Photo credits to Bro. Nicer Natulla, CMF Merong isang poema si San juan de la Cruz na nagsasabi na "si quieres subir baja, si quie...
Photo credits to Bro. Nicer Natulla, CMF |
Ang buhay pag-aaral ay maari nating gamitan ang mga katagang ito. Hindi bat yun ang gagawin ninyo mayamaya lang.. kayoy aakyat at baba dito sa entablado na ito.
Mga magaaral, kung gusto mo na tumaas ang iyong grado, ang ang dapat gawin? ..... tama, dapat mag aral ng mabuti. Dapat yumuko para magbasa, gumawa ng assignments, magsunog ng kilay. Kailangan bumaba sa kama para umupo sa silya at tutukan ang dapat na aralin. Diba't kapag nag-aral ka ng mabuti ay may maisasagot ka sa iyong titser pag nagtanong. At may maisasagot ka pag dating ng exam. At kapag nakasagot ka ng maayos sa exam ikaw ay magkakamit ng mataas na lagda. At sa pagakakuha mo ng matatas na lagda, sure na sure yon na ikaw ay aakyat sa entablado na ito para ipagkaloob sa iyo ang medlya, ang gantimpala ng iyong pagsusumikap, gantimpala ng iyong pag yuko nitong mga nakaraang buwan ng pag-aaral.
Para naman sa mga magulang, kung gusto ninyo na umakyat dito sa entablado, sikapin nyo na matuto din kayo na yumuko para tingnan kung tama ba yang pinagsusulat ng anak nyo. Yumuko para tulungan ang anak nyo sa pag aaral. Yumuko, mag trabaho, para matustusan ang pangangailangan ng bata sa kanyang pag aaral. Hindi bat napakaliking consuleo para sa inyo na makita ang inyong anak na ginagawaran ng medalya at kayo din ay aakyat dito. Kailangan bumaba ka sa iyong mga hilig tulad nung ikay binata o dalagingding pa upang mapagtuunan mo ng pansin ang iyong anak. Saka ka na mag chin up pag andito ka na sa stage para naman maganda ang kuha ng kodak sa iyong pagabot ng diploma o pagsabit ng medalya sa iyong anak. Sayang naman ng perfume mo kung di ka makunan ng litarto na naka chin up. jejejeje
Subalit mga kapatid, mga mag-aaral wag kyong masyadong mag mataas, pati kayo mga magulang, kung ang inyong anak ay first, second o nangunguna sa clase, kasi baka sa inyong pagmamataas, kayo ay sa huli marealize na ay... ako, kami pala ay nangulelat at may tunay pala na mas magaling sa akin. Huwag kayong mag pasikat kung gusto nyo na hindi na makaakyat sa entablado at parati na lang kayong nasa baba. Dahil ang inyong mga kaaway ay maaring gumawa ng paraan para kayo ay mapababa.
Natapos na din ang isang taong paghihirap mga kapatid ko na mga magulang. May darating pa. Subalit ang pagtatapos ng taon na ito ay magdudlot ng kasiyahan at kaligayahan para sa inyo. Dahil sa inyong pag sisikap ay namunga naman ang lahat ng ito sa pamamagitan ng inyong mga anak.
Malapit na din ang Holy Week, kung kayat ang readings natin sa araw na ito ay pagsasalaysay sa katapusan din ng buhay ni Jesus. Napakalungkot isipin na ang pinagpaguran na puno ng pagmamahal, bagamat ginawa nya ito na nakayuko ang kanyang mga ulo o sa pagpapakumbaba, ang kanyang mga kaaway. Gumawa ng paraan ang kanyang mga kaaway para siya ay mapababa dahil puno sila ng kasamaan at di matangap ang pagbaba ng Diyos dito sa lupa.
Subalit kahit na hindi man natangap ng tao ang pagbaba ng Dios sa lupa, sa kanyang muling pag akyat naman ay buhay natin ang gantimpala. Holy week na mga kapatid. Sanay patuloy kayong maging mapakumbaba kahit na kayoy malimit na umaakyat o nakakaangat. At anu man ang natutunan nyo dito sa taong ito ay maisagawa at maipakita bilang isang tanda ng presensya ng Dios na ating tagapaglikha.
No comments