Page Nav

HIDE

Hubarin Mo Na Yan!

HUBARIN MO NA YAN! Sigurado iba na naman naglalaro sa iyong isipan. Bashin mo na lang hangang sa huli ng blog entry na ito, baka sakali ...

HUBARIN MO NA YAN! Sigurado iba na naman naglalaro sa iyong isipan. Bashin mo na lang hangang sa huli ng blog entry na ito, baka sakali makita mo din ang hubad na katotohanan simula sa araw ito. At sana sa huli ay matuto tayong hubarin ang dapat nating hubarin sa harap Niya at sa kanilang harapan.

Importante at napakalaki ang simbolo na dinadala ng PAGSUOT AT PAGHUBAD ng SANDALYAS. Sa Lumang Tipan, ilan sa mga main na sinisimbolo nito ay ang acceptance (pagsuot) at renunciation at transfer (paghubad) ng ownership ng lupa man, bagay, o asawa (Deuteronomy 25:9; Rth 4:7-8). Kapag ang kapatid na lalaki ay namatay, kailangan akuin ng kasunod niyang kapatid na lalaki ang asawa. At kapag ayaw niya, kailangan ng balong babae na tangalan ng sandalyas ang kanyang bayaw na ayaw tumangap sa kanya. Eto nga din ung konteksto ng sinabi ni Juan na hindi siya karapatdapat na magtangal ng straps ng sandalyas ni Jesus sapagkat, si Juan, bilang bahagi ng sangkatauhan, ng Simbahan na asawa ni Jesus ay walang karapatan na baliwalain ang kanyang kaugnayan kay Jesus bilang kanyang asawa.

Sa ibang dako naman, may kaugalian na noon na ang sandals ay hinuhubad bago pumasok sa bahay at isinusuot naman sa mga paglalakbay at sa mga digmaan (Joshua 9:5; Joshua 9:13; Isaiah 5:27; Ephesians 6:15). Kapag naman ay pinagbitbit ka ng sandals ng iba o ikaw ay pinagtangal ng sintas nito, itoy pagpapakita lamang na ikaw ay alipin o nasa mababang kaurian o mas nakatataas saiyo ang nagpabitbit sa iyo nito o nagpatangal nito sa iyo. Ang sandalyas din ay hinuhubad bilang pagalang sa isang banal na lugar (Exodus 3:5; Joshua 5:15) gaya ng reading ngayong Ika-Tatlong Linggo ng Kwaresma.

Ifocus natin ngayon ang paghuhubad ng sandalyas ni Moises nung tinawag siya ni "Ako". Ang sandalyas noon unang panahon ay parang ang mga paborito mo ngayon na sapatos, na ginagamit upang di ka masaktan sa paa, ginagamit bilang proteksyon, ginagamit upang maging mainam ang iyong paglalakad. Paminsan pa nga itoy nagiging simbolo ng iyong buhay na marangya. Karamihan kasi sa atin gusto ay may "marka" ang sapatos natin. Para na rin itong STATUS SYMBOL. Wow, naka "Puma" ka ah o naka "Rockport". Sosyal sabi ng iba. Wala mang mga brands noon pero symbolo pa din ang sandalyas ng "status quo" ng isang tao. Bagamat simbolo ito ng status quo, syempre dahil ginagamit at iniaapak sa lupa umaraw man o umulan, marurumihan, mapuputikan. Kapag di mo ito hubarin sa loob ng bahay, tiyak ang bahay mo ay marurumihan. Dala dala mo din sa sandalyas mo yung mga lugar na iyong napuntahan, yung mga memories at ang lahat ng iyong ginawa suot ang sandalyas na iyan, ang lahat ng iyong nakita, lahat ng pangyayari maganda man o masama, daladala mo yung "ikaw". BUONG BIGAT NG IYONG PAGKATAO AY NASA SANDALYAS MO. 

