Page Nav

HIDE

Ask, Seek, Knock

Nung mas bata pa ako kesa sa ngayon, siguro mga 4 years old, malimit ikuwento sa akin ng lolo ko habang nakahiga kami sa labas ng bahay ang ...

Nung mas bata pa ako kesa sa ngayon, siguro mga 4 years old, malimit ikuwento sa akin ng lolo ko habang nakahiga kami sa labas ng bahay ang tungkol kay Juan Tamad. Marahil ay alam nyo na din na si Juan Tamad kung gusto kumain ng bayabas, hihiga lang siya sa ilalim ng puno, ibubuka ang bibig at maghihintay na mahulog ang bunga. At kung hindi makapasok ang bayabas sa bibig ay hindi rin niya ito pupulutin.

Importante sa isang tagasunod ni Cristo na marunong tayong humingi, humingi sa Dios kung anu man ang ating pangangailangan bagamat alam na Niya kung anu ang kailangan natin. Nararapat lamang din na iexpress natin kung anu man yung gusto natin na makamit sa buhay. Hindi pupuwede na hihintayin na lang natin na mahulog sa ating bibig ang grasya ng Panginoon. Kailangan din nating hanapin at hindi lang basta maghintay na ang grasya ang lumapit sa atin. At kung kinakailangan na kumatok tayo sa kapwa upang makita natin ang ating hinahanap at makamit ang hinihingi, gayun din naman dapat ang gawin natin sa ating Dios.

Pero mga kapatid, ngayong Kwaresma, merong ibang pagpapakahulugan na makukuha natin sa ebanghelyo ngayong araw. Kung atin lang tutukan ang nasa huling talata: "gawin mo sa iba ang nais mong gawin sa iyo, iba ang kalalabasan ng Ask, Seek, Knock.

Ngayong Kwaresma, anu kaya kung imbes na ikaw ang hingi ng hingi ay ikaw naman ang MAGBIGAY. Imbes na ikaw ang naghahanap e ikaw naman ang maging AVAILABLE. At imbes na ikaw ang katok ng katok, ikaw naman kaya ang MAGPATULOY sa iyong bahay o sa iyong buhay. ... and everything else will follow in your life.

GIVE. BE FOUND. OPEN FOR OTHERS THIS SEASON OF LENT.

No comments