Page Nav

HIDE

It's Party Time!

Ngayong Lingo TATLONG PAGBABALIK ang ating natunghayan. Tatlong pagbabalik na kung saan sa dalawa ay nabangit ang KAINAN! At ang isa nama...

Ngayong Lingo TATLONG PAGBABALIK ang ating natunghayan. Tatlong pagbabalik na kung saan sa dalawa ay nabangit ang KAINAN! At ang isa naman ay kung ating hahanapin ang malalim nitong kahulugan, mauuwi pa din ito sa KAINAN sa SIMBAHAN.

Ang unang klase ng PAGBABALIK ay nasa sa unang pagbasa: ang PAGBABALIK NG KALAYAAN, PAGBABALIK NG PAGIGING ISANG MALAYANG BAYAN upang isagawa ang mga tradisyon sa pagsamba sa Dios at mga pag-aalay. “Today I have removed the reproach of Egypt from you.” Kung kaya't nararapat lamang sa sila'y MAGALAK at MAGDIWANG.  "On the day after the Passover, they ate of the produce of the land in the form of unleavened cakes and parched grain." You can only celebrate when you are free. You can only plant, harvest and eat the produce when you are free. You can not perform your traditions when you are not free. It is interesting to note na IN BOTH CASES, panahon man ng kanilang paghihirap sa paglalakad in search for the promise land o sa panahon na nakarating na sila Canaan: GOD NEVER STOPPED TO CARE FOR THEM, AND TO FEED THEM. NAGPAKUMBABA MAN SILA O HINDI, patuloy pa din silang minahal ng Dios. Ilang beses man silang humiwalay ng landas, lumayo sa kanya yun din ang beses na gumawa siya ng paraan upang bumalik ang loob nila sa kanya. At kung babasahin nating ang buong kwento ng relasyon nila sa Lumang Tipan, ang DIOS SIYANG UNANG NAGPAKUMBABA, NGABAGO NG PUSO para sa kanyang bayang sisinisinta.

Ang ikalawang klase ng PAGBABALIK ay ang PAGBABALIK NG RELASYON NG DIOS SA TAO SA PAMAMAGITAN NI CRISTO na sinabi sa ikalawang pagbasa. "God was reconciling the world to himself in Christ, not counting their trespasses against them and entrusting to us the message of reconciliation." Sa pamamagitan ng panalangin ni Jesus, sa pamamagitan ng kanyang pag-aalay, sa kanyang pagbubuwis ng buhay, NAIBALIK ANG NASIRANG RELASYON NATIN SA DIOS. When He was blessed, broken and shared we were reconciled once again with the Father. Ito yung ginugunita natin sa pagdiriwang ng Misa, ng Hapag ng Panginoon, ng PARTY TIME sa Simbahan.

Subalit kagaya ng lahat ng tao na namuhay dito sa mundo, maraming mga pagkakataon na nahihiwalay tayong muli sa ating Dios. Kelan nga ba ito? Kapag gumawa tayo ng kasalanan (pagkakaroon ng ibang "idolo" sa puso natin; pag yawa sa Dios na nagbigay ng buhay natin; hindi paglalaan ng kahit isang oras lang para makapag simba para mapakingan ang Salita ng Dios at tumangap ng kanyang Katawan; pagbabastos sa magulang o pag inda sa kanila o akala mo sino ka na o dahil sa iyong PRIDE nagmamataas na sa magulang; pagkitil ng buhay ng iba dahil sa GALIT; pag iimagine na ka sex mo at pakikipagtalik sa hindi mo naman asawa o sa hindi mo pa asawa dahil sa iyong LUST; pagnakaw ng hindi naman sa iyo sapagkat NAINGIT KA o dahil sa KATAKAWAN na nadarama; pagtago ng katotohanan o siniraan mo ang iyong kapwa dahil sa iyong KASAKIMAN at kagustuhan na ikaw lang ang one and only best; o inagaw mo asawa ng may asawa, nakipagrelasyon ka sa may asawa na dahil masarap e o dahil sa yung asawa mo ay nang-iba kaya ikaw din ay nang-iba o kaya naman gawa ng kalungkutan kaya kahit alam mong di dapat ayun na tapos ikaw pa ang may lakas ng loob na mang away sa tunay na asawa at tunay na pamilya niya; pag kuha ng hindi naman dapat sa iyo dahil TAMAD ka kasi na magbalat ng buto o ayaw mo na maunang umasenso sayo ang iba o dahil sa gusto mo sayo na ang lahat) ...itong lahat ang NAKAKAPAGPAPAHIWALAY MULI SA ATIN SA ATING DIOS AMA. Sa totoo lang di ka pwedeng makipagparty sa simbahan kung meron kang isa sa mga iyan na nagawa. Pero dahil sanay tayo sa kapalmuks, nakataas pa paminsan ang ating mga noo na nakapila sa pagkomunyon. At ating iniinda ang ugaling MAKIPAGBALIKAN MUNA sa DIOS AT SA KAPWA sa pamamagitan ng PAGKUKUMPISAL.