Isang paraan ng pag intindi ng pagpahubad ni "Ako" kay Moises sa kanyang sandalyas ay "pagalang sa lugar na banal." Kung gagamitin naman natin ang kultura at tradisyon nila upang mas maintindihan natin ang ipinagawa sa kanya, ang pag pahubad ng kanyang sandalyas ay pagpapakita na mas "mataas ang Dios kaysa sa kanya". Ito rin ay pagpapakita na ang lugar na ito ay hindi niya pagmamay-ari. Wala siyang karapatan na maghari o maging sinuman. At kung gusto pa nating palalimin ang kahulugan, ang sinasabi lang ng Dios kay Moises, "dhoi kailangan mong iiwan ang alikabok na nakuha mo sa daan.The Lord asks us to take off the unholy things na nagmamantsa sa atin, iwanan ang mga burdens ng ating paglalakbay dito sa mundo: the guilt, the shame, the dirt of unholy na mga lugar at mga bagay na ginagawa natin sa araw araw. Removing our sandals and stepping into the holy place of God leaves us bare before Him. Ang symbolo ng pagtangal ng sandalyas sa harap ng Dios ay  PAGIGING HUBAD NATIN SA HARAP NYA. At pagsinabing hubad ka, ang nasa harap niya ay yung IKAW, "ikaw si ikaw" ang ipinipresent mo sa harap ni "Ako si Ako". Oo sabi sa Ecclesiastes 12:13-14 na alam na ng Dios ang lahat tungkol sa HUBAD NA KATOTOOHANAN NG BUHAY NATIN pero nararapat lamang na maging aware tayo sa at maalala natin sino nga ba tayo, anu ba meron tayo sa harap ni Ako. Gusto niya na malaman natin anu ba yung mga pinagagagawa natin na hindi banal. Gusto niya na IWAN NATIN SA LABAS NG ATING BAHAY ung mga hindi dapat makarumi sa ating pamamahay. Iniimbitahan tayo na maging aware sa mga bagay bagay na ito bago natin tugunan ang kanyang tawag sa atin, gawin ang misyon na gusto niyang ipagawa sa atin. MAGSILBI KA DAHIL DAPAT KANG MAGSILBI AT HINDI DAHIL AY MAY IBA KANG DAHILAN. He wants to see us unadorned, stripped of pretense and pride, barefoot and penitent. GUSTO NIYA NA KUNG MAGSISILBI TAYO SA KANYA AY WALA TAYONG IBANG PALAMUTI o KAYA'Y HINDI NATIN GAWING PALAMUTI ANG PAGSISILBI SA DIOS UPANG MASABI NA IKAW AY MAKA-DIOS AT IKAW LAMANG ANG MALILIGTAS.We can not brag anything before God and neither brag ourselves to be his servants. Kailangan ikaw at ako hubad sa harap ni Ako. Dahil si "AKO" yun na siya. Ipinakilala niya kung sino siya. Siya si Ako. Kung kawangis tayo ni "Ako", ang tunay na ikaw at ako ay yung hubad na "ikaw" at "ako." 

NUNG NALAMAN NI ADAN AT NI EBA NA HUBAD SILA, sige nga kung nagbabasa kayo ng Biblia, anung ipinangtakip nila sa kanilang hubad na katawan nung kumain sila ng bunga ng "Puno ng Karunungan ng Mabuti at Masama"? Dahon ng...?



DAHON NG IGOS, FIG TREE ANG IPINAMBALOT SA HUBAD NA KATAWAN NI ADAN AT EBA NUNG HINAHANAP SILA NI "AKO". Aha!Sigurado mapapaisip ka ngayon anong kinalaman ng Igos, ng hubad na katawan ni Adan at Eba, ng dalawang puno sa hardin ng Eden. Ang DAHON NG KAHOY NG IGOS ANG NAGING SAGIP O LUNAS NILA SA KAHIHIYAN NG HUBAD NA KATAWAN sa unang aklat ng Lumang Tipan. Ang KAHOY NA PINAGPAKUAN KAY JESUS NA HUBO'T HUBAD AY ANG LUNAS AT SUMAGIP SA SA IYO AT SA AKIN SA ATING MGA KASALANAN naman ang ating nakita sa unang bahagi ng Bagong Tipan. At sa huling aklat ng Biblia, isa na lang ang kahoy na iyong makikita sa bagong hardin: Ang KAHOY NG BUHAY. Sa magkabilaang bahagi daw ng ilog ay tumutubo ang PUNO NG BUHAY NA NAMUMUNGA NG TIMES A YEAR, ONCE EACH MONTH; AT ANG MGA DAHON NITO AY NAGSISILBING PANGSAGIP, LUNAS SA LAHAT NG BANSA. " Sa ibang post ko na lang to ipapaliwanag dahil lalong hahaba.

