusustansyang pagkain upang tayo ay mabuhay. Apoy ang kailangan upang ang karneng hilaw ay maging isang karneng kanais nais kainin. Apoy ang kailangan upang maluto ang kanin, ang gulay at ibat iba pang sangkap na nagbibigay sustanya sa atin.
Apoy ang kailangan upang ang isang yero ay maging isang pintuan, tabak at iba-iba pang mga kagamitan na yari sa bakal o yero na bahagi ng ating bahay. Apoy ang kailangan upang maging palamuti ang bubog, makagawa ng bintana na see through at upang makagawa ng salamin upang makita mo ang kagandahan ng iyong sarili. Apoy ang kailangan upang ang iyong ginto, pilak at tanso ay iyong mapakinabangan.
Anu man ang daanan ng apoy, anuman ang tupukin ng apoy ay siguradong tutong, matutunaw, malalasaw, magiging abo: sa isang salita mabubura sa balat ng lupa o mababago ang kanyang kaanyuan.
TUBIG. Tubig din ang kailangan mo upang ang mga minomold sa apoy ay tuluyang mapakinabangan. Tugbig. Kung walang tubig ewan ko lang kung hangang kailan ka mabubuhay. Tubig ang unibersal na sangkap sa ating buhay. Ang mismo nanting katawan ay binubuo ng malaking porsyento ng tubig. Ang ating mundo ay binubuo din ng malaking posyento ng tubig na syang nagbibigay satin ng buhay.
Tubig ang kailangan mo para ikaw ay maging malinis sa katawan. Tubig ang kailangan mo kung ikaw may karamdaman. Tubig ang kailangan mo para mapunuan ang iyong pagkauhaw. Anu man ang daanan ng malakas na tubig ay nabubura sa balat ng lupa. Anu man ang suyurin ng tubig ay siguradong malulusaw, malilinis, mawawash-out: sa isang salita muli, mabubura sa balat ng lupa o mababago ang kanyang kaanyuan.
ANG PAGKABUHAY NA MULI NI KRISTO ay parang ang apoy at tubig na aking nabangit kani kanina lamang. Nabago ang lahat ng kanyang nadaanan. Mula sa sinaunang panahon, sa panahon ng kanyang paglagi sa mundo at sa mga panahon pa na darating sa atin.
Nang si Kristo ay nabuhay, nabago ang estado ng buhay ng tao, tayo’y tinawag na kapatid ni Kristo, mga anak ng Diyos. Nang si Kristo ay nagpakasakit at namatay, ginawa nya tayong malilinis na tao mula sa kasalanan ng mundo, kasalan ng mga unang tao. Tulad ng apoy at ng tubig, nilinis niya ang pagkatao, binigyan niya ng dangal at karangalan ang buhay nating mga tao.
Sa kanyang pag pass – over o sa kanyang pagdaan, sa kanyang pag tawid sa ating mundo bilang isang tunay na Tao patungo sa isang tunay at ganap na Dios na Tao, sa kanyang pagtawid mula sa kadiliman patungo sa liwanag, kagaya ng pagtawid ng mga Hudio mula sa Egipto patungo sa lupang pinangako, binigyan niya o iniaangat niya ang buhay ng tao sa pinakamataas na estado nito. He glorified man by his very own glorification. He brought man into its highest state and glory. He completed man’s imperfection and brought man to perfection: JESUS IS THE GLORIFIED TRUE MAN AND TRUE GOD.
Ang pagkabuhay na muli ni Kristo ay nagpuno ng ating kagutuman sa Dios. Ang pagkabuhay na muli ni Kristo ay naghubog sa atin sa pagiging isang ganap na tao, molded us into precious human beings like gold, silver and bronze. Sa pagkabuhay na muli ni Kristo, tayo ay nalinis sa ating mga kasalanan, tayo ay napuno sa ating pagkauhaw, tayo ay naging buo. Sa isang salita, tayo ay nabago.
Kung kaya’t, kung tunay nga na dumaan sa inyong buhay si Hesukristo, ang buhay nyo ay dapat may pagbabago. Kung kayo ay naniniwala na si Hesus ay nabuhay na muli, dapat ay tumawid na din kayo mula sa buhay nyo na madilim patungo sa isang buhay na maliwanag. Bilang isang binyag kay Kristo, dapat ay magsilbi din kayo bilang isang kandila, maging isang liwanag ang buhay nyo sa inyong kapwa lalu na sa mga hindi naniniwala kay kristo. Dapat kayo’y malinis at maging tubig para sa mga nauuhaw sa Dios, mga naghahanap ng pagkalinga, ng pagmamahal at ng pagtulong sa kapwa.
Kung tunay ngang kayoy Kristiano, PANATILIHIN NYONG BUHAY! “ANG BUHAY! NA KRISTO”, nag-aalab sa pag-ibig at pagmamahal ng Diyos, dalisay at crystal clear water ang pamumuhay bilang Kristiano.
THE LORD ID RISEN. ALLELUIA! ALLELUIA! Happy Easter po sa inyong lahat at magandang gabi.
Homily for the Easter Vigil 2013.
No comments