PAALALA: kapag nag automatic kumpisal ka sa Dios ng mga kasalanan mong ginawa (gaya ng karamihan po sa atin), SA DIOS KA LANG PO NAKIPAGBALIKAN at HINDI SA IYONG KAPWA. At kapag hindi natin ginawa dahil sinasabi, si Lord lang naman ang pwede magpatawad, nagkakasala lang tayo ng pinakamatindi sa lahat ng kasalanan: PRIDE - dahil ayaw natin MAGPAKUMBABA sa harap ng KAPWA TAO (pari) na nagrerepresenta sa KANYA dito sa lupa at nagrerepresenta ng buong samabayanan na tinatawag ding "Simbahan" . Lokohin mo lelang mo! Kung sa tao na iyong nakikita di mo kayang magpakumbaba at humingi ng tawad, sa Dios pa kaya na di mo nakikita. Guniguni mo lang yan iho at iha. Pano ka naman mag enjoy sa party na iyong pupuntahan kung meron kang kaaway. "Therefore if you are presenting your offering at the altar, and there remember that your brother has something against you, leave your offering there before the altar and go; first be reconciled to your brother, and then come and present your offering." And learn to stop doing the same old thing that offends your neighbor over and over again. And when we are able to do this, IT'S PARTY TIME na nga!


Ang ikatatlong PAGBABALIK ay ang sikat na parabola ng ALIBUGHANG ANAK...ANG PAGBABALIK. Kung sa ikalawang pagbasa ay ANG PAGBABALIK NG RELASYON NG DIOS SA TAO, dito naman ay PAGBABALIK NG RELASYON NG TAO SA KANYANG DIOS. Ang mahabang basahin na ang nagkwento ng lahat at siguro naman ay gets na natin ang ibig ipahayag nito. Subalit nais kong bigyan ng pansin ang isang bagay na aking nakita habang pinagninilayan ko ang mga pagbasa.  Kung susuriin natin ng mabuti ang kwento ng dalawang anak, may paglalaro sa ugaling PRIDE AT PAGPAKUMBABA. Ang "alibughang anak" sa kanyang ginawa, marami na kaagad siyang kasalanang nagawa. Una sa kanyang tatay na buhay pa nga pinahati na ang ariarian para makuha niya. Then ang kanyang greed, lust, gluttony, kasakiman, katamaran. Pero nang nawala ang lahat, naghirap AT WALA NANG MAKAIN, nakaisip at ginawa niyang MAGPAKUMBABA, inalis ang pride upang humingi ng tawad at magbalik sa kanyang ama, naging IT'S PARTY TIME ang ending ng kanyang drama. Tinangap muli ng ama ang alibughang anak. 

Sa kabilang dako nakita natin na ang kanyang nakakatandang kapatid ay masasabi natin na mabait kasi nagpakumbabang manatili sa piling ng kanyang ama, ginagawa siguro lahat ng iniuutos ng ama, masunurin, nagtatrabaho at hindi tamad, hindi sakim gaya ng kapatid, kontento sa buhay subalit nang bumalik ang kanyang kapatid at NAGPAKAIN, NAGPAPARTY ang kanyang ama... OOPS! Umandar ang kanyang PRIDE AT GALIT at NAWALA ANG PAGPAPAKUMBABA. NAINGIT DAHIL SA PAGMAMAHAL NA IPINAKITA NG KANYANG AMA SA KANYANG KAPATID NA WALANG HIYA

Mga kapatid, isa itong paalala para sa atin. Oo, pala simba tayo at kung minsan kinukondina natin ung mga walang pakialam sa misa. Subalit kapag nagbalik loob sila, paminsan di tayo naniniwala na totoo ang pagdarasal nila, na totoo ang pagdulog nila sa Dios. Paminsan mababait tayo, maraming nagawang mabuti sa kapwa, charity works dito, charity doon, punong abala dito, punong abala doon... pero pag may ibang gusto ding gumawa ng mabuti, abay nakataas na ang kilay ng datiy mabait na don o donya dahil ayaw na may ibang mas mabait kaysa sa kanya. Paminsan may mga pasaway sa mga organisasyon o sa simbahan at kapag biglang nahulog ang loob ng pari sa kanila, aba'y inaway na at gagawan na sila ng kung anu anung kwento at kasama damay pati si Pader na dating mahal nila. At marami pang ibang reality at kwento na aking nakita na alam ko alam nyo din yan. Hopefully hindi tayo isa sa kanila ano ho. Ang ending tuloy ang alibughang anak ay hindi ang nauna kundi pareho lang ang dalawa. Kaya wag sana tayong maging so PROUD sa ating mga sarili at sa mga bagay bagay na ating ginawa para sa simbahan, sa Dios at sa kapwa. At huwag MAGAGALIT kung ang Dios ay nagpapaulan ng biyaya sa mabubuti at sa masasama. Kasi baka tayo pa ang magiging spoil sa PARTY TIME na hinanda ng ating AMA

TATLONG PAGBABALIK. TATLONG PAGPAPAKITA NG AWA AT PAGKAHABAG. TATLONG PAGPAPAKUMBABA. TATLONG RELASYON. TATLONG HIWALAYAN. TATLONG DRAMA. TATLONG TATLONG PARTY TIME. Ngayong ika-apat na Lingo ng Kwaresma, TATLONG LINGGO BAGO ANG LINGGO NG PAGKABUHAY, matuto sana nating bangitin na makatotohanan at mula sa puso ang TATLONG KATAGANG makapagpapabalik sa relasyon natin sa Poong Maykapal: I'M SORRY LORD. At nang sa gayon ay mag enjoy tayo kapag IT'S PARTY TIME!

No comments