Mag focus tayo sa kahoy ng Igos. Isang kakaibang characteristic ng puno ng igos ay ang nauuna ang bunga nito bago tumubo ang kanyang mga dahon. Kaya nga kapag nakakita ka ng igos na maraming dahon, dapat may makukuha kang bunga. At mga kapatid, ang igos ay dalawang beses namumunga every year at dalawang klase din ng bunga ang ibinibigay nito, una ay ang tinatawag na Breba na lumalabas sa mga buwan ng June o July. Di gaanong masarap ang Breba pero mas malaki kesa sa ikalawang klase ng bunga ng Igos na tinatawag din na "Igos" kasi yun na yung main na bunga niya talaga, mas matamis at ang mas importante sa dalawang klase ng bunga ng igos. Kung pamilyar ka sa characteristics ng igos, magtataka ka talaga kung bakit walang ni isang bunga yung igos parabola na nabangit samantalang maraming dahon ang puno nya. 

Ang basic na sinasabi ng mga experto tungkol dito ay ganito: ANG MAY-ARI AY ANG DIOS, the one who rightly expects to see fruit on His tree and who justly decides to destroy it when He finds none. ANG HARDINERO na nag-aalaga ng mga puno, nagdidilig ng mga ito, naglalagay ng fertilizers para mamunga ng marami ay si JESUS. Ang Igos ay ang simbolo ng "BAYAN NG ISRAEL"...at pupwede ding "TAYO." Tatlong taon na naghahanap ang may-ari ng bunga mula sa punong ito, pero wala siyang nakuha. Ang TATLONG TAON ay significant sapagkat sa loob ng tatlong taon, si Juan Bautista at si Jesus ay nagturo ng PAGSISISI sa buong bayan. TATLONG TAON. PAGSISISI. PERO WALA. Na ofend sila ng idea na kailangan nilang magsisi at magbago, at hindi nila tinangap ang mesiyas at ang kanyang demand ng pagsisisi. Sapagkat bilang "bayang pinili" na sa kanila ang pagkukupkop, at ang kaluwalhatian, at ang mga tipan, at ang pagbibigay ng kautusan, at ang paglilingkod sa dios, at ang mga kapangakuan (Romans 9:4-5) ng Dios ni Jacob, na Dios ni Isaac, na Dios ni Abraham, na Dios na tumawag kay Moises at nagpakilalang "si Ako". Parang puno na maraming dahon kaya mataba, malaki at mukhang healthy na kahoy. Alam naman natin na ang mga dahon ay ang food processing factories for trees.The more leaves na meron ang isang puno ay buhay na buhay ito. Lahat ay nasa kanila na. Subalit, walang bunga. Sapagkat napakadami ng dinadala. Ang daming dahon na nakatkip sa kanya. Diba sa agriculture tinuturo sa atin na magprune ng kahoy para mamunga? Bawasan ang dahon? Ang ending parang HUBAD ang kahoy. At PAGHUBAD NA ANG KAHOY AY MAS MADAMING BUNGA

Anong ipinapahiwatig nito sa atin ngayong panahon ng Kuwaresma mga kapatid? Una sa lahat, ipinapaalala sa atin ang HUBAD NA KATOTOHANAN: ANG HUBAD NA TAO NA NAKAPAKO SA KAHOY NA KRUS. Hinubad sa kanya hindi lang ANG KANYANG SANDALYAS kundi pati ang kanyang damit AT ISINABIT SA KAHOY. Kung noong unang panahon ang dahilan ng pagbagsak ng tao ay dahil sa isang bunga ng kahoy, ngayon nama'y ang kahoy na ito sa bayan ng "Igos" ay siyang magiging dahilan ng buhay. Kahoy na ang bunga ay hindi karunungan ng mabuti at masama, kahoy na walang dahon, pinatay, pinutol, kahoy na nagbibigay buhay. Ipinapaalala din sa atin ang ginawa ni Jesus sa pag-isang tabi muna ng buhay dios upang maging katulad natin. HINUBAD ANG KANYANG PRESTIGE (Philippians 2) upang mabigyan tayo ng buhay. Upang maipadama sa atin ang pagmamahal ng Dios. Upang bigyan tayo ng second chance.

