Page Nav

HIDE

May Pagkain Ba Kayo Jan?

May pagkain ba kayo jan? Padre naman nasa Misa tayo, pagkain ang hinahanap nyo. Hindi ata kayo nag almusal eh. Sa Rome, pag Sunday, may isan...

May pagkain ba kayo jan? Padre naman nasa Misa tayo, pagkain ang hinahanap nyo. Hindi ata kayo nag almusal eh. Sa Rome, pag Sunday, may isang filipino community na pumupunta sa amin sa aming General Curia para magsimba. I used to be their Spiritual Director. At pagkatapos ng Sunday Mass ay sa mga bahay nila ang tuloy naming para sa lunch. Dahil pag Sunday lang din ako nakakakain ng kanin at lutong pinoy kaya I really look forward sa Sunday. Sa bahay tuloy, ang joke nila, yan si Father Louie wala yan sa Sunday dahil may kainan. At sa mga pinoy naman na member ng community ay kilala ako na si pader na mahilig bumisita sa mga bahay bahay para makikain. So far wala naman nagsabi na si pader na patay gutom nandito na. Hopefully.

Bakit ko nga ba sinimulan ang aking homily sa pagkain? Baka naman pads pinapatamaan mo lang kami na mga mahilig sumama sama sa mga gathering na ito kasi may kainan. Di naman. Di naman masyado. Dahil in fact, isa kasi sa pagkakakilanlan natin na mga Kristiyano ay ang pagsasalu-salo. Ang pagkain ang nag uugnay sa atin. Ito rin ang nagbibigay ng pagkakataon ng pagsasama-sama natin. Napakababaw na dahilan diba? Pero kung inyong susuriin, ito pala ay napakalalim. Payak na dahilan pero makahulugan.

Nang hindi pa rin sila makapaniwala dahil sa malaking galak at pagkamangha, tinanong sila ni Hesus, “May makakain ba riyan?” Siya’y binigyan nila ng kaputol na isdang inihaw; kinuha niya ito at kinain sa harapan nila.

Si Hesus, upang mas maintindihan ng kanyang mga tagasunod ang kanyang purpose dito sa mundo ay dinaan niya sa hapag kainan, sa huling hapunan. Si Hesus upang ipaalam sa mga tagasunod niya na sila ay kanyang mga kaibigan at ipagutos na sila ay magsilbi sa isa’t isa at mag-ibigan, dinaan niya sa kainan, sa huling hapunan. Ngayon naman siya ay nagbalik sa kanyang pagkamatay, nabuhay muli, para tuluyang maniwala ang kanyang mga alagad ang kanyang strategy ay: “meron ba kayong makakain jan?”. Payak na pamamaraan subalit makahulugan. Naghiwalay sila pagkatapos ng hapunan. Nung magkitakita ulit sila, nauwi pa din sa hapag kainan. Yung dalawang lalaking bumalik sa community pagkagaling sa Emmaus, hindi nila nakilala agad si Hesus. Nakilala lang nila Siya sa sa paghahati-hati ng tinapay at dali dali silang bumalik. At yun na yung simula ng gospel na ating binasa.

Sa paghahati-hati ng tinapay nakilala, nakikilala si Hesus. Kung kaya’t hangang sa ngayon, every day, kaming mga pari ay naghahati-hati ng tinapay. Kung kaya’t kayo ay inanayayahan na every Sunday ay dumalo hapag kainan sa simbahan. Tipid nga lang. Di pa magpainom si pader ng wine. Mahal kasi eh. Mura yung hostia lang.

We are keeping the command of Jesus nung huling hapunan, to do this in memory of me. The celebration of the Eucharist reminds us of the last supper. Pinapaalala ng eukaristiya ang kanyang kautusan. Ipinapaalala ng eukasristiya ang paghahandog ng sarili na ginawa ni Hesus para sa ating lahat. At higit sa lahat, ipinapapalala ng eukaristiya na sa bawat pagtitipon natin sa misa, nandito ang presensya ng Risen Christ. Ang eukaristiya ay nagpapaalala sa atin na ang Panginoon ay nandito, kasama natin, NASA KAPIRANGOT NA TINAPAY NG BUHAY NA PINAGSASALUHAN NATIN at nasa bawat isa sa atin bilang mga binyag na Kristiyano. Kaya pag tanungin nyo ako during Mass, may pagkain ka ba jan, ang isasagot ko sa inyo, ang ibibigay ko sa inyo ay the body of Christ, ang katawan ni Kristo pero mamaya na sa communion para sabay sabay.

Ngayong ika tatlong lingo ng panahon ng pagkabuhay mga kapatid, ipinapaalala sa atin ang mga tanda o signs of the presence ng nabuhay na muli na Kristo. Mga tanda upang makilala natin ang nabuhay na muli na Kristo. Una sa lahat ay ang BANAL NA MISA na nabangit ko na kanina.

