Page Nav

HIDE

Si Idol: Ang Star ng Buhay Ko

Marami sa atin na mga pinoy gustong magaya sa ating mga idol sa TV: gustong gumwapo o gumanda, pumiti, tumangkad, magkabuhok, humaba a...


Marami sa atin na mga pinoy gustong magaya sa ating mga idol sa TV: gustong gumwapo o gumanda, pumiti, tumangkad, magkabuhok, humaba at wumawagayway na shiny hair, soft skin, maging cute, etc etc etc. Kaya naman katakot katok na crema, lotion, sabon, gamot na nilalagay sa katawan dahil si idol nga o, pumuti dahil sa Mira E, dahil si Maine nga lalong gumanda dahil sa Rejoice na gamit nya, etc. etc. etc. Thank you Lord alleluia sa mga tinalaban at pumuti o gumanda. E yung lalong pumangit at wala pang pera pampa opera?

Mga kapatid, napakarami nating stars, gaya ng mga bituin sa langit. Sa larangan ng takilya may superstar, may mega star, star for all seasons, star of the decade. Tho medyo naluma na sila dahil marami nang nagsulputan na iba. Matatawag na natin silang mga bituing walang ningning. Well itong mga baguhan na artista, di man star ang label nila, gaya ng dati patuloy pa din nila tayong dinadala sa di umano maganda at marangyang pamumuhay sa mundong ito. They are like little stars for us that guides us in what is best to consume in this world. Their beautiful words change our points of view, our way of living, our way of acting in this world. Karamihan nga lang ng mga productong ito, anyo lang natin ang nababago, sakaling may mabago nga, ... pero yung tayo, may nabago?

In today's readings, Feast of the Epiphany of the Lord, we heard about another light, of another star. Isang bituing na sobra ang ningning. The Gospel today speaks of a star that guided the three Wise Men. The Maggi saw the star and it brought them from the orient to the manger where Jesus lays. It was the light of this star that led them to him, it led them to Bethlehem where the newly born king lays. And after reaching their destination, after adoring and giving their treasures to the Lord, they returned in a different way, away from King Herod, ang dapat na star lang kuno sa panahon na iyon. Kay siya man ang hari. Kaso the words of Herod did not convince the three Maggi to come back to him. Pero ANG SALITA NG DIOS maging sa panaginip lamang AY NAKAPAGBAGO NG KANILANG LANDAS NA TATAHAKIN pauwi sa kanilang mga tahanan.

The star itself is a symbol of the light of Christ. Siya yun na binabangit ni prophet Isaiah na narinig natin sa first reading. He is the light that the prophet is referring to. The bright light of the Glory of the Lord. It is his light that enlightened the minds of the wise of old. And it is his light that enlightens the mind of today's wise men. One wise men would search the meaning of his life in Christ, in the Lord. And a wise man who does this would certainly find joy in life, satisfaction in the search that he has done. An enlightened man in Christ will certainly adore God for the findings, will certainly give to God his best treasure in life: his heart. It is as precious as gold, myrrh and frankincense (symbols of God's richness, adoration of God, and death that leads to God). An enlightened heart is touched by the words of God, is changed. His point of view is changed, the way of living is changed, the way of acting is changed. An enlightened heart is transformed. Eto hindi man ang anyo ang nababago, ANG NABABAGO DITO AY YUNG TAYO! A wise man is called wise, because he has a transformed heart. Pansinin mo ang kaibahan ng taong bukal ang puso sa maganda lang ang panlabas na kaanyuan. Diba't pag binilad mo yan sa araw o buhusan mo yan ng acido pareho, ung isa ay papangit pero mananatiling bukal ang puso at yung isa naman ay papangit na ang anyo. (Patawa at consolation lang yan sa mga pangit na kagaya ko. Pagkatapos magpaputi ng ilang bwan, tas naligo sa dagat, yun oh, balik sa nognog na anyo).

Kidding aside, anu nga ba punto dito? Aside from or rather than just looking at our stars in the billboards, televisions, cinemas, or copying whoever idol or star we have in life,WHY NOT LET OR MAKE JESUS CHRIST AS OUR GUIDING STAR, OUR TRUE IDOL, ANG STAR NG BUHAY KO, NG BUHAY MO. Let us let him share have a share in us and us in him. As the second reading tells us today: "we, God's people are called, in Christ Jesus, in sharing the same heredity, to form in the same body and to be sharers in the same promise through the Gospel. Let us be guided by him, let us be changed by him.

Isang palatandaan kung natagpuan mo na si Cristo sa buhay mo, ay ang pagkakaroon ng totoong pagbabago sa iyo. Di ka na ung dating ikaw. And take note, pagnatagpuan na natin si Cristo at naliwanagan nya na tayo, di na tayo dapat bumabalik sa dati nating pagkatao. Yun nga lang, diba karamihan ng mga productong iniendorse ng mga idol mo ay may side effects. Pues pagsumunod ka sa Salita ng Dios, magkaka side effect ka din: your life will be changed. You will have a different point of view in living. Magkakaroon ka ng ibang pamumuhay dito sa mundo na puno ng karahasan. Magkakaroon ka ng ibang pagnanaw sa mga problema at ibang pakikitungo sa mundong ginagalawan. Mawawalan ka, masisira ka, mamamatay ka, madudurog ang puso mo. Pero ang iyong kaluluwa ay tiyak na maliligtas at makakmit ang tunay na pag-ibig ng Dios. You'll be able to change it to joy, life of mercy and compassion. YOU WILL BE TRAVELLING A DIFFERENT ROAD, DIFFERENT FROM WHERE YOU CAME FROM. AND YOU YOURSELF WILL BECOME BEARERS OF THIS LIGHT.


Mga kapatid, bilang pagunita sa araw ng Pagpapahayag ng Dios, pakingan naman sana natin si Idol. Sundin naman din sana natin ang mga turo ni Idol. At siya ang gawin nating star ng buhay natin. At sa pamamagitan nito, tayo rin ay magiging munting bituin na nagniningning sa mundong ito. Happy Three Kings po. God bless you all!

No comments