Ikalawa ay IPINAPAALALA DIN PO SA ATIN NA KAILANGAN DIN NATING HUBARIN ANG SANDALYAS NG ATING BUHAY AT HUBARIN ANG MGA DAHON NA IKINUBLI NATIN SA ATING TOTONG AKO AT IKAW. Marami tayong dinadala, maraming mga natutunan, maraming alam, kaya paminsan sinasabi natin "ay alam ko na yan" "ay luma na yan" "ay wala ding mangyayari jan" "ay di na uso yan". Maraming tayong karangyaan, maraming kung anu-ano na source ng ating buhay. Marami din tayong mga kaek-ekan sa simbahan, maraming mga grupong sinasalihan, maraming mga pakulo, yung iba nagyayabang na maraming kaibigang pari, maraming social activities na sinasalihan, maraming charitable works na nakikita ng karamihan, maraming kung anu anung palamuti ...PERO KAPAG TAYO PO BA AY HINUBARAN NITONG MGA DAHON NA IPINANGTAKIP NATIN SA ATING MGA SARILI AY MAY BUNGA BA SA ATIN NA MATUTUKLASAN? Pinagsisihan o pinagsisisihan nga ba talaga natin ang dapat pagsisihan? Ito po bang lahat ng ginagawa natin sa simbahan ay walang ibang dahilan? Hindi po ba ito pagtakas lamang sa tunay na realidad ng ating buhay o dahil lang sa meron tayong kailangan kay Lord na favor? Hindi po ba ito mga pakitang tao lamang? Malalaman naman natin yan sa bunga na nakalaan.

Pinapaalalahanan din po tayo NA HUBARIN ANG ATING YABANG. "All ate the same spiritual food, and all drank the same spiritual drink, yet God was not pleased with most of them, for they were struck down in the desert... These things happened as examples for us, so that we might not desire evil things, as they did. Do not grumble as some of them did..."Huwag tayong maging mayabang that we are assured dahil lang sa mga connections that we have sa simbahan, dahil lang sa mga ginagawa natin na makes us seemingly a floursing tree. Huwag nating ipangalandakan na tayo lang ang maliligtas dahil HANGAT HINDI PO TAYO MAGHUBAD SA KANYANG HARAPAN, HANGAT HINDI TAYO MAGSISI AT WALANG BUNGA NA MAKITA SA ATIN magiging tulad din tayo ng ating mga pinagyabangan. “Do you think that because these Galileans suffered in this way they were greater sinners than all other Galileans?" "the eighteen people who were killed when the tower at Siloam fell on them— do you think they were more guilty than everyone else who lived in Jerusalem?" "BY NO MEANS! BUT I TELL YOU, IF YOU DO NOT REPENT, YOU WILL ALL PERISH AS THEY DID!” sabi sa atin ni Jesus.

At pang huli, hindi lang po tayo inaanyayahan na huwag lang gumawa ng masama. Inaanyayahan din po tayo na gumawa ng tama at mamunga ng masagana. At kagaya ng tagapag-alaga sa parabola, na humingi ng second chance, BINIBIGYAN TAYO NG KUWARESMA NG SECOND CHANCE NA HUMARAP MULI KAY "AKO" BILANG IKAW AT AKO AT MAMUNGA NG NARARAPAT. KUNG KAYA'T MAGSISI TAYO. ... AT ANG SANDALS AT MGA DAHONG ITINAKIP NATIN SA HUBAD NA KATOTOHANAN... HUBARIN MO NA YAN!

No comments