Malimit ang mga mababait na tao kapag nakagawa ng mali sa kapwa nya, lalu na kapag sa kaibigan o kamag-anak at ayaw nyang masira ang relas...
Madali lang din nating tangapin ang isang consuelo de bobo lalu na't, tayo mismo ay mahilig na maghanap ng pakonsuelo sa buhay, maghanap ng aliw sa buhay. Kung minsan pa nga e naghahanp ng panandaliang aliw sa buhay. Mahilig tayong mga pinoy na maghanap ng aliw sa buhay kahit mangaling pa man ito sa ordinaryong bagay, sa ordinaryong tao o sa ordinaryong mga pagkakataon. Sa mga may anak, lalu na kung ang cute cute pa ng bata, laking consuelo kaya nyan sa mga magulang pag uwi ng bahay kahit na pagod na pagod na galing sa trabaho. We draw our consolations from our relatives, friends, idols, and sometimes from God.
Sa ikalawang pagbasa ngayong ika 32 Lingong sa ordinaryong panahon, narinig natin na ang Diyos ay ang dapat nating balingan sa paghangad natin ng consuelo sa buhay, ng aliw sa buhay "dahil sa kanyang habag ay nagbigay Siya sa atin ng walang pagbabagong lakas ng loob at matibay na pag-asa sa buhay." Dapat sa kanya tayo kumukuha ng aliw, ng sigla, ng consuelo, ng buhay. Pero siguro kung nasa Leyte kayo ngayon, sasabihin nyo sa akin, hindi yan ang kailangan namin father. Ang kailangan namin ngayon ay tubig, pagkain, damit, matutulugan, at consuelo sa mga namatay naming mga kamag anak. Tama. Ganun na nga, pero hindi dapat tayo mawalan ng pag-asa at paniniwala na ang Dios pa rin ang magbabalik sa atin ng sigla at saya sa kabila ng mga nangyaring ito. At lalu pa nga na dapat magkaroon din ng paniniwalang tulad ng pitong magkakapatid na lalaki sa unang pagbasa: pinatay subalit naniwala na may consuelo pagkatapos nito. Naniwala sila na may naghihintay na buhay na magpakailan man kapiling ang Diyos na maykapal. Hindi dapat mawalan ng pag-asa sapagkat tulad ng sabi ng huling lalaki na pinatay sa unang pagbasa "Ako’y maligayang mamamatay sa kamay ninyo sapagkat alam kong ako’y muling bubuhayin ng Diyos." Di dapat tayo mawalan ng pag-asang muli tayong babangon sa mga kalunos lunos na pangyayaring ito sa ating bansa nitong mga nagdaang buwan at araw. Tutulungan tayo ng Diyos.
Bakit kailangan, mag abang, maghintay, magkaroon ng hope na may bukas pa, na may buhay pa din na maganda after all of these? Dahil ang Diyos natin ay Diyos ng mga buhay na may kapangyarihan na magbigay sa atin ng buhay dito sa mundo at sa kabilang buhay. Ang ating "Diyos ay hindi Diyos ng mga patay kundi ng mga buhay." Ang pagkabuhay na muli ay masasabi nating consuelo de bobo ng pitong lalaking pinatay sa kwento na ibinahagi sa atin mula sa aklat ng Macabeo. Ang pagkabuhay na muli ang nag "aliw" sa kanila upang sila ay magpaubaya na patayin sa ngalan ng Diyos. Ang pagkabuhay na muli ang consuelo de bobo ng Dios para sa ating lahat na dumudulog sa kanya, sa ating lahat na namuhay ng kalugod lugod sa kanya, sa mga mamatay alang sa pangalan nya. At ang mga salungat dito ay walang consuelo de bobo na pagkabuhay na muli kagaya ng nasabi ng lalaki na "ikaw, Antioco, ay walang pag-asang mabuhay uli". Siguro consumisyon sa impyerno ang katapat nito.
Kung ang iyong source ng iyong aliw, ng iyong consuelo ay ang Dios, hindi mo na kailangan ang iyong mga kaibigan, mga pamilya para maging masaya sa buhay, at lalu na sa kabilang buhay. Hindi mo na kailangan ang iyong asawa para maaliw. Dahil ang Diyos ng buhay na "buhay" ay ang magbibigay sa iyo ng ligaya. Kung kayat hindi mo na kailangan ang pitong lalaking napangasawa na hanapin pa. "Sa buhay na ito, ang mga lalaki at mga babae’y nag-aasawa, ngunit ang mga lalaki’t babaing karapat-dapat na muling buhayin para sa kabilang buhay ay hindi na mag-aasawa. Hindi na sila mamamatay sapagkat matutulad sila sa mga anghel. At sila’y mga anak ng Diyos yamang muli silang binuhay."
Ipagdasal natin mga kapatid na sana matuto tayo na sa Dios tayo kumuha ng lakas, ng aliw, ng ligaya, ng saya. Tingnan sana natin ang muling pagkabuhay na inoffer sa atin ng Poong Maykapal bilang isang consuelo de bobo para sa atin, na nagpaka "bobo" para sa Dios. At subukan sana natin na hindi lang mamuhay para sa ngayon, hindi lang para sa immediate tomorrow kundi para sa ating muling pagkabuhay. Kung kayat sikapin nating mamuhay ng matuwid, mamuhay ng maayos, mamuhay na mabuting Kristiyano habang naglalakbay pa tayo sa ating mundo. At nang sa gayon, makuha natin ang ating reward, ang ating consuelo de bobo na muling pagkabuhay kapiling ng Diyos. Sana makita natin na hindi lang ito isang ordinaryong paconsuelo de bobo kundi itoy isang napakalaking pagkaloob ng Diyos sa atin.
No comments