Anu anong mga bagay bagay sa mundo na hindi nawawala, nabubulok, hindi naglalaho sa pag daan ng panahon? Halos lahat ay nagdedecompose at...
Anu anong mga bagay bagay sa mundo na hindi nawawala, nabubulok, hindi naglalaho sa pag daan ng panahon? Halos lahat ay nagdedecompose at nawawala. Kahit plastic, pagdaan ng panahon nawawala din. At ang tao naman (plastik man yan o totoo 😊), sa takdang panahon, ang kanyang physical na katawan ay nagiging abo. Lahat may katapusan. Kung sa mga salita pa ng mga bitter, “walang forever”.
Alam natin na may katapusan ang lahat, ngunit maraming takot sa katapusan. Marami ang takot na mawala sila sa mundo o ang sino mang mahal nila sa buhay. O sino ba sa inyo dito ang hindi takot mawala sa mundo? Sino ang hindi nababahala na mawala ang anak, ang kapatid, ang kabiyak? Bakit kaya tayo takot na mawala sa mundo, mamatay? Bakit kaya tayo takot sa katapusan ng mundo? Magari… perché… kaya tayo ay takot na mawala nang parang bula ay dahil takot tayo na makalimutan tayo ng iba, na mawalan tayo ng halaga, na mawalang na ng saysay ang ating pagiging tao natin. Magari… perché… yung binasa natin sa biblia at ang naikwento sa atin ng mga nagturo patungkol sa pananampalataya ay kulang o literal na pagkabasa ng huling mga araw ng mundo. Kung kaya naman ay malimit na kapag nababangit ang katapusan ng mundo ay natatakot tayo. O kaya naman, kapag may mga sakuna at mga pangyayaring nakakakilabot, at maraming namamatay, ay nasasabi nating, ay katapusan na siguro ng mundo. Nasobrahan ata tayo ng kakapanood din ng sine.
Medyo serious muna ako ngayon upang may matutunan ulit kayo ngayon at may bagong maidagdag sa inyong pananampalataya o pagkakakilala sa Diyos. Well, kahit nagpapatawa ako sa inyo sa Misa, usually naman yung mga biro ko ay may laman at realidad na tinutumbok at aral na tinutukoy.
Balikan nga natin ang lahat ng pagbasa ngayong araw na ito kung KATAPUSAN nga ba ang binibigyang diin ditto:
"Maliligtas ang mga kababayan mong ang pangalan ay nakasulat sa aklat ng Diyos. Mabubuhay ang marami sa mga namatay sa lahat ng panig ng daigdig; ang iba’y sa BUHAY NA WALANG HANGGAN, at ang iba’t sa KAPARUSAHANG WALANG HANGGAN.” Ayon sa unang pagbasa.
“Ituturo mo ang landas na buhay ang hahantungan, sa piling mo’y madarama ang lubos na kagalakan; ang tulong mo’y nagdudulot ng LIGAYANG WALANG HANGGAN.” Ang sabi naman ng salmo.
“Sa pamamagitan ng isa lamang paghahandog ay kanyang PINAGPAGING-BANAL MAGPAKAILANMAN ang mga nilinis niya. Sapagkat ipinatawad na ang mga kasalanan, hindi na kailangan pang maghandog dahil sa kasalanan.” Ayon sa ikalawang pagbasa.
“Mawawala ang langit at ang lupa, ngunit ANG MGA SALITA KO’Y HINDI MAGKAKABULA.” Ang sabi ni Jesus sa kanyang mga alagad.
Bagama’t ang setting ay apocalyptic o katapusan ng mundo, ang tunay na binibigyang diin ay hindi ang salitang KATAPUSAN kundi ang salaitang… WALANG HANGGAN / MAGPAKAILANMAN / HINDI MAGKAKABULA / MAY FOREVER.
E bakit naman kasi nakakatakot yung mga sinasabi sa Banal na Aklat? Kung babasahin natin ng literal, nakakatakot talaga. Pero kung babasahin natin ito habang alam natin ang kontexto ng binabasa natin, mas magkakaroon ito ng kahulugan at lalago ang pananampalataya natin. ANG MENSAHE NG KAGALAKAN AT PAG-ASA NA SENTRO NG MENSAHE NG MGA GANITONG LITERATURA ay malimit na ibinabahagi ng mga manunulat sa pamamagitan ng mga nakakatakot na pangyayari o mga bagay bagay. Hindi dapat natin hindi dapat natin basahin ang mga ito ng literal.
Unang una sa lahat, dapat alamin natin ang kontexto nung panahon na isinulat ito. Nung isinulat ito ni San Marcos, ang Emperio Romano ay nagkaroon ng maraming digmaan, pagkagutom, salot, at mga sakuna. Ang mga pamayanang Kristiyano naman ay napepersecute at di na nila mawari anong nangyayari sa kanilang buhay. Seems like katapusan na ng mundo.
