Page Nav

HIDE

Sulat Ka Ha!

"Sulat ka ha!" ang malimit kong sinasabi noon o marinig kapag may umaalis at may aalis (siempre yung umaalis sa lugar kung nasa...

"Sulat ka ha!" ang malimit kong sinasabi noon o marinig kapag may umaalis at may aalis (siempre yung umaalis sa lugar kung nasan ako kasi kung yung umaalis sa puso e malamang di na susulat yun). Noon yun nung uso pa ang sulat kamay at ang pagpapadala sa post office. Ngayon halos ang lahat ng mga sulat ay sa email na pinapadala. Karamihan na lang na dumadaan sa snail mail ay yung mga transactional letters or business letters.

Palagay ko maganda pa din yung sulat na pinapadala sa pamamagitan ng post office kasi may mahahawakan kang ala-ala. Sulat na pinaghirapan gawin. Sulat kamay man yan o printed basta atleast nasa papel at pwede mong ulit uliting basahin o itago sa karton ng mga liham. Sulat na ginastosan sa pagbili ng embelop at stamp. May pananabik kasi, maghihintay ka talaga ng ilang lingo o buwan bago makatangap ng sulat mula sa pinadalhan mo. May excitement.

Salamat sa nagpadala ng sulat sa akin nung isang araw. Binigyan mo ako ng idea na ibalik ung dating exchange ng sulat through snail mail na gawain ko noon nung nasa Spain pa ako nakatira. Sulat ka ulit ha! Hanapin u na lang address ko sa address book.

No comments