Makulit ka ba? Pwes sige maging makulit ka pa! Asar ang karamihang tao sa mga makukulit lalu na kapag ang pangungulit ay tungkol sa pera. A...
Makulit ka ba? Pwes sige maging makulit ka pa!
Asar ang karamihang tao sa mga makukulit lalu na kapag ang pangungulit ay tungkol sa pera. Ang iba naman ay tuwang tuwa kapag ang makulit ay bata na cute na masarap magbigay ng tuwa at saya. Ngunit kung mimsan may mga bata din sa sobrang ka kulit napapaiyak na lang ang ina at ama. Sa pangungulit ng bata, kalimitan ibibigay na lang ng mga magulang ang gusto ng anak para lang matigil ang bungisngis ng bata o ng nakabibinging ingay ng pag iyak sa bata. Sa kabilang dako, sa mga taong nangungulit sa atin, kung minsan napipilitan na lang tayo na ibigay na lang ang hinihiling nila sa atin para lumayas na at hindi na makita ang pagmumukha.
Sa Lingong ito mga kapatid ko sa pananampalataya, ipinapaalala sa atin ang persistency, hindi sa kung anu lang kundi ang persistency sa paghingi sa Diyos ng tulong at sagot sa mga panalangin. CONSISTENT at PERSISTENT: dalawang salitang dapat nating tandaan at tingnan upang makuha nating ang ibig ipahiwatig ng mga basahin ngayong ika dalawamput siyam na lingo sa ordinaryong panahon.
Sa unang pagbasa mga kapatid, nakita natin na consitent na nakataas ang kamay ni Moises dahil kung hindi e matatalo sila ni Amalek. Dapat persistent sila Aaron na maitaas ang kamay ni Moises dahil kung hindi talagang matatalo sila. Hands up lagi. In a gesture of blessing the people, praying for the victory. Kailangan din nating maging consistent na nakataas ang kamay sa Panginoon. Yes Lord andito po ako, tulungan nyo ako, present ako, sa inyo lang po ako anu man ang mangyari, saklolo po, tulong Lord... maging makulit sa kanya, laging nakataas ang kamay kay Lord. Tayo ay kailangan ding maging persistent sa pag-aalalay, pagtulong sa ating kapwa tao upang kanilang matamo ang biyayang hinihiling at hindi lang puro lang sa iyo, sa iyo, at sa iyo. Kailangan maging makulit.
Sa ikalawang pagbasa ipinapaalala ni San Pablo na dapat maging consistent ang pananampalataya natin sa pamamagitan ng pagiging faithful sa Sacred Scriptures. Kailangan bigyan natin ng pagpapahalaga ang banal na kasulatan at ang mga nakapaloob nito na mga alituntunin at aral. By all means dapat we stick to our faith in the Word of God at sa ating misyon sa pag pagsisiwalat nito sa mga tao.
Sa ating ebanghelyo naman, tinuturuan tayo na magdasal palagi at wag mabalisa kung sa unang pagdarasal ay hindi saiyo ibinibigay ng Dios ang iyong hiling. Maihahalintulad tayo sa balo na makulit, super kulit kaya napilitan na lang ang judge na ibigay ang hustisya na hinihingi niya. Anu pa kaya kung ang Dios ang kukulitin natin, na hindi man tulad ng barat na judge na iyon? Kailangan nating maging consistent sa ating panalangin. Kailangan nating maging persistent sa pagdulog natin sa Kanya. Wag tayong mabalisa. Maging makulit.
Hindi bat sa nalalapit na 28 ng buwan na ito ay magtataas ng kamay ang mga boboto at ibinoto? Sana naman na maging consistent din ang kanilang panunumpa at mga plano na ipinangako sa inyo. Sana nawa e maging persistent kayo, hindi lang sa pagsuporta sa kanya sa pagtaas ng inyong kamay bilang "yes" boto ako jan, kundi pati na din sa pagpapaalala sa kanilang mga nakakalimutang tungkulin pag tumagal na ang mga bwan at taon sa panunungkulan. Hindi lang dapat na sila ang makulit sa inyo oara ibotonnyo sila. Dapat kulitin ninyo ang mga tumatakbo sa pulitika ng kanilang plataporma na tataasan ng kamay nila, at later on kulitin ninyo kung hindi maisakatuparan ang pinangako nila. Dapat kayong maging consistent at persistent sa pagsuporta sa kanila, hindi lang sa panahon ng kampanya kundi pati na rin sa panahon ng panunungkulan nila.
Magandang araw po at God bless!
No comments