Tungkol naman sa pagkagunaw ng mundo, ng kalangitan, ng buwan at ng mga tala, para lang yan yung sinasabi na “gumunaw ang mundo ko, dumilim ang langit sa harap ng aking mga mata, nahulog ang mga pangarap na bituin, di nasungkit ang bituin, etc,” kapag iniwanan ka ng kaforever mo o nabigo sa pag-ibig. (talagang naisingit pa ang hugot e noh).
O sino dito mahilig magbasa ng horoscope? O huwag na itaas ang kamay kung ayaw mapahiya. Hahahahahaha. Ang mga tao noon ay naniniwala at sumasamba sa mga tala sa langit, sa mga diyos-diyosan sa kalangitan, sa mga kamangha-mangha sa kalangitan, naniniwala sa tadhana na binibigay ng mga tala. Parang yung alam nating horoscope ngayon… nakasalalay ang buhay sa sinasabi ng constellation, ng zodiac sign, ng mga bituin nagniningning sa langit… kaya nga hindi dapat naniniwala sa horoscope ang isang tunay na nanampalataya sa Dios…dahil hindi ang mga tala ang nagdidikta ng iyong buhay…oops. Mahigpit na kinukundena ito ng mga profeta. Ang sabi pa ni Moses sa mga tao: “kung titingnan ninyo ang mga langit, at makita ninyo ang araw, ang buwan, mga langit, at lahat ng nasa kalangitan, huwag na huwag kayo luluhod at huwag samabahin ito at pag-alayan bilang mga diyos.” Kung kaya’t ang mga apocalyptic texts na nababasa natin sa mga libro ng profeta kagaya nila Isaias, Daniel, etc., ay dapat na intindihin at alalahanin na ang ibig ipahiwatig nito ay MAWAWALA ANG MGA DIYOS-DIYOSAN (na nirerepresenta ng mga tala, langit, buwan, etc) at ang tao ay hindi na mapapasailalim sa mga diyos-diyosan kundi MAPAPASAILALIM NA LANG SA IISANG DIOS… ANG DIOS NG BUHAY…AT ITO AY FOREVER.
Hindi rin ito ginamit ni Jesus upang takutin ang kanyang mga tagasunod, kundi para BIGYAN SILA NG PAG-ASA AT SABIHIN NA ANG MGA PAGHIHIRAP SA BUHAY AY MAY KATAPUSAN AT HINDI PANG HABANG BUHAY. Ang mga salot, tagutom, sakuna, violencia, persecution ay palatandaan na hindi pa dumadating ang panahon. Sa takdang panahon ay may hantungan din ito. At hindi nagpapabaya ang Dios. Sabi pa ni San Marcos: “ang Anak ng Tao ay hindi papayag na mawala sila; sa pamamagitan ng kanyang mga ángel, lilipunin niya sila sa apat na bugso ng hangin (ibig sabihin sa lahat ng direksyon: East, South, West, North) at lilipunin sila mula sa buong mundo.” Kung gayon, ang mensahe ay hindi KATAPUSAN, kundi isang anunsyo ng KALIGAYAHAN, ng PAG-ASA para sa mga naging tapat sa Diyos – FOREVER NA KASIHAYAN SA PILING NG DIYOS. Ang puno ng igos ang ginamit upang mas ipaintindi anong ibig niyang sabihin.
O bakit igos? Kayo na mga nandito sa Italia ay mauunawan ninyo ito ng mas maigi dahil nakikita nyo ang igos dito. Doon sa atin sa Pinas wala nyan e. Bakit ang igos ang example? Sapagkat ang igos, kung inyong mapapansin, ay nagkakadahon lang kapag patapos na ang “primavera” (literal: bago sa dumating) at tanda ito na… “estate” (literal: nandito na). Sa español mas madali magets kasi “primavera” ang spring time tapos “verano” ang summer. E diba ang estate ay panahon ng bakasyon, ng beach beach, ng kasiyahan etc. Ito rin ang panahon ng ani o nakaani na. Ang importanteng panahon sa agrikultura. Panahon ng pagsasaya ay nandito na. Kung kaya ang pagsibol ng mga dahon igos ay ginawang symbolo ng papalapit na FOREVER NA PAGHAHARI NG DIYOS. Dahil kapag forever na ang paghahari ng Dioys, puro na lang ligaya at saya, wala nang lungkot at pagdurusa.
Kelan ito mangyayari? Di ko alam. Ikaw alam mo? Di natin alam. Sabi pa sa Gospel, walang nakaka alam. KAYA’T DI KA DAPAT FOREVER NA MAGHINTAY. KUNDI KUMILOS KA HABANG NAGHIHINTAY KA SA IYONG FOREVER. (doble meaning yan 😊)
“Mawawala ang langit at ang lupa, ngunit ANG MGA SALITA KO’Y HINDI MAGKAKABULA.” Mga kapatid, lagi nating tandaan, at ipinapaalala ng simbahan sa araw na ito, kahit na may katapusan ang lahat, MAY FOREVER TAYO SA DIYOS!

No comments