Ang pangalawa ay ang COMMUNITY O SIMBAHAN. Sabi pa nga sa Mathew 18:20, "For where two or three are gathered together in My name, I am there in the midst of them.” Maswerte kayo na naging bahagi kayo ng Couples for Christ dahil meron kayong community na babalikan after your experience as a couple. Meron kayong pagkukwentuhan ng inyong buhay at kung papaano ninyo nakilala, nakililala, naisasabuhay ang presence in Christ sa bahay. Hopefully ha, hopefully malakas ang presenc ni Christ in your individual homes at ang kanyang presence ay nakikita sa inyong mag asawa ng inyong mga anak at ng inyong mga kapitbahay. Alam ko naman kasi, mahirap, its not easy to be trully Christian. Nandito kayo, behave. Baka mamaya pag-uwi sa bahay o pagkatapos nitong gathering balik na naman sa bangayan. Wag naman.

So you have the community of believers. Nakikita ang presence of the Risen Lord sa community, sa simbahan. Gaano pa man yan kagulo. Tayo lang naman minsan ang nagpapagulo sa simbahan o sa community e. Kapag we have other intentions at motives na malayo sa ipinaguutos ng ating Panginoon na magmahalan at magsilbi sa isat-isa.

So, the eucharist, the community of believers o ang simbahan, the other one saan natin nakikilala o nakikita ang presence ni Christ ay sa WORD OF GOD, sa banal na kasulatan, sa sacred scriptures. Sa SALITA NG DIYOS na nagsasalita tungkol sa kanya. Sabi pa ni Hesus, dapat matupad ang lahat ng nasusulat tungkol sa akin sa Kautusan ni Moises, sa mga aklat ng mga propeta, at sa aklat ng mga Awit.” At binuksan niya ang kanilang mga pag-iisip upang maunawaan nila ang mga Kasulatan. So read the Bible but don’t read it litteraly. Consult the community and the church kung meron kayong hindi maintindihan and dont interpret it on your own.

Pero hindi lang sa pakikinig o pagbabasa ng Salita ng Diyos nakikilala si Hesus. Kailangan din ang PAGTUPAD NG SALITA NG DIYOS gaya ng sinasabi sa ikalawang pagbasa na napakingan natin kanina. Ang sabi: Nakatitiyak tayong nakikilala natin ang Diyos kung sinusunod natin ang kanyang mga utos. Ang nagsasabing, “Nakikilala ko siya,” ngunit sumusuway naman sa kanyang mga utos ay sinungaling, at wala sa kanya ang katotohanan. Ngunit ang tumutupad sa salita ng Diyos ay umiibig sa kanya nang wagas. Ganito natin nalalamang tayo’y nasa kanya.

Naging masunirin ang mga tagasunod ni Hesus na naroon sa araw na nagpakita siya sa kanila at sinabihan na “Sa kanyang pangalan, ang pagsisisi at kapatawaran ng mga kasalanan ay dapat ipangaral sa lahat ng bansa, magmula sa Jerusalem. Kayo ang mga saksi sa mga bagay na ito.” Kung kaya’t maiintindihan natin bakit ang unang pagbasa natin ngayon ay tungkol kay Pedro na nangangral tungkol sa pagsisi at pagbalik-loob sa Diyos upang pawiin niya ang mga kasalanan.

Inaanyayahan din tayo mga kapatid bilang mga mabubuting Kristiyano na laging MAGSISI sa ating mga maling nagagawa sa ating buhay at sa ating kapwa. Inaanyayahan tayo na laging MAGBALIK LOOB SA DIYOS sa tuwing tayo ay nalalayo ng landas. Sa pagkukumpisal, pagsisis at sa pagbabalik loob nakikita ang presensya ng panginoon. Kaya nga sakramento ang pagkukumpisal.

1) PAGHAHATI HATI NG TINAPAY SA MISA, 2) ANG COMMUNITY, 3) ANG SALITA NG DIYOS, 4) ANG PAGTUPAD SA SALITA NG DIYOS, 5) PAGSISI AT PAGBABALIK LOOB, tandaan ninyo ang limang yan para pag tinanong kayo nasaan si Lord, meron kayong maisasagot. Kung hindi madala sa explain, gaya ng ginawa ni Hesus, nakikain, nagkwento, nakipagbonding sa mga tagasunod. Simulan ninyo sa tanong “may pagkain ba kayo jan” baka sakali maintindihan pagpuno na ang tiyan. 


3rd Sunday of Easter Mass with the Couples for Christ WESTO held at the Claret School of Quezon City, Philippines

No comments