Ngayong Linggong ito, ipinagdiriwang natin ang Kapistahan ng Banal na mag-anak. At sa araw din na ito ay ipinagdiriwang ang kapistahan ni Sa...
PAGGALANG. Sa unang pagbasa ay tinuturuan tayong gumalang at magpasensya sa ating mga magulang. Ito yung malimit na pinagmumulan ng gulo sa bahay – kapag walang paggalang ang mga anak sa magulang – at kapag wala ding paggalang ang mga magulang sa mga anak. Noon siguro pupwede pa yung pasusundin mo ang mga anak ng kung anong gusto ng magulang. Pero hindi na pwede yan ngayon dahil Nakita natin na labag sa karapatang pantao ang hindi igalang ng mga magulang ang buhay ng kanilang mga anak. Kinakailangan mutual ang paggalang sa loob ng bahay. Gayun pa man, kapag ang anak ay nagging maggalang sa kanyang mga magulang, mapupulot din ito at mamamana ng kanyang mga anak kapag siya na rin ay nagging magulang. Malimit kong sinsabi sa mga mga batang nangungumpisal kapag ang parating sumusuway sa mga magulang at sumasagot ng pabalang: gusto mo rin bang sagutsagutin ka at suwayin kapag naging nanay at tatay ka na?
Siguro naalala nyo pa yung kwento ng matanda na may alzaimer...di ko na uulitin dahil saulo nyo na ang kwento
Anu man gawin ng mga magulang sa harap ng bata, ay siya ring gagawin ng bata dahil ang akala ng bata, ang ginagawa ng matanda ay tama. Inaanyayahan tayo, bilang mga magulang, na ipakita sa mga bata ang tamang pagmamahal, tamang asal. Huwang ninyo silang bigyan ng dahilan upang maging masama. Mahalin ninyo mga magulang ninyo. Dahil pag kayo na ang may mga anak na walang galang, wala kayong karapatan sabihan sila ng “wala kang galang” dahil mismong kayo, hindi rin kayo sa inyong ama’t ina, gumalang at nagmahal.
PAGSUNOD. Ang isa pang ingredient ay pagsunod, ang pagiging masunirin. Ang banal na mag-anak ay modelo sa pagsunod sa utos at kalooban ng Diyos. Unang una ay sinunod ni Maria ang kalooban ng Diyos. Pangalawa, nung naipanganak na si Jesus, alinsunod sa batas ng kanilang relihiyon, nang dumating ang araw ng paglilinis sa kanila, ayon sa kautusan ni Moises, dinala si Hesus ng kanyang mga magulang sa Jerusalem upang iharap sa Panginoon, sapagkat ayon sa Kautusan, “Ang bawat panganay na lalaki ay nakatalaga sa Panginoon.” At naghandog sila, ayon sa hinihingi ng Kautusan ng Panginoon: “Mag-asawang batu-bato o dalawang inakay na kalapati.” Gayun din, nang maisagawa nila ang lahat ng bagay ayon sa Kautusan, bumalik na sila sa kanilang bayan, sa Nasaret, Galilea. At ano ang resulta sa bata? Ang bata’y lumaking malakas, marunong at kalugod-lugod sa paningin ng Diyos.
Siguro kung matututo lang din tayo na alinsunod sa tama ang lahat ng ating gagawin – sa loob at labas ng bahay, siguro magiging maganda ang takbo ng pamilya. Kung ang mga magulang ay law abiding citizens, walang problemang dulot sa bahay. Kung ang mga bata ay sumusunod sa mga magulang, marahil ay may didiplina at hindi rin magulo sa bahay.
PAGPAPAKUMBABA. Isa pang ingridient para sa isang masaya at buong pamilya ay ang pagpapakumbaba. Hindi lamang ito para sa mga anak, kundi o lalung lalu na sa mismong mag-asawa. Ang ikalawang pagbasa ay nagpapaalala sa atin anung dapat na mga ugali na dapat nating pairalin sa loob ng bahay: compassion, kindness, humility, gentleness, and patience, bearing with one another and forgiving one another. Ito yung mga dapat ituro sa mga anak sa pamamagitan ng pagsasagawa nito at pagpaparamdam. Kapag naramdaman ng mga bata ang ganito, tiyak na babalik at ipapadama din sa inyo ang pagmamahal na pinaranas ninyo.
