Page Nav

HIDE

Huwag kang Tatanga-tanga at Papatay-patay

Kapag pupunta ka sa isang lugar at ikaw ang magmamaneho ng sasakyan o ng motor, siguraduhin mong hindi ka papata-patay at tatanga-tan...



Kapag pupunta ka sa isang lugar at ikaw ang magmamaneho ng sasakyan o ng motor, siguraduhin mong hindi ka papata-patay at tatanga-tanga dahil pag naidlip ka ng kahit isang segundo lang habang hawak mo ang manibela, sa ospital o sa sementeryo kana pupunta. Kung ikaw ay naghihintay ng susunduin mo sa estasyon ng bus o ng tren o kaya namay nag aabang ng masasakyan, pag ika'y naidlip ng konte, tyak na maiiwanan, malalagpasan ka ng iyong sasakyan at maghihintay ka na naman ng ilang oras o minuto a sunod na daraang bus, o ang susunduin mo/susundo saiyo balisa na sa kakahanap sayo sa terminal. Kung ikaw ay maninigarilyo habang nakahiga sa kama, aghihintay na lumalim ang gabi o kahit sa paghihintay na magsimula na ulit ang trabaho sa hapon, siguraduhin mong hindi ka tatanga-tanga na makatulog habang hawak mo pa ang upos ng sigarilyo dahil baka ang katawan mo at ang buong bahay ay mauwi sa abo imbes na abo ng ng upos ng sigarilyo ang kailangan mong itapon.

MAGBANTAY, BE VIGILANT. Huwag tutulog-tulog, huwag papatay-patay. Yan ang mensahe ng unang lingo ng adviento para sa atin. Sapagkat hindi natin alam ang araw at ang oras ng pagdating ng Panginoon upang tayo ay husgahan.

Sa unang pagbasa narinig natin na itinakda ang araw kung kailan dapat pumunta sa Zion upang ang mga tao ay mabigyan ng instructions, mturuan ng mga pamamaraan ng Diyos. Alam kung kelan dapat maglakad, alam kung kelan dapat pumunta. Subalit sa panahon, sa oras ng muling pagbabalik ni Hesus, hindi natin ito mamamalayan tulad ng isang sakuna na bigla na lang dumarating sa ating buhay. Wala tayong kamalay-malay, wala tayong alam. Kung kayat dapat tayo dapat ay laging gising, laging mapagbantay. Hindi dapat papatay-patay, hindi dapat tatanga-tanga. Katulad ng lindol ang pagdating ni Hesus, hindi natin alam kelan at saan mangyayari. Kung hindi ka "abtik," kung tatanga-tanga ka, kung hindi ka mabagsakan ng bubong o pader, mahuhulog ka sa sink holes sa lupa.

Maging handa. Kapag buntis ang nanay sa bahay, abala ang ama sa paghahanda sa paglabas ng kanilang baby. Abala din ang ina sa paghahanda ng mga kagamitan at inihahanda nya na rin ang kanyang sarili sa panganganak. Hindi papatay-patay, hindi tutulog-tulog. Habang naghihintay sa isang kaibigan sa bus terminal, dapat ay aktibong gising at hindi papatay-patay. Inaanyayahan tayo sa unang lingo ng adviento na maging aktibong gising, hindi papatay-patay at hindi tutulog-tulog habang naghihintay na sumapit ang Pasko, na dumating ang Panginoon sa ating buhay, at sa kanyang muling pagdating.

1st Advent A

1 comment

  1. Thanks for sharing, nice post! Post really provice useful information!

    Giaonhan247 chuyên dịch vụ mua hàng mỹ từ dịch vụ order hàng mỹ hay nhận mua nước hoa pháp từ website nổi tiếng hàng đầu nước Mỹ mua hàng ebay ship về VN uy tín, giá rẻ.

    ReplyDelete