Alam natin na ang mga bata ay higit na natututo sa kanilang nakikita kaysa sa kanilang naririnig. Kaya kahit anong bunganga mo jan at kakatalak, hindi papasok sa kokote ang gusto mong ipaalam sa bata. Anuman ang makita ng mga bata mula sa kanilang mga nakatatanda, naniniwala silang tama ito. Ang buhay Kristiyano ng mga magulang ay ang pinakamahusay na paraan upang magbigay ng katekesis sa mga anak. Kung ang mga magulang ay nagdarasal sa bahay, natututo ang mga bata na manalangin kasama nila. Kung nagbabasa ang mga magulang ng Bibliya, matututo ang mga anak na maghanap ng ilaw ng kanilang buhay sa salita ng Diyos. Kung ang mga magulang ay nagsisimba at sa bahay ay maganda ang relasyon, may pagpapakumbaba, matututo at mahihikayat ang mga bata na magpatuloy sa pananampalataya. Kung ang mga magulang ay nagpapakita ng pagmamahalan sa loob ng bahay, kapatawaran, pagkamapagbigay sa kanilang mga kapatid, ang mga bata ay gagaya sa kanila. Kahit hindi mo turuan at sabihan ang mga bata, gagayahin nila sapagkat yun ang kanilang nakikita.
Anak ako ng OFW. At lumaki akong malayo ang mga magulang ko. Iba yung feeling ng lumaki na malayo ang mga magulang. Hindi ko noon maintindihan kung bakit ganun at ang kanilang mga nararamdaman. Ngunit nitong mga taon na magakakasama tayo, sa mga kwentuhan natin tuwing linggo habang nagluluto ng pansit. Naiintindihan ko yung nararamdaman ng iba sa inyo na nandito, nagaalaga ng mga bata na hindi naman sa inyo, nag-aalaga ng mga matatanda na hindi naman ninyo mga magulang. Samantalang ang inyong mga anak o ang inyong mga ina’t ama ay nasa pilipinas – naghahanap ng inyong pagmamahal at kalinga. Yung mga luha ko noon ay nakikita ko ngayon na katumbas din ng mga luha ninyo habang nangungulila sa inyo ring mga naiwang pamilya sa pilipinas. Naalala ko tuloy yung kwento ng isang bata. Malamang alam nyo na din tong kwentong ito tungkol sa mag-ama:
May isang tatay daw na mula sa trabaho, pagod na pagod at syempre pagpagod mainit ang ulo. Ang anak nya ay naghihintay sa pintuan. Tiannong siya ng bata, pwede po bang magtanong? Oo naman sabi ng tatay. Magkano po ang kinikita ninyo sa isang oras? Nagalit ang tatay at sabi na wala ka nang pakialam doon. Ang kulit ng bata at nagtanong ulit, sige na, magkano po ang kinikita ninyo ng isang oras. Sa inis ng tatay ay sinabi na lang na 20 euro sa isang oras. “ay” sabi ng bata tas biglang sabi sa tatay, pwede po ba akong makahingi ng 10 euro? E di lalong nagalit yung tatay... nagtanong magkano para makahingi ng pera.. para saan mo na gagamitin.. etc at lalong nagalit. Pagod na pagod ako tas eto aabutan ko sa iyo. Wala akong panahon sa mga larong pambata...natahimik ang bata, pumunta sa kwarto at sinara ang pinto...makalipas ng ilang minuto. Lalong na inis ang tatay at nairita sa kakaisip bakit kaya tinatanong ng bata ang sweldo at nanghihingi pa. Parang ang iab jan siguro pag hinhingiian ng pera sa pinas... pakalipas ng isang oras, nahimasmasan na ang tatay at napagtanto, napaisip bakit kaya ganun na lang yung bata at naghihingi ng pera. Hindi naman naghihingi ang bata ng pera madalas. Kaya pinuntahan niya at kinausap... nagsorry tas nagpaliwanag na pagod si daddy kaya pasensya na sa nangyari... tas sabay abot sa 10 euro na hinhihingi ng bata... abay na patayo ang nakahiga nang bata at biglang abot langit ang saya at nagpasalamat “maraming salamat po”. Then kinuha ng bata ang nakatago niyang pera. E di nagsisimula nang mainis ulit ang tatay hangang sa bilangin ng bata ang pera niya. “walang ya, may pera ka na pala humingi ka pa sa akin ng pera”. E kasi po kulang po yung pera ko. Eto po may 20 euros na ako, pwede ko po bang bilhin ang isang oras mo para makasama ko kayo ng kahit isang oras lang?
Bagama’t narito kayo Italya. Hindi man sa mga tunay na anak ninyo at sa mga tunay na mga magulang ninyo kayo nagaaruga, pagbutihin at ipadama nang buong buo ang pagmamahal sa kanila. Sapagkat sa pamamagitan ng pagaalaga ninyo sa mga bata at matanda, sa mga pamilya dito ay nagiging instrumento kayo ng pagtuturo ng kung paano dapat mamuhay ang isang mag-anak. Gaya ng sabi ni Pope noon, kayo ang nagdadala, nagtuturo ng pagiging tunay na Kristiyano sa mga banyagang inaalagaan ninyo. Hindi man lahat, pero malamang ang iba sa inyo makikita sa mga dati ninyong inalagaan na malalaki na ngayon, kung paano sila umasal ngayon...kasama kayo sa dahilan bakit ganyan sila ngayon. Ipagpatuloy ang pagturo sa kanila ng tamang paggalang, pagsunod at pagpapakumbaba.
No comments